Share

CHAPTER 12

Siya ang natakot ngayon sa pinabayaang niyang nilikhang multo.

Ngunit napangiti siya nang makita niya ang bagsak na balikat ni Irish na bumaba sa huling bus na inakyat nito. Nang makita siya ay mabilis itong umiwas ngunit wala na silang oras. Kailangan na nilang sumakay kaya hinabol niya ito at hinawakan sa braso.

"Tara na Irish. Walang magpapasakay sa taong walang pera. Wala ring naman bakante dahil punuan ngayon. Lahat yan nakatiket na. Gano'n ang buhay. Mahalaga sa lahat ang pera ngayon. Hindi mo sila masisisi dahil karamihan sa mga 'yan ay pamilyadong mga tao at may umaasa sa araw-araw nilang kinikita. May magugutom na pamilya."

"Ayaw ko! Dito lang ako hanggang may magpapasakay sa akin hanggang Manila."

"Magalit ka na sa akin pero hindi mo ako kakayanin. Hindi ako susuko sa katigasan ng ulo mo."

"Ako ang hinahamon mo?" palabang tinuran ni Irish.

"Oo, hinahamon kita! Sorry pero nakahanap ka ng katapat mo Irish at sasabihin ko sa'yong saka ka na lang magpakaamo pagbalik mo ng Malaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status