Share

Ang Muling Pagbabalik

Author: RuruLouella
last update publish date: 2026-02-12 16:13:36

Six Years later.

Isa-isang bumabalik sa isipan ni Amaris ang mga ala-ala na akala niya ay naibaon na niya sa limot. Nang makababa siya ng tren ay kaagad siyang sinalubong ng mga pamanuring tingin ng mga tao. Sa simpleng puting kamiseta at kupas na pantalon ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. At ang mas nakakaagaw pansin pa rito ay ang tatlong batang lalaki na kasama niya. Malulusog ang mga ito, mapuputi at makikinis ang mga balat. At higit sa lahat ay sa kabila ng suot na facemask ng mga ito ay litaw pa rin ang angking kagwapuhan ng mga paslit.

Hindi naman na pinansin pa ni Amaris ang mga tingin ng mga tao sa paligid nila. Sa dami nang hirap ang kanyang naranasan ay balewala na lamang sa kanya ang mga mapanuring tingin ng mga ito. Kung sana ay natuloy lamang siya sa pag-a-abroad ay hindi na sana siya babalik pa sa lugar na iyon. Nang magpa-medical kasi siya ay nalaman niyang buntis siya. At dahil hinihingi ng agency ang resulta ng medical ay hindi siya nakalusot. Hindi raw pwedeng magtrabaho abroad ang buntis. Kaya naman, no choice siya kun'di ang bumalik at makituloy muna sa bahay ng kaibigan niya. Pero nang makapasa si Gia at natanggap sa Japan ay pinaalis na siya nito sa roon. Uuwi raw kasi ang mga magulang nito upang doon manirahan habang nasa ibang bansa ito. Sinubukan naman niya na bumalik sa bahay nila at makiusap sa ama at stepmother niya. Pero pinalayas siya ng mga ito at pinutol pa ang anumang koneksyon namamagitan sa kanila.

"Mommy, I need to pee," boses ng anak na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

Ilang beses siyang napakurap tsaka niya nilingon ang bunsong anak na lalaki. Nakahawak na ito sa pundiyo ng suot nitong pantalon na para bang any moment ay maiihi na ito.

Napatango naman siya. "Okay. Let's go sa banyo." Then she turned to the other two. "Sasama ba kayong dalawa?"

"No!" Sabay na anas ng dalawa habang umiiling pa.

Hinawakan naman niya ang maliit na kamay ng anak. "Dito muna kayo, okay? Behave lang kayo. Sasamahan ko lang si Silas sa banyo."

Sabay na tumango naman ang dalawa sa kanya bilang tugon. Pagkatapos ay magkahawak kamay na nga silang dalawa na nagpunta sa pinakamalapit na banyo. Pagdating naman nila roon ay bahagyang yumukod si Amaris upang pantayan ang anak.

"You go to the men's bathroom while Mommy will go in the women's bathroom. Kapag tapos ka na, wait mo ako here sa labas, okay?" aniya.

Tumango naman ang anak. "Okay."

Naghiwalay na nga silang dalawa. Pumasok si Amaris sa banyo na para sa mga babae samantalang sa kabila naman si Silas. Pagkatapos naman umihi ng paslit ay mabait nga itong naghintay sa may labas katulad nang bilin ng ina.

Sa kanilang tatlong magkakapatid ay ito ang pinakamabait. Pero ito rin ang pinaka-maramdamin. Mabilis itong umiyak at hindi rin masyadong aktibo, 'di gaya ng dalawa na sina Nevan at Kyrelle.

"Tabi! Tumabi ang lahat! Alis!"

Napasandal si Silas sa may pader nang biglang may dumating na mga lalaking nakaitim. Hinahawi nito ang mga tao na nakaharang sa daan at sa gitna ng mga ito ay may isang babae na may pulang lipstick at dress.

"Sa susunod ay h'wag ka nang tumanggap ng project na ang location ay deep in the mountain, ahh. Sa biyahe pa lang ay pagod na pagod na ako. Why can't we just use a plane to go there? Pinasakay nyo pa talaga ako sa train na masikip at punung-puno ng mga hampaslupa!" nangagalaiti na angil nito.

Napapayuko naman ang isang lalaki na pilit na humahabol dito. "Sorry. Hindi na po mauulit."

"Hindi na talaga!" sigaw ng babae.

Sa dami nang mga bodyguard nito ay hindi na napansin ng mga ito ang maliit na bata sa may gilid. Dahil sa malalaking bulto ng katawan ng mga ito at sa pagmamadali ay nasagi nila si Silas. Napaupo ito sa sahig and any moment ay maiiyak na.

"Kaninong anak ito? Bakit may bata dito na pakalatkalat ?!" sigaw ng babae.

Mas natakot pa ang bata nang makita nito ang masamang tingin sa kanya ng babae at mapalibutan siya ng mga lalaki na may mga malalaking katawan.

"Bingi ka ba? Sinabi ko nang umalis ka, hindi, ba? Ano pang hinihintay mo dyan?!" bulalas nito.

Tumulo na ang mga luha ni Silas dahil sa takot. Pero pinipilit pa rin nito na hindi gumawa ng ingay. Wala naman kaalam-alam sa nangyayari si Amaris na hindi pa rin lumalabas sa banyo hanggang ngayon.

"Ano bang problema ng batang ito?! Bakit ba hindi ka pa tumatayo dyan para umalis?" singhal pa nito.

Siya si Nova Noreen Granado, isa sa mga sikat na celebrity. Pero kahit na masama ang ugali nito ay wala ni-isa na sumubok na magpatalsik dito. Bukod sa kilala ang pamilya nito sa larangan ng business at media ay marami rin itong kapit sa mga makapangyarihan na tao sa industriya.

Bakas sa mukha ni Nova ang galit lalo pa nang tila may naalala siya nang mapagmasdan ang paslit. Dahil sa matinding inis ay sinipa niya ang bata gamit ang dulo ng suot nitong heels. Sa ginawa naman na iyon ng babae ay tuluyan nang napaiyak si Silas.

"Mommy! Kuya!" atungal nito.

Dahil malapit lang naman ang kinaroroonan ng mga kapatid ay kaagad na pinuntahan nina Nevan at Kyrelle ang bunso.

"Bakit? Sino ang may gawa nyan sayo?" anas ni Kyrelle.

Tumuro naman sa kanang direksyon si Silas. "T-That Auntie...S-She hurt me."

"No one messes with my brother! Wait here. I will make her pay!" sigaw nito tsaka tumakbo na palayo para sundan ang babae.

Si Nevan naman na siyang pinakamatanda sa tatlo ay mas kalmado kaysa kay Kyrelle. Niyakap niya si Silas tsaka tinuyo ng mga kamay ang mga luha nito.

"Where did it hurt?" tanong niya.

Tinuro naman ng kapatid ang may puwitan nito at ang likod na bahagi ng kaliwang binti nito. Tiningnan naman iyon ni Nevan at laking gulat na makita ang pulang marka sa balat nito.

"I will blow it for you, okay? Para hindi na sumakit," pag-aalo niya sa kapatid.

Tumango naman sa kanya si Silas bilang tugon. Kahit pa si Nevan ang pinaka-disiplinado sa magkakapatid ay hindi rin nito kayang makita na nasasaktan ang isa sa mga ito. Kung kanina ay gusto pa nitong sundan si Kyrelle para awatin, nagbago iyon nang makita ang pasa sa may binti ni Silas.

"I want to help him make that ugly lady pay," sambit nito habang nakatanaw sa direksyon na tinuro ng kapatid kanina.

"Mommy will be mad. She told us to behave. I'm sorry. This is my fault," mahinang anas naman nang nakababatang kapatid.

Kaagad naman na niyakap ni Nevan si Silas upang i-comfort ito. "No, it's not. It's that ugly lady's fault."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Embarassment

    Aalis na sana si Amaria nang bigla na lang may grupo ng mga lalaki na pumasok. Nagtatawanan ang mga ito at pawang mga nakasuot ng suit at puting longsleeve. Nagtataka naman siyang napaatras papunta sa may gilid upang padaanin ang mga ito. "Sorry, we're late," anang lalaki na may mahabang buhok. "Bakit parang wala ka yata sa mood, Dee?" tanong naman ng isang lalaki, ang nag-iisang nakaputing longsleeve. Napahinga naman ng malalim si Amaris at akmang tatalikod na nang maghiyawan ang mga bagong dating na mga lalaki. Kasunod noon ay ang mga pagsipol ng mga ito. "Brother, hindi mo naman sinabi na may maganda kang bisita?" anang lalaking naka-longsleeve. Nasa kanya na ngayon ang buong atensyon ng mga ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakaupo na ang mga ito at matiim na nakatitig sa kanya. "Wala ka pa ring kupas, Dee. Magaling ka pa ring pumili. Bukod sa maganda ay sexy pa," ani naman ng lalaking naka-blue na suit. Napaiwas naman ng tingin si Amaris habang nahihiyang

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Coincidence again....

    Habang naghihintay ng mga pagkain ay hindi maiwasan ni Amaris na mag-isip ng kung anu-ano. Nahalata naman iyon ni Nelia na tumayo mula sa inuupuan nito upang tabihan siya. "Anong problema?" tanong nito. Napailing naman siya."Hindi lang maalis sa isip ko ang tungkol sa divorce at sa lalaking pilit na umiiwas sa akin." "John Leonardo, ang pinakamayaman na negosyante dito sa lungsod? Tama ba ako?" anito. Napakibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay disabled sya at John Leonardo ang pangalan." "Kung ang asawa na tinutukoy mo ay ang kilala kong John Leonardo ay tiyak kong siya nga ang pinakamayamang negosyante dito. Matapos siyang pagtangkaang itakwil sa kanilang pamilya, siraan, at kung anu-ano pa, siya pa rin ang nagmana ng lahat ng yaman ng mga Leonardo. Naging usap-usapan ang bagay na iyan dito sa buong lungsod noon," mahabang litanya nito. Napahinga naman siya ng malalim. "Siya nga siguro iyon. Siya nga raw ang bastardo sa pamilya Leonardo sabi nang matandan

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Luxury Hotel

    "Are we going home na po ba after eating?" tanong ni Silas. Sasagot na sana si Amaris nang pinigilan siya ni Nelia. Hinawakan nito ang braso niya habang umiiling. "No, babies. Hindi pa tayo tapos. I booked a room sa taas. Susulitin na natin itong pagkakataon na ito," saad nito. Napakunot naman ang noo niya. "Kasama pa rin ba iyon sa event?" "No. It's on me. No worries. Sagot ko lahat," tugon nito. Napailing naman siya. "Nelia, napakamahal ng hotel na ito. Isa pa ay nakakain naman na tayo rito. Okay na kami ng mga bata." "Hayaan mo na akong gawin ito, Amaris. Kailangan kong bumawi sa inyo. Ipaparamdam at ipapaintindi ko sa utak mo na wala kang dapat alalahanin. Kahit ano pa iyang dinadala mong problema, handa akong makinig at tumulong. Gagawin ko ito para sa tuwing magdedesisyon ka na magtago ng anomang bagay sa akin ay makokonsensya ka," mahabang litanya nito. Napahawak naman si Amaris sa noo niya. Marahan niyang hinilot ang kanyang sentido habang napapailing. Pagkatapos

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Event

    Sakay ng isang taxi ay nagpunta sila sa Diamond Hotel. Nasa harapan si Nelia samantalang sa likod naman sila nakaupo na mag-iina. Bakas sa mukha ng kanyang mga anak ang pananabik at saya. Kaya naman, hindi na rin maiwasan ni Amaris na mapangiti habang nakatitig sa tatlo. "The event is exclusive and private at the same time," anang Nelia na nakasilip na mula samay passenger seat. "Upang hindi mahiya ang mga bisita na kumain, magpo-provide sila ng mga mask sa may entrance. Isn't it exciting?" Napatawa naman siya. "Napaka-thoughtfull naman nila." "I know, right? So, no worries! Kakainin natin lahat ng pagkain doon. 'Di, ba, kids? Magpapakabusog tayo," anito. "Yes, Ninang!" sabay-sabay na anas ng tatlo. Napailing na lamang siya tsaka siya sumandal at tumanaw sa labas ng bintana. Kailan nga ba ulit noong dumalo siya sa isang event? Hindi na niya maalala. O maaari rin naman na hindi pa siya talaga nakakapunta. Dahil sikreto lang ang arrage marriage nila ng asawa ay wala ni-isa siy

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Cute or Handsome?

    Simula nang ipakilala ni Amaris ang mga anak sa matalik na kaibigan ay halos hindi na ito umuwi. Araw-araw na rin itong pumupunta sa kanila upang dalawin ang mga bata at pasalubungan ng kung anu-ano."Nelia, baka naman masanay ang mga bata dahil diyan sa mga binibili at pasalubong mo," saway niya rito.Napanguso naman ito sa kanya. "No. Wala pa nga ito sa kalahati, ehh. I need to bawi sa kanila sa mga panahong di ko sila nakita at nakasama. Who's fault is that? Sa iyo so, hayaan mo na lang ako.""Nelly," sambit niya.Pero hindi na siya pinansin pa ng kaibigan bagkus ay masaya na itong nakikipagkulitan sa kanyang tatlong mga anak. Napahinga na lamang siya ng malalim tsaka siya naupo sa may silya at inabala ang sarili sa kanyang cellphone.Dahil hindi sinasagot ng mayordoma ang mga tawag niya ay sa text messages naman siya bumawi. Halos oras-oras siyang nagpapadala ng mensahe upang ipaalala rito ang tungkol sa divorce. Pero kahit isa ay wala siyang natanggap na reply."So, how's the div

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Friendship Never Ends

    Gustong maiyak ni Amaris nang muling makita ang matalik niyang kaibigan na si Nelia. Palagi silang magkasama at nagtutulungan noon hanggang sa magkalayo sila nang magkaroon siya ng problema. "Nelia," sambit niya. Mataray naman na naupo ang isang babae sa katapat niyang upuan. Makalipas ng anim na taon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang kontakin ang kaibigan. Kaya naman, naiintindihan niya kung galit ito sa kanya. "I-I'm sorry," pabulong na anas niya. Napatikhim naman ang babae. "Alam kong may matindi kang rason kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon, Amaris. Pero sana naman ay nagparamdam ka kahit simpleng text o tawag man lang kahit once a month." "Sorry. Ipapaliwanag ko sayo lahat. Pakinggan mo sana ako," anas niya. Napatango naman si Nelia. "Aba, dapat lang! Hindi tayo tatayo at aalis sa cafe na ito hangga't hindi mo nasasabi sa akin ang lahat." "O-Okay. Sorry ulit, Nelia," tugon niya. Nilagay ng kaibigan ang mga kamay at braso nito sa may dibdib nit

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Ang Paniningil

    Parang isang palaso na tumama kay Amaris ang huling katagang binitawan ng binita sa kanya. At para wala nang gulo pa ay pinili na lamang niya na manahimik. Naupo siya sa pinakamalapit sa silya roon habang nag-iisip ng mga bagay na maaari niyang gawin. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya ang assistant

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Ang Kotse

    "Hey, you, ugly, old lady! How dare you hurt my brother!" sigaw ni Kyrelle. Naabutan nito ang babaeng nanakit kay Silas. Akmang lalapit na sa kotse ang artista nang mabilis na tumakbo si Kyrelle upang harangan ito. "At sino ka namang bata ka?!" singhal ni Nova. Dinuro naman ito ng paslit. "Ug

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   Kidnapped Again

    Matapos na tulungan ni Amaris sina Mr. and Mrs. Hernandez sa anak ng mga ito na may bipolar disorder ay nagpatuloy na muli siya sa paglalakad. Binigyan din niya ang mag-asawa ng listahan ng herbal medicine na maaari nilang ipainom sa anak nila upang kumalma ito. Natutunan lamang niya iyon sa matand

  • The Divorced Wife Returns: Four Beautiful Mistakes   The Other Child

    Nag-init ang mukha ni Deacon nang marinig ang katagang pilit na pinapagawa sa kanya ng babae. Madami nang babae ang nangahas na magtapat at humiling na samahan sila sa kama. Pero wala pa miski-isa sa mga ito ang kasing-tapang ng babae na nasa harapan niya ngayon. Paano nito nasabi ang katagang iyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status