LOGINLumipas ang magdamag at tanging pag-iyak lamang sa aking silid ang aking ginawa. Pagod na akong umiyak, ngunit tila ay walang planong tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kaya kinaumagahan, sobrang namumula at namamaga rin ang aking mga mata. At ngayon, kasalukuyan lamang akong nakatingin mula sa malayo sa labas ng bintana na mayroon ang silid na ito. Nais ko mang lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin ay hindi ko magawa, dahil walang balkonahe ang silid kung saan ako pinapatulog ni Aldrake magmula ng tumira ako dito sa pack house. At tulad din ng kanyang utos sa kanyang mga pack members, walang pagkain ang dumating sa silid ko o kahit man lamang tubig. Ilang oras narin magmula ng maupo ako rito sa harap ng bintana. Iniisip ko ang mga nangyari kagabi, ang mga salitang binitawan ko sa kanilang harap. Kahit ang aking sarili ay hindi makapaniwala na sinabi ko ang lahat ng iyon kay Aldrake. Tila binigyan ako ng Moon Goddess ng lakas at tapang para hingin sa kanya na ireject na l
I got goosebumps after she said those words to me. My hands tremble dahil sa takot at kaba. Hindi ko na nagawa pang makapagsalita, dahil sa kanyang itinuran.'No. This can't be!. Lilly would never die!!'. My mind keeps on repeating those lines, hanggang sa maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko. "Are you alright?". Nilingon ko si Aldus. Seryuso siyang nakatingin sa akin, ngunit nagtataka ang kanyang mga mata. Bago sumagot sa kanyang katanungan, nilingon ko ang matanda. Ngunit laking gulat ko na lamang na wala na siya sa kanyang pwesto kanina, at nakasarado narin ang pintuan ng kanyang kubo. "Y-Yes. Ayos lamang ako". Turan ko na lamang na siyang ikinatango niya. Ilang beses akong nagbuntong hininga, bago sumunod sa kanya patungo sa kanyang kotse. Hindi parin mawala-wala sa aking isipan ang sinabi ng matanda kanina. Tama siya, malapit na ang ikatlong kabilugan ng buwan ngunit hanggang ngayon ay wala parin akong marka mula sa aking kapareha. Nag-aalala ako para kay Li
After getting back to my human form, agad kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan dahil sa mga sugat na natamo ni Lilly sa pakikipaglaban. I even coughed blood while lying on the dirty ground. I have no strength left para alamin pa kung sino ang ang tumulong sa amin ni Lilly, all I know is ligtas na kaming dalawa at makakauwi ng buo sa pack house. I was waiting for a half minute para magkaroon ng kaunting lakas at ibangon ang aking sarili mula sa pagkakahiga sa lupa. Sumandal ako sa katawan ng malaking puno, and tried to mind linking my wolf, Lilly but she didn't answer so I got worried. "Lilly, are you alright". A faint growl only the sound I heard from my mind. She's wounded. She's not in good condition, and now? Nadagdagan pa ito ng mga panibagong sugat. Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak dahil sa kalagayan ni Lilly. Nag-aalala ako sa nag-iisang kaibigan na nakakaintindi sa nararamdaman ko. "Lilly". Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang nanghihina niyang bos
Masyadong malawak ang gubat na ito, kaya hindi na ako magtataka kung madaling araw na ako makakauwi sa pack house. At habang naglalakad sa madilim na gubat na tanging kaunting sinag lamang ng buwan ang nagbibigay ng kaunting liwanag, hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak habang inaalala ang mga nangyari kanina lamang. Sirang-sira na ang image ko sa maraming tao, dahil sa kagagawan ng kapatid ko. Hindi ko na alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko dahil sa mga nangyayari. Lahat sila, ang tingin sa akin ay masama dahil nagagawa silang paikutin ni Amber. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bukod doon, mas lalong nagalit sa akin si Aldrake. I'm trying my best na huwag ng patulan pa si Amber dahil gusto ko ngang pagandahin yung image ko para lamang mapansin at bigyan ako ng attention ni Aldrake, ngunit tila talagang sinisira iyon ni Amber para lalong lumayo ang loob sa akin ng asawa ko. Ang sakit lang isipin, na kahit kaunting paliwanag ko ay hindi ako pinapakinggan ni Aldrake, na para
Labis na takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis ang mga hakbang na naglakad papalapit sa pwesto namin si Aldrake, with his murderous eyes. "A-Aldrake...help me". Bumaba ang tingin ko kay Amber ng marinig ang kanyang iyak habang nakahawak sa kanyang paa. Walang sinayang na oras si Aldrake at agad na lumuhod sa harap ng kapatid ko."Are you alright?. Masakit ba?". Nag-aalala nitong tanong. Labis na pag-aalala rin ang umukit sa kanyang mata habang nakatingin kay Amber na malakas na umiiyak. Mabilis na tinulungan ni Aldrake si Amber sa pagtayo, bago ito ibigay sa kanyang kaibigan na kasama niyang dumating. Napaurong ako ng galit na lumingon sa akin si Aldrake. Mariin na napatikom ang aking bibig ng sa isang iglap lamang ay lumapat ang kanyang palad sa aking kaliwang pisngi. Napatagilid ang aking ulo dahil sa malakas na sampal na ibinigay niya sa akin. Nakarinig pa ako ng mga singhapan sa paligid. At doon ko lang din napansin sa pag-angat ko ng ulo, marami na pala ang taong
Muli akong naiwan ng mag-isa, nang magsimula na silang maglakad papasok. After a few minutes of calming my throbbing heart, sumunod na ako sa kanila. At sa bawat hakbang, nanginginig ang aking mga tuhod at kalamnan. "You must be the Alpha of the Moonlight Pack?". Tanong ng isang matanda nang lumapit ito kay Aldrake."Yes. I'm Aldrake Greywolf, the Alpha of the Moonlight Pack". "Alright. Please follow me".Bago sumunod sa matanda, lumingon pa si Aldrake kay Amber at hinawakan ito sa kamay."Hintayin mo ako dito, okay?. Huwag kang lalayo. Mabilis lamang ito, and after the appearance sasamahan kitang maglibot at ipapakilala rin kita sa lahat". Nakangiting turan niya, bago ako nilingon."Let's go". He didn't wait for me, agad na siyang naglakad upang sundan ang matanda kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya habang nakayuko. Nakarating na kami sa unahan, kung saan naroon ang Alpha ng Silvermoon Pack. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kaibigan ni Aldrake. Nang makalapit







