LOGINAla una na ng gabi nang magising ako. Wala siya sa tabi ko kaya lumabas ako ng kwarto.
"Babe?" nakita ko siya sa kusina na may iniinom. "Vitamins mo?" "Oo" "Bilisan mo na antok na ako" lumapit ako at yumakap sa likod nya. "Una ka na babe, I'll just finish this" he patted my head and continued drinking "Sabay tayo" isinandal ko ang ulo sa balikat nya pero dahill don ay naamoy ko ang vitamins nya. "Iiih! Ang baho!" masuka suka ako sa amoy non. He smiled and fixed my hair, "Kaya mauna ka na okay? I'll brush my teeth after this" I pouted and obeyed him. Wala rin naman akong magagawa dahil napaka baho talaga non. Kinabukasan, nagising kami sa tilaok ng mga manok at sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto. "Clara kakain na?" "Patay! Si kuya Miko yun" kaagad akong lumingon sa kay Clark at ginising siya. "Babe, tara na kakain na" "Hmmm" antok na antok pa siya. Alas dies naman kasi ang gising nito palagi. "Babe, sumunod ka sa kusina ha? Papatayin tayo ni Kuya Miko, nako!" Kaagad na akong dumiretso sa labas. Nasa kusina na si mama at nagaasikaso na sila ng lamesa. "Good morning po!" Masaya kong bati. Dumiretso ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos. Paglabas ay nakaayos na sila kaya tumabi na rin ako. " Si Clark?" Tanong ni mama "Ah palabas na po 'yon. Babe!" muli kong tawag. "Oh mag sandok na muna habang hinihintay siya." kaagad akong tumalima at isa isa na kaming nagsandok ng pagkain. "Babe" pare pareho kaming napalingon sa kanya. Muntik kong mabitiwan ang plato ko, mabuti na lang at nasalo ni Kuya Carlo "Oh dahan dahan, tsk." "B-babe" umupo siya sa tabi ko. Nakatitig kaming lahat sa kanya habang siya naman ay antok na antok pa. Wala siyang saplot pang-itaas at naka expose ang mga muscles nya. "Ganyan din ako nung kabataan ko, 'di ba Fatima?" ngising sabi ni pala. "Hindi, mas matcho ka" malanding sagot ni mama kaya napangiwi kaming lahat. Hinampas ko siya sa balikat. "Clark, ano ba? Wala kang damit" "Oh, I'm sorry. Magbibihis lang po ako. Sorry po" wala pa rin siya sa sariling bumalik sa kwarto. "Ang cute talaga ng boyfriend mo ano? Lumabas kayo mamaya ha? Para makita ng mg inggitera mong pinsan hihi" si Mama "Ayan tapos pag inaway si Clara di nyo naman ipagtatanggol" si kuya Von "Sus! Malaki na siya" "Oo nga naman Fatima eh, hilig mo sa ganyan tapos ang anak mo ang kawawa" Nang makabalik si Clark ay kaagad na rin kaming kumain at naglinis ng bahay. Habang naglilinis ay naliligo naman si Clark. Panay din ang sunod ng mata nila kuya Miko at kuya Carlo sa kanya kaya hindi ko maiwan iwan. Malakas din kasi ang trip ng dalawang 'to eh. "Tara labas tayo" aya ko sa kanya. "Let's go" "Dito sa gilid, may maliit kaming garden. Siguruhin mong wala kang masisira dyan dahil ikaw ang itatanim ni nanay kung magkataon." Natawa siya sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi 'yon joke" pumunta naman kami sa harap at lumabas ng gate. "Ito yung tindahan namin." "Uiy Clara! Kamusta?" bati ng tambay, nginitian ko lang siya at tinanguan. "Maliit lang 'to noon, pina lakihan at pina semento ko doon sa pera na binigay ni Adda" ngumiti siya at inakbayan ako. "You really know how to handle your money, you have your own priorities. Nakaka proud" nakangiti nyang ginulo ang buhok ko. "Well, thanks to Adda. Dati hindi ko naman alam yang mga ganyan ganyan eh. Basta may malaking sahod ako, akala ko 'yon na 'yon" "Clara, halika!" tawag ni mama. Lumapit kami sa harap ng tindahan. "Ano ma?" "Oh mirienda kayo" inabutan nya kami ng tsitsirya at soft drinks. "Ay naks! Libre to?" "Hindi, lilista ko. Business is business" biro nya "Imot mo naman!" Umupo kami sa upuan sa harap habang pinapanood ang mga batang naglalaro. "Your mom is funny, ang bait din nila ng papa mo" bulong nya dahil sa talat namin ay may mga nakatambay. "Oo, nakakaumay yang dalawa na 'yan pag naglalampungan" "Hahaha, yung mga kuya mo naman halatang ayaw sa 'kin" "Hindi kita matutulungan dyan hahaha" "Psshh! Sama mo!" "Clara!" kumakaway kaway ang mga pinsan ko sa amin. "Pinsan ko yang mga 'yan" bulong ko sa kanya habang pilit na nakangiti. "'Wag mong papansinin ha? Anak ng chismosa yung isa yung babae. Pag pinansin natin 'yan lagot tayong dalawa." "Hahaha grabe parang takot na takot ka sa mga kamag-anak mo ah?" "Nakakahiya kasi sila." "Why?" "Hindi naman sa ano ah? Pero kasi napaka narrow minded nila. Pala hingi, tapos gusto sila nasusunod lagi. Mahilig pa gumawa ng chismis. Panay ang bigay mo tapos pag minsan mong matanggihan, kung i describe ka nila akala mo apo ka ni satanas" "Hahahahaha! Grabe naman 'yon!" "Seryoso, ganyan si-" "Uiy Clara!" "Ay palaka!" bigla na lang silang sumulpot sa gilid ko "'Yan na 'yon?" bulong ni Berto "Ang alin?" "Yung chupapi mo" malandi nyang bulong. "Hahaha oo, si Clark. Boyfriend ko." "Boyfriend?! Eh sahi ni mama sugar dad mo daw 'yan" nakataas pa ang kilay ni Mae Mae nang sabihin 'yon. "Gaga ka talaga ang ingay mo!" Binatukan siya ni Berto. "Nagpapapaniwala ka na naman agad sa mga chismis kaya walang usad 'yang buhay mo" "Hi" singit ni Clark "Hi pogi" nag-beautiful eyes pa ang bading. "Hoy Berto! Sino may sabing sugar Dad ko 'to ha?" "Sino pa nga ba edi si Tita Mayet at Tita Lizeth, alam mo naman favorite pamangkin ka ng mga 'yon" "Hay nako Mae Mae, sabihin mo dyan sa nanay mo bago ako ichismis matuto magbayad ng utang ha?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko "Pssst! Clara! Ano ba yang sinasabi mo sa pinsan mo ang bata bata pa nyan" si Mama na nagaayos ng paninda "Eh kasi naman tita totoo naman, bastos naman talaga 'yon sila" si Berto ang sumagot. "Hoy Clara naririnig ka namin ha! Aba pagka bastos bastos ng bunganga mo!""Babe," tawag ko. "Hmm?" "Alam mo ba kung saan pupuntahan Nanay nila?" Nasa isang fastfood kami ngayon at pinapakain muna sila. Panay ang, 'wow' ng dalawa dahil sa TV lang daw nila 'to nakikita. "Don't worry, I already contacted someone to look for her." Bigla siyang kumindat pagkasabi non. Sa normal na araw baka kinilig pa 'ko, pero ngayon naiirita ako sa pagmumukha niya. Inirapan ko siya at tuloy sinubuan si Neneng, "Bakit may laruan dito?" tanong ni Nonoy. "Free 'yan, ganda 'no?" "Hindi dapat sinasamahan ng laruan ang pagkain," nagkatinginan kami ni Clark, "Sino naglagay neto? Sabihin natin bawal lagyan ng laruan ang pagkain. Dapat ginagalang natin ang pagkain." Tatayo sana siya nang pigilan siya ni Clark, "Wala rito yung naglagay niyan haha, hay
"What?! Eeeew! 'Wag kang nagsasasama kay Adda, nasisira na rin tuktok mo eh!" Lukot na lukot sa pandidiri ang mukha niya. "Hahaha akala ko eh." "Bakit?" "Ang concerned mo kasi sa kanya. Ang dami mong sinasacrifice for her." "Ayokong magaya siya sa mama ko. Naikwento ko naman sa 'yo 'di ba? Nung sila pa ng Papa ni Elijah palagi siyang nabubugbog. At isa pa, kaibigan mo siya." "Ano naman kung kaibigan ko siya?" Bigla niya akong inirapan, "Aba? Attitude ka ah? Hahaha!" "Manhid ka eh." Inayos niya ang mga gamit kong nasa mesa. "At paano naman ako naging manhid?" "Wala." "Torpe." "Ano?" "Wala!" "Hindi ako torpe." "'Di rin ako manhid." Natahimik kaming dalawa habang nagkakati
"Babe!" Lakad-takbo kami ni Mama para mahabol siya. Ang lalaki ng halbang at napakabilis ng lakad niya, ito ang nakakatakot kay Clark. May history ng abuse ang Mama niya kaya kapag nalalaman niyang may nabubugbog, para bang nawawala siya sa sarili. "Tao po!" dinig sa boses niya ang panginginig. "Babe, kumalma ka please." Hinawakan ko ang kamao niyang nanginginig, "Ayaw mo namang makita kang ganyan ng mga bata 'di ba?" Neneng's POV "Wow Kuya, makikita na natin si Nanay. Bukas na kaya tayo aalis?" "Sshh!" nitakip ni Kuya yung bibig ko, "'Wag ka maingay, baka marinig tayo" "Bakit? Papaalam naman tayo ate Clara." "Oo, pero hintayin muna nating mapagpaalam tayo kasi baka hindi tayo payagan." " Osige," nagsmile ako kay Kuya kasi exci
Claire's POV "Amin po ito lahat? Ang dami! Hihihi!" Panay ang hagikhik ni Neneng habang nagkakalkal ng mga laruan. "Sa inyo lahat 'yan, hali kayo maligo muna." Hinila sila ni Mama papunta sa banyo. Madungis kasi sila at parang kahapon pa hindi naligo. Umupo ako sa tabi ni Clark at hinawakan ang kamay niya, "Okay ka lang? Akala ko magwawala ka kanina." Tipid siyang ngumiti, "I'm fine. Sabi mo nga 'di ba? Hindi dapat nila ako makitang ganon. And I'm relieved na nandito na sila." Hinila niya ako at isinandal sa ulo niya. "Sana mahanap natin ang Mama nila," malungkot kong sabi, "Ano kaya mararamdaman ni Aling Ligaya kapag nalaman niya 'to? Hay..." "Eh paano kung nag-asawa na talaga ng iba 'yon?" Napabalikwas ako sa tanong niya. "Naku! Malabo! Mahal na mahal non yung Papa nila saka napa
Claire's POV KINABUKASAN. Maaga kaming gumising para mamili ng damit ng dalawang bata. "Pinakikialaman niyo yung dalawang batang 'yon, kapag natyempuhan kayo ng Lolo nila lagot kayo," pagpapaalala ni Kuya Miko habang nagaayos siya ng mga gamit niya papuntang eskwelahan. "Hindi naman talaga masama ang ugali non, ewan ko ba kung bakit ganon siya sa mga apo niya eh 'di naman ganon 'yon noon. Mabait siya sa iba, kaya 'wag kayo magalala," si Papa. "Should we use the car?" tanong ni Clark. "Motor ko na gamitin niyo, masikip ang daan papuntang palengke, mahihirapan lang kayo," offer ni Kuya Carlo. Ganon na nga ang nangyari, dalawa kaming nagpunta sa palengke. Naguguluhan pa siya nung una
"Tahan na, 'wag ka na umiyak." Panay ang punas niya sa luha ng kapatid niya, "Hintayin natin si Nanay, uuwi na siya." Tahimik kaming nakasunod sa kanila hanggang sa umupo sila sa isang malaking bato katapat ng sakayan ng jeep. "A-ang s-sakit palo ni Lola, hindi naman ako nauna makipag away eh," pinaupo siya ng kuya niya sa bato, "S-sabi Yeye hindi na daw uuwi si Nanay. H-hindi na daw niya tayo mahal, nagasawa na raw siya ng iba." Lalo na namang lumakas ang iyak ni Neneng kaya niyakap siya ng mahigpit ni Nonoy at isinubsob ang mukha nito sa dibdib niya. "Hindi totoo 'yon, tignan mo uuwi na si Nanay hintayin natin siya dito." "Hindi naman totoo yan!" Hinampas siya ng kapatid sa balikat, "Sinabi mo yan kahapon, pati kahapon kahapon, pati kahapon kahapon kahapon! Pero hindi naman dumadating Nanay!"







