로그인Nahampas ni Deacon ang kanyang lamesa gamit ang sarili niyang kamay dahil sa galit. Kausap nito sa telepono ang mayordoma ng mansion. Kakamustahin lang sana nito ang asawa ngunit hindi niya alam na siya pala ang dapat kumustahin.
“Boss, may problema po ba?” nag-aalalang anas ni Henry na mabilis na pumasok ng opisina nang makarinig ng ingay mula sa loob. “How dare she do that to me? Matapos niyang magpakasasa sa lahat ng yaman at benefits bilang isang Leonardo ay ganito ang gagawin niya?!” galit na anas niya. Napakamot naman sa ulo nito ang assistant. “Hindi ko po kayo maintindihan.” “That f*cking b*tch is cheating behind my back,” singhal niya. “Baka naman po nagkakamali lang kayo. Mukha naman pong disente at mabait si Ma'am Maris. Hindi naman po yata nito magagawa iyon sa inyo,” tugon ni Henry. “All the maids in the mansion told me the same news. Maris is cheating with another man,” saad naman niya. Napahinga naman ng malalim ang assistant na pinagsasalin na siya ng alak sa baso. “Ano na pong gagawin nyo ngayon?” “I will make her regret everything that she did,” aniya habang nanlilisik ang mga mata sa galit. Kinuha niya ang kanyang cellphone tsaka niya tinawagan ang numero ng taong tutulong sa kanya na makaganti sa asawa. Ilang minuto lang naman ay tinugon na ito kaagad ng tinatawagan. “Sir? Napapirma ko na po si Ma'am Maris. May gusto pa po ba kayong idagdag?” anang boses ng lalaki mula sa kabilang linya. “I want you to void the divorce settlement. Wala siyang makukuhang kahit na ano mula sa akin,” tugon naman niya. “May problema po ba? Bakit po biglang nagbago ang isip nyo?” anang attorney. “She cheated,” sagot niya tsaka niya binaba ang tawag. Kinuha niya ang baso na may lamang alak na binigay ni Henry. Ininom niya iyon ng isang lagukan lamang. Pagkatapos ay humingi pa siya ng isa pa at isa pa at isa pa, hanggang sa maubos na niya ang isang bote ng alak. “Boss, ayaw nyo po bang makipagkita sa asawa nyo? Panahon na po siguro para magkita kayo,” anang Henry. Napatawa naman si Deacon. “Para saan pa? Mas lalong ayaw ko siyang makita ngayong nakagawa siya ng kasalanan sa akin.” Hindi niya matanggap na gagawin iyon ni Maris sa kanya. Kahit pa hindi sila nagkikita na dalawa ay hindi naman siya nagkulang dito. Pinapadalhan niya ito ng mga branded na damit at gamit. Nilalamanan din niya ang atm card nito at palaging kinakamusta sa pamamagitan ng mga katulong. Kaya naman, masakit sa damdamin niya ang ginawa nito sa kanya. “Henry, ano na ang balita sa pinapahanap ko sa iyo? Nakita mo na ba ang babae sa airport?” tanong niya. Napailing naman sa kanya ang assistant. “Wala pang progress, Boss. Pasensya na po.” “Gawin mo lahat, Henry. Kung kinakailangan na baliktarin ang buong lungsod ay gawin mo. I want her to be my wife,” saad niya. Tumango naman ito sa kanya. “Yes, boss.” Dahil sa halo-halong emosyon na naglalaro sa loob niya ay nagpasya siyang umalis na ng opisina at magpunta na lang sa bar. Doon ay um-order siya ng maraming mamahaling alak at nakipagsayaw sa mga sexy na mga babae. “D*mn, girl. You got a perfect body!" lasing na sigaw niya sa babaeng nakasuot ng hapit na hapit na red dress. Maya-maya pa ay may lumapit na sa kanya na isang magandang babae. Mahaba ang buhok nito at maganda rin ang katawan. Dahil lango na siya sa alak ay hinayaan na nito na maupo sa kanyang mga hita ang babae. “Hey, baby. Do you want to have some fun?” tanong ng babae. Napangisi naman siya rito. “It depends on your performance, darling,” Napatawa naman ang babae sa kanya sabay hila sa suot niyang necktai palapit dito. Wala naman na sa katinuan na hinalikan niya ito. Kasabay nang paghawak niya sa may baywang nito. “There's a VIP room upstairs. Do you want to come and join me there?” malanding tanong ng babae. Pero ngiti lang naman ang tinugon niya rito. Pagkatapos ay muli niya itong kinabig palapit sa kanya upang halikan. Habang nakapikit naman ang kanyang mga mata ay bigla nalang pumasok sa kanyang isipan ang mga imahe ng nangyari sa kanila ng babae sa airport. Kaya naman, napatigil siya. “Baby, what's wrong?” tanong ng babae. Marahas naman siyang napailing tsaka niya pinatayo ang babae. Nagtataka naman na sumunod ito sa kanya pero dismayado ring umalis nang hindi na niya ito pinansin pa. Tumayo na rin siya mula sa kanyang pagkakaupo tsaka siya lumabas ng bar. Dahan-dahan na naglakad si Deacon papunta sa kanyang sasakyan. Nahihilo na siya dahil sa dami na ng alak na kanyang nainom. Akmang sasakay naman na siya sa kanyang kotse nang biglang may humawak sa kanyang kaliwang balikat. “Boss, ako na po ang magmamaneho. Lasing na po kayo. Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo, kasalanan ko pa,” anito. Napatawa naman si Deacon. "Henry. Anong ginagawa mo rito?” “Sinundan ko kayo. Baka mapahamak pa kayo sa daan,” tugon naman ng assistant. “Maaasahan ka talaga, Henry. Dahil dyan ay dadagdagan ko ang sahod mo,” lasing na saad naman ni Deacon. Napatango naman sa kanya ang assistant. “Opo. Salamat po. Sumakay na po kayo at ihahatid ko na kayo sa condo nyo.” Inalalayan naman ni Henry si Deacon na makasakay sa may passenger seat. Pagkatapos ay umikot ito papunta sa may driver seat tsaka ito sumakay doon. Sa halos anim na taon na nitong naninilbihan kay Deacon ay kilala at alam na ni Miguel ang bawat galaw at kilos ng amo. Sanay na rin ito sa kasungitan nito. Kaya naman, kahit pagalitan pa ito ni Deacon ay balewala lang dito. Ilang minuto lang naman ang lumipas ay nakarating na sila sa condo unit ni Deacon. Alam naman na ni Henry ang passcode ng pintuan kaya naman,madali na lang silang nakapasok sa loob. Kaagad nitong tinulungan ang amo na makapaghubad ng sapatos at makahiga sa kama. Pagkatapos nitong masigurado na maayos na ang kalagayan ni Deacon ay umalis na rin ito.Aalis na sana si Amaria nang bigla na lang may grupo ng mga lalaki na pumasok. Nagtatawanan ang mga ito at pawang mga nakasuot ng suit at puting longsleeve. Nagtataka naman siyang napaatras papunta sa may gilid upang padaanin ang mga ito. "Sorry, we're late," anang lalaki na may mahabang buhok. "Bakit parang wala ka yata sa mood, Dee?" tanong naman ng isang lalaki, ang nag-iisang nakaputing longsleeve. Napahinga naman ng malalim si Amaris at akmang tatalikod na nang maghiyawan ang mga bagong dating na mga lalaki. Kasunod noon ay ang mga pagsipol ng mga ito. "Brother, hindi mo naman sinabi na may maganda kang bisita?" anang lalaking naka-longsleeve. Nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ng mga ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakaupo na ang mga ito at matiim na nakatitig sa kanya. "Wala ka pa ring kupas, Dee. Magaling ka pa ring pumili. Bukod sa maganda ay sexy pa," ani naman ng lalaking naka-blue na suit. Napaiwas naman ng tingin si Amaris habang nahihiyang
Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan
"Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos
Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy
Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Malinis ang hallway at walang laman ang elevator nang dumating si Deacon sa Leofield Corporation na pagmamay-ari nito. Kilala siya bilang istrikto, masungit, at matapang na CEO. Pagkababa pa lang nito ng mamahalin nitong sasakyan ay ramdam na kaagad ng lahat ng empleyado ng kompanya na mainit ang ul
Kararating lamang ni Amaris sa airport upang sunduin ang kanyang asawa. Sa dalawang taon nilang kasal ay hindi pa niya ito nakikita. Ito ang unang pagkakataon na magkikita silang dalawa kaya naman, wala siyang pinagsabihan na kahit sino na pupunta siya ng airport dahil gusto niyang surpresahin ang
Bagsak ang mga balikat ni Amaris na naglakad palabas ng Leona's Garden. Labis na pagkadismaya at inis ang kanyang nararamdaman. Halos abot kamay na niya ang divorce na matagal na niyang hinahabol ngunit nawala pa. Naiinis siya dahil palagi na lang siyang pinaghihintay at tinataguan ng kanyang asawa
Pagtataka at inis ang namutawi sa loob ni Deacon nang matauhan siya. Pagkatapos siyang nakawan ng halik ng babae ay mabilis na itong tumakbo paalis. Pero ang mas ipinagtataka niya ay ang bagay na nilagay nito sa loob ng kanyang bulsa."That lady earlier, did you know her?" tanong ni Mr. Granado.Hi







