Mag-log inMabilis ang mga hakbang ni Freya palabas ng consultation room. Halos takbuhin niya ang counter para makuha ang gamot at makauwi na.
Maganda ang panahon sa labas ng ospital. Maaraw, maaliwalas, at asul na asul ang langit. Pero bakit pakiramdam niya, ang malas-malas niya ngayong araw?
Hindi lang dahil nagtagpo ulit ang landas nila ng lalaking 'yon mula noong gabing may nangyari sa kanila, kundi dahil...
Diyos ko! Hindi naman pala ito ang doktor na pumalit sa talagang titingin sa kaniya! Nagpanggap lang ito, tapos pinaghubad pa siya ng pantalon para kunwari ay suriin siya!
Naalala ni Freya kung paano siya nito utusan kanina habang nasa loob ng kwarto. Awtomatiko siyang namula. Uminit ang buong mukha niya sa hiya at inis.
Nakilala kaya niya ako? tanong niya sa sarili.
Basta ang sigurado, kailangan niya nang umalis doon. Hindi ligtas ang lugar na 'to para sa kaniya. Pagkakuha ng gamot ay mabilis siyang lumabas ng ospital nang hindi lumingon sa likod.
Nag-book na siya ng taxi habang naglalakad. Pero pagkatapak na pagkatapak niya sa mismong labas ng entrance, isang marangyang itim na sasakyan ang biglang huminto sa harap niya.
Akala ni Freya ay ito na ang tinawagan niyang driver kaya agad siyang lumapit.
"Hello po, kuya—"
Natigilan siya.
Mula sa nakabukas na salamin ng kotse, isang pamilyar at napakagwapong mukha ang bumadya sa paningin niya. Ang matangos nitong ilong, ang perpektong hugis ng panga, ang mapang-akit nitong labi, at ang mga matang tila may sariling mundo.
Sobrang perpekto ng mukha nito, mukhang gawa ng isang master craftsman, na parang hindi totoo sa paningin.
Nalaglag ang panga ni Freya pagkatapos ay binalot siya ng kaba.
Bakit siya na naman?!
Bahagyang lumingon ang lalaki sa kaniya. Natatakpan ng mahahabang pilikmata ang mga mata nitong madilim at seryoso ang tingin.
"Get in the car," malamig nitong utos.
Bakit naman siya sasakay? Sa mga sandaling 'yon, ang tanging gusto lang gawin ni Freya ay tumakbo palayo nang napakabilis!
"I'm sorry, pero hindi naman tayo magkakilala..." pilit niyang pag-iwas, sinusubukang maging kalmado ang boses.
Isang matalim na tingin ang ibinigay sa kaniya ng lalaki bago ito nagtaas ng kilay.
"You gave yourself to me that night. Huwag mong sabihing hindi tayo magkakilala."
Parang sumabog ang bomba sa utak ni Freya.
Agad na nag-init ang buong mukha niya at napapikit sa labis na kahihiyan.
Wala na ang katiting na pag-asa na hindi siya nito nakilala.
Nakilala siya nito! Pero bakit hindi siya nito binuko kanina sa loob ng consultation room? Bakit hinintay pa nitong makalabas siya?
Sinasadya ba niya 'to? Pinaglalaruan niya ba ako para makaganti sa nangyari noong gabing 'yon? Sobrang petty naman niya! sigaw ng utak niya.
Muling sumiklab ang malalim na boses ng lalaki, pinuputol ang mga iniisip niya.
"Get in the car."
Tumingin ito sa kaniya nang mariin. "Or do you want to talk to me right here on this busy street about how you climbed into my bed that night and seduced me into sleeping with you?"
Napasubo si Freya. Napakagat siya sa sariling labi at napatingin sa paligid.
Maraming tao. Kung magmamatigas siya, baka kung ano pang isigaw nito.
Maliwanag naman ang sikat ng araw, sa loob-loob niya habang nag-iisip ng malalim. Hindi naman siguro niya ako iki-kidnap sa mismong harap ng ospital para patayin o pagsamantalahan, 'di ba?
Matapos timbangin ang sitwasyon, wala na siyang nagawa. Humakbang siya at hinawakan ang hawakan ng p***o sa likod para buksan ito.
Pero naka-lock.
Nagtataka at may pagdududang tiningnan niya ang lalaki sa loob ng kotse.
"Sit in the passenger seat." Bahagyang gumalaw ang manipis na labi nito, parang nanunuyo.
Napalunok si Freya. Walang nagawa kundi ang lumipat sa unahan. Pagkahawak niya sa p***o ng passenger seat, bumukas naman ito agad.
Tiningnan niya ang lalaking nag-uumapaw ang awtoridad. Huminga siya nang malalim bago tuluyang sumakay. Pakiramdam niya, kusa niyang ikinulong ang sarili sa hawla ng isang mabangis na hayop.
Pagkaupo niya, agad siyang sumiksik sa gilid ng p***o, sinusubukang gumawa ng malaking distansya sa pagitan nilang dalawa.
Nakasulyap si Gideon sa kaniya gamit ang gilid ng mga mata nito. Kitang-kita niya kung paano ito mamaluktot sa upuan, parang isang takot na takot na puting kuneho.
Isang mahinang tawa ang kumawala sa labi ni Gideon. Bahagya nitong iniabot ang mahaba at makinis nitong kamay palapit sa direksyon ng babae.
Gaya ng inaasahan, nagulat ang maliit na kuneho.
Nanlaki ang malilinaw at magagandang mata nito sa takot. Mukha itong matapang tingnan pero ang totoo, wala itong kalaban-laban at walang kapana-pananaw sa sarili.
"A-Anong gagawin mo?" utal na tanong ni Freya, halos mapaurong sa sandalan.
Ibinaba ni Gideon ang kamay nang walang pinagbago ang ekspresyon sa mukha.
"Just reminding you to fasten your seatbelt."
Napahiya si Freya. Mas lalong uminit ang mukha niya.
"Oh... thank you. Kaya ko naman."
Mabilis niyang hinila ang seatbelt at ikinabit 'yon. Pero pagkatapos nitong mai-lock, doon lang nagproseso sa utak niya ang lahat. Bakit ba niya sinusunod ang lalaking 'to? At higit sa lahat... saan ba siya nito dadalhin?
Binalot na naman siya ng matinding kaba.
Gumalaw ang kaniyang labi, pilit na nagpakatapang pero lumabas pa ring mahinhin at malambot ang boses. "Um... saan mo ba ako dadalhin?"
Hindi naman siguro ako dadalhin nito sa isang liblib na lugar para lang patayin, 'di ba?
Tiningnan niya ito gamit ang kaniyang bilugang mga mata, puno ng takot at pagmamakaawa at mukha talaga siyang isang masunurin at madaling i-bully na puting kuneho.
Biglang naalala ni Gideon kung paano ito sumunod sa bawat utos niya kanina sa loob ng consultation room.
Sinabi niyang humiga ito sa kama, sumunod ito. Sinabi niyang hubarin ang pantalon, sumunod ito. Sinabi niyang ibuka ang mga binti...
Bahagyang gumalaw ang Adam's apple ni Gideon habang pinipigilan ang isang mapangahas na isipin sa kaniyang utak.
Imbis na sagutin ang tanong ng babae, isang tanong din ang ibinalik niya rito gamit ang malamig at baritonong boses.
"Do you know my name?"
Dahan-dahang umiling si Freya habang nakatingin sa lalaki.
"Hindi ko alam..." Halos hindi marinig ang kaniyang boses sa labis na pagkahiya.
"Tapos nagawa mo pa ring gapangin ako sa kama ko?" tanong ni Gideon, ang boses ay puno ng pang-aasar na may kasamang lamig.
Lalong namula si Freya. Agad siyang nag-angat ng tingin para ipagtanggol ang sarili.
"Lasing ako noong gabing 'yon! Nagkamali lang ako ng pinasukang kwarto. Hindi ko sinasadyang matulog sa kama mo..."
Malambot at matamis ang boses niya, kaya imbis na magtunog galit ay mas mukha pa siyang masarap i-bully.
Dahan-dahang tinapik-tapik ni Gideon ang manibela gamit ang mahahaba at mapuputi nitong daliri.
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa dahilan mong hindi mo sinasadya?"
Nang makitang hindi ito naniniwala, lalong nag-panic si Freya.
"Talagang hindi ko sinasadya! Birthday party ng best friend ko noong gabing 'yon. Nanalo ako sa laro kaya napainom ako nang marami. Ipinag-book ako ng kaibigan ko ng Room 502, pero dahil malabo na ang paningin ko, akala ko 520 ang nakasulat! Doon ako pumasok."
Napanguso siya nang kaunti habang inaalala ang gabi na 'yon.
"Saka... bakit mo ba kasi hindi sinarado nang maayos ang p***o mo? Tinulak ko lang 'yon, bumukas na agad!"
Kumunot ang noo ni Gideon sa sinabi niya.
Bakit nga ba hindi niya naisara ang p***o?
Napaikli ang paghinga ng lalaki. Lasing din siya noong gabing 'yon, at nang makapasok siya sa kwarto ay hindi na niya nagawang tingnan kung sumara ba nang maayos ang p***o o hindi.
Habang iniisip ni Freya ang nangyari, lalo niyang nararamdaman na siya ang lugi rito.
"Saka, wala akong alam noong gabing 'yon dahil sa kalasingan. Malinaw na sinamantala mo lang ang sitwasyon ko..."
Lumingon si Gideon sa kaniya, may mapanganib na kislap sa mga mata.
"Ano? Sa tingin mo talaga, sinamantala kita?" Kunotnoong tanong ni Gideon.
"Hindi ba?" matapang na sagot ni Freya, kahit ang totoo ay nanginginig ang mga kamay niya sa kandungan.
"You took the initiative to pursue me," seryosong pambara ni Gideon sa kaniya habang diretso ang tingin sa daan. "Lalaki ako, Freya. Normal akong lalaki kaya imposible namang hindi ako mag-react."
Lalo na't lasing din siya noong oras na 'yon at nawalan ng kontrol sa sarili.
Napatanga si Freya. Hindi niya na alam kung sino ba talaga ang naunang mang-akit sa kanilang dalawa. Pero ang natatandaan niya, paggising niya kinaumagahan, nakuha na ng lalaking ito ang lahat sa kaniya.
At hindi lang isang beses. Ilang beses siyang pinahirapan nito noong gabing 'yon. Kahit anong pagmamakaawa niya na huminto ito, hindi siya nito pinakinggan at lalo lang siyang pinagmadalian.
Napakagat-labi si Freya para pigilan ang nagbabadyang luha.
"Basta... aksidente lang ang lahat ng nangyari noong gabing 'yon. Kalimutan na lang natin. Huwag kang mag-alala, hindi kita kukulitin o papapanagutin sa akin."
Mabilis niyang sinabi ang mga salitang 'yon sa isang hininga lang. Pero nang lumingon siya kay Gideon, napansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng gwapo at supladong lalaki. Mas lalo itong sumungit.
"Have you taken birth control pills?" malamig na tanong ni Gideon.
Natigilan si Freya bago dahan-dahang tumango. "Oo... nakainom na ako."
"That's good," sagot ni Gideon, parang nakahinga nang maluwag. Mabuti na ang sigurado para walang tsansa na mabuntis ito.
Nanguna ang pag-aalinlangan kay Freya, pero hindi niya napigilang magtanong.
"Um... wala ka namang... sakit, 'di ba?"
Naningkit ang mga mata ni Gideon at nilingon siya nang mariin.
"What did you say?"
Dahil sa takot sa lumalalim na tingin ng lalaki, pinilit pa rin ni Freya na magsalita kahit halos maiyak na siya sa pressure.
"Yong... 'yong sakit na nakukuha sa hindi malinis na gawain? Siyempre, first time ko noong gabing 'yon. Malinis ako at siguradong wala akong ganoong sakit!"
Hindi niya masabi ang mismong salita dahil nahihiya siya sa imahe niya, pero alam niyang maiintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin.
Napatawa si Gideon sa labis na inis.
"So, sa tingin mo ikaw lang ang first time noong gabing 'yon, at ako ay hindi?"
"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Freya sa sobrang gulat. "First time mo rin?!"
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Gwapo, matangkad, may perpektong pangangatawan na parang male model, may 8 pack abs, at kung paano siya hawakan at dalhin sa kama noong gabing 'yon as in sobrang galing at wild nito!
Sa hitsura nito, aakalain ng kahit sino na marami na itong naging babae at suitors.
Pero sinasabi nito ngayon na first time niya rin?!
Bahagyang ngumisi si Gideon, nakita ang gulat sa mukha ng babae.
"Bakit? Hindi ba halata?"
Umiling si Freya. "Hindi talaga!"
"Bakit naman?" Kumunot ang noo ni Gideon.
Nag-hesitate muna si Freya bago sumagot nang pabulong, "Kasi... parang alam na alam mo ang ginagawa mo..."
Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Gideon.
"Kung gusto mo lang purihin ang galing ko sa kama, sabihin mo na agad. Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa."
Agad na uminit ang mukha ni Freya at hindi siya nakaimik. Pero kahit papaano, nakahinga siya nang maluwag. Kung first time din nito, ibig sabihin ay ligtas siya sa anumang nakakahawang sakit.
Huminga nang malalim si Freya para ibalik ang usapan sa seryosong direksyon.
"Sige, bumalik na tayo sa punto. Dahil isang malaking pagkakamali lang naman ang nangyari sa atin, at ngayong malinaw na ang lahat... pwede na ba tayong..."
Pwede na ba tayong maghiwalay ng landas at umuwi sa kani-kaniyang buhay?
Tumingin sa kaniya si Gideon gamit ang kalmado ngunit mapanganib nitong mga mata.
"Gaya ng sabi mo, malaking pagkakamali nga ang nangyari. Pero ako ang lugi rito."
Bago pa man makapagsalita si Freya, dinugtungan na ito ni Gideon.
“You should be responsible for me, kaya panagutan mo ako."
Mabilis ang mga hakbang ni Freya palabas ng consultation room. Halos takbuhin niya ang counter para makuha ang gamot at makauwi na.Maganda ang panahon sa labas ng ospital. Maaraw, maaliwalas, at asul na asul ang langit. Pero bakit pakiramdam niya, ang malas-malas niya ngayong araw?Hindi lang dahil nagtagpo ulit ang landas nila ng lalaking 'yon mula noong gabing may nangyari sa kanila, kundi dahil...Diyos ko! Hindi naman pala ito ang doktor na pumalit sa talagang titingin sa kaniya! Nagpanggap lang ito, tapos pinaghubad pa siya ng pantalon para kunwari ay suriin siya!Naalala ni Freya kung paano siya nito utusan kanina habang nasa loob ng kwarto. Awtomatiko siyang namula. Uminit ang buong mukha niya sa hiya at inis.Nakilala kaya niya ako? tanong niya sa sarili.Basta ang sigurado, kailangan niya nang umalis doon. Hindi ligtas ang lugar na 'to para sa kaniya. Pagkakuha ng gamot ay mabilis siyang lumabas ng ospital nang hindi lumingon sa likod.Nag-book na siya ng taxi habang naglala
Napaatras ang dila ni Freya. Lalong nag-init ang kanyang mukha at halos mayanig ang buong pagkatao niya sa tindi ng hiya. "P-Po? Pero... hindi po ba pwedeng mag-reseta na lang kayo ng gamot o cream? O kaya... hintayin ko na lang si Dra. Venturi?"Humarap sa kanya si Gideon, malamig at walang emosyon ang mga mata, pero may kakaibang dilim doon na hindi niya maipaliwanag."Dra. Venturi won't be back today. At bilang doktor mo ngayon, kailangan kong makita kung anong partikular ang nararamdaman mo para maibigay ang tamang gamot. Lumapit ka na rito."Natigilan si Freya. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang gusto na lang niyang maglaho bigla."Pero kailangan talaga... tanggalin?" nauutal niyang tanong, halos kapusin ng hininga sa matinding hiya.Seryoso siyang tiningnan ni Gideon. Walang mababakas na biro sa mukha nito. "Paano ko malalaman kung gaano kalala ang sitwasyon mo kung hindi mo huhubarin 'yan?"May punto naman ito."Pero..."Nag-aalinlangan pa rin si Freya at hindi magawang ku
Pagkarating ni Freya sa inuupahan niyang kwarto, mabilis niyang hinanap ang pitsel ng tubig sa kusina. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang maliit na kahon na kabibili lang niya.Isinubo niya ang contraceptive pill at mabilis na nilagok ang tubig."Please... maging effective ka," bulong niya habang nakahawak sa sumasakit niyang tiyan.Pagkatapos ay dumiretso siya sa banyo para maligo. Binuksan niya ang shower at hinayaang umagos ang malamig na tubig sa buong katawan niya.Habang sinasabunan ang sarili mula ulo hanggang paa, napatingin si Freya sa salamin. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na namula ang kanyang mga pisngi sa matinding hiya at galit.Ang maputi at makinis niyang balat ay punong-puno ng mga pulang marka. May mga kagat at sipsip sa kanyang leeg, sa balikat, at maging sa mga tago at sensitibong parte tulad ng kanyang hita."Shit..." inis na urat niya habang pilit na kinukuskos ang sariling balat. "Aso ka ba? Baka Year of the Dog ka ipinanganak kaya hi
"Uminom ka pa, Freya Mendoza! Minsan lang 'to!" malakas na tawa ni Macey sa gitna ng malakas na tugtog.Napailing si Freya, halos hindi na maidilat nang maayos ang mga mata dahil sa hilo. "Macey, tama na... umiikot na ang paningin ko. I think I’ll vomit anytime."Ngumuso ang matalik niyang kaibigan bago may dinukot sa loob ng mamahalin nitong purse. "Ang kj naman! Oh siya, heto ang keycard ng kwarto. Mauna ka na sa taas at magpahinga. Susunod ako kapag tapos na ang party."Kinuha iyon ni Freya bago naglakad palayo. Umiikot ang buong paligid at parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya habang binabagtas ang tahimik na hallway ng luxury hotel.Dahil sa kalasingan, hindi na niya tiningnang mabuti ang numero sa pinto. Nang makita ang isang Presidential Suite, ipinasok niya ang keycard at laking pasasalamat niya nang tumunog iyon at bumukas."Why everything is spinning..." paos niyang bulong.Diretso ang bagsak ng mga paa niya sa malambot at malaking kama. Pagkahiga pa lang







