Se connecterThird Person's Pov Ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng VIP suite ay tila nakikisama sa gaan ng pakiramdam ng lahat. Pagkatapos ng ilang buwan ng pagtatago, takot, at sunod-sunod na panganib, sa wakas ay wala na ang anino ni Julian at Victoria. Si Julian ay nasa ilalim na ng mahigpit na pagbabantay sa kulungan, habang si Victoria naman ay tuluyan nang naglaho kasabay ng pagsabog ng laboratoryo sa gitna ng dagat.Sa loob ng kwarto, ang ingay ay hindi galing sa mga makina ng ospital, kundi sa asaran at tawanan ng pamilya Cruz."Cruz... ang sarap pakinggan na iyon na talaga ang gagamitin nating apelyido," nakangiting sabi ni Papa habang inaalalayan si Mama na maupo sa tabi ng kama ni Lucas. "Wala na tayong Alfonso na kailangang itago para lang mabuhay. Wala nang alyas, wala nang takot.""At sa wakas, bago man lang lumabas itong mga apo niyo, malinis na ang pangalan natin," sabi ni Liana habang hinahaplos ang kaniyang tiyan na halata na ang paglaki. Kahit pagod sa mga nangyar
3rd Person's Pov Ang amoy ng gamot at ang puting kisame ng ospital ang bumungad sa paningin ng lahat habang hinihintay ang balita sa kalagayan ni Lucas. Sa labas ng emergency room, hindi mapakali si Sera. Pabalik-balik siya sa paglalakad, ang kaniyang mga daliri ay panay ang laro sa laylayan ng kaniyang polo na may bahid pa ng dugo."Sera, maupo ka muna. Kanina ka pa ikot nang ikot, mahihilo na ako sa'yo," malumanay na sabi ni Tita Elena. Nakaupo siya sa tabi ng mama ni Liana, si Dr. Alfonso. Pareho silang bakas ang pagod pero nananatiling matatag para sa pamilya."Paano ako uupo, Tita? 'Yung lalakeng 'yun, nagpaka-bayani na naman. Akala mo naman ay gawa sa bakal ang katawan niya," sagot ni Sera. Kahit masungit ang kaniyang tono, halata ang panginginig ng kaniyang boses."Ganoon talaga ang batang 'yun, Sera. Alam nating lahat na hinding-hindi niya hahayaang may mangyari sa'yo o kay Liana," dagdag naman ng mama ni Liana. Hinawakan niya ang kamay ni Sera para pakalmahin ito. "Magig
Third Person's PovHindi mahulugang-karayom ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Adrian habang mabilis itong bumabaybay sa mabatong dalampasigan patungo sa bukana ng lumang tunnel. Ang tanging naririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang mabilis na paghinga ni Sera. Hawak pa rin ng dalaga ang kaniyang tablet, pilit na pinapatatag ang signal na nanggagaling sa tracker ni Lucas."Adrian, malapit na tayo. Isang kilometro na lang mula sa posisyon ng dot," sabi ni Sera. Basag ang kaniyang boses pero may determinasyon sa kaniyang mga mata.Sa tabi niya, si Liana ay nakahawak sa kaniyang tiyan. Ang kaba niya ay hindi lang para sa kaniyang kuya, kundi para sa kaligtasan ng lahat. Tumingin siya kay Adrian na seryosong nagmamaneho. Ang panga ng asawa niya ay nakatigas, at ang mga kamay nito sa manibela ay tila puputok ang mga ugat sa tindi ng hawak."Liana, manatili ka sa loob ng sasakyan kasama si Papa kapag nakarating tayo roon," utos ni Adrian. Ang kaniyang boses ay mababa pero pun
Liana's Pov Nanlamig ang buong katawan ko. Ang boses na iyon ay hindi ko pwedeng mapagkamalan. Kahit sa gitna ng madilim at mausok na hallway ng service elevator, ang boses na iyon ay parang isang matalim na kutsilyo na humiwa sa huling pag-asa na hawak ko.Nang tumama ang emergency light sa mukha niya, halos mawalan ako ng hininga."Attorney Ramos?" gulat na sabi ni Adrian. Ang kaniyang braso na nakayakap sa akin ay humigpit, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang galit.Si Attorney Ramos. Ang lalakeng pinagkatiwalaan ni Adrian sa lahat ng kaniyang legal na dokumento. Ang lalakeng naghatid sa amin ng balita tungkol sa kaligtasan ni Papa. Nakatayo siya ngayon sa harap namin, suot ang kaniyang mamahaling suit, pero ang kaniyang mukha ay wala na ang bakas ng pagiging maingat na abugado. Sa halip, isang malamig at mapanuring tingin ang ipinupukol niya sa amin."Pasensya na, Adrian. Pero sabi ko nga sa inyo, sa mundo ng negosyo, ang katapatan ay may presyo," sabi ni Attorney Ramos ha
Liana's Pov Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa monitor ng security camera. Ang babaeng nasa labas ng pinto ay parang isang multo mula sa nakaraan. Kahit nakatakip ang kaniyang mukha, ang paraan ng pagtayo niya at ang kwintas na hawak niya ay sapat na para manginig ang buong pagkatao ko."Mama?" mahinang bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses sa lalamunan ko.Naramdaman ko ang pag-init ng palad ni Adrian habang hinahawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang kaniyang proteksyon, ang kaniyang pagiging handa na harapin ang kahit sino para sa akin. Pero sa pagkakataong ito, kahit siya ay tila naguguluhan."Liana, huwag kang lalapit," babala ni Kuya Lucas. Nakatayo siya malapit sa pinto, ang kaniyang mga mata ay matalas na nakatitig sa bawat galaw ng babae sa labas."Lucas, buksan mo ang pinto," utos ni Papa. Ang boses ni Papa ay basag, puno ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. "Kailangan nating malaman kung siya nga ba talaga."Dahan-dahang pinihit ni Kuya ang tran
Liana's Pov Nakatayo ako sa gitna ng walk-in closet na halos kasinglaki na ng buong kubo namin sa probinsya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pagbukas ko ng mga cabinet, wala akong nakitang kahit anong damit na dinala ko mula sa biyahe. Lahat ng luma kong t-shirt at maong, naglaho na. Sa halip, puro silk, satin, at mga tela na mukhang mas mahal pa sa kinita ko sa buong buhay ko ang nakasabit."Adrian!" tawag ko habang nakatingin sa salamin.Naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa baywang ko mula sa likuran. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko, at sa salamin, nakita ko ang mapanlarong ngiti sa kaniyang mga labi."Do you like them, asawa ko?" bulong niya. Ang init ng hininga niya sa leeg ko ay nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan."Nasaan ang mga gamit ko? 'Yung paborito kong hoodie, nasaan?" tanong ko habang humaharap sa kaniya."Inayos ko na. Don't worry, hindi ko itinapon. Pero sa penthouse na ito, at lalo na kapag lalabas tayo, gusto
Liana’s POV “Wait for me.” Iyon ang huling salitang binitawan ko kay Adrian bago ako tumakbo palayo sa bench. Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, dinig na dinig ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba para sa tumawag na si Nanay, o dahil sa bigat ng mga
Chapter 5 – FeelingsAdrian’s POVI don’t do things halfway.Kung gusto ko ng tahimik na duty, tahimik akong magra-rounds.Kung gusto ko ng isang research paper, gagawin kong top-tier na worthy of international journals.At kung gusto ko ng babae?I go all in.And right now, I want Liana Cruz.I kn
Adrian’s POVNakahinga rin ako nang maluwag. Makalipas ang isang linggo ng pagiging "pasyente ng taon," sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng ospital. Siyempre, bago ang bakbakan sa Internal Medicine kasama si Tita Victoria, kailangan ko munang gawin ang pinaka-importanteng operasyon sa buhay
Adrian's POV Kinabukasn St. Gabriel's Hospital Naka-scrubs ako, naka-mask, at mabilis na naglalakad sa hallway. Naka-deploy na ang mga tauhan ni Sera sa paligid. Ang target: OR 7. Doon gaganapin ang ilegal na operasyon. Pumasok ako sa scrub room. Nakita ko si Philip na naghahanda na rin. "Ad







