"He's maybe a devil, but he's my devil." Hindi inakala ni Valentina Jade Villamayor na sa dinami-rami ng manliligaw niya ay kay Devon Miles Joaquin pa siya na-inlove. Hindi lang ito isa sa "The Famous Orphans," nagmula din ito sa pamilya na mortal na kaaway ng pamilya niya. Bukod pa roon, halos isumpa niya ito noong una nilang pagkikita. But they fell in love with each other, at ipinangako nilang hinding-hindi nila hahayaang magtagumpay ang mga pamilya nila sa pagpapahiwalay sa kanila. Ngunit sadya yata talagang nakatadhana silang magkalayo. Inakala ni Val na iniwan siya ni Devon at napilitan siyang magbago ng identity at palakihin ng mag-isa ang anak nila. 10 years later, he came back as her boss and she's his secretary. Pero hindi maintindihan ni Val kung bakit galit na galit sa kaniya si Devon. Gayung ito ang nang-iwan pagkatapos makuha ang pagkabirhen niya. Ito ang umalis, so bakit ito galit na galit? At anong gagawin nito kapag nalaman nitong nagbunga ang pagmamahalan nila noon? The media call them The Famous Orphans - adopted and raised to be billionaire heirs. Five of them and Valentina fell in love with the one they called“THE DEVIL.”
View MoreNaiiyak si Valentina habang pinagmamasdan ang anak na si Queen V habang nagdodrawing ito sa drawing tablet nito. Naiiyak siya dahil naiisip niya si Devon. Kung noon ay hindi siya masyadong nagi-guilty na hindi ipaalam kay Queen V ang pangalan ng daddy nito, ngayon ay nagi-guilty na siya. Dahil una, lumalaki na ang anak niya at mas nakakaintindi na ito ngayon kaysa noon. Pangalawa, nasa bansa na ang ama nito.Devon is back. Nasa malapit lang ito. Hindi niya maiwasang maisip na nagiging unfair siya kay Queen V at kay Devon na rin. "Mommy, I want you to wear this."Kumunot ang noo niya. Nakatitig pa rin si Queen V sa drawing tablet nito. Tulad niya ay hilig nito ang pagdrawing. Ang pagkakaiba lang nila, siya ay tanging mga building and interior design ang dinodrawing, samantalang si Queen V ay malawak ang hilig nito na idrawing. Nang hapong iyon ay mga damit ang dino-drawing nito. Kanina pa ito nag-de-design ng mga gowns. Mula sa sopang kinauupuan niya ay tumabi siya rito sa sahig na
Nakakuyom ang mga kamao ni Valentina habang hinihintay ang elevator na bumukas. Nagpupuyos ang loob niya dahil kay Devon. Napakawalang-puso nito. Ito na ang nang-iwan, ito pa ang galit na galit. Pero ang mas ikinaiinis niya ay ang pagtitig nito kay Helena kanina anng biglang magcomment ang babae sa kunwaring SHOW na pinapanuod nito ang iba pang Joaquin brothers. Para sa mga ito, ay isang nakaka-entertain na palabas ang pagkikita nilang muli ni Devon, at kontodo comment ang mga ito. At nang mag-comment si Helena ay tinitigan ito ni Devon. "God, am I jealous?" tahimik niyang tanong sa sarili. Awtomatikong pumasok sa isipan niya ang mukha ni Devon. He looked so mature, so different, and yet so familiar. Ramdam niya ang kirot sa dibdib niya."And why the hell is he so handsome?" hindi niya napigilang sabi. "Who's handsome?" Muntik na siyang mapatili sa gulat. Tiningnan niya ng masama si Drake pero nakangiti lang ito sa kaniya. Gusto niya itong bugbugin dahil ito ang dahilan ng proble
It was Monday and first day ni Valentina sa Joaquin Groups. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa HR para ibigay ang pinirmahan niyang kontrata. Pinadala iyon sa kaniya ni Drake mismo at sinabihan siyang ibigay niya sa HR bago siya pumunta sa office nito. Nang umalis siya sa HR ay dumiretso muna siya sa ladies room para mag-retouch kahit pa nga kare-retouch niya lang bago pumasok sa building ng mga ito. Pero kinakabahan siya at mas lalakas ang loob niya kung 100 percent sure siya na maganda siya sa first day roon. For her first day, pinili niyang magsuot ng itim na sleeveless dress at pinatungan niya ng itim ring blazer dress. Hindi niya sinarado ang blazer dress para kita pa rin ang figure niya. For her shoes, pinili niya ang gray pumps na favorite niya. Three inches ang takong niyon. Gray din ang bag na napili niyang gamitin that day. She looked stylish and elegant sa suot niya. Nakakadagdag pa sa pagiging elegante ng look niya ang alun-alon niyang buhok na kinulayan niya ng blonde.
Ten years later: Present day“Mommy, help. The waves will take me.”Napatingin si Val sa dalampasigan nang sumigaw ang anak niyang si Victoria. Napangiti siya nang makitang kunwari itong tumatakbo palayo sa mga alon. Puro talaga ito kalokohan.Napapangiting kumaway siya rito at mas lumuwang pa ang ngiti niya nang kargahin ito ng uncle River nito. Kaya panatag siya na walang mangyayaring masama rito dahil kasama nito si River.“They look like a real father and daughter duo.” Sabi ni Ginny na kasama niya sa open cottage na tinatambayan nila.Sa kasalukyan ay nasa Camarines Sur sila kung saan nakatira ang mommy ni River. Doon din siya napadpad noon nang sumama siya kay River para lumayo sa pamilya niya. At nang lumipas ang isang buwan at nalaman niyang buntis nga siya, doon din siya naglagi. Buti na lang at masyadong mabait ang mommy ni River kaya kahit nang umalis si River para sa pag-aaral nito sa Maynila ay hindi siya nag-iisa.Naging katuwang niya si Mama Donna, ang mommy ni River, s
Dahil hindi nag-dinner ay nagutom si Valentina bago pa man maghatinggabi. Kanina ay ipinatawag siya ng pamilya niya na kumain at pinuntahan pa siya ng daddy niya para kumbinsihin, pero tinatagan niya ang loob at hindi lumabas ng kwarto. Kahit ng sabihin ng daddy niya na wala ang lola niya at may pinuntahan ay hindi pa rin siya nakumbinsi ng mga ito.Talagang masama ang loob niya sa mga ito, dahil lumalabas na walang pakialam ang mga ito sa kasiyahan niya. Gusto lang ng mga ito na maging perpekto siya, sumunod sa lahat ng utos ng mga ito at huwag gumawa ng ikasisira ng reputasyon ng mga Villamayor.Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at pigil na pigil ang sariling huwag tumakbo kahit pa nga gutom na gutom na siya. Nasa third floor pa naman ang kwarto niya at napakalayo ng kusina. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang sabihan ang mayordoma nila na wala ng stocks ng pagkain sa refrigerator sa kwarto niya.Pagdating sa second floor ay bigla siyang kinabahan nang makita ang ila
Madilim na nang makauwi si Val mula sa treehouse. Sa kusina siya dumaan at patakbong inakyat ang mataas na hagdan ng mansion ng lola niya. Nasa third floor kasi ang kwarto niya.Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang pinto ng kwarto niya nang walang nakakasalubong.Ngunit pagbukas niya ay napasinghap siya sa gulat. Bumulaga sa kaniya ang lola at Mommy niya na halatang naghihintay sa kaniya. Nakapwesto ang mga ito sa sofa set sa isang sulok ng kwarto niya. Sa sobrang laki ng kwarto niya ay may sariling mini-living room iyon.“Where have you been?” seryosong tanong ng lola Mildred niya.“Ah kina Ginny po, grandma.” Pilit niyang ngiti at hinalikan ang mga ito sa pisngi.Hindi napansin ni Val na nagtinginan ang mommy at lola niya ng makahulugan. Ang isipan kasi ni Val ay nasa plano pa nilang pagtanan ni Devon bukas.“May kailangan po ba kayo sa’kin? Maliligo na po sana ako.”Nagkatinginan ulit ang mga ito bago nagsalita ang mommy niya. “Anak, may sasabihin sa’yo ang grandma mo.”
Ten years ago… “Hindi mo ako pwedeng iwan Dev.” Naiiyak na sabi ni Valentina sa kasintahang si Devon.Katabi niya itong nakasandal sa pader ng tree house. Ang tree house ay nasa mapunong parte ng Hacienda Joaquin na pag-aari ng pamilya ni Devon. O mas angkop sabihin na pamilyang umampon kay Devon at sa apat pa nitong kapatid.Kasasabi lang nito sa kaniya na bukas na ang byahe nito papuntang New York para doon mag-aral. Pero alam nilang hindi lang iyon ang dahilan. Gusto ni Hernan Joaquin, ang adopted father ni Devon, na ilayo ang partygoer nitong anak sa Pilipinas dahil nakakasira daw ito ng reputasyon.Si Hernan Joaquin kasi ay isa sa mga batikang actor sa bansa at isang business mogul. Mas sumikat pa ito nang mag-ampon ito ng limang orphans kahit pa nga single ito. Para sa mata ng publiko, isa itong ulirang single father na may matabang puso kahit pa nga playboy ding maituturing si Hernan Joaquin. Sa edad nito ay iba’t ibang babae pa rin ang nalilink dito.“Ayaw kitang iwan V.” Mad
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments