Home / Romance / The First Wife of Linus Shaw / Chapter 6: Divorce papers

Share

Chapter 6: Divorce papers

Author: Golden Lee
last update publish date: 2026-03-01 08:05:58

 

Ibinaba ni Cecily ang cellphone matapos may kausapin. Tumungo siya sa sala at doon hinintay ang pagdating ng isang panauhin.

Binuksan niya ang TV, hindi para manood kundi para magkaroon ng ingay sa bahay. Ang katahimikan nitong mga nakaraang linggo ay masyadong maingay — parang bawat segundo ay nagpapaalala na wala na siyang asawa, kahit hindi pa opisyal.

Ilang minuto lang, tumunog ang doorbell.

Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa pinto.

“That was too sudden of you to list your property for rent.” Bungad nito sa kanya nang pinagbuksan niya ito ng pinto.

“I want to live with people and good morning.” Sagot naman ni Cecily, bahagyang nakataas ang kilay. “Ikaw lang ang kaibigan ko, at ayoko ng tsismis. I’m still not divorced.”

“As if I would like to live with you. Me? Ford Newman? Masyado ka yatang natutulog ngayong bumukod ka na, Cecily, my friend.”

“Weirdo.” sabi niya sabay irap.

Ngumiti si Ford habang pumapasok sa loob, suot pa rin ang navy suit nito at dala ang paper bag ng donut sa isang kamay. Inabot niya ang isang itim na envelope kay Cecily bago umupo sa sofa na parang siya ang may-ari ng bahay.

Si Ford ang nag-iisa niyang kaibigan na napilitan niyang iwasan nang makasal siya kay Linus. Ayon dito, pinagseselosan siya ng asawa niya. Ngunit alam niyang ang totoo, ayaw lamang ni Linus na magkaroon siya ng sariling mundo — lalo na kung hindi siya ang sentro noon.

“I’ve been telling you that who you married is just insecure about how powerful you might get,” saad ni Ford habang kumukuha ng donut. “But good choice on getting a divorce. You really did well this time, Cecily.”

Napangiti si Cecily, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Huminto ka na nga kaka-English mo.”

“I’m a lawyer. I can’t stop it.”

Walang gana niya itong tinitigan, saka dahan-dahang binuksan ang itim na envelope. Sa loob nito ay ang mga dokumentong ilang linggo na nilang pinaplano.

Petition for Dissolution of Marriage.

Ang pangalan niya sa itaas — Cecily Shaw — tila hindi na bagay sa kanya. Ilang segundo siyang natigilan sa apelyido. Shaw.

Iyon ang apelyidong ipinagpalit niya kapalit ng pangakong hindi naman niya natanggap.

“Ang tagal mo namang basahin ‘yan. Hindi kita ipapahamak, kung ‘yan man ang iniisip mo.” saad ni Ford sabay kagat ng donut.

“Sinisigurado ko lang.” sagot niya, bagama’t alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan ng pagbagal niya.

Pinagmasdan niya ang mga kondisyon.

Walang alimony request.

Walang property claim.

No custody petition.

Malinis.

Napakalinis.

“Sigurado ka?” Tanong ni Ford nang mapansin ang katahimikan niya.

“Mas sigurado pa kaysa noong nagpakasal ako,” mahinang sagot niya.

Tinapik niya si Ford para hiramin ang ballpen na nakasilid sa bulsa ng coat nito. Ilang segundo niyang pinagmasdan ang papel bago tuluyang pumirma.

Cecily — hindi Shaw.

Tinanggal niya ang apelyido. Hindi niya ito nilagyan.

“That’s settled. Send it to him.”

Tahimik na napatitig si Ford sa pirma niya. “Hindi niya ba ’ko pag-iinitan?”

“For what? Na tinulungan mo ’ko?”

Tumango si Ford. “He’s a powerful man. He can do anything.”

“You're smart. You can do anything too.” ngumiti siya. “At saka, wala akong pera para sumagupa sa kanya. Since kaibigan kita, libre. You won’t charge me, right?”

“That I have to think—aray!” Napahawak ito sa braso nang kurutin niya. “Wala ka na bang pera diyan?”

“I still do. I have my savings with me but I don’t want to rely on it much. I’m going back to study. I’ll choose the career I want. I should have money coming to me.”

“So, that’s why you listed your property for rent? Will you be okay living with other people?”

“Yes.” sagot niya nang walang pag-aatubili. “The ones living with me will be ordinary people. I’ll be fine. I’m tired pleasing the socialites.”

Napatingin si Ford sa paligid ng sala. Minimalist. Tahimik. Malinis. Wala nang bakas ng marangyang buhay na minsang ipinilit sa kanya ng pamilya ni Linus.

“Cecily,” seryoso nitong sabi, “kapag natanggap niya ’to, he won’t stay still.”

Hindi siya agad sumagot.

Sa isip niya, alam niyang hindi magiging madali ang susunod na mga araw. Kilala niya si Linus — kontrolado, maingat, hindi nagpapatalo. Hindi niya tatanggapin na siya ang unang umalis.

“Hindi ko hinihingi na maging madali,” sagot niya sa wakas. “Ang hinihingi ko lang ay matapos na.”

Tumunog ang cellphone ni Ford. Sandali itong sumulyap sa screen at natahimik.

“Speak of the devil,” bulong nito.

Napakunot ang noo ni Cecily. “Sino?”

“Assistant ng asawa mo.”

Isang sandaling tila huminto ang oras.

“Sinagot mo ba?” tanong niya.

“Hindi pa.”

Tumango siya. “Send it today. Through his office. Not home.”

“Sure ka na ba?”

“Yes.”

Tumayo si Ford at isinilid ang envelope sa briefcase nito. “Okay. I’ll have it delivered within the hour.”

Habang naglalakad ito palabas, bigla siyang huminto sa may pinto.

“Cecily.”

“Hm?”

“Once this starts, there’s no turning back.”

Saglit siyang tumingin sa mga kamay niyang minsang nanginginig sa tuwing tataas ang boses ni Linus. Ngayon, hindi na.

“Good,” sagot niya. “Kasi wala na rin akong balak bumalik.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 41: The golden revelation

    “Wala naman talagang ibubuga ’yan pagdating sa klase, ’di ba? Sumasabit lang,” pagmamaliit ng isang boses sa dulo, na sinundan ng mararahas na bulungan.“Kinuha niya lang ang mga regalong pinagpuyatan nating ihanda, inayos nang kaunti, tapos ibinigay kay Professor Alonso. Lakas ng loob sabihing sorpresa niya ’yon!”“Oo nga! Professor Alonso, malinaw naman na para sa inyo talaga ang mga handog na ito!”Parang may biglang pumunit sa pader ng pagtitimpi ng mga tao sa silid. Ang sunod-sunod na paratang at inggit na kanina pa naiipon ay nakahanap ng iisang labasan, at ang lahat ng iyon ay marahas na humagupit sa nakatayong si Cecily.Sa tabi niya, hindi na rin maitago ang matinding pagkadismaya sa mukha ni Professor Alonso.Paano nga naman siya hindi magagalit? Narito ang kanyang mga lumang kaibigan at iginagalang na mga kasamahan

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 40: Shadows in the gallery  

    "Si Miss Whitman ang pinakasikat na estudyante ni Prof. Alonso noon. Napakahusay niyan noong nag-aaral pa kami!""Oo nga! Balitang gusto pa nga siyang gawing personal na apprentice ni Prof. Alonso para sa doctorate, pero ewan ko kung bakit bigla siyang nawala at hindi na nagpakita.""Alam ko 'yan. Nabanggit ng isang kakilala na nag-asawa raw siya ng mayaman. May anak na nga raw 'yung lalaki, basta nag-iba ang buhay niya!""O, e anong ginagawa niya rito ngayon?""Baka hindi na niya nakayanan ang buhay-mayaman, kaya heto, pumasok na lang na waitress.""Hahaha..."Isang mahinang tawanan ang sumabog sa sulok ng bulwagan. Sa isang saglit, si Cecily ang naging mitsa ng kanilang libangan.Ang mga taong naroroon ay walang ibang naaalala kundi ang in

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 39: What it takes

    "Nabalitaan kong kasalukuyan ka raw sumasailalim sa divorce sa pamilya Shaw?" panimula ni Yvette, pilit na pinatatamis ang kaniyang boses. "Napakasama ng loob ng uncle mo tungkol dito, sinasabi niya—""Sinasabi ang alin?!"Putol ni Cecily sa mga salita ni Yvette. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang matalim na nakatitig sa babaeng nasa harap niya. Sa loob ng mahigit sampung taong pananatili sa tabi ng uncle ko, iniisip niya na ba talaga na kasali siya sa pamilyang ito?Kahit sa babaeng naging mitsa ng pagtataksil ni Linus, bihira magsalita nang marahas si Cecily. Subalit kapag si Yvette na ang kaniyang kaharap, hindi niya kayang pigilan ang umaapaw na poot sa kaniyang dibdib."Ako... at wala akong masamang ibig sabihin!"Nagkunwaring agrabyado si Yvette, ang mga mata ay agad na nagtubig habang pilit na hinahawakan ang braso ni Cecily. "Nag-aalala

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 38: Cracks in the mirror  

    Abala si Siera sa pagmamasid at pag-aayos ng buhok ni Mara nang marinig ang pangalan ni Cecily mula sa kaniyang anak. Biglang napatigil ang kaniyang mga kamay sa pagtitirintas."Gusto mo ba si Cecily nang sobra, baby?" tanong niya, pilit na itinatago ang kaba.Initingala ni Mara ang kaniyang ulo habang nag-iisip. Noong una ay dahan-dahan siyang tumango, subalit nang maalala niya ang mahabang panahon na hindi siya binalikan ni Cecily, maging ang mga binitiwang salita ng kaniyang Lola Lilibeth, mabilis siyang umiling. Humarap siya kay Siera at biglang isinubsob ang mukha sa leeg ng kaniyang ina."You’re my gustow, Mommy..."Dahil ito ang kaniyang tunay na ina. anak siya ng kaniyang Mommy, hindi kay Cecily. Sa isip ng bata, magkakaroon din naman si Cecily ng sarili nitong anak kasama ang kaniyang Daddy sa hinaharap, at kapag nangyari iyon, wala nang magkakagusto sa kaniya. Tanging ang kaniyang tun

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 37: The bitter truth  

    "Inayos po ni Madam ang lahat ng impormasyon tungkol kay Miss at ibinigay sa akin, kaya dinala ko na po rito," wika ng katulong habang inilalabas ang mga printed na dokumento. "Napakamaalalahanin po talaga ni Madam. Kabisado niya ang bawat gusto at ayaw kainin ni Miss."Lumapit si Siera sa tabi ni Linus at mabilis na kinuha ang makapal na salansan ng papel. "Linus, kung talagang nagmamalasakit ang asawa mo, bakit hindi siya ang mismong pumunta rito? Bakit kailangan pang katulong ang magdala nito?"Ramdam ng katulong na may talim ang pananalita ng babae, subalit bilang isang tagapagsilbi ay pinili niya na lamang tumahimik. Hindi naman nakuha ni Linus ang paturing na kahulugan sa likod ng mga salita ni Siera."Ganyan talaga siya pagdating kay Mara," kaswal na sagot ni Linus. "Sa loob ng limang taon, utang natin sa kaniyang pag-aaruga kung bakit lumaking malusog at maayos ang bata."Saglit na naging yel

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 36: A silent ache  

    Walang kahit anong balak si Cecily na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Hindi man lang niya nilingon ang lalaking nasa kaniyang likuran. Para sa kaniya, ang bawat segundong gugulin niya sa pakikipag-usap dito ay pagsasayang lang ng hininga.Tuluyan nang nagbago ang timpla ng mukha ni Linus. Sa kaniyang pananaw, kahit ano pang kapintasang mayroon si Cecily, lagi itong nagpapakita ng walang kapantay na debosyon pagdating kay Mara. Subalit ngayon, kahit alam na nitong may sakit ang bata, pinipili pa rin nitong magpatangay sa selos at pag-iinarte. Napakababaw... napakaimpaktita, saisip niya."Buong akala ni Mara ay uuwi ka ngayong gabi, kaya napakahabang oras siyang nag-abang sa sala hanggang sa makatulog na lang sa sofa! Wala ka bang nararamdaman sa mga pinagsasabi ko?" asik ni Linus, pilit na isinusumbat ang bawat detalye. "Kahit natutulog, paulit-ulit niyang itinatanong kung kailan ka babalik! Masama ang pakiramdam ng bata ngayon,

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 3: The day she left  

    Matapos lisanin ni Cecily ang kanyang tirahan, muling nabalot ng tila normal na katahimikan ang mansyon.Bandang hapon, bumalik si Linus kasama si Mara at ang kanyang assistant na si Julie. Pagpasok pa lamang nila sa bahay, agad na naalala ng bata kung saan inilalagay ang pamahid para sa paso. Hind

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 2: Who will you be without me?  

    Mabilis na inayos ni Cecily ang kanyang damit, ang kanyang kamay ay nanginginig.“I want a divorce,” bigla niyang sabi.Nagbuga ng usok si Linus at malamig na tumawa.“Divorce?” Ang kanyang mata’y nababalot ng poot. “Who will you be without me? Huh? Cecily?”Matalim ang kanyang tingin, walang awa.

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 1: I want a divorce

    Nanatili si Cecily ng buong isang linggo sa ospital. Pitong araw at pitong gabi ang dumaan sa ilalim nang putting ilaw, kasama ang paminsan-minsang tunog ng makina, at mahihinang hakbang ng mga nars na pumapasok at lumalabas na hindi alam ang kanyang pangalan.Sa araw ng kanyang pag-alis ay narinig

  • The First Wife of Linus Shaw   Chapter 7: That black envelope

    Pagkaalis ni Ford, muling natahimik ang bahay.Dahan-dahan siyang umupo sa sofa kung saan kanina lang ay nakalapag ang divorce papers. Tumingala siya sa kisame, pinipigilan ang anumang emosyon na gustong umakyat sa lalamunan niya.Isang impit na bulong an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status