Share

Chapter 6

Masarap na amoy ng pagkain ang nalanghap ni Brent pagkababa niya ng hagdan. Malayo pa ma'y natanaw niya ang asawang busy sa kusina. Nakatali ang buhok nito sa burdadong manipis na kulay abong panyo. Tumigil muna siya upang pagmasdan ang babae. Maganda ang suntanned na kutis ng balat, at mukhang malambot ang caramel-colored na buhok nitong may pagkakulot ang bandang dulo. Katamtaman ang pangangatawan nito, hindi maituturing na payat pero hindi rin naman mataba.

Natigilan si Brent sa pag-oobserba nang mapansin siya ni Camila.

"B-brent, I cooked breakfast for you," sabi nito na halatang hindi komportableng makita siya. "S-sit here. I'll serve you food," dagdag pa niya at in-offer ang upuan. 

Napatunganga siya sa kinikilos ng asawa. Ang Lilybell na nakilala niya noon ay hindi maitago ang galit sa kanya. Paano ba naman'y pinagtri-trip-an niya ito lagi noon. Ngunit dekada na rin naman ang lumipas at marahil ay nakalimutan na ni Lilybell ang pinaggagawa niya.

Nang mailapag na ni Camila ang pinggan na may toasts, scrambled egg, pancakes and creamed coffee sa mesa ay tiningnan lamang ito ni Brent. Medyo heavy ang naka-serve na pagkain at hindi niya ugaling kumain kapag bagong gising. Nagsimula siyang mawalan ng gana nang pumanaw ang kanyang ina. 

Bumalik ulit si Camila na may dala-dalang Kaya, isang sweet coconut jam na ipinapalaman sa toasts na hinahaluan ng half-boiled eggs at ilang seasonings. Kahit hindi pa nailalapag sa mesa ay alam na alam na agad ni Brent kung ano ito sa amoy palang. Malimit kasi siyang paghandaan ng kan'yang ina nito noong nabubuhay pa. Sumilay ang lungkot sa mga mata niya nang maalala ang masasayang memories kasama ang pinakamamahal niyang Mommy Elena.

"I hope you'll like it," nakangiting sabi ni Camilla but Brent just turned his back on the food. He inserted his right hand into the pocket of his short and strolled to the living room. 

"Hey, don't you wanna eat? I prepared different meals just in case you don't like the rest!" pagpapaliwanag ni Camila pero nagbingi-bingihan lang si Brent. Kumuha ito ng Business Management na book mula sa shelve ng kanilang sala at binuklat ito. 

Bahagyang umusok ang ilong ni Camila nang mapagtanto niyang ini-snob siya nito pero ikinalma niya pa rin ang sarili. Kailangan niyang maging mabait na asawa. Kailangan niyang pangatawanan ang gusot na pinasok niya. 

Lumapit siya kay Brent at kinausap ito. "If you don't like the food that I prepared, I will just cook a different one. Tell me what you like to eat." 

Nang wala pa rin siyang narinig na sagot ay hindi niya na napigilang magtimpi. "Fine. Kung ayaw mo, eh 'di 'wag! Kaya ko naman iyon ubusin!" Padabog niyang sabi sa wikang akala niya ay hindi nauunawaan ng asawa saka tumalikod. But as she does so, Brent grabbed her wrist and pinned her on the nearby wall. Ikinalaki ito ng mga mata ni Camila.

"I don't feel like eating those food," sambit ni Brent habang tinitingnan pataas ang balat ng asawa. "I prefer a different meal." 

Nang dumako ang paningin ni Brent sa mukha ni Camila ay bumungad sa kanya ang expresyon nito na tila nabuhusan ng malamig na tubig. Napangisi siya. 

"H-huh, hindi ka mabubusog ng meal na g-gusto mo. Kainin mo na lang ang inihain ko." Tatakas na sana si Camila pero ibinalik siya ni Brent sa wall saka niyagit ang baywang nitong lalong nagpaliit ng pagitan nila. 

"Wife," may pagnanasa nitong sambit. "Why so aloof. Thinking of getting away from your responsibility?" tanong niya habang nakatitig sa labi ni Camila. 

Nagitla ito sa narinig at napatitig sa mga matang nakabaling na muli sa kanya. Lumakas ang kabog ng puso niya. Napakalakas na parang mabibingi na siya. Binabalot siya ng takot at kaba. Takot na baka ipagpilitan nito ang gusto niya at kaba dahil alam niyang hindi pa siya handa para isuko ang lahat sa lalaking, gwapo at makisig man, ay hindi pa niya lubos na nakikilala. Gayunpaman, alam niyang hindi siya dapat nagpapakita ng dahilan na ikagagalit o ikapagdududa nito. 

Kailangan niyang panindigan ang pinasok niya para sa ama niyang nangangailangan ng pera sa operasyon, para sa mga Gonzales na sumusuporta sa gastusin ng kan'yang ama at para sa sarili niya nang makalimutan niya na ang lalaking nanluko sa kanya. 

Kinapa niya ang matigas na dibdib ng asawa. She's not used to flirting but she tried her best to look convincing. "I am not but can't you be more considerate? Your wife hasn't eaten anything yet since yesterday." 

Tinitigan siya ni Brent as if analyzing the truthness in her words. 

"Yeah, because you collapsed twice... or should I say, you "acted" collapsing," sarkastiko nitong sabi sa kanya. "After eating, what other excuses will you give, hmm?" dagdag pa nito. 

Nakagat ni Camila ang ilalim ng kan'yang labi habang nag-iisip ng mga maaaring gawin para makaiwas sa gusto nitong mangyari.

Lumapit ang mukha ni Brent upang halikan siya ngunit iginilid ni Camila ang mukha dahilan upang mainis ito. Marahas na ibinalik ni Brent ang mukha ni Camila pabalik sa kanya. 

"Playing hard to get, eh? Want me to have sex with other girls instead?"

Napatingin nang seryoso si Camila sa asawa. Hindi siya makapaniwala sa narinig. May kung ano sa puso niyang nais kumawala. Naalala niya si Luigi at ang ginawa nitong nagpadurog sa puso niya, ang lalaking pinagpalit siya sa iba dahil lang hindi niya ito mabigyan ng panahon at hinahangad niya.

Napalitan ng muhi ang kanyang puso at pinuwersa niyang makaalis sa pagkaka-trap sa kanya ni Brent. Gusto niyang maiyak sa sakit. 

"What's wrong, Lilybell? That'll be fine with you, right?" mapanuyang tanong nito. "I don't think you like me so I guess you won't mind at all," dagdag pa niya.

Tiningnan siya ni Camila nang masama. "Is lovemaking the only basis of love? Pfft."

"Why, are there other things we can do better than that?" he asked uninterestedly. "I know how you feel about this marriage and just to let you know, the feeling is mutual."

Inirapan siya ni Camila. Alam naman pala niya, bakit pa siya pumayag na maikasal sa taong hindi niya gusto? 

A smirk crossed his lips. He shoved his hand into the pocket of his knee-length shorts. "I'm not hungry. Just throw the food in the trashbin if you can't eat it all," singhal niya sabay alis sa harapan ni Camila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status