Share

Chapter 44

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-07-27 22:47:06

Kunot-noong tinitigan ni Diana si Thaddeus. Nakasalampak ito sa sahig habang naglalaro ng MOBA Games sa cellphone nito. Kanina pa niya ito hinihintay. Napabusangot siya at humalukipkip.

Bugnot na bugnot na si Diana. Paano, ang magaling nila na kasama kuno— parang walang balak na magliwaliw sa labas. Ang gusto pa naman niya sana ay mag-unwind. Gusto niya'ng sulitin ang nalalabing oras bago bumalik sa trabaho, pero ang iba ang trip ni Thaddeus. Mas gusto ata nito'ng humilata na lang magdamag haba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 44

    Kunot-noong tinitigan ni Diana si Thaddeus. Nakasalampak ito sa sahig habang naglalaro ng MOBA Games sa cellphone nito. Kanina pa niya ito hinihintay. Napabusangot siya at humalukipkip.Bugnot na bugnot na si Diana. Paano, ang magaling nila na kasama kuno— parang walang balak na magliwaliw sa labas. Ang gusto pa naman niya sana ay mag-unwind. Gusto niya'ng sulitin ang nalalabing oras bago bumalik sa trabaho, pero ang iba ang trip ni Thaddeus. Mas gusto ata nito'ng humilata na lang magdamag habang nakatunganga sa cellphone nito.Inabot sila ng mahigit limang oras sa pagbibiyahe kahapon. Akala pa naman niya ay maging worth it ang pagbibiyahe nila. Medyo excited pa naman siya dahil nagtanong kahapon kung saan niya balak magliwaliw. Iyon pala ay hanggang drawing lang pala ang tanong nito. Akala niya na sasamahan siya nito. Ayaw niya sana na maglakwatsa na siya lang mag-isa. Tumayo si Diana. Hindi siya nakatiis. Sinipa niya ang paa ni Thaddeus. Salubong ang kilay na nag-angat ito ng ting

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 43

    Nabuhay ang dugo ni Scott nang lumingon si Diana sa gawi niya. Kumunot ang noo nito. Halata curious dahil sa isang kotse na nakaparada sa ilalim ng puno. Bagaman nakatitig ito sa kanya ay hindi siya nataranta. Bagkus ay tinitigan niya rin ito habang nakatago sa loob ng kotse. Alam niya'ng hindi siya nito nakikita dahil medyo malayo ang distansiya nilang dalawa.Subalit ang napawi ang kanyang kasiyahan nang may lumapit kay Diana na isang lalaki. Hinipan nito ang tainga ni Diana dahilan upang ma-distract ito sa kakatitig sa gawi niya. Napatiimbagang ang bagang ni Scott. Matalim niyang tinitigan ang lalaking kasama ni Diana.Kitang-kita niya kung paano magtitigan ang dalawa. Kaunting lapit na lang ng lalaki ay mahahalîkan na nito si Diana. Hindi pa ito nakuntento, hinaplos pa nito ang tungki ng ilong ni Diana bago pumasok sa kotse.Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Scott. Napahawak siya ng mariin sa manubela ng kanyang kotse. Para'ng kakapusin siya ng hininga dahil sa galit. Marahas n

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 42- Instinct kicks

    Wait…”Napahinto si Diana. Nakaawang na ang pinto ng kotse at nakahawak na siya roon. Takang lumingon siya kay Thaddeus.“Ano?” tanong niya na halatang napipika na. “Mang-aasar ka na naman?”“Tch!” usal ni Thaddeus. “Gusto ko lang itanong kung diyan ba talaga tayo matutulog ngayong gabi?”Sinara ni Diana ang pinto at binalingan si Thaddeus. “Bakit? Eh dito naman talaga tayo matutulog?”“After everything her relatives did to them?" Thaddeus asked. Ngumuso siya sa bintana. “Tignan mo, parang nagtatalo pa yata sila.”Kumunot ang noo ni Diana. Lumingon siya sa bintana. Binaba niya ng kaunti ang bintana para marinig nila ang pag-uusap nila Raine.Napatiimbagang si Diana nang marinig ang pang-iinsulto ng mga kamag-anak ni Raine. “Lintek iyang mga ‘yan. Mga walang modo.”“Ano? Sa kanila pa tayo matutulog?” Panghahamon ni Thaddeus. “Baka mamaya kapag natutulog tayo, aambatain pa tayo ng mga kutsilyo niyan.”“Tsk! Loko ka, hindi naman siguro,” sabi ni Diana. Sumulyap siya kina Raine at Tita Ro

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 41

    Hindi maiwasan ni Diana na madala habang nakatingin kina Raine at Tita Roberta. Kahit nakatago siya sa likod ng tinted window ng sasakyan ni Thaddeus, kitang-kita niya ang pagkasabik ng mga ito. Naalala niya ang kanyang pamilya. Ganoon din kasi ang mga ito.Hindi niya maiwasang ipagkompara ang sarili sa tuwing susunduin siya ng Mommy at Daddy niya sa airport. Habang karga ng Daddy niya si Demi, ang kanyang Mommy naman ang tagahawak ng cardboard na may pangalan niya. Alalang-alala niya ang tuwa na sumasalamin sa mga mukha nito.Ganoonpaman, habang tahimik na pinagmamasdan ni Diana sila Raine. Pansin niya ang hindi magandang pagtitig ng pinsan nito. Kitang-kita niya kung paano nito inarapan si Raine. Maging ang mapanghusgang mga mata nito ay malinaw na malinaw sa kanya.“Tita was right," Thaddeus muttered as he gazed through the one-way tinted glass.“ Medyo hindi nga maganda kung makatingin kay Raine ang pinsan niya."“Tch! Napansin mo rin pala.” Humalukipkip si Diana habang nakatanaw p

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 40- Maragoza, her escape

    Dumaan ang tatlong buwan, wala ng naririnig si Diana galing kay Scott. Hindi na siya nito binubalabog. Hindi na rin ito nagpapakita sa kanya at mas lalong hindi na siya nakakatanggap ng mga unexpected gifts. Bumalik sa dating gawi ang buhay niya. Bagay na ipinagsalamat niya dahil wala na siyang problema.Aaminin niya'ng iniisip niya pa rin si Scott. Lalo na noong nag-order ito ng lunch para sa kanya. Akala niya kasi ay bubulabugin na naman siya nito. Alalang-alala pa naman siya that time na baka nasa lobby ito ng Forgatto. Ganoon kasi ang estilo nito. Kapag may sadya ito ay mag-aabang ito sa baba.Laking gulat na lang niya na wala ang bulto nito pagkababa. Inisip niya na baka nagpa suspense lang ito. Na baka sa susunod araw pa ito mamemeste, pero hindi. Talagang hindi ito nagpakita sa kanya. Simula niyon, wala na siyang balita kay Scott.Napangiwi si Diana. Ayaw na niya'ng iisipin pa si Scott kaya naiisip niya'ng silipin si Raine at Tita Roberta. Nasa likod ito ng sasakyan nakaupo. Ma

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 39

    “Bud….”Napalingon si Scott kay Crassus nang tawagin siya nito. Nasa loob sila ng leisure house nito. Hindi niya alam kung ano'ng tupak ang mayroon ito ngayon. Bigla itong tumawag at nang-aya na uminom.Kaya ito sila, parehong nakasalampak sa carpet. “Yes,” Scott replied. Pagkatapos ay uminom siya ng alak.Tinungga muna ni Crassus ang laman ng tin can beer nito bago magsalita, “How are you and Chermund?”Kamuntik ng mabulunan si Scott dahil sa tanong nito. Pinahid niya ang kanyang bibig at gulat na napatitig kay Crassus.“Why did you ask?” Nagkibit-balikat si Crassus. “I'm just curious.” Dumampot siya ng chips sa la mesa. He fixed his gaze on Scott. “I haven't heard anything about you two these past few months.”Natahimik si Scott. Kunot-noong tinungga niya ang laman ng tin can beer habang nakatitig sa sahig. Nakulangan pa siya sa kanyang nainom kaya uminom ulit siya. Sa pagkakataon iyon ay naparami na ang kanyang nainom.Bumuntonghininga si Scott pagkatapos uminom. Lumingon siya ka

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 03- Keeping secret to her Best friend

    “I want to keep the baby. Gusto ko po'ng itago sa kanya na buntis ako.”Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho sila'ng nagulat sa desisyon ni Diana. Akala nila ay gagamitin ni Diana ang bata’ng dinadala nito para manghabol. Pareho nila alam kung gaano nito kamahal si Scott, pero bakit gusto nito itago

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 06- Leaving his son

    Nasa backyard ang pamilyang Potterton. Maganda ang araw kaya naisip nila na mag-picnic sa likod. Habang nakaupo sa nilatag na picnic blanket ang mag-lola— nakalublob naman si Diana sa pool nila para magpalamig. Si Arthur ay namamahinga sa ilalim ng parasol. Umahon si Diana sa pool. Tumambad ang ab

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 05- Will never allow him to get close to her son

    “Crassus…”Kumunot ang noo ni Crassus nang makita ang hindi maipinta'ng mukha ni Scott. Pabagsak ito’ng umupo sa harap niya nang nakatiimbagang. “You have a lot of explaining to do,” Scott said coldly, trying hard to keep composure because his patience is wearing thin. “Why didn’t you tell me she'

  • The Day I Left the Coldhearted Billionaire    Chapter 04- Shocking Encounter after Three Years

    Lukot ang mukha ni Scott habang tinatahak ang hallway ng kompanya'ng pagmamay-ari ng parents niya. Hirap na hirap makisabay sa kanya si Gilbert— ang bago niyang lalaki na secretary.Umaatake na naman ang arthritis ng Daddy niya kaya siya ang nakatukang mamahala sa kompanya nila sa loob ng ilang ara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status