LOGINHindi pa sana babangon si Amaris sa kanyang pagkakahiga sa kama pero dahil sa ingay at komusyon sa labas ng silid niya ay napabangon na siya. Bitbit ang suklay ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa may pintuan. Nilapat niya ang kanyang kanang tainga sa pinto upang pakinggan ang ingay sa labas.
“Talaga ba? Akala ko ay disenteng babae si Ma'am Maris, may tinatago palang kasamaan,” anang boses ng babae. “Korek ka dyan! Aba, ano pa ba ang mahihiling niya, ehh halos nasa kanya na lahat, ‘di, ba?” pagsang-ayon naman ng isa pa. Dismayado naman siyang napalayo sa may pintuan nang malaman na siya pala ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya alam kung tungkol saan ang bagay na iyon pero tiyak niya na dahil iyon sa itsura niya nang umuwi siya kahapon. Hindi alam ni Amaris kung paano pa siya nakauwi kahapon. Wala siya sa sarili at natauhan na lamang siya nang alugin siya ng mayordoma ng mansion. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari at kung nagkita ba raw sila asawa. Hindi naman siya makasagot dahil hindi niya alam kung ano ba ang kanyang sasabihin. Nagkulong na rin siya sa kanyang silid at wala ring ganang kumain. Napapitlag siya nang may biglang kumatok sa may pintuan. Mabilis naman siyang naglakad papunta sa may vanity mirror at naupo doon. Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang isang katulong na babae. “Ma'am Maris, may bisita po kayo. Hinihintay po kayo ni Attorney Louis sa may salas,” anang nito. Napatango naman siya. “Sige. Susunod na ako.” Pagkaalis ng katulong ay kaagad na siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba na nga siya at nagpunta sa may salas. Nakita naman niya roon ang isang lalaki na nasa edad trenta na pataas. Binati niya ito tsaka siya naupo sa katapat nitong sofa. “Magandang araw po, Ma'am Maris. Naparito ako para sa divorce agreement na pinadala sayo kahapon,” anang nito. Napakunot naman ang kanyang noo. “Divorce agreement? Pasensya na pero wala akong alam tungkol dyan.” Inabot naman sa kanya ng abogado ang isang brown envelope na kaagad din naman niyang kinuha. Maya-maya pa ay tinawag niya si Lorna, ang mayordoma upang tanungin kung may dumating na sulat kahapon na para sa kanya. “Pasensya na po, Ma'am Maris. Nakalimutan ko pong ibigay sa inyo,” anang matanda. Napatango na lamang siya at hinayaan na itong umalis. Binuksan naman niya ang envelope na binigay sa kanya ni Attorney Louis at nilabas ang mga papeles na laman nito. Isa iyong divorce agreement mula sa asawa. “Pipirmahan ko ito. Pero ano ito?” aniya tsaka pinakita ang isa pang papel. Napatikhim naman ang lalaki. “Divorce settlement, Ma'am Maris. Iyan ang mga bagay at halaga na makukuha mo sa oras na pumayag ka na makipag-divorce sa iyong asawa.” “Hindi ba at parang sobra-sobra naman yata ito? Baka po nagkakamali lamang kayo,” balik naman niya. Nakakalula sa laki ang halaga at dami ng mga ari-arian na nakasulat sa papel. Sapat na ang lahat ng iyon upang mabuhay siya ng halos isang dekada na masagana. Kahit pa hindi siya magtrabaho ng ilang taon ay mabubuhay pa rin siya. Napailing naman sa kanya si Attorney. “Nakausap ko mismo si Sir John at kinumpirma mismo nito na tunay ang lahat ng iyan,” anito. “Mabuti naman kung ganoon,” balik naman niya sabay lahad ng palad sa lalaki. Naintindihan naman siya nito kaagad dahil mabilis itong naglabas ng ballpen mula sa bitbit nitong leather bag. Binigay ni Attorney Louis ang ballpen sa kanya na kaagad din naman niyang kinuha. Pagkatapos ay pinirmahan na nga niya ang divorce agreement. Hindi rin naman nagtagal ang abogado dahil matapos nitong ipaliwanag ang proseso ng divorce ay umalis na rin ito. Naiwan naman siya roon na mag-isa habang malalim na nag-iisip. “This is a good opportunity. What a coincidence?” sambit niya. Mabuti na siguro iyon kaysa sa ipagpatuloy pa nila ang walang kwenta nilang relasyon. Bukod sa hindi naman niya mahal ang asawa ay inaalala rin niya ang nangyari sa kanya sa airport. Sa halip na mabuhay siya sa ilalim ng kanilang relasyon nang puno ng pagsisisi ay mas maigi nang maghiwalay na lamang silang dalawa. “Ma'am Maris, ito po ang dumating na sulat kahapon,” anang mayordoma na kararating pa lamang. Kinuha naman niya iyon. “Okay na. Salamat.” Tumayo na rin siya mula sa kanyang pagkakaupo tsaka siya muling umakyat at nagpunta sa kanyang silid bitbit ang envelope. Pabagsak din siyang nahiga sa kama na tila ba pagod na pagod. Napatitig siya sa kisame habang nag-iisip ng susunod niyang gagawin. Pero hindi pa man nag-iinit ng kanyang likod sa pagkakahiga nang tumunog ang kanyang cellphone. Unknown number man iyon ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Ma'am Maris? Si Attorney Louis ito. May mahalaga po akong sasabihin sa inyo,” anang boses mula sa kabilang linya. “Yes po, Attorney? Mag problema po ba? May nakalimutan po ba kayo?” tanong naman niya. “Masamang balita po, Ma'am. Binabawi na po ni Sir John ang divorce settlement. Wala ka pong kahit anong makukuha after nyo pong mag-divorce,” anito. Napakunot naman ang kanyang noo. “Bakit po? May problema po ba?” “Magpapadala na lang po ako ulit ng sulat, Ma'am. Pasensya na po,” tugon naman nito. Magtatanong pa sana siya nang bigla na lang natapos ang tawag. Tamad naman siyang napaupo habang pilit na iniisip ang mga posibleng dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip ng kanyang asawa. “Wala naman akong ginagawang mali,” sambit niya. Wala naman siyang pakialam sa halaga ng ibibigay sa kanya ng asawa. Ang gusto nya lang ay maayos na kasunduan. Pero dahil doon ay bigla na lang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanya sa may airport. Paano kung nalaman ng asawa ang tungkol doon? Paano kung iyon pala ang dahilan kung bakit sila maghihiwalay at kung bakit nito binawi ang settlement? Natampal ni Amaris ang kanyang noo dahil sa mga sari-saring bagay na pumapasok sa isip niya. Pagkatapos ay marahas siyang napailing tsaka muling nahiga sa kama. “Wala naman akong ginagawang masama. Wala akong dapat ikabahala,” sambit niya.Aalis na sana si Amaria nang bigla na lang may grupo ng mga lalaki na pumasok. Nagtatawanan ang mga ito at pawang mga nakasuot ng suit at puting longsleeve. Nagtataka naman siyang napaatras papunta sa may gilid upang padaanin ang mga ito. "Sorry, we're late," anang lalaki na may mahabang buhok. "Bakit parang wala ka yata sa mood, Dee?" tanong naman ng isang lalaki, ang nag-iisang nakaputing longsleeve. Napahinga naman ng malalim si Amaris at akmang tatalikod na nang maghiyawan ang mga bagong dating na mga lalaki. Kasunod noon ay ang mga pagsipol ng mga ito. "Brother, hindi mo naman sinabi na may maganda kang bisita?" anang lalaking naka-longsleeve. Nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ng mga ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakaupo na ang mga ito at matiim na nakatitig sa kanya. "Wala ka pa ring kupas, Dee. Magaling ka pa ring pumili. Bukod sa maganda ay sexy pa," ani naman ng lalaking naka-blue na suit. Napaiwas naman ng tingin si Amaris habang nahihiyang
Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan
"Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos
Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy
Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Nahampas ni Deacon ang kanyang lamesa gamit ang sarili niyang kamay dahil sa galit. Kausap nito sa telepono ang mayordoma ng mansion. Kakamustahin lang sana nito ang asawa ngunit hindi niya alam na siya pala ang dapat kumustahin. “Boss, may problema po ba?” nag-aalalang anas ni Henry na mabilis na
Bagsak ang mga balikat ni Amaris na naglakad palabas ng Leona's Garden. Labis na pagkadismaya at inis ang kanyang nararamdaman. Halos abot kamay na niya ang divorce na matagal na niyang hinahabol ngunit nawala pa. Naiinis siya dahil palagi na lang siyang pinaghihintay at tinataguan ng kanyang asawa
Malinis ang hallway at walang laman ang elevator nang dumating si Deacon sa Leofield Corporation na pagmamay-ari nito. Kilala siya bilang istrikto, masungit, at matapang na CEO. Pagkababa pa lang nito ng mamahalin nitong sasakyan ay ramdam na kaagad ng lahat ng empleyado ng kompanya na mainit ang ul
Kararating lamang ni Amaris sa airport upang sunduin ang kanyang asawa. Sa dalawang taon nilang kasal ay hindi pa niya ito nakikita. Ito ang unang pagkakataon na magkikita silang dalawa kaya naman, wala siyang pinagsabihan na kahit sino na pupunta siya ng airport dahil gusto niyang surpresahin ang







