Share

Chapter 6

SO WHAT SHOULD you wear, Nina Celestine Gabriel? She asked herself habang nakatayo sa harapan ng kaniyang life-size mirror at tinititigan doon ang sarili niyang repleksyon.

May hawak siyang mga hanger at nakasabit don ang mga dress na pinagpipilian niyang suotin at sinusubukang sukatin kung ano ang mas babagay sa kanya.

"Miss Nina."

"Yes?" Nina murmurs without looking at Soleil.

"I want to inform you that house Huxley is here."

Kunot noong nilingon ito ni Nina. "Sa anong dahilan? Mayroon ba tayong kasiyahan ngayon na nakaligtaan ko?"

House Huxley is where Nina gets her clothes from. They've been styling her since she was a kid. At ang mga bagong designs, bagong labas at mga limited editions na damit, sapatos at bag ay sa kanya muna ipinapakita bago ito ilabas sa Mercado. Pero siyempre, ang mga nagustuhan niya ay siya lang dapat ang puwedeng mag-suot.

"Pinapunta ko na sila, miss dahil mukhang nahihirapan kang mamili ng iyong susuotin ngayon." Saka nito sinipat ang kaniyang kama.

Napatingin na din siya sa kaniyang kama at medyo napangiwi ng makitang magulo iyon at patong-patong don ang iba't-ibang kulay at style ng kaniyang mga dresses. May nasa sahig na nga rin.

Napatikhim siya, kahit bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya ay hindi niya iyon ipinahalata dito.

"Ayaw kong pangunahan ka, miss Nina pero baka mahuli ka sa iyong opisina. At ngayon lang nangyari na nagkaganito ka." Soleil said meaningly, there's suspicion and mockery in her evasive eyes too.

Napatikhim na naman si Nina pero pinanatili pa rin niyang propesyonal ang kaniyang mukha. Bakit nga ba siya nagkakaganito? Pati sa pagpili ng kaniyang susuotin ay para siyang isang teenager na hindi mapakali at gustong maging perpekto sa paningin ng iba.

Lagi naman akong ganito. So what's wrong? Pagdadahilan pa niya habang sinusubukan pa ring mamili ng maisusuot.

She's always been this stylish but not too fancy that can be too exaggerated already.

Sa mundong ginagalawan niya, wala dapat na kapintasan sa kanya sa ano mang aspeto lalo na sa pananamit at lagi dapat siyang kaaya-ayang tingnan. A perfect role model not only for her employees and all the women in her age but the younger generations.

"Paalisin mo na sila at walang ibang kahulugan ito, Soleil." Paninindigan pa ni Nina, kinuha ang isang pulang dress at lumuob na sa kaniyang walk-in closet para makapagpalit.

She knew what she said and did was so unprofessional but it's Soleil's fault too. Minsan ang pagiging maalalahanin nito ay sumusobra na at nagiging pangingialam na.

Pero hindi maloloko ni Nina ang sarili at hindi rin niya kayang magsinungaling sa sarili dahil alam niya kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaganon siya. Well, she should correct that because it should be who and not what at iyon ang mas ikinabahala niya.

TULALANG HININTAY NI Nina na magbukas ang elevator. Nauna na siyang pumanhik dahil may mga mahahalagang documents pa siyang dapat i-review kaya iniwan na niya sila Soleil at Argus sa basement.

Nang magbukas ang elevator ay agad din siyang pumasok, magsasara na sana pero pinigilan iyon ng isang malaki at lalaking-lalaki na kamay. Bahagyang napaatras si Nina ng mamukhaan ang lalaki at ng magtagpo ang mga mata nila ay ganon na lang ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Hindi naman dapat ay nakaramdam siya ng takot pero hindi para dito.

"Good morning, miss Gabriel." Bati sa kanya ni Hayes Xavier sa isang malambing at palakaibigang boses.

Isang simpleng ngiti lang ang iginanti dito ni Nina. His presence and effect on her were huge warning bells repeatedly ringing in both her ears. At ganon na lang ang pag-iwas niya na huwag dumikit ang sariling braso sa braso nito.

"Are you okay? Is there something wrong?" He asked and he sounds like he's really concerned about her.

"I am. I am fine, Mr..." Nina swallowed down a gulp as she felt the burning of her cheeks because Hayes' gaze is intently directed to her as if nothing matters to him anymore. Like there's nothing more important to him but to only stare at her.

"... Hayes."

Nina can see their reflection in the metal wall in front of them and he's really staring at her. His stares make her weak and his presence is suffocating and intoxicating her at the same time. At mas nadagdagan pa lalo ang kaniyang takot.

Titingnan niya sana ang lalaki para hindi ito mag-iisip ng kung ano pero tumigil naman ang elevator at bumukas iyon.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang babaeng empleyado ng makita siya pero ng bumaling ang mga ito sa lalaking nakatayo sa tabi niya ay mas nanlaki lalo ang mga mata ng mga ito. Napanganga pa nga ang mga ito.

"G-Good morning, miss Nina, M-Mr. Xavier."

Kabado ang naging pagbati ng mga ito sa kanya pero kay Hayes, kahit medyo kabado ay may kasama pa ring lambing.

"Doon na lang tayo sa kabilang elevator." Aya ng babae sa kasama nito pero agad din ang pagpigil ni Nina dito.

"Bakit pa? Maluwang pa naman." At hindi napigilan ni Nina na mabahiran ng katarayan ang boses na naging dahilan upang sundin agad siya ng mga ito.

At pinagsisisihan din niya iyon sa huli. Then she heard Hayes chuckled softly beside her, masungit siyang nag-angat ng tingin dito. There's amusement etched on his eyes that irritates her more kaya hindi na naman napigilan ni Nina ang sarili at inirapan ito.

HAWTHORNE COULDN'T HIDE his amusement while staring at Nina, she's been avoiding him for a week now. Though it irritates him a bit she's too cute every time she tries to avoid his eyes.

Tila ito isang maamong kuting kapag nasusukol niya, nawawala ang poise at coolness ng babae kapag ginagawa iyon kaya mas lalo lang itong nakamamangha sa kaniyang mga mata. Minsan gagawa din ito ng mga bagay at mag-iimbento ng dahilan para lang maka-iwas sa kanya.

Just like the other day, Hayes called at Nina's office asking for her presence or a simple lunch, it was Soleil who answered him and as he expected, she declined him.

"Tell him I'm not here. Sabihin mo sa kanya na lumabas ako. Nakipagkita sa fiancée ko." Narinig niyang sabi nito sa kabilang linya na ikinangiti niya, punong-puno iyon ng pagkabalisa at parang hindi na nito napag-isipan pa ang mga sinasabi.

"It's okay!" Hawthorne chuckled. "She doesn't have to lie or avoid me."

Napasinghap si Soleil. "Hala, miss Nina, mukhang narinig kayo."

"Soleil, hinaan mo ang boses mo. Wala nga 'di ba ako dito? At paano naman niya ako maririnig?"

Hawthorne pictured Nina every time she was annoyed and it brought a smile on his face, it also calmed him.

"I will wait for you..." He paused.

Sinabi niya iyon dahil alam niyang naka-loudspeaker ang telepono sa opisina ng babae at naririnig din nito ang sinasabi niya.

"I will wait for our dinner, Miss Gabriel, hanggang sa magkaroon ka ng libreng oras."

Hawthorne intentionally chuckled which got Nina's attention, bumaling ito sa kanya pero agad ding ibinalik ang tingin sa nagsasalita sa kanilang harapan. A guy was presenting something and he didn't really care about that. Nandon lang naman talaga siya dahil sa babaeng nasa kaniyang harapan na hindi kayang tingnan ng diretso ang kaniyang mga mata.

Paano ko kaya ito mapapaamo? Hayes asked himself, sumandal siya sa kaniyang kinauupuan habang nilalaro ang pen na hawak-hawak and observing her beautiful face.

"Don't be too obvious, Hayes. You're scaring her."

His face screwed up as he gazed at Safiya who was sitting beside him.

"If you don't know, you looked like a horny old man while staring at her." Bulong pa nito pero sa folder na nasa harap naman nito ito nakatingin at talagang pinanindigan na ang pagiging sekretarya niya.

Sumeryoso siya, tumikhim at umayos ng upo. Hindi niya matandaan kung kailan siya pumayag sa gusto nitong palabas. Safiya will act now as his secretary while Draco is his driver and Kyon is his bodyguard. They did that so he can be a credible rich businessman. Well, he's rich but he's far from being a businessman.

WHEN THE PRESENTATION was finally done, agad na tumayo si Nina dahil talagang hindi niya makayanan ang titig ni Hayes. Parang sa buong presentation ay nakatuon lang sa kanya ang buong atensyon ng lalaki sa halip na panoorin ang nag-prepresent ng presentation.

"I want to talk to you, miss Gabriel. If you don't mind or if you have nothing else to do. May mga itatanong lang ako at gustong malaman."

Nina looked at Hayes calmly, yes she may have looked composed but her heart is hammering inside her chest and her hands are trembling. She can't even think properly.

Ang lalaki na lang ang naka-upo at sila na lang din ang tanging nasa conference room. Bumaling si Nina sa nagpakilalang sekretarya ni Hayes na ngayon ay nakatitig sa kanya, tila ba siya pinag-aaralan.

When Nina first met Safiya, she thought she was Hayes' girlfriend or sister. Bakit nga ba hindi niya ito mapagkakamalan na kasintahan ni Hayes? She's really pretty, she has a small face with cat-like eyes and pointed nose. She owns a thin lips na madamot sa ngiti, a soft strawberry blond hair and curvy body na nadadamitan ng off shoulder crop top at leggings.

She doesn't look like his secretary at all.

Sinabihan na lang ni Nina si Soleil na maghintay sa kaniyang opisina samantalang si Hayes naman ay pinauna na ang sekretarya nito. Umupo siya, like the professional she was pero ginawa niya din iyon dahil tila unti-unti ng nawawalan ng lakas ang kaniyang tuhod. 

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin, Mr. Xavier at mga gusto mo pang malaman—"

Nina's eyes widened and she sucked her breath ng basta na lang itong tumayo saka humilig palapit sa kanya para dampian ng halik ang kaniyang labi. Dampi lang iyon, isang segundo lang bago nito bahagyang inilayo ang mukha pero hindi naman ito tuluyang lumayo sa kanya.

Hayes glanced at her lips after kissing it then he gazed at her wide eyes full of shock. He caught her off guard. But the funny thing was, she even parted her lips like she was encouraging him to kiss her more.

"Mukhang may nakalimutan ka, miss Gabriel." He spoke softly.

Ang mga kamay nito ay nakahawak sa gilid ng mesa habang nakayuko ito sa kanya. Ang bango at init ng hininga nito ay tumatama sa kaniyang mukha at ilang inch lang din ang layo ng mukha nito sa kanya pero hindi niya kayang umiwas o itulak ito. Para na siyang naparalisa sa kinauupuan. Tila hinihigop siya nito, his musky scent makes her lose her sanity.

"Nina!"

Napakurap-kurap si Nina at mas nanlaki ang mata ng bumaling sa pinto at nakita doon si Diether na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila. Napatayo siya, si Hayes naman ay kalmadong dumiretso ng tayo. Ni hindi man lamang nabahala.

"What is the meaning of this? And who the fxxk is that guy? Siya ba ang dahilan kaya hindi ka na nagpaparamdam sa akin? Huh? At dito pa talaga kayo gumagawa ng milagro."

"What are you doing here, Diether? What do you want?" She asked him coldly.

Napamata ito sa kanya. "Seriously, Nina? You will asked that pagkatapos kitang mahuling nakikipaghalikan sa ibang lalaki?"

She crossed her arms and looked at him boringly. "Kung ganon ano ang pakiramdam, Diether? Naapakan ko ba ang p*********i mo? Your ego perhaps?"

"So this is about revenge? Come on, Nina, stop acting like a child."

"Let's talk some other time, Diether. I'm busy—"

"Busy flirting with other men, huh?" He cut her off then tauntingly smirked at Hayes. "I am her fiancée and this woman is already engaged with me so back off."

Humihingi ng paumanhin na nilingon ni Nina si Hayes, nakakrus ang mga braso nito at bahagyang nakaupo sa mesa. Pero ang emosyon at dilim sa mukha nito ang saglit na nagpatulala kay Nina. The guy looks lethal at that moment.

"I am your fxxking fiancée, Nina. Don't you ever forget that." Diether hissed at her before he left.

She knew him to always act like that, kapag alam nitong walang laban sa iba ay aatras na lang ito pero siguradong gaganti ito patalikod.

Nina bit her lower lip, naiilang na lumapit sa mesa para kunin sana ang gamit dahil doon mismo naka-upo ang lalaki.

"Sorry about that." She murmurs in a casual tone while trying to get her things, iniiwasan niya talagang huwag madikit dito o kaya hindi ito masagi.

"Don't be, it's not your fault if your fiancée is such an axx."

Pinalobo niya ang bibig para hindi mapangiti.

Nang makuha sa wakas ang mga gamit ay nanatili pa rin siyang seryoso.

"See you around, Hayes."

She will not make the same mistake again even though she likes being kissed by him, even though she wants more than just a kiss.

It was just a light touch but she already craved it.

Nagbago agad ang emosyon sa mukha nito, lumiwanag iyon at nagkaron na naman ng kapilyuhan ang magagandang mga mata nito. He smiled at her like he was teasing her for calling him Hayes.

Nang makatalikod ay nagpakawala siya ng malalim na hininga at ngumiti. Nasa pinto na ng lumingon dito.

"Can I ask you something?"

He shrugged his shoulders. "Feel free to ask anything, Miss Gabriel."

"About the dinner," Nina's heart somersaulted but before it could make her even weak, maglalakas na siya ng loob.

"What about it?"

"Are you having dinner with a woman who already has a fiancée?"

"It's a harmless dinner, miss Gabriel, but if you want it to be more than that then—"

"Just dinner." Putol niya, nag-iinit ang pisngi.

Nakakalokong nagtaas ito ng kilay, tila mas hinahamon siya.

"Just dinner." Ulit pa niya para maging malinaw kung ano man ang mayroon silang dalawa.

He growled, para itong bata na hindi napagbigyan sa gusto nitong gawin.

NINA KEEP AVOIDING him but here she was, enjoying Hayes' company. Habang kasama at kausap niya ito ay nakalimutan niya ang lahat ng mga bagay na nasa labas ng restaurant. Ito lang ang taong hinayaan niyang literal na makapasok sa buhay niya, ang lalaking kahit anong gawin niyang pag-iwas ay hinding-hindi niya mahihindian.

Hayes can make her enjoy the night without worrying about anything that she almost forgot the time. She doesn't understand what is happening to her and she doesn't want to understand anything.

It felt like if she tried to calculate and cipher everything, she would only be hurt.

He's too mysterious, kahit nasa pareho silang sirkulasyong ginagalawan ay parang mas malayo pa rin ang agwat nilang dalawa.

"I really enjoy our dinner, Hayes. Thank you." Hindi na magpapaka-ipokrita pa si Nina dahil iyon naman ang totoo.

Pareho silang dalawa na nakatayo sa tabi ng kaniyang kotse, ang sasakyan naman nito ay nasa likod lang non.

"Ako rin naman, miss Gabriel."

There's really something about his eyes that sends a feeling right through her. It just feels so homey.

Natigilan si Nina sa aktong pagbukas sa pinto ng kaniyang sasakyan ng makita ang mga kotseng pumalibot sa parking lot at mukhang sila ang sadya ng mga ito.

"Get in the car, miss Gabriel," Hayes said in a small panicky voice.

"Hayes!" She babbled, scared.

He was the one who opened the door of her car but she didn’t move lalo nang makita niyang bumaba ang hindi mabilang na mga kalalakihan na mukhang mga gangster at tinatahak ng mga ito ang kanilang direksyon. They're holding different kinds of baseball bats in woods and metals.

Napakapit si Nina sa sleeves ng suot na damit ni Hayes.

"We should leave, Hayes."

The fear in her voice is so evident and she hates herself for acting that way.

Bumaba sa mukha niya ang tingin nito at nakakagulat na wala man lamang siyang nakitang bahid na kahit ano mang takot sa mukha nito. May pag-aalala pero siguradong para sa kanya lang iyon. He even looks mad and livid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status