Share

Chapter 10

Hindi man nakapaglaro, mukhang nag-eenjoy naman si Kheena sa pang-aasar kay Rico. Kanina pa ito nagsisisigaw, chine-cheer ang kaibigang kanina pa nakaupo sa bench sa gilid ng court. Nasa bandang kanan kami ng bleachers at mula sa puwesto namin ay kitang-kita namin si Rico na halatang sabik nang humampas ng bola. Saklap naman no’n, todo praktis pa tapos sa huli bangko lang naman pala.

“Go, Enrico! Sit properly, bogo!” sigaw pa ni Kheena sabay halakhak ng malakas. Kahit ‘yong mga katabi namin ay natatawa na rin sa paulit-ulit nitong isinisigaw. Napapatakip na lang ng mukha si Rico sa kahihiyan.

Actually, wala sana ako ngayon dito dahil may practice kami para sa pageant. Kaso, kasali rin pala si Ren sa badminton players kaya after lunch na lang raw. ‘Buti naman ‘no, sa araw-araw ba naman na pagp-practice ng ngiti ay nangalay na ang panga ko. Ilang band-aids na rin ang dumaan sa sakong ko dahil kinailangan kong magtakong kahit practice pa lang upang tumibay ang tindig ko at hindi madaling
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status