LOGINMalinis ang hallway at walang laman ang elevator nang dumating si Deacon sa Leofield Corporation na pagmamay-ari nito. Kilala siya bilang istrikto, masungit, at matapang na CEO. Pagkababa pa lang nito ng mamahalin nitong sasakyan ay ramdam na kaagad ng lahat ng empleyado ng kompanya na mainit ang ulo nito. Kaya naman, lahat sila ay umiiwas na makasalubong o makita man lang ang kanilang CEO.
Malayo ang tanaw ni Deacon habang nakatayo malapit sa bubog na pader ng kanyang opisina. Mula roon ay kitang-kita niya ang buong lungsod sa ibaba. Hawak niya ang isang baso ng alak habang malalim ang iniisip. “Naayos mo na ba ang divorce paper, Henry?” matabang na anas nito nang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang assistant. Napatango naman ito sa kanya habang naglalakad palapit bitbit ang isang brown envelope. “Opo, boss.” “Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?” masungit na tanong niya. “Inaalam ko pa po kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin nyo. Pina-paimbestigahan ko na po ang lahat ng kasama natin sa eroplano,” mahabang paliwanag ni Henry. Napahalumbaba naman si Deacon at matalas na tumingin sa assistant. “Kilala mo na ba kung sino ang babae sa lounge?” “H-Hindi pa po, boss,” nauutal na anas nito. “Find that girl. I need everything about her. Also, deliver the divorce paper to my wife,” singhal niya. Tango lang naman ang naitugon sa kanya ni Henry tsaka ito mabilis na lumabas ng kanyang opisina. Naupo naman siya sa kanyang swivel chair sabay labas ng kanyang cellphone upang tawagan ang mayordoma ng luma nilang mansion kung saan naninirahan ang asawa. “Sir Deacon,” anang boses ng babae mula sa kabilang linya. “Where’s my wife?” tanong naman niya. “Hindi po ba kayo nagkita? Maaga pong umalis ng bahay si Ma'am Maris. Akala ko nga po ay sasalubungin kayo sa airport,” tugon naman ng babae. Napakunot naman ang noo niya. “Hindi kami nagkita. Nasaan na sya ngayon?” “Wala pa po sya, Sir. Ipagbibigay alam ko po kaagad sa inyo kapag dumating na po si Ma'am Maris,” anito. Hindi naman na siya tumugon pa bagkus ay binaba na niya ang tawag. Sa loob ng dalawang taon ay hindi pa sila nagkikita ng asawa. Arranged marriage lamang sila sa ilalim ng desisyon ng kanyang lola. Niligtas ni Maris ang matanda at simula noon ay naging paborito na ito ng lola niya. Kaya naman, naniniwala si Deacon na ginawa lamang iyon ng asawa upang maikasal sa kanya at magkaroon ng yaman. “Boss,” anang Henry na kapapasok pa lamang. “Isang stewardess ang may pakana ng paglalagay ng gamot sa inumin mo. Plano nito na akitin ka. Pero hindi raw nito alam na mabagal umepekto ang drugs na nilagay nya. Kaya naman, nang makababa kayo ng eroplano, hindi na nito nagawa pa ang orihinal nitong plano.” “Put her behind the bars,” tugon naman niya. Tumango naman ang assistant. “Nasa presinto na po, Boss. Inaalam pa rin namin kung may kasabwat ba siya o wala.” “Hire someone na pwedeng mag-imbestiga niyan. Also, sisantihin mo ang lahat ng guards na kasama natin. Alert the security team. Ayaw ko nang maulit muli ang pangyayaring iyon,” anas niya. “Masusunod po, Boss,” balik naman ni Henry. Winasiwas naman nito ang kanyang kamay sa ere, senyales na pinapaalis na niya ang assistant. Mabilis naman na lumabas si Henry katulad ng gusto niya. Makalipas naman ng ilang minuto ay tumunog ang hawak niyang cellphone. Tiningnan niya sandali ang screen nito tsaka niya iyon tuluyang sinagot. “Attorney Louis,” bati niya. “Gusto ko lang i-finalize ang compensation na nilagay mo under your divorce agreement. Hindi ka ba nagkakamali, Mr. Leonardo? Napakalaking halaga nito para lang sa settlement,” anang boses ng lalaki mula sa kabilang linya. Napahinga naman siya ng malalim. “Sinadya ko ang bagay na iyan, Attorney. Maris is a lowkey gold digger. In order for her to sign the divorce paper, I intentionally gave her the settlement na hindi niya mahihindian.” “Alright. Napatawag lang ako upang kumpirmahin ang lahat. Nagulat kasi ako sa laki ng halaga na ibibigay mo sa kanya,” tugon naman nito. “Kailangan niyang pumirma, Attorney. Kaya ko pang dagdagan ang halaga ng settlement basta pumayag lang siya na makipag-divorce,” dagdag naman niya. “Naiintindihan ko. Kapag wala akong natanggap na kasagutan mula sa kanya ngayong araw ay personal ko nang pupuntahan si Ma'am Maris para maka-usap ito,” saad naman ni Attorney. Napatango naman siya kahit pa alam naman niya na hindi siya nakikita ng kausap. “Thank you, Attorney Louis.” Balewala ang halaga ng yaman na maaari niyang ibigay sa asawa. Kaya niyang doblehin o triplehin ang nauna niyang bitaw, mapapayag lang si Maris. Gusto na niyang makalaya mula sa dalaga. Tama naman na siguro ang dalawang taon na paninirahan sa mansion at pamumuhay bilang Mrs. Leonardo para bayaran ang utang na loob ng lola niya. “When it becomes successful, I will look for that lounge-girl. I am a man of my words. I need to take responsibility for what I've done to her,” aniya. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa swivel chair upang muling magsalin ng alak sa kanyang baso. Pagkatapos ay tinanaw niyang muli ang magandang lungsod sa ibaba mula sa bubog na pader ng kanyang opisina. “This is getting messy,” sambit niya. Matagal na niyang gustong hiwalayan ang asawa. Bukod sa hindi naman nila kilala ang isa't-isa ay hindi rin niya ito nakikita o nakakasama. Tanging papel lamang ang namamagitan sa kanila dahil wala namang kasal na naganap. Pinirmahan lamang niya ang mga papeles katulad ng gusto ng kanyang lola. Pagkatapos ay umalis na rin siya upang magpunta sa ibang bansa para asikasuhin ang kanyang negosyo. Sa loob ng dalawang taon na iyon ay wala siyang kahit na anong nabalitaan tungkol kay Maris. Wala rin silang contact sa isa't-isa na para bang hindi sila mag-asawa. Kaya naman, upang makawala na sila sa isa't-isa ay napagdesisyunan niya na mag-file na lang ng divorce. "I hate my f*cking life," anas niya. Sa tuwing naiisip niya ang asawa at ang kasunduan na hindi niya nagawang tanggihan ay pakiramdam niya na may nagkokontrol sa kanyang buhay. Sinasakal siya nito kaya naman, gusto na niyang makawala.Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan
"Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos
Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy
Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div
Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit
Maaga pa ay tapos na si Amaris sa mga gawaing bahay. Nakapaglinis na siya at nakapag-luto na rin ng almusal ng mga anak. Handa na rin siya para umalis. Hinihintay na lamang niya ang tawag mula sa mayordoma ng Leona's Garden."Malapit na," bulong niya. "Makakalaya na kami."Pero lumipas ang mga minuto at wala pa rin siyang natatanggap na tawag o mensahe man lang. Kaya naman, kinuha na niya ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumawag."Hello," bungad niya. "Ipapaalala ko lang na tapos na ang tatlong araw na palugit na binigay nyo. Nandyan ba si John?""Good morning, Ma'am. Wala po rito si sir. Pasensya na po," tugon ng boses ng babae mula sa kabilang linya.Napahinga naman ng malalim si Amaris. "Usapan ay uspan. Pakisabi kay John na hihintayin ko siya sa Local Civil Register Office. I will be there mamayang ala-una ng hapon.""Yes, Ma'am," tugon ng babae.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya habang napapailing at napapasandal sa may sofa. Pinatay na niya ang taw
Masarap ang tulog ni Amaris. Pakiramdam niya ay punung-puno siya ng enerhiya nang magising siya. Napatingin naman siya sa kanyang tatlong mga anak na mahimbing pa rin na natutulog sa may tabi niya. Minasahe siya ng mga ito kagabi dahilan ng magandang tulog niya."Good morning, babies," mahinang sam
Nang makaligo siya at makapagbihis ay tsaka lamang napansin ni Amaris na wala ang kanyang pangalawang anak. Kaya naman, mabilis siyang lumabas at nagpunta sa may salas. "Where's Kyrelle?" tanong niya. "He went out to throw away the trash, Mommy," Nevan replied. "Mommy, what happened to your f
Lingid sa kaalaman ni Amaris ay ang taong sumagip sa kanya ay walang iba kun'di ang kanyang anak. Sakay ng isang itim na kotse ay dumating si Kyrelle upang iligtas ang mahal niyang ina. Bihasa ang pangalawang anak sa pakikipaglaban dahil palihim na nagsasanay si Kyrelle ng karate, judo, at iba pa.
Hindi mapakali si Amaris habang naglalakad papunta sa hotel na tinutuluyan nila ng kanyang mga anak. Kabababa lamang niya ng taxi at nagsisisi siya na binigyan pa niya ang mayabang na lalaki ng pera. Kung hindi lang talaga niya kailangang patahimikin at bayaran ang lalaki ay hindi na siya mag-aabal







