AIRA'S POINT OF VIEW
“Umalis ka!” sigaw ko, nanginginig pa rin ang boses, habang yakap-yakap ang katawan ko sa loob ng puting kumot na kinuha ko mula sa kama. Nangingilid ang luha ko, pero ngayon, may halong poot. Galit. Suklam. Lahat ng emosyon na pilit kong tinatago kanina sa harap ni Calvin, ngayon, naglalaban-laban sa dibdib ko.
“Easy, Aira,” malamig na boses ni Brent, habang inaayos ang suot niyang pantalon, parang wala lang nangyari. Parang hindi niya ako tinanggalan ng dangal. Parang hindi siya hayop.
“Don’t fvcking call me by my name,” ibinuga ko sa kanya. “You’re a monster.”
Ngumiti lang siya. ‘Yung ngiting tagumpay. Ngiting wala kang ligtas. ‘Yung tipong alam niyang nabasag na ang buhay ko, at siya ang may gawa noon. Proud siya.
“You’re mine now,” bulong niya, lumalapit pa.
“Hindi mo na siya mababalikan. He saw us. He fvcking saw everything. At sa tingin mo, babalikan ka pa niya? Sa tingin mo, papatawarin ka niya?”
Tumulo ang luha ko. Pero hindi dahil takot ako. Dahil sa pagkasuklam.
“Ginago mo ‘ko,” mahina kong sabi. “You drugged me, didn’t you? Nilason mo ‘yung wine.”
Nagtaas siya ng kilay. Hindi umamin. Hindi rin nag-deny. Pero ‘yung mata niya, nagsasabi ng totoo.
“Why would I do that?” pakunwaring inosente.
“Maybe you wanted it. Maybe deep inside, you were tired of being his trophy wife. Maybe you needed a real man.”
PAK!
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko. Ramdam ko ang init sa palad ko, at ramdam kong gumalaw ang mukha niya sa lakas ng tama.
“Don’t you fvcking dare,” galit na galit kong sabi. “Hindi mo alam kung anong nawala sa’kin ngayong gabi. Hindi mo alam kung anong sinira mo.”
Hinawakan niya ang pisngi niya, pero ngumisi lang ulit. Tangina talaga. Hindi siya nasasaktan. Mas lalo pa siyang nage-enjoy.
“Ikaw na ang nagsimula niyan, Aira,” aniya. “You let me in. Figuratively... and literally.”
Sumiklab ang dugo ko. Gusto ko siyang sipain. Sigawan. Suntukin. Pero wala akong oras para ubusin sa hayop na ‘to.
“Buburahin kita sa buhay ko,” sabi ko sa mababang boses. “Lahat ng ginawa mo babalik ‘yan sa’yo. At kapag bumalik ako, Brent... kapag bumalik ako, sisiguraduhin kong lahat ng hawak mong kapangyarihan, lahat ng respeto mong ninakaw, mawawala. I will make sure ng wala ka nang mukhang ihaharap sa kahit sinong tao.”
Tahimik siyang ngumiti. Pero this time, alam kong natamaan ko siya.
“You can try, Aira,” aniya. “But don’t forget, Calvin already threw you away. You’re damaged goods now.”
Hindi ko na siya sinagot. Kinuha ko ang damit ko sa sahig, mabilis na nagbihis habang nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ko ininda kung maayos ba ang itsura ko. Hindi ko na inintindi kung may makakita sa akin sa hallway ng hotel na to. Ang gusto ko lang makalayo.
Makawala.
Tumakbo ako palabas. Hinarang pa ako ng security pero isang tingin lang, umatras na sila. Masyado akong gulo tingnan para hadlangan.
Sumakay ako ng unang taxi na nakita ko.
“Ma’am, saan po tayo?” tanong ng driver.
Binitiwan ko ang address na alam na alam ko. Bahay namin.
Oo, sa bahay namin.
Yung bahay na pinili naming itayo ni Calvin. Yung pinlano naming bawat sulok. Yung kinulayan namin ng mga pangarap. Ang bahay na ngayon, hindi ko alam kung puwede ko pang tawaging “amin.”
Tahimik ako buong biyahe. Hindi ako umiyak. Hindi ako sumigaw. Wala. Pero sa loob-loob ko, may sigaw na putok nang putok naghahanap ng hustisya. Nang dahilan. Nang lakas.
Pagdating sa gate ng bahay, huminga ako nang malalim.
Tumayo ako roon, sa labas ng mismong pintuan. Nakatingin lang. Ilang hakbang na lang, pero parang milya-milya ang layo.
May mga ilaw sa loob. Ibig sabihin, nandoon siya. Si Calvin. At wala akong ideya kung anong mangyayari kapag pumasok ako. Uusok na naman ba ang mata niya sa galit? Babasagin niya ba ang mga baso naming pinili sa Japan? Sisigawan niya ba ulit ako ng mga salitang hindi ko kailanman malilimutan?
O... baka hindi niya na ako papasukin.
Napakapit ako sa door handle. Hindi ko pa pinipihit. Nangangatal pa rin ang mga daliri ko.
Tiningnan ko ang paligid. Ang mga tanim naming nilagay noong anniversary namin. Ang swing na siya mismo ang gumawa noong buntis ako dahil sabi niya, gusto niyang masanay na sa “pagpapasaya ng dalawang babae sa buhay niya.”
Pvtangina, ang sakit pala kapag ‘yung bahay na binuo n’yo para sa pagmamahalan, naging alaala na lang ng pagkawasak.
Dumikit ang noo ko sa pinto. Hinahabol ko ang hininga ko.
Hindi ko alam kung handa na akong pumasok.
Pero isa lang ang sigurado ko ngayon...
Hindi ko na hahayaang maging biktima ulit.
**AIRA POV**Walang araw na lumilipas na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali. Paulit-ulit kong iniisip kung saan ko siya hindi naintindihan, kung saan ko siya nasaktan, kung anong pagkukulang ko bilang asawa. Sa dami ng tanong, wala akong makuhang sagot—puro lang sakit, puro lang luha, puro lang takot.Pero ngayong araw, iba.Dahil ngayon, napuno na ako.Tumigil na ang katahimikan ko. Natabunan na ng mga sugat na hindi ko na maitago. Sapat na ang bawat gabi ng pag-iyak sa unan, sapat na ang mga umagang pinipilit kong ngumiti kahit wala nang dahilan. Ngayon, hindi na ako magpapakain sa galit niyang hindi ko naman kasalanan.Tumayo ako mula sa sahig kung saan ako nakaluhod kanina habang pinupulot ang basag na laptop. Nilinis ko ang mukha kong basang-basa ng luha, pinunasan ang punit-punit kong dignidad, at dahan-dahang lumakad palabas ng kwarto.Ramdam ko pa ang panginginig ng binti ko habang bumababa ng hagdan pero pinilit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa study ni
**AIRA POV**Hindi ko inasahan na aabutin niya ako. Akala ko ligtas ang araw na ’yon. Maingat akong kumilos. Maingat kong itinago ang mga papel. Hindi ako nag-iwan ng kahit anong bakas. Lahat ng email, dinelete ko agad. Lahat ng call history, tinanggal ko. Pero mali ako. Sa bahay na ito, kahit huminga ka ng ibang paraan, alam niya.Maaga akong gumising para magpadala ng email sa abogado ko. Isang USB ang hawak ko, nandoon ang mga picture ng mga dokumentong pinapirmahan niya sa’kin nung may sakit ako. Isa lang ang goal ko: malaman kung legal pa ba ang pagkakatira ko sa bahay na ‘to, at kung may karapatan pa ba ako sa mga gamit, lupa, o kahit man lang sa sarili kong pangalan.Walang kaabog-abog, habang nagsusulat ako ng email, bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napalingon ako, agad kong tinakpan ang laptop.Calvin.Nakatayo siya sa pintuan, suot ang itim niyang long sleeves na laging amoy mamahaling pabango. Pero wala akong naramdamang kilig. Lahat ng meron lang, takot.“Anong ginagawa mo?
**AIRA POV**Tahimik ang buong bahay habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Hawak ko ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isang abogadang ni-refer ng isang dating kakilala. Mula sa cellphone kong luma na’t may lamat ang screen, paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ng contact. Ilang ulit ko na siyang tinawagan sa isip ko pero hindi ko pa rin maipindot ang call button.Takot.Oo, takot akong malaman ang totoo. Takot akong marinig kung gaano na ako kawala sa sarili kong buhay. Pero mas takot akong tuluyang mamatay sa piling ng lalaking dati kong minahal nang buo pero ngayo’y tinitingnan lang ako na parang wala akong kwenta.Lumalim ang buntong-hininga ko. Wala na akong pwedeng balikan. Hindi ko na rin kayang umasa kay Calvin. Sa lahat ng ginawa niya—pagbaba ng tingin sa akin, pagdadala ng mga babae sa mismong bahay namin, pagpilit sa akin na pirmahan ang mga papeles kahit may sakit ako, at ang walang puso niyang pananatiling tahimik habang unti-unti akong nauubos—alam
**CALVIN POV**Hindi ko inaasahan na babalik pa si Lianne. Isa siya sa mga babae kong ginamit. Literal. Isa sa mga babaeng pumasok lang sa bahay para magpanggap na kasiyahan ko, para saktan si Aira, para may masabi ang mga tao sa paligid na hindi ko na siya pinapahalagahan.Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ilang babae na ang dinala ko rito. Lahat sila, walang pangalan sa akin. Wala silang kahulugan. Lahat sila, kasangkapan lang sa plano kong sirain si Aira—yung sakit na dinulot niya, gusto kong ibalik ng doble.Pero iba si Lianne. Hindi dahil espesyal siya, kundi dahil siya ang una at kaisa-isang babaeng binalikan ko kahit isang beses lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik siya o dahil hindi siya tulad ng iba na puro landi at papansin. Pero nung gabing ‘yon na dumaan siya sa bahay, akala ko isa lang ulit siyang distraction. Wala. Walang kwenta. Pansamantalang aliw lang sa panahong puno ako ng galit.Pero hindi ko inaasahan ang mga salitang binitiwan niya.Nasa study ako n
**CALVIN POV**Hindi ako makatulog ng maayos. Sa bawat gabi na ipipikit ko ang mata ko, ang mukha niya ang una kong naaalala. Hindi yung Aira na galit. Hindi rin yung Aira na umiiyak. Kundi yung Aira na tahimik. Yung Aira na wala nang pakialam. Yung Aira na hindi na ako kilala, hindi na ako pinapansin, at hindi na ako mahal.At doon nagsimula ang lahat ng panaginip.Sa panaginip ko, nandoon ako sa loob ng bahay. Pareho pa rin ang itsura ng paligid. Ang hallway, ang sala, ang mga kurtina, pati ang amoy ng lumang kahoy sa hagdan ay ganoon pa rin. Pero may kulang. Tahimik ang buong bahay. Wala ang mga kasambahay. Wala ang mga tunog ng yapak sa tiles. Wala ang ingay ng kutsara’t tinidor sa kusina. Wala si Aira.Hinahanap ko siya. Tinatawag. “Aira!” paulit ulit, habang kinakabahan akong binubuksan ang bawat pinto. Pero wala siya. Ang kama namin, magulo. May mga gamit na wala sa mga drawer. Ang closet niya, bakante. Lahat ng damit niya, nawala na. Kahit ang paborito niyang beige na trench c
**AIRA POV**Isang gabi habang naglalakad ako mula sa banyo papunta sa kwarto, bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa bandang ibaba ng tiyan ko. Parang may humila sa loob, parang may pilit na gustong kumalas. Napahawak ako sa tiyan ko, napasandal sa dingding, at hindi ko na mapigilan ang panginginig ng tuhod ko.Nanlalamig ang mga palad ko habang humihinga ng malalim. Pinipilit kong pigilan ang pagpanik pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ito normal. Hindi ito yung mga sakit na madalas kong maramdaman noon. Iba ito. Parang may hindi tama.Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kama, nanginginig pa rin. Nang makaupo ako, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pilit kong niyayakap ang sarili ko, pilit kong sinasabi sa anak ko na kakayanin ko ito. Na hindi siya mawawala. Na hindi ko siya pababayaan.Pero sa likod ng lahat ng panalangin ko, isang takot ang sumisigaw sa utak ko.Paano kung mawala siya?Paano kung hindi ko siya mailigtas?At ang mas masakit, pa