LOGINTAHIMIK na nakaupo si Yumi sa loob ng maliit na conference room ng Zamora Tower, hawak ang kanyang cellphone habang nakatingin sa mahabang mensaheng kakabasa lamang niya.Walang bakas ng emosyon ang kanyang mukha. Na para bang ang bawat salitang binitiwan ni Clyde ay wala nang epekto sa kanya.Ngunit hindi nagtagal, biglang tumunog ang kanyang phone. At nang silipin n'ya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Clyde. Sandali siyang natigilan, saka marahang pumikit. Ilang segundo rin aiyang nag-isip muna bago tuluyang pinindot ang “answer.”“Yumi… thank God you answered,” agad na sabi ng lalaki sa kabilang linya. Halata ang pananabik at kaba sa boses nito.Ngunit nanatiling malamig ang tono ni Yumi nang sumagot. “What is it?” diretso niyang tanong.Bahagyang natahimik si Clyde, dahil hindi niya inaasahan na ganoon pa rin ka-cold si Yumi sa kanya. Subalit pilit pa rin niyang inayos ang kanyang boses.“Did you see my message? I can give you half of my shares, please, Yumi. Stop being
SA SANDALING marinig ni Bianca ang pangalan ng Chairman Monteverde, tila nanlambot ang kanyang mga tuhod. Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi maunawaan ang sitwasyon, bago tuluyang nakabawi.“Miss Lee, please proceed na po,” muling paalala ng staff.Doon lamang siya nakagalaw. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at agad tinawagan si Clyde.“Clyde… nandito ang father mo sa company,” nanginginig ang boses niyang sabi.Sa kabilang linya, bahagyang natahimik si Clyde. “Are you sure?” agad nitong tanong, halatang nabigla.“Pinapatawag niya ako sa CEO’s office. Wala akong choice…”Hindi na siya nakapaghintay ng sagot ng lalaki. Dinampot niya ang bag at mabilis na lumabas ng kanyang workstation. Sa bawat hakbang niya ay mas bumibigat ang kanyang pakiramdam. Para bang may paparating na bagyo na hindi niya kayang harapin.“Babe, calm down,” muling sabi ni Clyde sa linya. “Since Dad called for you, just go. He’s more reasonable than Mom. Hindi ka niya gagalawin. I’m on my way bac
PAGKATAPOS ng pormal na seremonya at mainit na pagtanggap ng mga bisita, unti-unting naging mas magaan ang atmosphere sa loob ng ballroom. Ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier ay nagbigay ng maringal ngunit komportableng liwanag, habang ang mahihinang tugtugin ng live orchestra ay nagsilbing banayad na saliw sa mga pag-uusap ng mga panauhin.Sa isang bahagi ng venue, magkatabing nakaupo si Yumi at Adrian, kasama sina Erica at ang kanyang team. Hindi pa rin maalis ang excitement sa kanilang mga mukha.“Misa Yumi, grabe. Sobrang bagay niyo talaga ni Mr. Villareal,” ani ng isa sa mga kasama ni Erica, halos mangilid pa ang luha. “Naiiyak ako nung nakita ko kayong nagpalitan ng singsing.”Napailing si Yumi, bahagyang napangiti ngunit halatang nahihiya. “Ano ba kayo? Engagement lang ‘to. Bakit parang kasal na kung umiyak kayo?”“Dahil deserve mo ‘to,” agad na sagot ni Erica, seryoso ang tono. “After everything… finally, you found someone who treats you right.”Tumango ang iba. “Oo nga
MATAPOS umalis nina Lolo Alejandro at Lola Chandria, tahimik na naupo si Yumi sa sofa habang hawak ang kanyang phone. Ilang sandali siyang natulala bago tuluyang nag-type. Mabilis niyang binuksan ang group chat nila nila Erica at ng iba pa niyang kasamahan, saka nagpadala ng mensahe.“I-invite ko kayo bukas. Engagement banquet. Buy your dresses.”Kasunod niyon ay nagpadala siya ng malaking invitation letter. Sa loob lamang ng ilang segundo, sumabog ang GC sa sunod-sunod na notifications.“What?! Engagement?!”“Miss Yumi?? Totoo ba ‘to??”“OMG Congrats, Miss Yumi!!!”Halos hindi na matigil ang palitan ng ingay ng lahat, pero si Erica ang pinakamaingay.“Grabe, Miss Yumi! Adrian Villareal is so damn handsome! Naiiyak ako sa kilig!!! Ano bang panama ni Clyde kumpara sa kanya?! Perfect match talaga kayo!”Hindi pa doon natapos ang ingay ni Erica. Binuhay pa nito ang kwento kung paano siya binuhat ni Adrian noong gabing lasing siya, dahilan para lalo pang mag-ingay ang grupo.“Sheesh! Tot
DAHAN-DAHANG hinaplos ni Yumi ang tela ng puting gown habang nakatayo sa harap ng salamin. Manipis ang sheer fabric sa may balikat at braso, at sa bawat galaw niya ay kumikislap ang maliliit na diamond details na tila mga bituin na nakakalat sa tela.Bigla siyang hinila ni Lola Chandria upang humarap nang maayos sa salamin.“Tingnan mo nga, napakaganda ng fit sa’yo,” masayang sabi nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. “Perfect ang shoulder line… konting adjust lang sa waist, magiging flawless na.”Napangiti si Yumi, ngunit hindi pa siya nakakapagsalita nang marahang hinawakan ni Lola Chandria ang kanyang kamay.“Apo, may hihilingin sana si Lola.”Napatingin naman si Yumi sa matanda.“Yung apo namin… halos kasing-size mo,” dagdag nito. “Pero mahiyain. Hindi namin alam kung anong style ang babagay sa kanya.”Sumingit naman si Lolo Alejandro, kalmado ang boses.“Kami, hindi na nakakasabay sa taste ng kabataan. Ikaw, may mata ka. Tulungan mo kami pumili, para hindi kami magkama
“HELLO.”Malamig at mababa ang boses ni Adrian nang sagutin niya ang tawag.Sa kabilang linya, agad na sumambulat ang boses ni Clyde, puno ng inis at pagod. Ni hindi napansin ang boses ng lalaking sumagot “Yumi? Tama na ‘to. Ilang araw na. Hanggang kailan ka mag-iinarte ng ganyan? Hindi ka na ba talaga magpaparamdam sa’kin?”Biglang dumilim ang ekspresyon ni Adrian sa narinig at unti-unting tumigas ang kanyang panga. Ang babaeng nasa kama sa likod niya ay halos mawalan ng malay kagabi sa sakit at para sa lalaking ito, nag-iinarte lang? Pero hindi siya kumibo at tahimik lang niyang pinakinggan pa ang mga sinabi nito.Akala ni Clyde ay si Yumi ang nasa linya kaya bahagyang lumambot ang tono nito ng mga sandaling iyon.“Yumi, ikaw ang pinakaimportante sa’kin. Kahit anong gusto mo, kahit unreasonable pa ‘yan, gagawin ko. Sabihin mo lang kung nasaan ka. Susunduin kita ngayon din.”Mariin na kumuyom ang kamao ni Adrian matapos marinig ang mga pambibilog ng ulo ng lalaki sa kabilang linya.







