Share

Chapter 7

Dumako ang mugtong mga mata ni Camila sa orasan. Halos sa pag-iyak at pagpapahid lang ng mga luha umikot ang buong araw niya. Isang bagay na iniiwasan niyang mangyari ay ang mag-isa dahil mas lalo siyang nalulunod sa lungkot at sakit.

Maghahating-gabi na pero wala pa rin ang kan'yang asawa. Matapos nitong maligo ay umalis ito ng hindi manlang sa kanya nagpaalam.

May pag-aalalang biglang bumalot sa kanya. Marahil dahil sa inasal niya kanina ay naisipan na nitong 'wag na lang umuwi sa kanila, baka maisipan nitong makipaghiwalay agad sa kanya.

Ilang oras pa ang nakalipas at may bumusina na sa gate nila. Naalimpungatan siya mula sa saglit na pagkakaidlip sa sofa pero agad naman siyang bumangon upang kompirmahin kung si Brent na ba iyon.

Nang bumukas ang pinto ng kotse ay una niyang nakita ang isang pamilyar na lalaki. Dinukot niya sa isip ang ala-ala kung saan niya possibleng nakita ito at napagtanto niyang isa ito sa mga lalaking nakatayo noon sa gilid ng altar katabi ni Brent. 

"Hi, Camila! Brent is drunk. I had to drive him home to make sure he's safe," nakangiti nitong sabi saka tumungo sa likurang pinto ng kotse upang alalayan si Brent.

Sumunod naman si Camila at pumwesto sa kabilang gilid upang maging balanse ang pag-alalay sa kanya. 

"Thanks for bringing him here and I apologize for the trouble it caused you," mapagkumbabang sambit ni Camila matapos nilang ilapag si Brent sa sofa.

"It's totally fine. I used to bring him home whenever he is drunk. It's nothing new to me, actually," he said while scratching the side of his textured, curly hair. Lumabas ang dimple nito sa kanang pisngi nang tapunan niya ng kan'yang natural na ngiti si Camila.

"I-I see. Thank you again," pasasalamat muli nito.

"It's nothing. Just take care  of Brent."

Pagkasabi niya no'n ay nagpaalam na siyang umalis. Inihatid siya ni Camila sa pinto at hinayaan ang guard na magbukas at magsara ng gate. 

Nang balikan niya si Brent ay wala na ito sa sofang pinag-iwanan nila bagkus ay nasa may gitnang bahagi na ng hagdan at pagewang-gewang na pumapanhik paitaas habang nakapikit ang mga mata. Tinakbo naman ni Camila ang pagitan nila at agad na sinaklay ang balikat nito sa leeg niya. 

"Ang yaman-yamang tao, lasingero!" paghihimutok niya habang pilit na ibinabalanse ang sarili para hindi sila matumbang dalawa. 

Nang marating nila ang kwarto ay agad naman niyang inalalayan ang asawa pahiga. Napapunas siya sa pawisan niyang noo matapos maibaba si Brent sa kama nito. 

"Ang bigat mo, ah!" pagrereklamo niya. "Ano maglalasing ka pa ulit? Hindi mo naman kayang dalhin ang sarili mo, namerwisyo ka pa ng iba!" dagdag pa niya habang tinatanggal ang black leather shoes ng asawa. 

Matapos iyon ay kumuha siya ng maligamgam na tubig at towel na pampahid sa katawan nito. She unbottoned his top para mapunasan din ang dibdib nito ngunit habang ginagawa iyon ay hindi niya mapigilang mapalunok dahil sa ganda ng katawang unti-unting nagiging buo sa retina niya. 

"Ang perpekto ng katawan..." hindi niya mapigilang pagsambit. "Pero hindi ng pag-uugali," bawi niya sa compliment na nabitawan. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Iba ang dating ngayong malapit na ito sa kan'ya kumpara ng una niya itong nasilayan.

Gumuhit ang daliri niya sa pagitan ng nagkukumpulan nitong tinapay, animo'y tinatantiya niya kung paanong maipipinta ang ganito kagandang katawan. Nang mapagtanto niya ang ginagawa sa katawan ni Brent, ay agad naman niyang pinalo ang malikot na kamay.

"Huwag kang dadapo kung saan! Sa gilid lang kita!" pangangaral niya saka tumayo ngunit nahagip ni Brent ang kan'yang kamay at hinila siya pabalik dahilan para bumagsak siya sa matigas at exposed na dibdib nito.

"Dito ka lang," rinig niyang ungol ni Brent na nagpapula sa pisngi niya. "Sophia."

Saglit na natigilan si Camila. 'Sophia?' pag-uulit niya sa isip nang narinig. Napatingin siya sa mukha ni Brent na may bakas ng lungkot. Sa loob ng dalawang araw nilang pagsasama ay ilang emosyon na rin ang nakita niyang namutawi sa mukha nito: pagnanasa, pagiging snob, pagkagalit at ngayon naman at pagkalungkot. 'Sino si Sophia sa buhay mo at bakit ganito ang epekto niya sa 'yo?' hindi niya mapigilang tanong sa isip.

Hinigpitan pa lalo ni Brent ang yakap sa kanya kaya naman hindi siya nakawala sa bisig nito. Minabuti na rin niyang manatili sa ganoong posisyon, afterall she needed and longed to feel someone's hug.

Habang nakapatong ang kan'yang ulo sa dibdib ni Brent ay hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong kasama niya si Luiging nagmamasid at nagbibilang ng bituin sa kalangitan. Napangiti siya nang mapait kasabay ng pagtulo ng mainit na luha sa mata niya.

Hinayaan niya ang sariling alalahanin muli ang sakit na naidulot ng pagtataksil ni Luigi saka ipinangako sa sariling huling beses na siyang iiyak para sa lalaking labis na minahal. Tapos na ang lahat sa kanila at hinding hindi niya na ito kailanman bibigyan pa ng pagkakataong saktan siya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status