LOGINPagkaalis ni Ford, muling natahimik ang bahay.
Dahan-dahan siyang umupo sa sofa kung saan kanina lang ay nakalapag ang divorce papers. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong umakyat sa lalamunan niya.
Isang impit na bulong ang narinig niyang sinasambit ng utak niya.
Handa ba talaga siya?
It was a reckless move, she admits. But is it still reckless when it was rooted from years of what she endured?
Tiniis niya ang pagmamaliit. Ang pagturing sa kanya bilang mas mababa pa sa isang tauhan sa sarili niyang tahanan. Ang pagkuha ng kalayaan niya — all for the reason of saving her family’s business.
She was against it at first.
Looking back, she didn’t like Linus.
A known womanizer. Cold. Calculating. Already with a daughter before he even became her husband. But being born to a family with wealth yet limited options, her freedom was sealed before she even realized it was.
Business tycoon ang ama niya bago ito malulong sa sugal. Ang kanyang ina naman ay may sariling adiksyon — shopping, parties, social appearances. Walang araw na hindi ito nawawala sa bahay.
A loveless marriage. A marriage for convenience. At siya ang bunga ng ganoong klaseng pagsasama.
Wala siyang kapatid. Lumaki siyang mag-isa sa napakalaking bahay na punong-puno ng tao ngunit walang tunay na presensya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ford — anak ng right-hand man ng ama niya.
Mabait si Ford. Palaging may dalang libro, palaging may dalang kwento. Naging kaibigan niya ito dahil madalas ang ama nito sa kanila. Sa tuwing pupunta ito, kasama ito si Ford, na nawalan ng ina nang isilang siya nito.
Masasabi niyang naranasan niyang maging normal dahil kay Ford. Sa hindi niya inaasahan, pumayag pa ang ama niyang mag-college siya kasama ito.
It was all good — if she would be asked — despite not receiving love from her parents.
Not until both of them fell into a huge debt.
At doon pumasok ang pamilya Shaw.
To her family, who never truly saw her value beyond leverage, it was easy to agree in marrying her off.
One contract. One signature.
Isang kasal na walang tanong kung masaya ba siya.
But a year after the marriage, both her parents died in an accident. And just like that, everything that tied her to her old surname disappeared.
The Shaw family took over their remaining assets. The debt was settled. The company absorbed.
At siya?
She was absorbed too.
Reduced into a title.
The wife of Linus Shaw.
Napatitig si Cecily sa kisame habang inaalala ang mga bagay na iyon.
She was mad enough not to cry on her parents’ death.
So why is she hesitating with the divorce?
Maybe because divorce means survival on her own.
Maybe because this time, wala nang pamilyang sasalba sa kanya. Wala nang kontratang magtatakip sa kahinaan niya.
Maybe because this time, she is choosing herself.
At mas nakakatakot iyon kaysa sa pagtitiis.
Mahina siyang napabuntong-hininga.
“No,” bulong niya sa sarili. “I’m not hesitating.”
Hindi siya natatakot sa paghihiwalay.
Natatakot lang siya sa pagiging malaya. Because freedom is doing things on your own. And she had never been on her own.
-
Samantala, sa kabilang dako ng siyudad, sa pinakamataas na palapag ng Shaw Tower, dumating na ang itim na envelope na pinadala ni Cecily.
Mahigpit ang security. Hindi basta-basta nakakarating sa mesa ni Linus Shaw ang anumang dokumento nang hindi dumadaan sa screening.
Ngunit ang envelope na iyon ay personal.
From: Ford Newman & Associates.
Inilapag ito ni Julie sa mesa ni Linus.
“See for yourself.” saad ni Julie, bahagyang nakataas ang kilay.
Hindi agad ito pinansin ni Linus. Nakatuon pa ang mga mata niya sa quarterly report sa harap niya.
“Later,” malamig niyang tugon.
“It’s from Attorney Newman.”
Ilang segundo siyang tumigil.
Slowly, he leaned back in his chair.
“Leave it.”
Hindi umalis si Julie.
Tahimik na hinila ni Linus ang envelope papalapit sa kanya. Sinuri niya ang pangalan ng firm. Kilala niya si Ford Newman.
The friend.
The one he never liked.
Binuksan niya ang envelope nang walang anumang emosyon sa mukha.
Ang unang pahina pa lamang ay sapat na upang bahagyang tumigas ang ekspresyon niya.
Petition for Dissolution of Marriage.
Nanatiling tahimik ang opisina.
Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi siya nagmura.
Binasa niya ang bawat pahina nang mabagal, metikuloso, parang nagre-review ng kontratang may butas.
No alimony claim.
No asset demand. No custody battle.Malinis.
Masyadong malinis.
“Is this some kind of joke?” mahinang tanong niya, hindi kay Julie, kundi sa sarili.
Julie crossed her arms. “I heard she already moved out officially.”
Hindi siya tumingin dito.
“She won’t file.”
“Sir?”
“She won’t.” Ulit niya, mas malinaw. “It’s emotional leverage.”
A bluff.
Cecily was never confrontational. Never reckless. She endured silently for five years.
Hindi ito ang ugali niya.
“She’s trying to get a reaction,” dagdag niya. “Or money.”
Ngunit habang hawak niya ang papel, napansin niya ang isang detalye.
Sa pirma.
Cecily.
Walang Shaw.
Unti-unting kumunot ang noo niya.
“She removed the surname,” bulong ni Julie, tila tuwang-tuwa sa obserbasyon.
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Linus sa kanya. Tumahimik ito agad.
He read the signature again.
Cecily.
Ayaw niyang aminin pero alam niyang hindi pera o atensyon ang hinihingi ni Cecily, which made it worst. Hindi iyon bugso ng damdamin kung hindi isang planadong aksyon.
Tahimik siyang tumayo at naglakad patungo sa floor-to-ceiling window ng opisina niya. Mula roon, tanaw ang buong siyudad — ang mundo na kontrolado niya.
Siya ang nagpapatakbo ng mundong sakop ng tingin niya. Sa kumpas ng kamay niya ay kaya niyang baliktarin ang anumang resultang tiyak na sa iba. Ngunit sa kabila ng kontrol at kapangyarihan niyang iyon, hindi niya maiisip na tanging si Cecily lamang ang kayang tumutol sa kanya.
His own wife dared to send him divorce papers without even asking to meet him first.
“She won’t go through with it,” malamig niyang saad.
“She already filed, sir.” maingat na sagot ni Julie. “The court notice will follow.”
Ilang segundo siyang hindi gumalaw.
Then he laughed.
“Let her.”
Lumapit siya muli sa mesa at inilapag ang mga papeles.
“She wants attention? I’ll give her silence.”
“Should we respond?” tanong ni Julie.
“No.”
He signed a separate document — a business approval — as if nothing significant had just landed on his desk.
“Cancel any personal calls from her,” dagdag niya.
Julie blinked. “She hasn’t called.”
His pen paused mid-air.
For a fraction of a second.
Then he continued signing.
“She will.”
Ngunit sa kaibuturan ng isip niya, may isang bagay na hindi niya maikaila.
Cecily had never made a move without thinking it through.
At kung nagpadala ito ng divorce papers—
It wasn’t to scare him.
It was to leave.
At sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, may isang bagay na nangyayari sa buhay niya na wala siyang kontrol.
And he hated that more than anything.
Inasahan na ni Cecily na ganito ang magiging reaksyon ng kaniyang tiyahin. Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi; alam niyang malalaman din naman nito ang totoo balang araw, kaya mas mabuting sabihin na niya ang lahat ngayon. Lalo na’t nagsisimula na si Linus sa pag-aayos ng hatian ng kanilang mga ari-arian. Hindi na magtatagal at kailangan na nilang harapin ang pormal na proseso ng divorce."Auntie, pinag-isipan ko na po itong mabuti. Pumayag na rin si Linus. Kasalukuyan na kaming sumasailalim sa mga procedure—"Hindi pa natatapos ni Cecily ang kaniyang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi. Napahawak siya sa kaniyang namamanhid na mukha at tumingin sa kaniyang tiyahin nang may gulat."Auntie...""Huwag mo akong tawaging Auntie!" Matalas at matinis ang boses ni Celsa. Siya, na laging kilala sa pagiging elegante at mahinhin, ay nanginginig ngayon sa tindi ng
Napairap na lang si Cecily at walang nagawang pinaandar ang kotse. Kung ang isang tao ay kayang manatiling walang kinalaman sa pait ng mundo habang buhay, hindi ba’t isang uri rin iyon ng kaligayahan? Ignorance is bliss, ika nga.Pero hindi siya ganoon; kailangan niyang mabuhay nang dilat ang mga mata.Pagparada ng sasakyan sa tapat ng Rosewood Hotel, hindi na hinayaan ni Cecily na lamunin siya ng pag-aalinlangan. Diretsahan niyang binitiwan ang mga salitang babasag sa katahimikan."Tita, maghihiwalay na kami ni Linus."-Nang bumalik si Linus sa kumpanya, naroon na rin si Siera sa kaniyang opisina. Napansin ni Linus ang tila matamlay na aura ng dalaga kaya agad itong lumapit nang may pag-aalala."Anong problema?"Nag-angat ng tingin si Siera, tila may sasabihin pero agad ding nagbawi ng tingin at nanahimik. "Huwag na lang, baka makaape
Hindi pa kailanman ginamit ni Cecily ang card na ito.Ngunit habang iniisip niya ang kawalang-hiyaan ni Linus, ay kumulo ang kaniyang dugo. Dapat lang na pera niya ang pambili sa cheongsam na ito, saisip ni Cecily. Ituring na lang niya iyon na kabayaran sa pambabastos niya sa kaniya.Ibinigay ni Cecily ang black card sa staff.Agad na natahimik ang paligid. Kilala ng lahat ang card na iyon; para lamang iyon sa mga top VIP ng Shaw Bank. Bakas ang inggit at poot sa mga mata ni Siera. Kailangan na niyang mapilit si Linus na hiwalayan ang babaeng ito sa lalong madaling panahon. Hindi niya matanggap na ibinibida pa rin ni Cecily ang titulong "Mrs. Shaw" sa publiko.Maya-maya, bumalik ang staff na bakas ang pag-aalinlangan."Ma'am, frozen po ang card niyo."Tiningnan ni Cecily ang card. Sa halip na mapahiya, napangisi siya sa inis. Galing mo talaga, Linus!
Hindi sapat ang pagiging mabaít at maalaga sa mundo ng akademya. Kumpiyansa si Siera na pagdating sa talino at kakayahan, madali niyang mapatataob si Cecily. Ngunit may iba siyang plano, nais niyang malaman ni Linus ang lahat.Para lang makapasa sa doctoral entrance exam, nagawa ni Cecily na maging katulong ng isang propesor? Sa isip ni Siera, kung malalaman ni Linus ang ganitong klaseng pagpapababa ng sarili ng kaniyang asawa, siguradong hindi ito papayag. Isang kahihiyan ito para sa mga Shaw.Agad na nagtungo si Siera sa kumpanya ni Linus."Linus, narito na ako sa lobby niyo," masuyong sabi niya sa cellphone.Maya-maya pa, tumunog ang telepono sa front desk. Mabilis na kumilos ang receptionist matapos makuha ang utos mula sa sekretarya. "Ms. Jung, wala po ang President sa kumpanya ngayon. Pero maaari na raw po kayong tumuloy sa kaniyang opisina gamit ang private elevator. Doon niyo na lang p
"Sa tingin ko, hindi panahon ang may problema," panunukso ni Prof. Halili habang nakatitig sa kalaro. "Sadyang may dumating lang na mas nakakaakit sa atensyon mo kaya hindi ka na makatira sa chess!""Anong nakakaakit ang sinasabi mo riyan?" depensa ng matanda, bagaman namumula ang mga pisngi. "Kahit kailan talaga, dala-dala mo ang pagkapormal mo mula pagkabata! Bahala ka nga riyan!"Iniwan niya ang kalaro at naglakad palapit kay Prof. Alonso."Hoy, Alonso! Narito na ba ulit ang estudyante mong si Cecily? Anong masarap na niluluto niyo ngayon?"Ngumiti si Prof. Alonso. "Coconut chicken! Paakyat na kami para kumain oras na maluto 'yon."Nang marinig ang tungkol sa pagkain, hindi na rin nakatiis si Prof. Cortes at tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan."Napakahusay talaga ng estudyante mo, Alonso. Parang sarili mo na siyang anak kung mag-alaga!"
"Nasa isa sa mga pinaka-prestihiyosong bahagi ng Greenwood ang Casimiro," panimula ni Charlie, habang marahang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na kalsada. "Hindi na kataka-takang marami ang nagkakainteres dito."Tumanaw si Cecily sa bintana, tila malayo ang iniisip. "Pinili ko ang bahay na 'to dahil sa lokasyon nito. Pero ngayon, nakasanayan ko na ang buhay dito. Wala akong balak ibenta 'to kahit kanino. Hindi ko lang talaga maintindihan kung sino ang ganito kapursigidong makuha ang property ko."Dahan-dahang pumasok ang sasakyan sa garahe at huminto. Pinatay ni Charlie ang makina, ngunit nanatiling mabigat ang hangin sa loob.“Ang mga taong nagtatangkang bumili rito ay isa lamang sa dalawa, kung hindi sobrang yaman, sobrang makapangyarihan,” seryosong saad ni Charlie, ang boses ay may bahid ng pag-aalala. “Bilang babae, hindi makabubuting ikaw ang direktang makiharap sa kanila. Ano kaya kung ako na







