Mag-log inVictor POV
Hindi nagkamali si Victor ng oras. Eksakto ang minuto. Eksakto ang araw. Eksakto ang lugar. Nakatayo siya sa loob ng elevator ng gusaling pinagtatrabahuhan ni Elera —tahimik, tuwid ang tindig, hawak ang bouquet ng puti at pulang rosas. Ang suit niya ay maayos, ang postura ay perpekto. Walang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha niya. Sa loob niya, may gumagalaw. Hindi kaba. Hindi takot. Pananabik. “Check the monitors,” utos niya nang hindi lumilingon, malamig ang boses na sanay sundin. “I want to know if she’s in her office.” Tahimik ang ilang segundong lumipas. “Location update, sir,” sagot ng assistant sa kabilang linya. “She’s at the office.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Victor. Matagal na niyang alam ang lugar na ito. Ilang linggo na niyang pinagmamasdan ang gusali—ang pasukan, ang lobby, ang security pattern, ang oras ng pagdating at pag-alis ng mga empleyado. Alam niya kung kailan pinakamadaling pumasok nang walang tanong. Alam niya kung kailan hindi siya mapipigilan. May meeting siya ngayon. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi nagbago kay Elera—ang pagiging seryoso sa trabaho. Ang pagiging kontrolado. Ang hindi pag-aaksaya ng oras sa mga bagay na walang saysay. “Ito na ang hinihintay ko, Elera.” bulong niya. Nang bumukas ang elevator, hindi siya nagmadali. Hindi siya kailanman nagmamadali. Ang kapangyarihan ay hindi tumatakbo—hinihintay nitong maramdaman ito ng mga tao. At naramdaman nila. Pagpasok niya sa opisina, parang huminto ang mundo. Bumagal ang mga yabag. May nalaglag na ballpen. May pumigil ng hininga. Narinig niya ang mga bulungan. “Victor Alvares?” “Impossible…” Hindi niya sila pinansin. Hindi sila ang pakay niya. Tahimik siyang naglakad, bawat hakbang sinadya. Hindi para magyabang—kundi para ipaalala kung sino siya. Walang humarang. Wala ring nagtangkang magtanong. Hindi nila kailangan. Nang bumukas ang pintuan ng conference room, nakita niya siya. Si Elera. Nakatayo ito roon, hawak ang folder. Maayos ang buhok. Simple ang suot—walang labis, walang kulang. Pero buo. Mas buo kaysa noong huli niya itong nakita. Mas matatag. Mas malamig. Mas maganda. “Still beautiful,” bulong niya, halos para sa sarili. May kumibot sa dibdib ni Victor—isang bagay na matagal niyang ikinulong. Hindi niya hinayaang umangat iyon sa mukha niya. Hindi niya kailangang ipakita. Lumapit siya. Huminto sa harap nito. Tahimik. Pinagmasdan niya ang mukha ni Elera, para bang tinitiyak sa sarili na totoo ang nakikita niya. Hindi panaginip. Hindi alaala. Buhay. Narito. Sa harap niya. “Elera,” sambit niya. Narinig niya ang bahagyang pagbabago sa paghinga nito—maliit, halos hindi mahalata. Pero kilala niya iyon. Hindi siya sumagot. Hindi rin siya umatras. Good, naisip niya. Hindi ka na duwag. “There you are,” dagdag niya, mababa ang boses. “I’ve been waiting for this moment.” Ramdam niya ang bigat ng katahimikan. Ang bigat ng mga matang nakatuon sa kanila. Pero wala siyang pakialam. Matagal na niyang tinanggap na kahit anong gawin niya, laging may manonood. Ang mahalaga—nakatingin siya sa kanya. Nang tanungin siya ni Elera kung anong ginagawa niya roon, nakita niya ang kontrol sa boses nito. Ang pilit na katahimikan. Ang galit na ayaw ipakita. Ngumiti siya. Hindi dahil masaya siya—kundi dahil sigurado siya. “I came to take my wife back.” Narinig niya ang mga bulungan. Ramdam niya ang gulat. Pero ang titig niya ay nanatili kay Elera. Gusto niyang makita ang reaksyon nito—at nakita niya. Ang paninigas. Ang pagtanggi. Ang paglayo. Nang hindi nito tinanggap ang bouquet, hindi siya nagulat. Hindi rin siya nasaktan. Inaasahan niya iyon. Hindi siya nagdala ng bulaklak para tanggapin—kundi para ipaalala. Nang sabihin nitong hindi na siya asawa at wala siyang karapatang pumasok doon, tumingin siya sa paligid. Hindi para maghanap ng kakampi—kundi para iparamdam kung sino ang may kapangyarihan. “Mukhang kailangan kong maging malinaw.” Humakbang siya palapit. Sapat lang. Hindi niya ito hinawakan. Hindi niya kailangan. “I am Victor Alvares,” sabi niya, malakas ang boses. “CEO of Alvares International Group. And everyone here will know it.” Sumunod ang katahimikan. At nasiyahan siya roon. “At ang babaeng ito,” dugtong niya, hindi inaalis ang tingin kay Elera, “she’s my ex-wife.” Ang pagtanggi nito—ang babala sa boses—lahat iyon ay parang hamon. At hindi siya umatras. “This isn’t a game,” sagot ni elera agad agad. Hindi kailanman naging laro ito. “I want you back. Mine again.” Agad na sagot ni victor, bahagya siyang ngumiti. “We’ll see.” Hindi iyon pangako. Katotohanan iyon. Iniwan niya ang bouquet sa mesa. Hindi dahil tapos na siya—kundi dahil nagsisimula pa lang. “Hindi ako sanay matalo,” bulong niya. “At lalo akong hindi sanay mawalan ng pag-aari.” Nang sabihin ni Elera na hindi na siya pag-aari, tumigil siya sandali. Pinagmasdan. Inukit sa isip. “Not yet,” sabi niya. “But soon.” At nang tumalikod siya, alam niyang iniwan niya doon hindi lang katahimikan—kundi gulo. Takot. Alaala. Isang digmaan. Habang naglalakad palayo, alam niyang nagtagumpay siya. Hindi dahil sumama si Elera—kundi dahil alam niyang mula sa sandaling iyon, hindi na siya makakatulog nang hindi siya naiisip. At para kay Victor Alvares, sapat na iyon. Sa ngayon.Pagbalik ni Victor sa condo, tahimik.Isinara niya ang pinto sa likod niya, bitbit ang bag na may lamang extrang damit. Tinanggal niya ang sapatos, natural ang galaw, parang matagal na niyang ginagawa iyon sa lugar na ito kahit matagal na ring hindi.“Elera?” tawag niya, mababa ang boses.Walang sumagot.Naglakad siya papasok, dumaan sa sala. Maayos ang lahat. Nakasindi ang isang ilaw sa hallway. Doon niya napansing bukas ang pinto ng banyo.At saka—Narinig niya ang buhos ng tubig.Huminto siya, sapat na para malamang naliligo si Elera.Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya umatras. Tumayo lang siya roon, nakikinig sa tunog ng shower, sa tubig na tumatama sa tiles, sa mahinang ugong na parang humaharang sa lahat ng ibang isip niya.Umupo siya sa gilid ng sofa, inilapag ang bag sa sahig. Pinilit niyang mag-isip ng iba. Trabaho. Meeting. Numbers. Contracts.Maya-maya, humina ang buhos.Tumayo ulit si Victor.Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napatingin sa direksyon ng bany
Tahimik ang loob ng sasakyan.Hindi iyong awkward na katahimikan—kundi iyong uri na puno ng maliliit na detalye. Ang mahinang ugong ng makina. Ang regular na galaw ng wiper na tumatama sa salamin. At sa gilid ng paningin ni Victor, si Elera—nakaupo nang maayos, isang kamay hawak ang tasa ng kape, ang isa’y nakapatong sa bag niya.Napasulyap si Victor.Hindi halata. Sanay siyang magnakaw ng tingin nang hindi nahuhuli. Nakita niyang bahagyang sumimsim si Elera ng kape, pumikit sandali, parang sinisiguro ang lasa. Walang salita. Walang reaksyon. Pero may kakaibang gaan sa balikat nito, isang subtle na bagay na tanging siya lang ang makakapansin.Nagustuhan niya.Isang munting ngiti ang sumilay sa labi ni Victor—hindi sadya, hindi kontrolado. Isang iglap lang, pero totoo.Hindi niya agad binawi ang tingin.At doon niya napansing alam ni Elera.Hindi lumingon ang babae, pero nag-iba ang posisyon ng tasa sa kamay nito. Mas mahigpit ang hawak. Isang maliit na senyales na naramdaman nitong ti
Tapos na ang meeting.Walang naging komplikasyon. Walang pagtutol. Walang naglakas-loob magtanong ng ikalawang beses. Gaya ng inaasahan ni Victor—diretso, mabilis, kontrolado. Isa-isa niyang isinara ang mga usaping tinalakay, para bang checklists lang ang mga iyon na matagal na niyang kabisado. Nang tumayo siya mula sa upuan, kasunod ang sabay-sabay na pagtayo ng iba, alam niyang tapos na ang bahagi ng araw na hindi niya pinapahalagahan.Ang mahalaga—ang susunod.Paglabas niya ng boardroom, hindi na niya hinintay ang assistant. Siya mismo ang humakbang palabas ng hallway, mahabang stride, tuwid ang likod, ngunit ang isip niya ay wala na sa loob ng gusaling iyon.Kinuha niya ang phone mula sa bulsa, isang mabilis na tingin sa oras.Eksakto.Schedule ni Elera.Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya bumagal. Ang bawat hakbang niya ay eksakto—parang alam na ng katawan niya kung saan siya pupunta kahit hindi pa sinasabi ng isip.Pagdating sa lobby, tinanggihan niya ang driver sa isang ting
Hindi nagmadali si Victor.Hindi niya kailanman ginagawa iyon—lalo na pagdating kay Elera.Tumayo siya mula sa sofa, inayos ang cuffs ng polo, kinuha ang phone sa mesa na hindi man lang niya nabuksan habang nandoon siya. Isang huling tingin sa paligid ng opisina. Maayos. Tahimik. Kontrolado. Gaya ng babaeng nasa gitna nito.“May meeting ako,” sabi niya, kalmado ang tono, parang simpleng paalam lang. “Board.”Hindi agad sumagot si Elera. Nakatayo siya sa likod ng mesa, hawak ang tablet, halatang may binabasa—o kunwari lang.“Okay,” sagot niya matapos ang ilang segundo, walang emosyon.Humakbang si Victor palapit sa mesa niya. Hindi mabilis. Hindi rin marahas. Parang sinasadya niyang bigyan ng oras ang bawat hakbang—para maramdaman niya ang presensya niya.“I’ll drive you home later,” dagdag niya, parang fact, hindi tanong.Doon siya napatingin.Diretso. Matigas.“Hindi ako uuwi sa bahay na dati nating tinitirhan,” sagot niya agad. Walang galit. Walang paliwanag. Final.Bahagyang ngumit
Eksaktong alas-dose ng tanghali nang muling gumalaw ang atmosphere sa buong floor.Hindi dahil sa announcement. Hindi dahil sa meeting reminder.Kundi dahil bumukas ang elevator.At lumabas si Victor Alvares.Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nag-announce ng presensya. Hindi niya kailangan. Suot niya ang charcoal suit, walang tie, bukas nang bahagya ang unang butones ng polo—relaxed, pero hindi kailanman casual. Sa isang kamay, may dala siyang insulated bag na halatang galing sa isang lugar na hindi basta-basta pinupuntahan. Sa kabilang kamay, isang bouquet ng simpleng puting lilies—hindi flashy, hindi OA, pero intentional.At sa pagitan ng mga iyon, isang sobre. Malinis. Walang pangalan sa labas.Tahimik ang buong floor.May mga empleyadong kunwari busy, pero ang mata ay palihim na sumusunod sa bawat hakbang niya.“Lunch break na ba?” bulong ng isa, kunwari nagbabasa ng email.“Shh,” sagot ng isa pa. “Paparating siya.”Hindi sila nagkakamali.Diretso ang lakad ni Victor papunta
Hindi na lingid sa mga tao sa buong building ang presensya ni Victor Alvares.Sa ikatlong araw na sunod-sunod siyang bumalik sa opisina, nagsimula nang mag-iba ang ihip ng hangin. Hindi literal—kundi ang atmosphere. Ang dating tahimik na corporate floor ay may kakaibang tensyon na hindi maipaliwanag, parang may paparating na bagyo na hindi mo alam kung kailan tatama.At lahat iyon ay dahil sa isang lalaki.“Pangatlong araw na ‘yan, no?” bulong ng isang empleyada sa pantry, hawak ang kape na matagal nang malamig. “Hindi ba weird?”“Super,” sagot ng isa pa, palinga-linga muna bago nagsalita. “I mean… si Victor Alvares ‘yan. Hindi ‘yan yung tipo ng lalaking bumabalik-balik sa isang lugar nang walang dahilan.”Tumango ang isa. “Diba? Kilala ‘yan sa industry. Isang tingin lang niya, nanginginig na ‘yung boardroom. Masungit, brutal, walang pakialam kung may masaktan basta manalo.”“Pero napansin niyo ba—” maingat na singit ng isa pang babae, “—iba siya pagdating kay Ma’am Elera.”Tahimik si

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





