Share

The Cross Dresser
The Cross Dresser
Author: Achebreakyhart

Chapter I

Justin’s POV

 “ P’wede ka nang mag bahay, ” komento ko habang pasimpleng dinudukutan ang isa sa mga sugarol na naglalaro. 

“ Nice card, ” sunod na sabi ko habang pasimpleng kinukuha ang pera sa gilid ng lamesa.

“ Oh palit tayo pwesto. ” Iniabot sa akin ni Canor ang nakuha niyang pera.

Nag palit na kami ng puwesto at nanguha uli ng mga pera.

“ Mas maganda ang card mo kaysa doon sa isa, ” pag komento ko uli habang inaakbayan ang isang sugarol. Pilit kong inaabot ang bag nito na nasa gilid lang niya. 

Maabot ko na sana ito nang biglang may nag salitang lalaki.

“ Hindi mo ako mananakawan, ” sabi nito habang hawak ang kamay ni Canor.

Medyo lumayo ako ng kaunti dahil tumayo na rin ang ibang tao na nasa table. Hindi ko alam ang balak ni Canor pero mukhang sinasabihan niya ako na maging alerto. Inilagay ko na ang perang nakuha namin sa bag na dala ko para maging secure. 

“ Takbo! ” Tinapakan nito ang paa ng lalaking may hawak sa kaniya at tumakbo. Kasunod no’n ay ang pag takbo ko rin.

Hinahabol kami ngayon ng mga lalaking iyon.

“ Mas magandang mag hiwalay tayo, ” sabi nito habang tumatakbo kami. “ Gamitin mo na ang buong pera na ‘yan pang down payment sa operasyon ng kapatid mo, ” sunod niya.

Tumango naman ako bago kami mag hiwalay. May dalawang eskinita roon kaya roon na kami pumasok. Siya sa kanan ay ako naman sa kaliwa, sabay ng pag hihiwalay namin ay ang pag hihiwalay din nung humahabol sa amin. 

Tatlong tao ang humahabol sa akin ngayon, pagod na ang mga paa ko sa kakatakbo pero hindi ako tumitigil. Dahil kahit malayo na ako ng kaunti ay naririnig ko pa rin ang mga yapak at boses nila. 

Saktong may nadaanan akong tambakan ng b****a. Kahit na mabaho ay pumunta ako sa likod ng mga garbage bag, inilagay ko ito sa ibabaw ko bilang pantakip. Pigil hininga ako habang pinakikiramdaman ang paligid ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak kaya tinakpan ko ang bibig ko.

“ Saan kaya napunta ‘yon? ” sabi ng isa.

 “ Tara, tignan natin doon, ” sabi ng isa bago ko narinig ang takbo nila palayo. 

Mga ilang minuto pa akong nanatili sa posisyon ko dahil baka bumalik ang mga ito. Nang wala ng bumalik ay umalis na ako sa puwesto ko, nagpalinga-linga muna ako bago umalis sa lugar na ‘yon. 

“ Lord alam kong mali ‘to, pero wala na po talaga akong maisip na paraan,” Nakatayo ako sa may pinto ng simbahan. 

Pumunta ako sa isang tahimik na lugar at tinignan kung magkano ang nakuha naming pera. Halos tumalon ako sa saya dahil ngayon lang ako nakahawak ng ganoong kalaking pera sa buong buhay ko. 

Itinago ko agad ito dahil baka may makakita at pagka interesan pa, masasayang lang ang pag takbo ko. Pumunta na ako sa hospital kung saan naka confine ang kapatid ko ngayon. Hindi na namin pino-problema ang bill dahil sinagot na ng Tita ko, pero huling tulong na raw iyon.

“ Aling Teresita, salamat po sa pag babantay. ” Nilingon ko ito at nginitian.

“ Nako iho. Wala ‘yon. Parang tunay na anak na ang turing ko sa inyo, ” ani nito.

Simula nang mawala sila Mama ay si Aling Teresita na ang gumabay sa amin. Kapit bahay namin siya at yung anak niya ay may sari-sarili ng pamilya. Kaya ayon, kami na ang itinuturing niyang pamilya. 

“ Punta lang po ako sa counter, babalik din po ako, ” pag papaalam ko sa kanila. 

Habang papunta ako ay nasalubong ko ang doctor na humahawak kay Shana. 

“ Doctor Farrah, ” ani ko kaya nilingon niya ako.

“ Oh Justin, anong sadya mo? ” Isinabit nito ang hawak niyang stethoscope sa kaniyang leeg.

“ Mayroon na po akong perang hawak. ” Kinuha ko ang pera na nasa bag at ipinakita sa kaniya.

Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa akin. 

“ Itago mo na lang muna ang pera na ‘yan, ” ani nito.

“ Bakit naman po? P’wede ko na po itong ibayad para maoperahan na ang kapatid ko. ”

“ Hindi pa sapat ang pera na ‘yan. Dapat ay 80% ng pera ang maibigay mo sa’min bago simulan ang operasyon. Sorry pero kailangan naming sundin ang patakaran ng Hospital. ” Yumuko ito bago umalis. 

Napa upo naman ako sa isang upuan doon at napasapo sa ulo ko.

“ Jusko po. Saan ko kukunin ang 80% ng 700,000 pesos, ” bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na napigilang hindi mapaluha dahil hindi ko na alam kung ano gagawin ko para makakuha ng ganoong kalaking halaga. 

“ Oh Justin. Ayusin mo yang hitsura mo, oh kulang ka pa ng lipstick, ” sabi ng tiga ayos namin.

Nandito ako ngayon sa pinag t-trabahuhan ko. Isa akong cross dresser sa club na ito. Kahit na bakla ako ay hindi ko gusto na mag suot ng mga damit pambabae. Nag susuot lang ako nito kapag nasa trabaho ako dahil kailangang-kailangan ko ng pera. 

Hindi masyadong kalakihan ang sweldo namin, swertihan na lang kapag may nag bibigay ng tip galing sa mga lalaking customer. Wala silang ideya na isa kaming cross dresser pwera na lang kung aayain nila kaming makipag talik.

 “ Kaya ang dami mong nadedekwat bakla e. Hindi halatang lalaki ka, ” sabi ni Sam na katulad ko ring cross dresser.

“ Hindi naman, tama lang ang beauty ko, ” pag bibiro ko sa kaniya.

“ Tama na ang usapan, kayo na! ” Napatayo kami sa kinauupuan namin at pumunta na sa stage. 

Nagsimula na kaming mag perform. Ganito kami, pinag p-perform kami ng ilang minuto at pag tapos no’n ay may tatawag na sa aming mga lalaki para itable kami. Nag boboses babae rin kami para hindi nila mabisto na lalaki kami. 

 “ Oh ikaw Jus, table 10, ” sabi ng Boss namin. 

Nag ayos naman na ako para pumunta sa Table 10. Habang naglalakad ako papuntang table 10 nang biglang may humawak sa kamay ko.

“ Be my fake girlfriend, ” sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.

 “ I’ll pay you one million, ” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil kaya nitong sakupin ang pang operasyon ng kapatid ko. 

Hindi agad ako naka imik dahil pinoproseso ko pa sa utak ko ang sinabi niyang babayaran niya ako ng isang milyon. 

“ Masyado bang maliit? ” pag tatanong nito dahil hindi ako naka imik. “ Two million? Name your price, ” habol pa nito.

Lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nag dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ang alok niya. 

Para kay Shana, Justin. Para sa kapatid ko.

Bumuntong hininga ako bago sinabi na, “ Anong dapat kong gawin? ”

Pinaupo niya ako sa harap niya at nakita ko nang malapitan at malinaw ang mukha niya. Hindi ko makakailang may hitsura ito, hindi gaanong matipuno ang katawan pero sapat na para hangaan. 

“ So, I’m hiring you to be my fake girlfriend. I’ll introduce you to my family as my girlfriend and we’ll announce that we’re getting married soon, and also— ”

“ Mag papakasal? ” singit ko habang nag sasalita.

Hindi kami p’wedeng mag pakasal dahil parehas kaming lalaki. 

“ Why? May problema ba? ” Itinaas nito ang kaniyang kilay.

“ Ano kasi… ” hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya na isa akong Drag Queen. 

 “ Ano? ” medyo iritadong tanong niya sa’kin.

“ W-wala naman. Nabigla lang ako, ” pag sagot ko.

Hindi ko na sinabi sa kaniya ang totoo dahil natatakot ako na baka bawiin niya ang offer niya sa akin. Sa tingin ko ay kaya niya ako inoferan ng ganoon dahil inaakala niyang isa akong tunay na babae.

“ Sapat na ba ang isang milyon o gusto mo pa ng mas malaki? ” 

“ Okay na ako roon. ” 

 “ All clear na tayo? ” ani nito habang seryosong nakatingin sa akin.

“ Oo, ” pag sagot ko.

“ Lagay mo ang phone number mo rito para matatawagan kita. ” Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

 “ Your name, please. ”

 “ Jannah, ” agad na sambit ko.

 “ I’ll call you Jannah if ever na kailangan na kita. ” Tumayo na ito at inayos ang upuan sa harap ko. “ And by the way, Im Lincoln, ” ani nito bago tuluyang umalis sa bar.

Naiwan akong mag isang nakaupo sa table kaya tumayo na ako at pumunta sa staff room. 

“ Kuya bakit naka damit pambabae ka? ” nag tatakang tanong ni Shana sa akin. 

Nag text kasi kahapon si Lincoln na ngayong araw niya ako ipapakilala sa parents niya. 

“ Mag t-trabaho lang si Kuya, ” pag papaliwanag ko sa kaniya. 

“ Para ba yan sa pang operasyon ko? ”

Nginitian ko lang siya.

“ Sorry Kuya. Kailangan mo pang mag suot ng ganyan dahil sa’kin, ” malungkot na tugon nito.

 “ Shana, walang pumilit sa’kin. Kusa kong ginagawa ito, ” pag papagaan ko sa loob niya. 

Tumingin ito sa’kin sabay yumakap.

“ Sorry kuya. Nahihirapan ka dahil sa akin, ” hindi na niya mapigilang umiyak. 

“ Shh. Hindi nahihirapan si Kuya, okay na okay kaya ako, ” sabi ko para mapatahan siya. 

Nang tumahan na siya ay nag paalam na ako. 

Nandito na ako ngayon sa usapan namin ni Lincoln pero wala pa siya. 

“ Sorry, may dinaanan ako, ” sabi nito sa tabi ko. 

“ Okay lang, ” sabi ko naman. 

Tahimik ang naging byahe naming papunta sa bahay nila. 

“ Surprised? ” pag tatanong nito. 

“ Oo naman. Mansiyon pala ang tinitirhan niyo, ” hindi makapaniwalang sabi ko. 

“ Tara na, hinihintay na nila tayo. ”

Nang makarating kami sa dining area ay naroon ang pamilya niya. 

“ Guys, this is Jannah. My girlfriend. ” Hinawakan niya ang kamay at bewang ko.

“ Nice meeting you Iha. I’m the mother of Lincoln, you can call me Mom too. ” Bumeso ito sa’kin. 

Sumunod na lumapit ang dalawang babae.

“ I’m Veena, ” ani ng isa.

“ And I’m Vanessa, ” sabi ng isa.

“ My younger sisters. Actually twins sila, ” pag papaliwanag ni Lincoln.

“ Dad, si Jannah po. Girlfriend ko. ” Ramdam ko ang pangangatog ng kamay niya dahil magkahawak kami. 

Agad siyang niyakap nito kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa’kin. 

“ Proud of you son! Pinatunayan mong hindi ka bakla. Kailan ang kasal? ” ani nito pag tapos yakapin si Lincoln.

“ Hindi pa po namin napag uusapan, pero as soon as possible, ” pag sagot niya.

“ Welcome sa family, Jannah. ” Niyakap ako sandali ng Tatay niya.

Umupo na kami sa hapag at nag simula na kaming kumain. Pag tapos naming kumain ay inaya ako ni Lincoln na roon muna kami sa kwarto niya. 

“ Bakit pala parang sobrang halaga sa’yo na may maipakilalang girlfriend sa kanila? ” 

“ Kasi kapag may naipakilala na ako sa kanila ay ilalagay nila ang kompanya sa ilalim ng pangalan ko. Tsaka para hindi na nila isipin na bakla ako. ” 

“ E ikaw? Bakit mo tinanggap yung offer ko? ” Tumingin ito sa akin kaya nag tama ang mga mata namin. 

“ Kailangan ko yung inalok mong pera. ” 

“ Bakit naman? ” 

“ Pang operasyon sa kapatid ko. ” 

Sinabi ko ang totoong pag gagamitan ko ng pera dahil baka isipin pa niya ay gagamitin ko sa masama.

“ Anong sakit? ” may halong pagka intriga ang tanong niya.

“ May butas sa puso. Sabi ng doctor kailangang maoperahan agad. ” 

“ Yung magulang niyo? ”

Naging interesado si Lincoln sa mga kung ano ang isasagot ko sa kaniya. 

“ Matagal na silang wala. Ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko at sa kapatid ko. ”

“ Sorry for your loss, ” bahagyang humina ang boses nito.

“ Okay na. Matagal-tagal na rin ‘yon. ” 

“ Magkano yung gastusin sa kapatid mo? ” 

“ Mga 700 thousand din. ” Kinuha ko ang phone ko dahil nag vibrate ito.

Nakita ko sa screen na tumatawag si Doc. Farrah. 

“ Yes po Doc? ” medyo kinakabahang tanong ko.

“ You need to go here. Inaatake na naman ang kapatid mo. ” 

Napatayo ako agad dahil sa sinabi ni Doc.

“ Pabalik na po, ” sabi ko bago ibaba ang telepono.

Lalakad na sana ako papuntang pinto pero pinigilan ako ni Lincoln.

“ Where are you going, huh? ” 

“ Kailangan ako ng kapatid ko, inaatake raw. ” 

“ Sandali. ” Binuksan nito ang wallet niya at may inabot na card sa akin.

“ Ano ‘to? ” nag tatakang tanong ko.

“ ATM card ko. One million na ang laman niyan, mukhang sobrang kailangan mo. 2078 ang pin number, ” sabi nito. 

“ Pero… ” sambit ko. 

 “ Kukunin mo ba o hahayaan mong mamatay ang kapatid mo? ” sabi nito sa’kin. 

Walang alinlangan ko itong kinuha at nag paalam sa kaniya. Nang makarating na ako sa hospital ay nakita ko ang kapatid ko na maraming tubo ang nakasaksak sa katawan niya para lang makahinga siya ng maayos.

Nakakapanlumo.

“ Justin. ” Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Doc Farrah.

“ Doc, may pera na kami. Isang milyon ang laman nito. Operahan niyo na ang kapatid ko. ” Ipinakita ko ang hawak kong card at nag mamakaawa.

Hindi ko kayang makita ang kapatid ko na maraming tubo sa katawan. Nanlalambot ako dahil maayos ko siyang iniwan dito sa loob ng Hospital. At pagbalik ko, ito na. Andami ng tubo ang nakakabit sa kaniya.

“ Kalma ka lang Justin, ” ani nito.

May tinawag itong ibang nurse at lumapit sa kama ng kapatid ko. Sinimulan na nilang ilabas ito na ibig sabihin ay sisimulan na nila ang operasyon. 

“ We’ll do everything we can, ” sabi ni Doc Farrah bago ipasok sa operating room si Shana. 

Pumunta naman na ako ng counter para magbayad. Mga ilang oras din ang tinagal ng operasyon kaya ilang oras akong hindi kumain dahil hinihintay ko si Doc. Nakita kong lumabas si Doc Farrah kaya lumapit ako.

“ Kumusta po? ” tanong ko.

“ Successful ang operation. Kailangan lang niyang magpahinga. ” Humawak ito sa braso ko. 

Nilabas na rin ang kapatid ko at ipinasok na sa kwarto niya. Mahimbing lang siyang nakahiga at halata na nakakahinga na siya ng maluwag.

“ Kuya, ” rinig kong sabi ni Shana kaya nagising ako. 

“ Shana, ‘wag ka munang gumalaw, ” pag papaalala ko. 

“ Galing na ba ako? ” 

“ Oo. Nagamot ka na, ” sagot ko habang nakangiti. 

“ Saan mo nakuha ang pera? ” nag aalalang tanong nito. 

Hindi ko kayang magsinungaling sa kapatid ko kaya sinabi ko sa kaniya ang lahat. Kung paano kami nag kakilala at nag karoon ng deal ni Lincoln at yung nangyari rin kanina. 

“ Lincoln? As in Lincoln Martinez Jr.? ” Hindi makapaniwalang tanong niya. 

“ Oo. Bakit kilala mo siya? ” medyo nag tataka kong tanong kasi hindi ko naman nababanggit sa kaniya ang tungkol doon.

“ Kuya naman e. Siya yung tinutukoy kong crush ko na magiging CEO ng isang kilalang company. Kuya long time crush ko ‘yong si concon e, ” pag sabi niya na halos ikalaglag ng panga ko. 

I am dating my sister’s long time crush.

 Lincoln’s POV

“ O to the M to the G sis, naa-attract ka na sa girl? ” hindi makapaniwalang tanong ni Shaine sa kabilang linya. 

“ Hindi naman siguro. Alam mo naman ang hilig ko, ” sabi ko.

Imposibleng magka gusto ako sa babae, alam ko ang gusto ng puso ko. Sa lalaki lang ito naa-attract, pero bakit parang may kakaiba kanina habang kinakausap ko si Jannah. 

“ Ayan sis ha. Nagbibinata ka na! ” pag bati ni Shaine.

“ Gago! Mandiri ka nga. ” Ibinaba ko agad ang call. 

Hindi maalis sa isip ko yung naramdaman ko kanina. Parang may boltahe na dumaloy sa’kin no’ng nagka tinginan kami. Pero Imposible. 

Napatingin ako sa phone ko dahil nag vibrate. May message si Jannah sa akin.

: Thank you sa pera, ligtas na ang kapatid ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hinawakan ko ang puso ko at ang bilis ng tibok nito. Bumibilis ito kapag naiisip ko si Jannah lalo na ang nangyari kanina.

Shit! Am I inlove with a woman?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status