FAZER LOGINPagkarating ni Freya sa inuupahan niyang kwarto, mabilis niyang hinanap ang pitsel ng tubig sa kusina. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang maliit na kahon na kabibili lang niya.
Isinubo niya ang contraceptive pill at mabilis na nilagok ang tubig.
"Please... maging effective ka," bulong niya habang nakahawak sa sumasakit niyang tiyan.
Pagkatapos ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Binuksan niya ang shower at hinayaang umagos ang malamig na tubig sa buong katawan niya.
Habang sinasabunan ang sarili mula ulo hanggang paa, napatingin si Freya sa salamin. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na namula ang kanyang mga pisngi sa matinding hiya at galit.
Ang maputi at makinis niyang balat ay punong-puno ng mga pulang marka. May mga kagat at s****p sa kanyang leeg, sa balikat, at maging sa mga tago at sensitibong parte tulad ng kanyang hita.
"Shit..." inis na urat niya habang pilit na kinukuskos ang sariling balat. "Aso ka ba? Baka Year of the Dog ka ipinanganak kaya hilig mong mangagat kung saan-saan!"
Nilakasan pa niya ang tulo ng shower. Kinuskos niya nang paulit-ulit ang kanyang katawan hanggang sa mamula iyon. Ayaw niyang mag-iwan ng kahit anong amoy o trace ng lalaking 'yon sa kanya. Gusto niyang burahin ang lahat ng nangyari.
Pagkalabas ng banyo, nagluto siya ng isang bowl ng instant noodles para lang magkalaman ang tiyan niya. Pagkakain ay agad siyang humiga sa kama at nagkumot.
Sobrang bigat ng mga mata niya. Pagod na pagod ang kanyang buong sistema.
"Panaginip lang ang lahat ng 'to, Freya... Paggising mo, okay na ulit ang lahat," aniya sa sarili bago tuluyang ipinikit ang mga mata at hinayaang lamunin ng antok.
Sa marangyang Presidential Suite naman, mahimbing pa ring natutulog si Gideon.
Sa totoo lang, hindi niya maalala kung kailan siya huling nakatulog nang ganito katagal. Siguro dahil na rin sa pagod sa buong magdamag o kaya naman ay dahil sa lambot at kakaibang bango ng babaeng yakap niya na parang may hypnotic effect sa kanya.
Sobrang payapa ng tulog niya. Pero nang unti-unti niyang idilat ang kanyang mga mata, agad niyang naramdaman ang lamig.
Nang kapain niya ang tabi niya, wala na ang yakap niya. Blangko na ang kama.
Kunot-noong napaupo si Gideon at inilibot ang paningin sa buong silid dahil wala ng tao.
"She ran away?" hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili.
Tinakasan siya nito habang natutulog siya. At ang mas nakakagulo sa utak niya ay wala itong kinuha o iniwang kahit ano. Hindi ito humingi ng pera, at hindi rin naghintay para panagutan niya.
Anong klaseng babae 'yon?
Madilim ang mukhang kinuha niya ang kanyang cellphone sa nightstand at mabilis na tinawagan ang kanyang secretary.
"Roman. Bring me a clean set of clothes to room 921. Now," malamig at maawtoridad niyang utos bago ibinaba ang tawag.
Tumayo si Gideon mula sa kama para pumunta sa banyo, ngunit natigilan siya nang sulyapan ang nagulong puting kumot. May bahid ng pulang marka roon.
Biglang nag-igting ang kanyang bagang at mas lalong lumalim ang reaksyon sa kanyang mga mata.
It was her first time...
Hindi nagtagal ay mabilis na nakarating si Roman sa Presidential Suite dala ang isang paper bag na may lamang bagong damit.
Pagkapasok pa lang niya ay halos manlaki ang mga mata ng assistant. Nagkalat ang mga damit ng lalaki at babae sa sahig, magulo ang higaan, at may natitira pang kakaibang init sa paligid.
Hindi makapaniwala si Roman sa nakikita. Twenty eight years old na ang kaniyang boss at kahit kailan ay hindi ito nahilig sa babae kaya madalas pagkamalang bakla.
Which woman is so capable that she made the CEO break his vows?
Bumukas ang p***o ng banyo at iniluwa nito si Gideon na naka-bathrobe lang. Basa pa ang maikli at itim nitong buhok, at may mga patak ng tubig na gumugulong mula sa matikas nitong dibdib pababa sa eight-pack abs at V-line.
Pero ang mas nakakuha ng atensyon ni Roman ay ang mga kalmot at kagat sa dibdib at tiyan ng kanyang boss. Halatang naging marahas ang nagdaang gabi.
Agad na nag-iwas ng tingin si Roman at namula.
"Uh... Sir, ito na po 'yung damit niyo."
Kinuha ni Gideon ang bag nang walang emosyon.
Bago pa man makahinga nang maluwag si Roman, nagsalita ulit si Gideon gamit ang malamig nitong boses.
"Check the hotel's surveillance footage. Alamin mo kung sinong babae ang pumasok sa kwarto ko kagabi."
Napanganga si Roman. "Sir? Hindi niyo po kilala kung sino siya?"
Napakunot ang noo ni Gideon, halatang naiinis na. "Kung alam ko, kakailanganin ko pa ba ang imbestigasyon mo?"
May hinala siya na isa sa mga business partners niya ang nagpasok ng babae sa kama niya para makakuha ng pabor sa negosyo. At hindi niya hahayaang palagpasin 'yon nang hindi nalalaman ang katotohanan.
"Understood, Sir. I'll check it right away," sagot ni Roman bago mabilis na lumabas para tawagan ang hotel manager.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Roman na may problemadong mukha.
"Sir..." medyo nag-aalinlangan niyang tawag habang nagbibihis si Gideon ng pormal na polo.
"What?" Gideon asked coldly.
"Sabi po ng manager, nagka-aberya raw po ang mga CCTV cameras sa floor na 'to kagabi. Kasalukuyan pa lang pong kinukumpuni ngayon. Kaya... wala silang record kung sinong pumasok o lumabas sa suite niyo."
Naputol agad ang lead nila.
Bumuntong-hininga si Gideon habang inaayos ang kanyang cuffs. Bagamat hindi siya masaya sa balita, hindi na rin siya nag-utos pa na ipagpatuloy ang paghahanap.
"Let it be," saad ni Gideon. "Huwag mo nang ituloy ang imbestigasyon."
Para sa kanya, isang one-night stand lang ang nangyari. Walang dahilan para mag-aksaya siya ng oras sa isang babaeng hindi naman niya kakilala. Isa pa, iniisip niya na baka nga isa lang itong klase ng babae na madaling sumama sa kung sinong lalaki dahil nagawa nitong iwanan siya nang ganoon na lang.
Kaya naman, hinayaan na lang niya ang nangyari na mauwi sa wala.
Tuloy-tuloy ang naging tulog ni Freya hanggang kinaumagahan. Pagkadilat pa lang ng kanyang mga mata, agad niyang naramdaman ang bigat ng kanyang ulo.
Napadaing siya sa kirot nang madampian niya ito nang hindi sinasadya.
"Ouch..." bulong niya sa sarili, sabay hawak sa noo. "May lagnat yata ako."
Kailangan niyang uminom ng paracetamol para gumaan ang pakiramdam niya. Pero bukod sa lagnat, may isang partikular na bahagi sa kanyang ibaba ang sobrang humahapdi at sumasakit.
Pagbaba niya sa kama, napansin niyang iika-ika na siya kung lumakad.
Dapat ay papasok siya sa trabaho ngayon. Pero paano na lang kung makita siya ng mga katrabaho niya sa ganitong kalagayan? Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag nakita siyang naglalakad nang ganoon?
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, kinuha ni Freya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang supervisor.
"Hello, ma'am? Good morning po. Pwede po ba akong mag-leave ngayon? Masama po kasi talaga ang pakiramdam ko... Opo, sige po. Maraming salamat po."
Matapos maaprubahan ang kanyang day off, uminom muna siya ng gamot sa lagnat at nagluto ng simpleng agahan.
Habang kumakain, nagpasya siyang pumunta sa ospital para magpacheck-up.
Kinakabahan siya. Natatakot siya na baka may sakit ang lalaking 'yon kagabi at nahawaan siya.
Gaga mo talaga, Freya! Bakit ka ba uminom nang ganoon karami? inis na sa-isip niya sa sarili. Kung magkakasakit ako dahil doon, tapos na ang buhay ko!
Sa sobrang praning, kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-search sa internet tungkol sa mga sakit tulad ng Aids, syphilis, at HIV. Habang nagbabasa ng mga sintomas, mas lalo lang siyang nanginginig sa takot. Hindi na niya naubos ang kanyang pagkain.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag, lumabas ng bahay, at pumara ng taxi papuntang ospital.
Pagdating sa ospital, kailangan muna niyang pumila para makakuha ng appointment.
Sinadya ni Freya na pumili ng isang senior female gynecologist, iyong may may-edad na babaeng doktor na mas may karanasan. Sobrang nahihiya kasi siyang humarap sa lalaking doktor.
Iniisip pa lang niya na kailangan niyang magbaba ng pantalon para sa check-up, pakiramdam niya ay mas gusto na lang niyang mamatay sa hiya kung lalaki ang titingin sa kanya. Kung sa babaeng doktor, kahit paano ay mas komportable siya.
Pagkatapos ng kalahating oras na paghihintay sa lobby, tinawag din sa wakas ang number niya.
Huminga nang malalim si Freya bago pumasok sa loob ng clinic. Pero pagkapasok niya, hindi niya nakita ang matandang doktora.
Ang puting kurtina ng examination bed ay bahagyang dinaluyan ng hangin, at doon ay may napansin siyang isang matangkad na anino ng tao sa likod niyon.
Nandoon kaya ang doktor sa likod ng kurtina?
Dahan-dahang lumapit si Freya at maingat na nagtanong.
"Doc?"
Natigilan ang anino sa likod ng kurtina. Maya-maya pa, dahan-dahan nitong hinawi ang tela at lumabas.
Naka-black trousers ito at malinis na white shirt. Matangkad, maskulado, at halatang lalaki.
Pagtingala ni Freya upang tignan ang mukha nito, halos malaglag ang panga niya at nanlaki ang kanyang mga mata.
Siya?!
Pagkalabas na pagkalabas ng lalaki ay natural na itinuon nito ang madidilim na mata sa pasyente. Pero natigilan din ito nang mamukhaan si Freya.
Nagkatitigan ang dalawa, at bakas sa mga mata ng bawat isa ang matinding gulat. Sobrang kinabahan si Freya at pakiramdam niya ay umurong ang dila niya kaya hindi siya makapagsalita nang maayos.
"You... I..." nauutal niyang saad habang unti-unting namumula ang kanyang buong mukha.
Oh my god! What a small world!
She actually ran into the man from that night again!
Anong gagawin niya? Namukhaan ba siya nito? Kung kilala siya nito, dapat ba siyang tumakbo palabas ngayon o ano?
Kahit gustong-gusto na niyang mag-panic, pinilit ni Freya na maging kalmado ang kanyang mukha at magpanggap na walang alam.
"Ah, n-no... I'm sorry. May appointment po kasi ako kay Dra. Venturi. Baka mali po ang kwartong napasukan ko."
Tinitigan nang mariin ng lalaki ang dalaga, hindi tinatanggal ang malamig nitong tingin. Bahagyang gumalaw ang manipis nitong labi.
"Hindi ka nagkamali ng kwarto. Lumabas lang sandali si Dra. Venturi, kaya ako muna ang pumalit sa kanya pansamalantala."
Napatulala si Freya.
Naglakad nang marahan ang lalaki patungo sa table ng doktor at umupo roon. Kinuha niya ang isang pen gamit ang kanyang mahahabang daliri saka binalingan si Freya.
"Sit," utos nito gamit ang baritono at malalim na boses.
Bahagyang nanginig ang katawan ni Freya sa malamig na utos nito. Maingat niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki habang dahan-dahang lumalapit sa upuan sa tapat nito.
Nakilala niya kaya ako? tanong niya sa sarili, halos mabuwal sa kaba.
Lasing na lasing siya noong gabing iyon. Nangyari ang lahat sa gitna ng kawalan niya ng malay, at hindi man lang niya alam kung paano ba nagsimula ang lahat. Nakita lang niya nang malinaw ang mukha nito kinaumagahan, noong nahimasmasan na siya!
At noong oras na iyon... mahimbing pa itong natutulog.
Nang tignan ni Freya ang blangko at walang emosyong mukha ng lalaki ngayon, nakahinga siya nang maluwag.
Mukha namang... hindi niya ako nakikilala.
Dahan-dahan siyang umupo, sinusubukang pakalmahin ang nagwawalang tibok ng kanyang puso.
Pinagmasdan ni Gideon ang hindi mapakaling babae sa harap niya. Mahigpit ang hawak ng kanyang mahahabang daliri sa isang black fountain pen habang seryosong nagtatanong.
"Name? Age?" mababa ang boses nito.
Awtomatikong sumagot si Freya.
"Freya Mendoza... twenty-two years old."
Tahimik na isinulat iyon ni Gideon nang walang reaksyon sa mukha. Pero sa loob niya ay tila nabunutan siya ng tinik.
Twenty-two… not jail bait anymore.
Noong gabing iyon, sa sobrang lambot at kinis ng balat nito, kasabay pa ng inosenteng mukha, akala niya talaga ay underage pa ito.
Tahimik na isinulat iyon ni Gideon nang walang reaksyon sa mukha. Muli itong nagtanong nang hindi tumitingin sa kanya.
"Anong nararamdaman mo? Bakit ka magpapa-checkup?"
Natigilan si Freya. Sobrang awkward dahil lalaki ang doktor sa harap niya. Ang hirap sabihin, hindi niya alam kung paano sisimulan. Pero dahil sa seryoso at malalim na titig ng lalaki, napilitan siyang magsalita.
"Ah... may masakit po kasi sa akin... sa may... pagitan ng binti ko..." mahina niyang sagot habang unti-unting namumula ang kanyang mga pisngi.
Nang marinig iyon, bahagyang humigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang panulat. Pero pinilit huwag magpakita ng kahit anong emosyon. Nanatili itong nakatitig kay Freya.
"Saan banda partikular ang masakit?"
Paano ba niya sasabihin iyon? Paano niya ilalarawan ang parteng iyon sa mismong lalaking gumawa niyon sa kanya?
"Ano... doon po sa... sa..."
Bahagyang pinagdikit ni Freya ang kanyang mga binti, halatang gustong magsalita pero pinipigilan ang sarili sa tindi ng hiya. Nagpapahiwatig siya pero hindi niya masabi nang direkta.
Tinitigan ni Gideon ang namumulang mukha ng babae. Biglang gumalaw ang kanyang Adam's apple. Parang may biglang sumiklab na init at kakaibang pangangati sa kanyang lalamunan nang maalala ang nangyari sa suite niya.
Tinitigan siya ni Gideon.
Nakita ni Freya ang paggalaw ng Adam's apple nito bago ito muling nagtanong sa paos na boses.
"Anong dahilan at bakit sumasakit iyan?"
Mas lalong namula si Freya.
"Kasi po... ano... ganoon po..." Nauutal siya sa tindi ng hiya.
Paulit-ulit siyang nauutal at hindi makabuo ng maayos na sagot.
Kaya naman, malamig siyang siningitan nito. "Sex life?"
Hindi nakapagsalita si Freya. Tumango na lang siya nang mabilis habang nakayuko at pulang-pula ang mukha.
Pinagmasdan ni Gideon ang reaksyon nito.
Hindi alam ni Freya kung bakit, pero pakiramdam niya ay lalong nagdilim ang mga mata ng doktor habang nakatitig sa kanya. Tila may malalim itong iniisip habang nakatingin sa namumula niyang mukha.
"May asawa ka na ba?" mababa at medyo paos na tanong ulit nito.
Mabilis na umiling si Freya.
"Boyfriend?" tanong ulit ni Gideon.
Umiling ulit si Freya bilang sagot.
Walang asawa. Walang boyfriend. Ibig sabihin, siya talaga ang may gawa niyon.
Naalala ni Gideon na anim na beses niya itong inangkin noong gabing iyon. Mukhang napasobra nga siya at nasaktan niya ito nang husto.
Habang naaalala ang kakaibang tamis ng gabing iyon, nagdilim ang mga mata ni Gideon.
Tumingin si Gideon kay Freya.
“Lie down on that bed. Take your pants off now—I need to check you."
Mabilis ang mga hakbang ni Freya palabas ng consultation room. Halos takbuhin niya ang counter para makuha ang gamot at makauwi na.Maganda ang panahon sa labas ng ospital. Maaraw, maaliwalas, at asul na asul ang langit. Pero bakit pakiramdam niya, ang malas-malas niya ngayong araw?Hindi lang dahil nagtagpo ulit ang landas nila ng lalaking 'yon mula noong gabing may nangyari sa kanila, kundi dahil...Diyos ko! Hindi naman pala ito ang doktor na pumalit sa talagang titingin sa kaniya! Nagpanggap lang ito, tapos pinaghubad pa siya ng pantalon para kunwari ay suriin siya!Naalala ni Freya kung paano siya nito utusan kanina habang nasa loob ng kwarto. Awtomatiko siyang namula. Uminit ang buong mukha niya sa hiya at inis.Nakilala kaya niya ako? tanong niya sa sarili.Basta ang sigurado, kailangan niya nang umalis doon. Hindi ligtas ang lugar na 'to para sa kaniya. Pagkakuha ng gamot ay mabilis siyang lumabas ng ospital nang hindi lumingon sa likod.Nag-book na siya ng taxi habang naglala
Napaatras ang dila ni Freya. Lalong nag-init ang kanyang mukha at halos mayanig ang buong pagkatao niya sa tindi ng hiya. "P-Po? Pero... hindi po ba pwedeng mag-reseta na lang kayo ng gamot o cream? O kaya... hintayin ko na lang si Dra. Venturi?"Humarap sa kanya si Gideon, malamig at walang emosyon ang mga mata, pero may kakaibang dilim doon na hindi niya maipaliwanag."Dra. Venturi won't be back today. At bilang doktor mo ngayon, kailangan kong makita kung anong partikular ang nararamdaman mo para maibigay ang tamang gamot. Lumapit ka na rito."Natigilan si Freya. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang gusto na lang niyang maglaho bigla."Pero kailangan talaga... tanggalin?" nauutal niyang tanong, halos kapusin ng hininga sa matinding hiya.Seryoso siyang tiningnan ni Gideon. Walang mababakas na biro sa mukha nito. "Paano ko malalaman kung gaano kalala ang sitwasyon mo kung hindi mo huhubarin 'yan?"May punto naman ito."Pero..."Nag-aalinlangan pa rin si Freya at hindi magawang ku
Pagkarating ni Freya sa inuupahan niyang kwarto, mabilis niyang hinanap ang pitsel ng tubig sa kusina. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang maliit na kahon na kabibili lang niya.Isinubo niya ang contraceptive pill at mabilis na nilagok ang tubig."Please... maging effective ka," bulong niya habang nakahawak sa sumasakit niyang tiyan.Pagkatapos ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Binuksan niya ang shower at hinayaang umagos ang malamig na tubig sa buong katawan niya.Habang sinasabunan ang sarili mula ulo hanggang paa, napatingin si Freya sa salamin. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na namula ang kanyang mga pisngi sa matinding hiya at galit.Ang maputi at makinis niyang balat ay punong-puno ng mga pulang marka. May mga kagat at sipsip sa kanyang leeg, sa balikat, at maging sa mga tago at sensitibong parte tulad ng kanyang hita."Shit..." inis na urat niya habang pilit na kinukuskos ang sariling balat. "Aso ka ba? Baka Year of the Dog ka ipinanganak kaya hi
"Uminom ka pa, Freya Mendoza! Minsan lang 'to!" malakas na tawa ni Macey sa gitna ng malakas na tugtog.Napailing si Freya, halos hindi na maidilat nang maayos ang mga mata dahil sa hilo. "Macey, tama na... umiikot na ang paningin ko. I think I’ll vomit anytime."Ngumuso ang matalik niyang kaibigan bago may dinukot sa loob ng mamahalin nitong purse. "Ang kj naman! Oh siya, heto ang keycard ng kwarto. Mauna ka na sa taas at magpahinga. Susunod ako kapag tapos na ang party."Kinuha iyon ni Freya bago naglakad palayo. Umiikot ang buong paligid at parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya habang binabagtas ang tahimik na hallway ng luxury hotel.Dahil sa kalasingan, hindi na niya tiningnang mabuti ang numero sa pinto. Nang makita ang isang Presidential Suite, ipinasok niya ang keycard at laking pasasalamat niya nang tumunog iyon at bumukas."Why everything is spinning..." paos niyang bulong.Diretso ang bagsak ng mga paa niya sa malambot at malaking kama. Pagkahiga pa lang







