ISANG linggo, isang linggo din ako na walang maalala. Nakalimutan ko ang lahat, kahit na ang mga kakilala ko. May isang babae lamang na kahit anong taboy ko ay di ito umaalis. Nagpakilala pa ito siya daw ang asawa ko. Kahit alam ko naman na hindi.Noong wala akong maalala. Wala akong maramdaman kahit na ano sa babae. Ayon dito ay siya daw ang asawa ko. Pero noong bumalik na ang mga ala-ala ko ay tsaka ko lang naisip na kahit kailan ay di ko minahal ang babaeng iyon, at kahit kailan ay di ko naging asawa ang babaeng iyon.Dahil sa aksidente na kinasadlakan ko ay nawala nang tuluyan sa akin ang babaeng mahal ko. Umalis ito na di ko man lang ito nakakausap. Umalis ito na di man lang kami nagkita."Hi, baby," nakangiting bati nito sa akin.Tinignan ko ito. Di ako ngumiti dito. Kahit noong una ko itong makita."Kumain ka na, baka malipasan ka ng gutom," sabi pa nito."Bakit ginagawa mo ito?" tanong ko sa kanya."Asawa mo ako, Clyde. Kaya dapat lang kitang alagaan.""Wag mong ipilit ang sar
DI KO alam kong ano ang nangyari. Dahil nang niyakap ko ang aking ina ay nawalan ako ng malay. Di ko matanggap na wala na aking ina.Di ko man lang naabutan ang akin ina. Bumangon ako, nasa ospital din pala ako."Don't move," saad ng isang boses."Clyde…" tanging nasabi ko na lamang.Ano ang ginagawa niya dito. Oo nga naman, bestfriend ni mommy ang ina nito."How's your feeling?" concern nitong tanong sa akin."I am fine." Di ko siya magawang tignan. Dahil alam ko sa sarili ko na di pa ako nakamove on.It's been 10 years, sobrang tagal na pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit. Napatingin ako sa kamay nito. Sa mismong daliri nito. Walang singsing na pagkakatanda na kasal na ito. Ngumiti ako ng mapait.Oo nga naman sino ba ang gustong malaman ng marami na kasal na pala ang lalaking nasa harapan ko. Hinubad siguro nito ang singsing."Magpahinga ka muna. Mamaya ay lalabas ka na," malumanay nitong sabi sa akin."Si mommy?" Pumiyok ang boses ko. Dahil di ko talaga matanggap na wa
Ngayong araw ang cremation ni mommy. Noon pa man ay gustong macremate ni mommy. Ayaw nitong mailibing, gusto nito na nasa bahay siya. Kahit ang abo lang niya.Di ko mapigilan ang umiyak. Ang dami kong regrets sa buhay. Di ko na nakasama si mommy ng matagal. Akala ko, pag-uwi ko ay makakasama ko pa siya.Isang matipunong bisig ang yumakap sa akin. Hinayaan ko lamang ito, dahil wala akong lakas na iwaksi iyon. Umiyak lang ako nang umiyak sa kasagsagan ng cremation ni mommy.Nang matapos na ay ibinigay sa amin ang abo ni mommy. Si Ate Selena ang tumanggap sa abo ni mommy. Dahil di ko kayang hawakan iyon. Di ko kayang tanggapin na wala na ang pinakamamahal ko na ina. Iniwan na niya kami nang tuluyan.Umuwi na kami, matapos maibigay sa amin ang abo ni mommy. Doon sa may altar namin inilagay, para kahit paano ay kasama namin siya."We need a doctor, Sheena. Hindi na biro ang kondisyon ni Daddy," sabi ni Ate Selena sa akin. Nasa hapag kami ngayon ay kasalukuyan na kumakain.I watch my daddy
MATAPOS kong malaman na engaged na sila Clyde at Ivy ay agad kong pinatay ang TV.Masakit para sa akin ang mga iyon. Dapat hindi ako umasa na may chance pa kaming dalawa ni Clyde. Agad kong pinahiran ang mga luha sa aking mga mata. Dapat ko na talagang kalimutan si Clyde.Tumunog ang aking Cellphone. Galing iyong kay Eli. Malapit na din palang dumating ang mga anak ko. Sila na lang ang hinuhugutan ko ng lakas ngayon."Eli," sagot ko sa kabilang linya."How are you?" tanong nito sa akin.Bigla ay tumulo ang luha ko. I know na alam na nito ang lahat."I am fine." Pumiyok ang boses ko. Di ko napigilan ang sarili ko na humikbi."I know that you aren't fine right now. Pero sana isipin mo na may mga anak ka dito.""How are them?" tanong ko kay Eli."May sakit si Clea. Nilalagnat." Nag-alala ako bigla. Lalo na't wala ako sa tabi ng mga anak ko. "Pero okay na siya ngayon. She is a fighter." Alam kong nakangiti ito kagaya ko. "Kaya magpakatatag ka. Wag mo nang masyadong isipin sila."Papasok
HULI, na yata ako. Nasasaktan ako sa pinagsasabi ni Sheena. Tinignan ko ang babaeng nasa tabi ko. Mahimbing itong natutulog sa kinauupuan nito.Nakatulog ito, matapos mag-iiyak papuntang airport kanina. Dahil nasa eroplano na kami ay pinatulog ko muna ito, alam kong pagod ito at agad na bum'yahe.Sobrang sakit lang, dahil ang babaeng mahal ko at may mahal ng iba. Siguro, dahil dala na rin ng bugso nang damdamin ay naibigay nito sa akin ulit ang pagkababae nito.Pero, impossible. Sobrang sikip ni Sheena, or sadyang malaki lang talaga ang akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Kung huli na ako, dapat ko na sigurong tanggapin ang lahat."Clea…" ungol ni Sheena.Clea? Sino si Clea.Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng eroplano. Nilingon kong muli si Sheena. Mahimbing na itong natutulog muli. Siguro pagdating namin doon ay tsaka ko na lang iisipin ang mga nangyayari.Mahal ko si Sheena. Kaya sasamahan ko siya sa lahat. Kahit na masasaktan ako ng paulit-ulit.Nakarating kami sa Cal
Ilang linggo na mula ng maoperahan si Clea. Sa awa ng Diyos ay dinig niya ang panalangin ko na iligatas ang anak ko.Sa loob ng ilang linggo ay di pa rin nagpapakita si Clyde sa amin. Di na ako aasa na babalik pa si Clyde. Alam ko na di na kami ang priority niya."Mommy, I want apple," mahinang sambit ng anak ko.Ngumiti ako, dahil sa wakas ay gising na ang anak ko.Pinagbalat ko ito ng apple, tapos ay ibinigay ko sa kanya."Ano pa ang gusto ng baby ko?" tanong ko dito."Ito na muna mommy."Sinuklay ko ang buhok nito. Isang linggo na din mula nang magasing si Clea, mula sa operation nito. Akala ko ay di na gigising pa ang anak ko. Pero nagkamali ako. Gumising ito."How do you feel?" tanong ko dito.Ngumiti ito. Kahit di abot sa tainga ang ngiti nito ay okay lang."I am much better right now. Nanghihina pa rin ako mommy," sabi nito sa akin."That is normal. Dahil siguro, kakaopera mo lang at kakagising mula sa mahabang pagkakatulog," sabi ko dito."Jay said daddy is here? Where is he,
HINDI ako nagsabi kay Clyde na uuwi kami ngayon ng Pilipinas. Gusto naming surprisahin si Clyde. Didiretso kami sa bahay nito, bago kami uuwi ng mansion."Are you sure about this?" tanong ni Eli sa akin.Hinawakan ko ang mga kamay nito. I know na sobrang nag-alala ito sa pag-uwi namin. She is my only friend here, kaya alam ko ang labis na pag-alala nito."Yes, ito na ang tamang panahon. Para umuwi kami sa Pilipinas. Ilang taon din akong nagtago sa ibang bansa. Ngayon ay dapat ko nang bawiin ang pag-aari ko."Siguro ay wala talaga akong isang salita. But, I love Clyde so much. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nahahanap at nahahanap niya ako. Kaya napagod na siguro ako sa kakatago o kakatakbo. Kaya dapat ko ng bawiin kung ano ang akin. Wala na akong pakialam kay Ivy. Clyde didn't love her. I know that. Sa loob ng sampung taon na di kami nagkita o nagkahiwalay ay walang nabago sa nararamdaman ni Clyde para sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal ni Clyde para sa akin. Pwede namang magpakaama si
HABANG nasa van kami kanina ay tahimik lamang ako. Di nila napansin na may mga device na nakakabit ss aking katawan. Di rin naman nila mapapansin ang mga device na iyon. Dahil sobrang liit ng mga iyon."Wag kang mag-alala, Sheena. Malapit ka na naming matrack. Kunting tiis na lang babe." Di ako umiik. Dahil baka mahalata nila ako.Bumukas ang pinto ng pinagdalhan nila sa akin at iniluwa doon si Ivy. Nakangisi ito sa akin."Ang akala mo siguro ay maiisahan nyo ako? Alam ko ang mga pinaggagawa ni Clyde. Sinasakyan ko lamang siya.""Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko dito. "Akala pa naman, tunay ang pinapakita mo sa akin. Hindi pala."Tumawa ito. "At naniwala ka naman? Lahat Sheena ay planado ko. Mula sa pagkakilala natin. Sa pagkakaibigan.""Hayop ka talaga. Di ka pa nakuntento. Ano ang kasalanan ko sa iyo? Bakit mo ako ginaganito?"Gusto ko siyang saktan. Pero di ko magawa. Dahil nakagapos ako sa kinauupuan ko ngayon."Dalawa lang naman ang kasalanan nyo o mo sa akin," sabi nito. "Una,