Share

Chapter 4

Dahan-dahang bumakas ang malaking pinto kasabay ng pagtugtog ng malambing na plawta. Maya-maya pa'y lumitaw ang isang babaeng nakasuot ng magara at mahabang damit pangkasal. Hindi pa gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas.

"I swear

by the moon and the stars in the sky

And I swear

like the shadow that's by your side."

Panimulang awit ng isang napakalambing na tinig.

Lahat ng bisita ay nakatanaw lang sa babaeng nakatayo pa rin sa bulwagan, inaasahan ang paglapit upang mas matanaw pa nila nang malinaw ang mukha nitong natakpan ng puting veil.

Nanghihina ang mga tuhod ng bride, hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya, kung makakatakas pa ba siya sa sakit, kung anong bukas ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng araw na ito.

"I see the questions in your eyes

I know what's weighing on your mind."

Kumirot ang puso niya nang marinig ang lyrics ng kanta. Napangiti siya nang mapait.

'Kung alam mo lang, Luigi, kung gaano ko pinangarap na maglakad sa mahabang pasilyo at humantong sa iyo...kung gaano ako kasaya nang lumuhod ka sa harapan ko at ialay ang singsing na gustong-gusto ko.'

"You can be sure I know my heart

'Cause I'll stand beside you through the years."

'Pero hindi na mangyayari iyon. Masakit sa akin na i-let go ang tatlong taon nating pagsasama, ang mga ala-alang ibinaon mo sa isip at puso ko, ngunit narito na ito at kailangan kong pangatawanan. Para sa papa ko...at para takasan ang sakit na naidulot ng pagtataksil mo.'

You'll only cry those happy tears

and though I make mistakes I'll never break your heart

'You did let me cry happy tears before but now it's all but pain.

You smash my heart hundred folds now I'm but a numb damsel in distress.'

Bahagya niyang itinaas ang mga mata upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Oo't nakasuot nga siya ng magarbong damit pangkasal pero hindi siya matatali sa taong kanyang lubos na minahal.

Dumating siya sa bahagi kung saan naghihintay ang lolo ni Lilybell. Nakausap niya na ito bago pa man sapagkat ito ang nag-briefing sa kanya ng mga bagay-bagay na dapat niyang malaman maging ang sakop ng kontratang pinapirmahan sa kanya.

"You've given us a big favor, Camila. Rest assured that we'll support your father's medical expenses. Just make sure that they'll not know you're not the real Lilybell," bulong ng matanda sa tenga niya.

While walking on the red carpet toward the aisle, sinilip ni Camila ang magiging groom niya. Ngiti ang nakaukit sa labi ng dalawang matitipunong lalaking nasa magkabilang gilid samantalang umiwas naman ng tingin ang lalaking naka-cream colored na tuxedo.

'Siya ba?' tanong ni Camila sa sarili. 'Marahil siya nga.'

Naisip niya siguro na gaya niya ay napilitan lang din ito sa kasal, nababakas kasi sa seryoso't gwapo nitong mukha na hindi ito masaya.

"Mr. Brent Austin Myer, here, take my granddaughter, Lilybell," pagpapakilala ng lolo ni Lilybell nang huminto sa harap ng groom. Nagkatitigan sila saglit pero agad namang ibinaling ni Camila ang atensyon sa ama ng lalaking pakakasalanan niya at bineso ito.

Matapos ay inabot ni Brent ang malambot at malamig na kamay ni Camila, napansin niya pero hindi niya na pinuna.

"I thought you're going to dump me on our wedding day," bulong niya habang inaalalayan ang kanyang bride na makarating sa harap ng presider.

His deep set eyes narrowed nang tinapunan lamang siya nito ng halatang pilit na ngiti. Sa isip niya ay playing hard to get ang mapapangasawa niya dahil taliwas sa kilos niya ang ibinalita sa kanya ng mga Gonzales.

'Nasaan na ang excited na bride na binanggit nila?' natanong ni Brent sa sarili. Nagbago lang ang hulma ng kanyang mukha pero hindi ang kahinhinang taglay niya magmula nang una niya itong makilala. Gaya lang din ba siya ng dati na namumuhi sa kanya?

Naalala niya noong bata pa lamang sila at nasa poder pa ito ng mga Gonzales. Malimit silang magkita at malimit niya rin itong asarin. Dumating din sa puntong nasobrahan siya sa pag-aasar dito na ikinainis nito nang labis. Paano ba naman ay nilagyan niya ng mga palaka ang bag nito. He did a mental smirk.

'This is going to be fun.'

Wala sa loob ni Brent ang pag-aasawa pero para makuha ang posisyon as CEO ng kompanya, kinailangan niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang lolo. Besides, he's not committed to any woman. Pampalipas oras lang niya ang mga naging kaluguyo before, well, after Sophia, ang tanging babaeng sineryoso niya ngunit iniwan siya sa hindi makatarungang dahilan.

Nagpatuloy ang seremonya habang ang bride ay malayo ang tingin. Namamanhid ang damdamin ni Camila at hirap mag-sink in sa kanya ang mga sinasabi ng presider. May malakas na kalabog sa kanyang dibdib na nagnanais kumawala. Iniiwasan niyang tumingin kay Brent kahit pa nang nagpalitan sila ng vows at singsing. Pakiramdam niya'y lalo lamang nanghihina ang tuhod niya.

Napagod siya sa byahe, sa katunayan ay muntik na siyang hindi makaabot sa kasal. Paano'y naka-set na pala ang araw ng kasal at kinailangan niyang bum'yahe agad. Wala rin siyang tulog na maayos dahil hindi pa nakakapag-adjust ang biological rhythm niya.

Dumating na sa puntong kailangan na siyang halikan ng groom. Napipilitan ma'y hinarap niya ito at nagkatitigan sila mata sa mata. She couldn't help but adore his true sapphire eyes. Paano'y buong buhay niya ay pulos caramel and charcoal colored na mga iris lang ang nakikita niya.

'Those eyes are beautiful but why do they reflect the state of my heart? Broken. Numb.' nanghihinang tanong niya sa sarili bago siya tuluyang panghinaan ng tuhod at bumagsak na matitikas na bisig ng lalaking, ngayon ay kanya nang opisyal na asawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status