LOGINSabi nga ng iba ay nasa huli ang pagsisisi. Hindi maiwasan ni Amaris na magsisi habang nililigpit at nilalagay isa-isa ang kanyang mga gamit sa mga maleta. Kung sana ay hindi siya pumayag sa arranged marriage na pinipilit sa kanya ng mga magulang niya ay wala sana siya sa sitwasyon na ito ngayon. Sana ay lumaban siya at nangatwiran noong pinasa sa kanya ng kanyang stepsister ang pagpapakasal sa walang pusong si John Leonardo. Bagamat naging maganda ang pakikitungo ng lola ng asawa sa kanya ay balewala ang lahat ng iyon sa nangyayari sa kanya ngayon. Ang lola ng lalaki ay ang matandang niligtas niya noong minsang muntik na itong masagasaan.
“Ma'am Maris, nasa labas na po ang sasakyan,” anang mayordoma. Napatango naman siya. “Salamat.” Tinulungan siya ng mga katulong na bitbitin ang kanyang mga gamit papunta sa ibaba. Isa-isa rin nilang sinakay ang mga iyon sa sasakyan kasabay nang pagpasok na rin niya sa loob ng kotse. Maaga pa lamang ay natanggap na niya ang sulat mula kay Attorney Louis. Pinapalayas na siya ni John at binawi na rin nito ang divorce settlement na nagkakahalaga na bilyon-bilyong pera. Nakapaloob din sa sulat ang dahilan ng lahat ng iyon at dahil daw iyon sa panlalaki niya. Kahit pa wala naman iyong katotohanan ay kumbinsido na ito dahil sa mga katulong na nagsumbong sa kanya sa asawa. “Saan po tayo, Ma'am?” ani ng driver. “Sa Magallanes Avenue po tayo, Manong,” tugon naman niya. Sa isang kaibigan muna siya makikituloy bago siya umuwi sa kanila. Tiyak kasi niya na pagagalitan siya ng kanyang pamilya kaya naman, kailangan muna niyang ihanda ang sarili. Hindi naman nagtagal ang biyahe nila dahil matapos lamang ng halos trenta minutos ay nakarating na rin sila doon. Sinalubong naman siya ng isang payat at may mahabang buhok na babae. “Amaris! Kumusta na ikaw?” tanong ng kaibigan. Napangiti naman siya. “Okay lang, Gia. Ikaw kumusta na?” “Okay lang naman. Magtatagal ka ba rito sa bahay?” balik nito. Napailing naman siya. “Hindi na siguro, Gia. Uuwi rin naman ako sa bahay mamayang hapon.” “Nako.. Napakabait mo talaga. Paano mo ba naaatim na ituring pa sila na pamilya, ehh kinakawawa ka naman nila?” anas nito. Ngiti lang naman ang naitugon niya rito. Nagpalipas lang siya ng ilang oras sa bahay ng matalik niyang kaibaigan at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya rito na uuwi na. Pero hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay nila ay isang sampal na kaagad ang dumapo sa kanyang pisngi. “Wala kang utang na loob! Bakit ka nandito? Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka pa namin matapos ng ginawa mo?” singhal ng kanyang stepmother. Napailing namn siya. “Patawad po, Tita. Hindi ko na po kasi kaya. Nag-file po ng divorce si John. Wala na po akong magagawa doon.” “Paano mo nagawang magloko, ehh nasa iyo na nga lahat ng karangyaan? Tanga ka ba at hindi mo iningatan ang pagkakataon na iyon?!” sigaw pa nito. Napayuko naman siya. “Wala po akong ginagawang masama. Hindi po ako nagloko. Wala po akong lalaki.” “Sinong niloko mo? Nakatanggap ng sulat ang Papa mo. Nakasaad doon lahat ng kagagahan na ginawa mo. At dahil dyan ay sumama ang pakiramdam ng Papa mo,” anas nito. “Nasaan po si Papa? Kumusta po sya?” nag-aalalang saad naman niya. Pero hindi siya tinugon ng tiyahin bagkus ay hinawakan siya nito sa braso tsaka siya marahas na hinila palayo ng bahay. Tinulak din siya nito palayo kaya naman, napaupo na siya sa lupa. “Umalis ka na. H'wag ka nang babalik pa rito. Simula ngayon ay wala na kaming kahit na anong koneksyon sayong bruhilda ka!” bulalas nito. Pinigilan naman ni Amaris ang tiyahin sa pamamagitan ng paghawak nito sa may binti nito. Baliwala sa kanya ang dumi ng lupa o ang mga taong nakatingin sa kanila. “Tita, please. Wala na po akong mapupuntahan,” pakiusap niya. “Kasalanan mo iyan. Kung hindi ka nagloko, maganda pa sana ang buhay mo ngayon! Hala. Sige. Layas!” siggaw nito. Sinipa siya ng tiyahin dahilan ng pagkakasalampak niya sa lupa. Hindi naman niya mapigilan na maiyak habang pinapanood ang papalayong pigura ng kanyang stepmother. Wala naman na siyang ibang pagpipilian pa kun'di ang umalis kaya naman, bagsak ang kanyang mga balikat na muling bumalik sa kanyang kaibigan. “Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong nito sa kanya nang makarating siya sa bahay ng mga ito. Magulo ang kanyang buhok, madumi ang damit, at tila wala sa sarili. Pakiramdam niya ay pinagsakluban na siya ng langit at lupa. Wala na siyang mapupuntahan pa. “Gia, baka may alam kang mapagtatrabahuhan na may bahay na matutuluyan? Kahit ano. Kakayanin ko,” aniya. Napaisip naman ang babae tsaka ito tumango. “Maghanda ka ng mga papeles. Sumama ka sa akin na mag-abroad. Malaki ang kita doon.” “Hindi ba nakakatakot? May kakilala ka na ba doon?” balik naman niya. Napangiti naman si Gia. “Oo. Tutulungan tayo ni Mamita Rey na makaalis. May kaunting f*e lang pero okay na iyon kaysa sa wala.” “Sige. Sasama ako,” aniya. Ang mahalaga para kay Amaris ngayon ay ang mabuhay at sa pagkakataon na ito ay wala na siyang karapatan pang tumanggi sa oportunidad. Kailangan niyang kumayod ng mag-isa dahil wala naman na siyang ibang aasahan pa kun'di ang kanyang sarili. Pinatuloy muna siya ni Gia sa maliit na tahanan nito. Sa sahig nga lang siya matutulog pero okay na iyon kaysa sa kalsada. Medyo naninibago lang siya dahil hindi na siya sanay na mahiga sa lapag. Kaagad na nag-react ang kanyang katawan na sumasakit na kahit pa ilang minuto pa lang siyang nakakahiga. “Maaga tayo bukas, Amaris, ahh. Matulog ka na. Kailangan nating makumpleto ang mga requirements para makaalis tayo at makapag-abroad,” ani ni Gia na nakahiga na sa kama nito. Nasa iisang silid silang dalawa. Bilang bisita at dayo ay nararapat lamang na sa sahig lang siya matutulog lalo na kung wala naman talagang ibang available na silid o matutulugan. “Naiintindihan ko, Gia. Salamat,” aniya. Kaya naman, kahit pa hindi siya komportable sa higaan niya ay pinilit pa rin ni Amaris na makatulog. Kailangan niyang sumunod sa kaibigan upang makasama sa plano nito na mag-abroad. “Babaguhin ko ang buhay ko. Pagbalik ko, ibang Amaris Elodie Lamoroza na ang makikita nyo,” sambit niya sa kanyang sarili."Hey, you, ugly, old lady! How dare you hurt my brother!" sigaw ni Kyrelle. Naabutan nito ang babaeng nanakit kay Silas. Akmang lalapit na sa kotse ang artista nang mabilis na tumakbo si Kyrelle upang harangan ito. "At sino ka namang bata ka?!" singhal ni Nova. Dinuro naman ito ng paslit. "Ugly and old lady. Why did you hurt my brother?!" Napanganga naman si Nova nang marinig ang mga salitamg binitiwan ng bata. Hindi nito matanggap na tinawag siya ng paslit na panget at matanda. Pero dahil nasa loob ng kotse ang lalaking matagal na nitong hinahangaan ay pinilit pa rin ni Nova na hindi magalit. Yumuko ito upang kausapin ang bata. "Umalis ka na ngayon din. Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ay masasaktan ka rin kagaya ng kapatid mo!" Pero sa halip na umalis si Kyrelle ay mas ininis pa nito ang artista. Nilabas nito ang dila at nang-asar pa lalo habang nagawa ng mga nakakainis na ekspresyon sa mukha. "Ikaw, paslit ka!" bulalas naman ni Nova. "Panget ka! Matanda! Masam
Six Years later. Isa-isang bumabalik sa isipan ni Amaris ang mga ala-ala na akala niya ay naibaon na niya sa limot. Nang makababa siya ng tren ay kaagad siyang sinalubong ng mga pamanuring tingin ng mga tao. Sa simpleng puting kamiseta at kupas na pantalon ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito. At ang mas nakakaagaw pansin pa rito ay ang tatlong batang lalaki na kasama niya. Malulusog ang mga ito, mapuputi at makikinis ang mga balat. At higit sa lahat ay sa kabila ng suot na facemask ng mga ito ay litaw pa rin ang angking kagwapuhan ng mga paslit. Hindi naman na pinansin pa ni Amaris ang mga tingin ng mga tao sa paligid nila. Sa dami nang hirap ang kanyang naranasan ay balewala na lamang sa kanya ang mga mapanuring tingin ng mga ito. Kung sana ay natuloy lamang siya sa pag-a-abroad ay hindi na sana siya babalik pa sa lugar na iyon. Nang magpa-medical kasi siya ay nalaman niyang buntis siya. At dahil hinihingi ng agency ang resulta ng medical ay hindi siya nakalusot. Hindi r
Sabi nga ng iba ay nasa huli ang pagsisisi. Hindi maiwasan ni Amaris na magsisi habang nililigpit at nilalagay isa-isa ang kanyang mga gamit sa mga maleta. Kung sana ay hindi siya pumayag sa arranged marriage na pinipilit sa kanya ng mga magulang niya ay wala sana siya sa sitwasyon na ito ngayon. Sana ay lumaban siya at nangatwiran noong pinasa sa kanya ng kanyang stepsister ang pagpapakasal sa walang pusong si John Leonardo. Bagamat naging maganda ang pakikitungo ng lola ng asawa sa kanya ay balewala ang lahat ng iyon sa nangyayari sa kanya ngayon. Ang lola ng lalaki ay ang matandang niligtas niya noong minsang muntik na itong masagasaan.“Ma'am Maris, nasa labas na po ang sasakyan,” anang mayordoma.Napatango naman siya. “Salamat.”Tinulungan siya ng mga katulong na bitbitin ang kanyang mga gamit papunta sa ibaba. Isa-isa rin nilang sinakay ang mga iyon sa sasakyan kasabay nang pagpasok na rin niya sa loob ng kotse.Maaga pa lamang ay natanggap na niya ang sulat mula kay Attorney Lo
Nahampas ni Deacon ang kanyang lamesa gamit ang sarili niyang kamay dahil sa galit. Kausap nito sa telepono ang mayordoma ng mansion. Kakamustahin lang sana nito ang asawa ngunit hindi niya alam na siya pala ang dapat kumustahin. “Boss, may problema po ba?” nag-aalalang anas ni Miguel na mabilis na pumasok ng opisina nang makarinig ng ingay mula sa loob. “How dare she do that to me? Matapos niyang magpakasasa sa lahat ng yaman at benefits bilang isang Leonardo ay ganito ang gagawin niya?!” galit na anas niya. Napakamot naman sa ulo nito ang assistant. “Hindi ko po kayo maintindihan.” “That f*cking b*tch is cheating behind my back,” singhal niya. “Baka naman po nagkakamali lang kayo. Mukha naman pong disente at mabait si Ma'am Maris. Hindi naman po yata nito magagawa iyon sa inyo,” tugon ni Miguel. “All the maids in the mansion told me the same news. Maris is cheating with another man,” saad naman niya. Napahinga naman ng malalim ang assistant na pinagsasalin na siya ng alak sa
Hindi pa sana babangon si Amaris sa kanyang pagkakahiga sa kama pero dahil sa ingay at komusyon sa labas ng silid niya ay napabangon na siya. Bitbit ang suklay ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa may pintuan. Nilapat niya ang kanyang kanang tainga sa pinto upang pakinggan ang ingay sa labas. “Talaga ba? Akala ko ay disenteng babae si Ma'am Maris, may tinatago palang kasamaan,” anang boses ng babae. “Korek ka dyan! Aba, ano pa ba ang mahihiling niya, ehh halos nasa kanya na lahat, ‘di, ba?” pagsang-ayon naman ng isa pa. Dismayado naman siyang napalayo sa may pintuan nang malaman na siya pala ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya alam kung tungkol saan ang bagay na iyon pero tiyak niya na dahil iyon sa itsura niya nang umuwi siya kahapon. Hindi alam ni Amaris kung paano pa siya nakauwi kahapon. Wala siya sa sarili at natauhan na lamang siya nang alugin siya ng mayordoma ng mansion. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari at kung nagkita ba raw sila asawa. Hindi naman siy
Malinis ang hallway at walang laman ang elevator nang dumating si Deacon sa Leofield Corporation na pagmamay-ari nito. Kilala siya bilang istrikto, masungit, at matapang na CEO. Pagkababa pa lang nito ng mamahalin nitong sasakyan ay ramdam na kaagad ng lahat ng empleyado ng kompanya na mainit ang ulo nito. Kaya naman, lahat sila ay umiiwas na makasalubong o makita man lang ang kanilang CEO. Malayo ang tanaw ni Deacon habang nakatayo malapit sa bubog na pader ng kanyang opisina. Mula roon ay kitang-kita niya ang buong lungsod sa ibaba. Hawak niya ang isang baso ng alak habang malalim ang iniisip. “Naayos mo na ba ang divorce paper, Miguel?” matabang na anas nito nang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang assistant. Napatango naman ito sa kanya habang naglalakad palapit bitbit ang isang brown envelope. “Opo, boss.” “Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?” masungit na tanong niya. “Inaalam ko pa po kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin nyo. Pina-paimbestigahan ko na po ang







