Share

The Disguised Billionaire
The Disguised Billionaire
Author: Innomexx

Kabanata 1

Author: Innomexx
last update Last Updated: 2025-01-06 10:27:02

Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang mga taong pumapasok sa venue. Nasa five star hotel kami dahil birthday ko at aaminin ko, the place intimidates me. Hindi ganito ang celebration ng dati kong mga birthdays. The high ceiling walls with a golden intricate, the chandeliers that screamed luxury, the wide space at the center that serves as dancefloor. And then there are circle tables at both sides with the finest tableware. Malayong malayo ito sa kung anong totoong buhay ang meron ako!

Kaya hindi ko maiwasang kabahan. Nangangapa ako kung paano ko pakitutunguhan ang mga bisita lalo pa’t hindi ko nakalakihan to.

My heart skipped a beat when I heard mama near me.

“Ano bang ginagawa mo rito? Ayon ang mga bisita, wala rito!” bulyaw ni mama. Nasa sulok ako at nagtatago dahil kinakalma ko ang sarili ko. Nilalamig ang mga kamay ko sa nerbyos.

“Maraming naghahanap sayo.”

Tumango ako. These people who are asking for me are curious. Kasi hindi ko lang birthday ngayon. Ngayon din ea-announce ang engagement ko.

This venue was sponsored by my fiancé’s parents. Kasi kung kami lang, hindi namin afford ‘to. Mahirap lang kami at baka kahit ang ipon namin sa isang taon ay ibayad dito, hindi pa ‘yon magkakasya!

Napilitan akong lumapit sa mga bisita. Dahil sa katabi ko si mama, agad akong nakilala ng mga tao.

“She must be your daughter, Jessica?” isang nakangiting ginang ang nagsabi. Nakay mama ang mata niya.

“Yes,” nakangiti ring sagot ni mama.

“Happy birthday, hija.” Lumapit siya sa akin at nakipagbeso.

May mga ibang bisita rin na lumapit at binati rin ako. Kakaunti lang ang bisita namin dito. Mostly mga bisita ng magiging fiance ko ang narito para suportahan ang mangyayaring engagement.

I know the guy. He is kind and generous. Gwapo rin kaya nang sinabi ni mama na ipagkakasundo niya ako sa lalaking yon, pumayag ako.

You know, I finished my college with flying colors pero walang tumatanggap na kumpanya sa akin. Pero he is different. Binigyan niya ako ng magandang posisyon sa kumpanya niya kaya masasabi kong swerte ako sa kanya.

“Hey, ikaw ‘yong babae na sinasabi ni Tita?” biglang sinabi ng babaeng lumapit sa akin. “Jessica?”

“Yeah, I'm Jessica,” medyo kabado kong sinabi. The girl wasn't smiling unlike other people who greeted me.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. She then looked at me head to foot. “Goodluck sa party mo,” sinabi niya bago umalis.

Nagsimula ulit akong kabahan. Kanina pa ako rito, wala pang mga bisita. Ngayon ay halos lahat ay nandito na pero wala akong makitang anino ng lalaking kanina ko pa hinihintay. Iginaya ko ang mata sa venue at kita ko kung paano nakikisalamuha ang isa’t isa sa bawat bisita. It's all so natural to them yet not for me who's not belong to their league. Kita ko ang parents ni Magnus – ang magiging fiance ko – na busy sa maraming kausap. Hinanap ko si mama at nakita kong may mga kausap din siya.

Kumalabog ang puso ko nang biglang magsalita ang MC ng party. Agad akong tumalikod at tinungo ang restroom. Para akong nasusuka sa kaba!

Nanatili ako roon ng ilang minuto. Kung hindi ko lang naiisip na birthday ko ito, ayaw ko ng lumabas. It's not because I don't like the party. It's because I feel so intimidated and overwhelmed. Kanina noong binabati ako ng mga bisita, may mga iilan na parang hindi masaya sa akin at meron din namang masaya.

Limang minuto pa akong nanatili sa restroom bago ko pinilit ang sarili kong lumabas.

Paglapit ko sa mga tao, biglang nagsitinginan sila sa direction ko. Saktong naglalakad ako patungo sa center, kung saan ang dancefloor. Ang mga tao ay nasa mga table sa gilid kaya bakante ang gitna. Biglang tumahimik ang lagat. Tanging ang tunog ng piano galing sa gilid ang naririnig ko.

Nang nasa gitna ako, nakita ko sa kabilang dako si Magnus. Nasa stage siya kung nasaan ang MC kanina. May kasama siyang babae. Matagal kong tinitigan ang babae and I could say she's beautiful. Halatang mayaman din.

Nakahawak ng mic si Magnus at kausap ang MC. Hindi niya ramdam ang pananahimik ng mga bisita.

And then I saw how he raised the mic. “Everyone this is Hanna, my girlfriend,” pakilala niya.

Agad ngumiti ang babae sa mga bisita.

And the worst part, I am in the fucking center! Kitang kita ng mga tao kung gaano ako kaawa-awa sa araw pa ng birthday ko!

Gustong gusto kong umalis pero parang sinimento ang paa ko sa kinatatayuan ko.

“Akala ko ba ngayon ea-announce ang engagement nila nitong si Jessica? Anong nangyari?” rinig kong tanong ng malapit sa akin.

“Kawawa naman. Birthday pa naman niya,” sagot na lang ng isa.

Kita ko kasi kung paano nagbulong bulungan ang mga bisita. I could see pity in their eyes as they talked to the person next to them.

Napako ang mata ko sa stage ng pumunta roon ang mama ni Magnus. She looks a bit mad pero halatang ayaw niyang ipahalata sa mga bisita. Hinawakan niya si Magnus sa siko at halatang pinapababa sa stage. Nang magtama ang mata namin, agad siyang nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong nanlalamig ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan. I could feel my tears begging me to release them pero ayaw ko. Not now when everyone could properly see me!

Ang hirap-hirap umalis. Lalo pa’t lahat ng tao ay nakatingin sayo. Kasi alam ko. The moment I left this venue mas lalo lang silang maaawa sa akin. Tatatak sa utak nila kung paano ako napapahiya ngayon! They would talk about it!

Pero kung mananatili naman ako, ganon pa rin naman. Pag-uusapan pa rin ako! Kaya kahit labag sa loob ko, tumalikod ako at agad na naglakad palabas ng venue. Halos hindi na ako huminga sa kahihiyan. Paglabas ko, halos hindi ko masalubong ang mga mata ng nakakakita sa akin kasi parang kahit sila na wala naman sa venue ay parang alam nila kung ano ang nangyari!

“Ku…kuya sa sakayan po ng mga bus,” nanginginig kong sinabi ng makasakay ako ng taxi.

Kita ko ang pangungunot ng noo ng driver ng makita niyang nangingilid ang luha sa mata ko. Wala rin naman siyang sinabi at pinaandar din ang sasakyan para ihatid ako sa pupuntahan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rechelle Abella
yan ba ung makaaka pangasawa si jessica Ng mayaamn.... kaya pala hndi na nya gusto si Magnus
goodnovel comment avatar
Mylyn Elefan
yes..........
goodnovel comment avatar
gelique rillo
author, kwento ba ito ng jessica na pinsan ni seraphina sa story mong "my billionaire enemy is my lover"
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 9

    I didn't intend to sleep as well. But maybe since I was too tired and Elijah found me, my guard went down and sleepiness took over. Hindi ko natapos ang sandwich na kinakain ko at nakatulog din ako.Nagising ako nang may marinig akong ingay sa tabi ko. I was already lying on the ground. May isang manipis na tela na nakalatag sa lupa. Elijah's jacket was on my body.Nakita ko siyang may pinupukpok, ibinabaon sa lupa ang isang stick. It's already dark. But he has a portable light.Agad akong umupo at luminga-linga sa paligid. My senses immediately worked. Kinilabutan ako sa nakikita kong dilim. I slightly screamed. Mabilis akong tumayo at saka lumapit sa kanya. Doon lang niya napansin na nagising ako.“What?” bungad niya nang lumapit ako sa kanya.“How dare you leave me there! There could have been a lurking creature waiting to kidnap me while you were busy here!”He sighed. “Devina, I'm just two meters away from you. I'd hear it if someone tried to kidnap you.”“What if…”Pero hindi ko

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 8

    I don’t know what I am going to do! I tried to trace the pathway, but I couldn’t find it. Pare-pareho lang ang nakikita ko, puro matatayog na punong kahoy. Nang sa tingin ko ay isang oras na akong naglalakad, tuluyan akong nanghina. Doon ako nagsisi na wala akong dinalang pagkain o tubig man lang. I seriously was even in a foul mood because I didn’t bring any sunscreen!“I am going to die here! Dammit!” galit at umiiyak kong sabi. I am too tired to walk anymore. Gutom na rin ako. I have my phone but it has no signal! Hindi ko inaasahan na wala ring silbi ang cellphone sa lugar na ’to. I have my cards but so what? Wala akong mapapaggamitan dito. I am really going to die here!I looked at my surroundings. There were only trees, stones, and wild grasses. May mga insekto at iba’t ibang tunog na galing sa kung ano man ang naninirahan sa gubat na ’to.“Can somebody hear me?” I screamed. Sinagot ako ng mga ibon sa taas. Tumingala ako sa mga sanga ng puno nang magsisayawan sila dahil sa malak

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 7

    Having interacted with Elijah for a while now, I noticed something in him. He acted like the jealous type pero kapag naman wala siyang rason para magselos, hindi ko alam kung nagseselos nga ba siya.He made me doubt everything, and it's making me even more obsessed thinking about him. Wala na akong maisip kundi kung nagseselos ba siya. If he's jealous, why is he damn acting cold afterwards? Para bang natatauhan siya matapos magselos kaya nagiging cold siya pagkatapos.“Let's go. Ang tagal niyo,” reklamo ni Maverick, kuya ni Monique.“Sorry, kuya. Hinintay pa namin si Devina.”Maverick let out a laugh. “I didn't expect you to come, Devina. This is not your thing.”Bahagya akong tumawa. “I don't know, Maverick. Maybe it will be my thing now?” I said, slowly turning to Elijah. I saw him clench his jaw in a hot damn way.“I usually go mount hiking. You can contact me if you want to do this again,” si Maverick na nakangisi sa akin.“Sure,” sagot ko.“Let's go, Maverick,” supladong sabat ni

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 6

    “Devina, are you coming or what?” tanong sa akin ni Kelsi.Kanina pa nila ako tinatanong kung sasama ba ako sa plano nilang mag-hiking sa gubat. Hindi ko alam kung paano nila naisip na gawin ito. Like, why not hike in a mall or take a trip outside the country? Why in a forest?Lahat sila sasama at excited. I couldn't find any excitement in it because seriously, mae-excite ka ba kung alam mong ilalabas mo ang kaluluwa mo kapag nagsimula na kayong maglakad sa matatarik na daan? I don't think so.Pero dahil lahat sila ay sasama, nagdadalawang-isip ako. Wala akong gagawin kung maiiwan ako.Meeting with Elijah is not an option. Na-unblock ko nga siya, pero ganoon din naman. Kapag nagbabalak ako na puntahan siya sa opisina niya, madalas ay wala siya.At ganoon din ulit. He's rude on call. Nawalan ako ng gana na makipag-usap sa kanya kung sa tawag lang din. Talking to him personally, I know he's rude already, but on the phone, he's rude and lazy. Kapag sa phone, nararamdaman mo na parang nap

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 5

    Gulat ako dahil sa pagtayo ni Elijah at gulat din ako sa pagtama ng labi ni Rio sa tenga ko. Medyo naguluhan ako kung alin ang una kong pupunahin. Pero dahil mas interesado ako kay Elijah, sa kanya natuon ang attention ko.But then I felt it again. Rio chuckled on my ear kaya itinulak ko na siya palayo sa akin. I glared at him afterwards.“Don’t do that!” galit kong baling sa kanya.“Damn, Devina. Why can’t you try dating me? Just give me a chance and I will make sure you will fall for me hard.”I stared at Rio. He is very handsome. He comes from an influential family. It’s just that you can’t like everyone on earth. Hindi dahil gwapo at mayaman ay magugustuhan mo. May mga bagay rin na basehan kung bakit ka nagkakagusto sa isang tao.“My God, Rio! There are millions of girls who want you. Pick one of them and stop bothering me.”He chuckled as he shook his head.“Let’s go and dance. There are some perverts on the dance floor. I will be your bodyguard.”I glared at him again.“I can ta

  • The Disguised Billionaire    Kabanata 4

    People who wanted Elijah’s number should be jealous of me kasi ang dali ko lang nakuha iyon. I didn’t even sweat. Noong umuuwi ako galing sa kumpanya niya, ang saya-saya ko kasi nakuha ko ang contact niya. Akala ko dahil nakuha ko iyon ay mapapadalas na ang pag-uusap namin o ang pagkikita namin.How wrong of me.I don’t want to seem eager to see him kaya every other day ako tumatawag sa kanya para sana sabihin na pupunta ako sa opisina niya para magtanong. Kaya lang ay palagi siyang wala sa opisina niya. Naka-tatlong tawag ako na sinabi niya na wala siya sa kumpanya niya…kaya huwag na akong pumunta. May isang beses na nandoon siya. Kaya lang ay limang minuto lang akong nakaupo sa couch niya nang lumabas siya dahil may meeting siya. Kaya pala nasa opisina kasi may meeting.I tried again kasi baka matempuhan ko rin na nasa opisina siya at walang meeting. I would stay long in his office and observe what he would do whenever he was there. Pero hindi iyon nangyari.“I am not in my office.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status