Share

The Devil's First Mistake
The Devil's First Mistake
Author: yanalee

Chapter One

Ten years ago…

“Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.

Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.

Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.

Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.

“Ayaw kitang iwan V.” Madamdaming sagot ni Devon. Kung ang iba ay Val ang tawag sa kaniya, ito ay simpleng V lamang ang palayaw sa kaniya at gusto niya iyon. “Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang malayo sa’yo.” Hinawakan nito ang isa niyang kamay.

Napaluha na si Val. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganito, lalo na’t halos isumpa nila ang isa’t isa noong una silang magkakilala.

“Hindi ko rin kayang mawalay sa’yo. Anong gagawin na’tin?” sabi ni Val.

Hindi agad nakasagot si Devon pero halatang nag-iisip ito. Napaisip na din siya sa kung anong maaari nilang gawin. Hanggang sa may maisip siya.

“Wait, isa ba sa dahilan kaya ipapadala ka sa New York ay ang relasyon natin?”

Tutol sa relasiyon nila ang kani-kanilang pamilya sa napakaraming dahilan.

Una, dahil bata pa raw sila pareho. Pero kalokohan iyon. 18 years old na siya at si Devon naman ay 20 taong gulang na.

Pangalawa, ayon sa lola Mildred niya na isang sikat na aktres sa bansa, makakasira daw sa reputasyon nila ang pakikipagrelasyon sa isang tulad ni Devon. Ampon lang kasi si Devon at ni hindi nito kilala ang tunay nitong mga magulang dahil iniwan lamang ito sa labas ng simbahan sa Quiapo. Lumaking walang maayos na guidance si Devon kaya napariwara ito at sa katunayan ay nakilala nito si Hernan Joaquin nang subukan nitong nakawan ang sikat na aktor. Imbes na dalhin sa mga pulis o disiplinahin ay inampon ito ni Hernan Joaquin. Sampung taong gulang lamang noon si Devon.

At ang huling rason kung bakit ayaw ng mga pamilya nila na magkarelasyon sila ay dahil magkaaway ang mga ito mula pa man noon. Ang usap-usapan ay dahil noong kabataan daw ng lola niya at ni Hernan Joaquin ay muntik ng ikasal ang mga ito hanggang sa lokohin ni Hernan ang Lola Mildred niya.

“Pwede tayong lumayo.” Biglang sabi ni Devon na ikinagulat ni Val.

“Anong ibig mong sabihin?”

Bago pa man sumagot si Devon ay biglang kumulog sa labas at napasigaw si Val at napayakap pa siya kay Devon.

Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Devon at isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito. Alam ni Devon kung gaano siya katakot sa kulog.

“Don’t worry, I’m here.” Hinimas-himas ni Devon ang likod ni Val. “It’s okay, hindi kita pababayaan V.”

Sa labas ay tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Wala silang ibang marinig kundi ang patak ng ulan sa bubong ng tree house at malalakas na kulog. Buti na lang matibay ang tree house dahil sinigurado ng magkakapatid na Joaquin na natutulugan iyon at hindi lang basta laruan. Kunsabagay hindi na mga bata ang mga ito kaya ginawa ang tree house na iyon hindi para laruan kundi talagang pasyalan o pahingahan kapag tumatambay ang mga ito sa gawing iyon ng Hacienda Joaquin.

 “Natatakot ako, Dev.” Umiiyak na sabi ni Val.

“I know V.” bulong ni Devon at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “I’m here. Hindi kita iiwan.”

Lalo lang siyang napaiyak dahil sa narinig. Dahil kasasabi lang nito sa kaniya kanina na bukas na ang alis nito patungong America kaya posibleng iwan din siya nito.

Dahil lumakas ang iyak niya ay nabahala si Devon at iniangat nito ang mukha niya para magtama ang mga mata nila, pero umiling-iling siya at isinubsob ulit ang mukha sa dibdib nito.

“Look at me V.” nangungusap ang magandang boses nito. Wala siyang nagawa kundi ang umangat ng tingin at muling nagtama ang mga mata nila.

“Iiwan mo ako.” Parang nagsusumbong na sabi niya rito. Ang mga luha niya ay nag-unahan sa pagtulo sa mga pisngi niya.

Napuno ng lungkot at awa ang mga mata ni Devon. “Nasasaktan ako kapag umiiyak ka V.” hinalik-halikan nito ang pisngi niya na para bang pinupunasan nito ang mga luha niya sa pamamagitan ng mga halik. “I love you so much, at hinding-hindi kita iiwan. I promise.”

Nagpatuloy ito sa paghalik sa buong mukha niya, hanggang sa mapunta sa mga labi niya ang mga labi nito. Sa una ay dampi lang ang halik nito, ngunit paulit-ulit nitong hinalikan ang mga labi niya hanggang sa tumugon siya.

Hindi na napigilan ni Val ang sarili. Gumalaw na rin ang mga labi niya. Ang mga braso niya ay kusang yumakap sa leeg nito. Si Devon ay mas humigpit ang yakap sa kaniya. Kinabig siya nito palapit sa katawan nito at naramdaman niya ang tigas ng katawan ng kasintahan. Ang lamig na dala ng ulan ay napalitan ng init habang palalim ng palalim ang halikan nilang dalawa.

Ramdam pa ni Val nang dilaan ni Devon ang loob na parte ng mga labi niya. Napaungol siya at para siyang sinilaban. “Dev, I love you.”

“I love you too, Baby.” Walang anu ano’y iniangat siya ni Dev at namalayan niya na lang na nakakandong na siya rito.

Nagkatitigan sila. Puno ng pagmamahal ang mga mata ng bawat isa. Walang sabi-sabing nagtagpo muli ang mga labi nila. Sa pagkakataong iyon ay mas malalim pa ang halik na kanilang pinagsasaluhan.

Si Devon ay mas nagiging mapangahas na sa paghaplos sa likod niya. Si Val ay wala sa isip na pigilan ang kasintahan. Gusto niya ang nangyayari at wala siyang tutol kahit saan man sila humantong ng mga oras na iyon. Nagmamahalan sila.

Si Devon ay nabigla nang maglakbay na rin ang mga kamay ni Val. Ang mga palad nito ay parang dinadama ang mga muscles niya mula dibdib hanggang tiyan. Dahil sa ginagawa ni Val ay mas naging mapangahas a si Devon. Ipinasok nya ang isang kamay sa loob ng t-shirt ni Val. Una niyang dinama ang init ng likod nito. Napakakinis ng girlfriend niya at napakalambot ng kutis nito. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kung hindi niya ito madama ng buong-buo.

Kaya naglikot pa ang mga kamay niya pababa hanggang sa dumako iyon sa legs ni Val na litaw sa maikling shorts nito. Una pa man ay gusto niya na ang mga legs ni Val, mahahaba iyon at makikinis. Iyon ang una niyang napansin nang una niya itong masilayan three months ago sa peryaan sa bayan nila.

“Oh V, I want to feel you.” hindi napigilang sambit ni Devon. “You’re my fire.”

Hindi nagdalawang-isip si Val. Hinawakan niya ang laylayan ng Tshirt niya at itinaas iyon. Tinulungan naman siya ni Devon. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kaniya kaya medyo nailang siya. Napayuko siya.

Hinawakan ni Devon ang baba niya para itaas ang mukha niya. “You’re so beautiful, V.” madamdaming sabi nito at hinalikan ulit siya. Muli silang nagyakap at muling naglakbay ang mga kamay nila para damhin ang init ng isa’t isa.

Ilang sandali pa’y si Devon naman ang naghubad ng suot niyang hoodie jacket. Napasinghap si Val nang magdikit muli ang mga katawan nila dahil ramdam na nila ang init ng balat ng isa’t isa.

“Dev, my god.” Parang mababaliw na si V pero sandaling tumigil si Devon.

“V, okay lang ba sa’yo ang ginagawa natin. Baka-”

Hindi siya natapos sa sinasabi dahil si Val na mismo ang humalik sa kaniya. “Just kiss me and love me.” Sabi ni Val.

Alam niyang nagpapaka-gentleman si Devon. Gusto nitong siguraduhin na hindi siya napipilitan lang sa nangyayari sa kanila.

Of course hindi siya napipilitan lang dahil mahal na mahal niya ito at alam niyang mahal na mahal din siya nito.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Habang sa labas ay patuloy ang pagpatak ng ulan at malakas na kulog at kidlat, sa loob ng tree house ay ramdam ng dalawa ang mainit nilang pagmamahalan.

Ni hindi nila naisip na maaaring magbunga ang nangyari sa kanila. Ang tanging nasa isipan lang ni Devon ay ang madama ng buong-buo si Val at si Val naman ay ang iparamdam kay Devon ng buong-buo ang pagmamahal niya rito.

Alam nila pareho na hinding-hindi nila pagsisisihan ang nangyari.

Kaya nakatulog pa sila na magkayakap at may ngiti sa mga labi.

*****

Nagising sina Devon at Val na magkayakap. Wala ng ulan sa labas at papadilim na rin. Ayon sa mga relong suot nila ay mag-alas sais na ng gabi. Agad na bumangon si Val at nagbihis.

“Shit, papagalitan ako nina mama at lola.” sabi niya.

Mula nang malaman ng pamilya niya na nakikipagrelasyon siya kay Devon na isang Joaquin at mortal na kaaway ng pamilya niya, naging mahigpit na sa kaniya ang mga ito. Sikreto lamang ang mga pagtatagpo nila ni Devon. Kaya nga doon sila sa tree house dahil tanging ang magkakapatid na Joaquin lamang ang tumatambay roon. At ng mga panahong iyon ay nasa Maynila lahat ng kapatid ni Devon kaya walang iistorbo sa kanila.

“V.”

Napatingin si Val kay Devon. Tapos na rin itong magbihis. “Iiwan mo ba talaga ako?” malungkot na tanong niya at naiiyak na naman siya.

Nilapitan siya nito at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “Let’s leave, V. May sarili akong pera. Tama na iyon para makapagsimula tayo.”

Dahil naranasan ni Devon ang maging palaboy sa Quiapo at magnanakaw noong bata pa ito, naging mahalaga para dito ang magkaroon ng sariling ipon na kinukuha nito sa allowance na binibigay ni Hernan Joaquin.

Napabuntung-hininga si Val at tumango. Napangiti si Devon.

“Pero natatakot ako, Dev.”

Dinampian niya ng mabilis na halik ang mga labi ng dalaga. “I’m scared too V. Pero mas natatakot ako na mawalay sa’yo.”

Napatango-tango si V. Ganundin siya. At siguradong maghihiwalay sila kapag nag-stay sila. Their families will do everything to keep them apart. At isipin pa lang iyon ni Valentina ay para na siyang mamamatay.

“Anong gagawin natin?”

Madalian silang nagplano kung saan sila pupunta. Napagdesisyunan nila na magkita bukas ng alas-singko sa sakayan ng bus. Hindi sila pwedeng magdala ng kotse dahil mahahalata sila.

“Ihahatid kita sainyo.” Sabi ni Dev nang pauwi na sila.

Umiling si Val. “No. Umuwi ka na sainyo dahil late na. Baka magduda sila kapag sobrang late ka ng nakauwi. Isa pa kailangan mo na ring mag-ayos para sa pag-alis natin. Don’t worry, okay lang ako. Safe ako sa loob ng lupain ninyo at lupain namin nuh?”

“But-”

“No more buts.” Sabi ni Val at ngumiti. “Don’t worry mula bukas lagi mo na akong makakasama.”

Napangiti na si Devon. May punto ito. Safe rin talaga ito sa lupain ng mga pamilya nila. Kahit pa magkaaway ang mga family nila, hindi ito gagawan ng masama ng mga empleyado sa Hacienda Joaquin kung sakali mang may makakita rito.

Matapos ang isang maalab na halik ay naghiwalay ang dalawa at umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Habang naglalakad pauwi ay napapangiti pa si Val. Hindi niya kasi lubusang maisip na hahantong sila sa ganoon ni Devon. Gayung noong una silang magkita ay kulang na lang isumpa niya ito.

Three months ago…

“Who’s that?” Tanong ni Val sa kaibigan niyang si Ginny habang nakatingin sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa isang sulok ng peryaan kung saan sila namamasyal.

Bisperas ng pyesta sa nayon nila at tampok ang isang peryaan at sayawan ng gabing iyon. At sapat ang mga ilaw sa paligid para lubusan niyang mapagmasdan ang lalaki.

Ang lalaki ay halatang mas matanda sa kanila ni Ginny. Kadedebut lang nila noong isang buwan. Ang lalaki ay halatang nasa twenties na. Matangkad ito at matipuno. Ang mukha nito ay parang ang tapang, siguro dahil sa napakatangos nitong ilong o sa itim na itim nitong mga mata. Itim na itim rin ang buhok nito na halos hanggang balikat ang haba.

“He looks familiar.” Sabi niya.

Para bang naramdaman nito ang pagtitig niya dahil bigla itong umangat ng tingin at iniikot ang mga mata sa paligid na parang may hinahanap. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Unti-unti itong ngumiti, at hindi lang basta ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. Ang pilyo ng ngiti nito at napalunok siya.

It was the most beautiful smile she’d ever seen.

But then, bigla na lang itong kumindat. And for some reason ay nadismaya siya dahil doon. Tumaas ang isang kilay niya. Sino ba ‘to sa akala nito? Hindi ba siya nito kilala?

Siya si Valentina Jade Villamayor, ang nag-iisang babaeng apo ni Mildred Villamayor, isang sikat na aktress sa bansa at isa sa pinakamayamang tao sa buong Davao. Kaya walang lalaki ang basta-basta na lang nakikipagkaibigan sa kaniya. For them, she is basically a royalty.

Higit sa lahat, kilala siya ng lahat, lalo na ng mga bachelors sa lugar nila at maging sa buong bansa dahil lumabas na rin siya sa ilang movies at TV shows ng lola niya. She was even featured in some teen magazines in the country. Pero hindi niya talaga hilig ang maging celebrity kaya pa-extra-extra lang siya.

And so it annoys her that this man, this good-for-nothing man, had the audacity –

“That’s Devon Miles Joaquin.” Biglang sabi ni Ginny.

Natigilan siya. Kahit iyon ang una nilang pagkikita ay kilala niya ang lalaki. Isa ito sa mga ampon ng kapitbahay nilang si Hernan Joaquin. Ang Hacienda Villamayor kasi at Hacienda Joaquin ay magkatabi. At kaya naman pala pamilyar ito. Sadyang sikat ang magkakapatid na Joaquin. The media even calls them ‘The Famous Orphans.’

Pero bakit nasa Davao ang lalaki? Si Hernan Joaquin pati na ang lima nitong ampon ay sa Maynila naglalagi.

“Ang alam ko pinadala siya rito ng Daddy niya dahil ang dami niyang gulong kinasangkutan sa Maynila. Madalas daw kasing mag-bar at mag-party.”

Kumunot ang noo niya at hinarap si Ginny. “Saan mo nalaman ang tsismis na iyan?”

“Hindi tsismis kung totoo.” Biglang sabi ng isang lalaki sa likod niya. Napangiti siya nang tumabi sa kaniya si River. Bestfriend rin nila ni Ginny si River. “Anyway, wala tayong pakialam kung bakit siya nandito, let’s go dancing.”

Agad siyang hinila ng mga kaibigan niya pero ramdam niya ang pagtayuan ng mga balahibo niya. Hindi niya napigilan ang sariling lumingon, at muling nagtama ang mga mata nila ni Devon Miles Joaquin.

Napasimangot na siya. Hindi ba nito alam na it’s rude to stare? Halatang ang lakas ng tiwala nito sa sarili at siguro’y iniisip na matutuwa siya dahil binibigyan siya nito ng atensyon. Well, masyado siyang maraming manliligaw at hindi niya kailangan ng isa pa.

Pagdating sa sayawan ay nagkatuwaan silang magkakaibigan. Hanggang sa magbago ang music at naging romantic iyon. Agad silang nagpartner ni River habang si Ginny ay nakahanap din ng partner nito.

Ilang minuto na silang nagsasayaw nang biglang may bumangga sa likod niya. “What on earth?” angil niya at hinarap ang bumangga sa kaniya.

It was Devon Miles Joaquin. And he’s smiling like a devil.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” angil niya rito.

Agad na nabura ang ngiti nito na para bang hindi makapaniwala sa reaction niya. Sinasabi niya na nga ba, sanay na sanay ito na lahat ng babae ay nahuhumaling dito at ini-expect nito magiging ganoon din siya.

Well, nagkakamali ito.

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at taas-noong hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “You’re new here and this is my territory. Kung ako sa’yo, huwag mo akong iinisin.”

“Wow.” Umiling-iling ito at tumingin sa paligid.

Noon niya lang din napansin na nakapalibot na sa kanila ang mga nagsasayawan at tumigil na rin ang music. Hindi iyon nakapagtataka. Alam ng lahat kung sino silang dalawa at magkaaway ang mga pamilya nila. Para sa audience nila, isang entertainment ang nangyayari.

Bumalik ang tingin ni Devon sa kaniya. “Your territory?” tumawa ito ng nakakainis. “Sa pagkakaalam ko, property namin ang lupang kinatatayuan natin ngayon.”

Tama ito. Pero hindi niya pinahalatang may pakialam siya. Taas noo pa rin siya.

“Property ninyo? Bakit sino ka ba?”

Napasinghap ang mga tao sa paligid, pati na si Devon. Alam niyang hindi nito matatanggap na hindi niya ito kilala. Para kasi dito ay sikat ito porke ba anak ito ni Hernan Joaquin.

“You don’t know me?” hindi talaga ito makapaniwala.

Well, ngayon pa lang dapat na nitong malaman na hindi lahat ng babae ay nababaliw rito.

“Oo, hindi.” Painosenteng sabi niya.

“Val, sinabi ko sa’yo kanina na siya si-”

Tiningnan ni Val ng masama si Ginny kaya bigla itong tumahimik. Ibubuking pa siya nito.

“Hmm, huwag kang magalit sa kaibigan mo, hindi bagay sa’yo kapag galit ka.”

Napakurap siya. Anong sinasabi nito?

“Your nose.” Sabi nito.

Wala sa sariling napahawak siya sa ilong niya. Alam niyang matangos ang ilong niya at isa iyon sa mga assets niya. She’s proud of her nose.

“”Masyadong lumalaki ang mga butas ng ilong mo kapag galit ka. Tapos may lumalabas pang usok, kaya ang pangit talaga.” Sabi nito at umiiling-iling pa.

Feeling niya talaga ay may lumabas na usok sa mga butas ng ilong at tainga niya dahil sa narinig. Bumalik na ang ngiti sa mukha ni Devon at dinig niya ang pagtatawanan ng ilang tao sa paligid nila.

“You son of a-” simula niya pero bigla siya nitong tinalikuran. Hahabulin niya na sana ito pero pinigilan siya nina River at Ginny. “Bitawan ninyo ‘ko.”

“No, think of your grandma.” Pabulong na sabi ni River. “Makakarating sa kaniya na nakipag-usap ka sa isang Joaquin.”

“Tama si River, Val. Kaya mas okay kung huwag mo ng palakihin ito.”

Huminga siya ng malalim at ikinuyom ang mga palad. Nang gabing iyon ay isinumpa niyang gagantihan niya si Devon Miles Joaquin dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kaniya.

But two weeks later, they have their first kiss.

-end of flashback-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status