LOGIN
Franco
“Georgina, putik naman. Ang ganda ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa mukha mo, sana ay ibinagay mo na rin ang kukute mo!” Nagpipigil ako ng galit dahil nga babae ito kasabay ang pagsisikap ko na huwag makapagsalita ng hindi maganda ngunit dahil nga sa kaengotan niya ay hindi ako nagtagumpay.
“Eh pasensya na po Gov. hindi ho talaga ako marunong gumamit ng washing machine niyo na automatic.” Kakamot kamot pa ng ulo ang tanga habang nagsasalita.
"Eh di sana kinamay mo na lang!"
"Kamay naman ho ang ginamit kong pangpindot sa washing."
"Ibig kong sabihin sana kinusot mo ng kamay mo! Iisang piraso lang naman."
"Nagluluto ho kasi ako kanina, multitasking ba-- alam niyo yon?" sagot pa niyang nagpainit lang ng ulo ko.
Kung titignan ito ay mukha namang normal. Maganda pero hindi ko alam kung sexy dahil simple lamang ang damit na suot niya. Oversize t-shirt at leggings na hanggang kalahati ng binti niya ang haba. Ang buhok ay nakatali ng pony na parang basta lang ipinusod.
Aaminin ko, kahit ganon ay maganda pa rin siyang tignan. Ang nakakainis nga lang ay hindi ko malaman kung bakit parang ang tanga tanga niya.
“Anong gagawin ko dito ngayon? Itim dapat ang long-sleeved polo ko na ito pero pinaputi mo ng dahil sa clorox!” inis kong sabi. May a-attend-an akong party at ayaw ko sanang mag coat lalo at hindi naman daw iyon formal.
Marami kasi ang nagsasabi na bagay daw sa akin ang black dahil lalaking lalaki ang dating ko kapag ganon. Tapos itong personal kong katulong ay ginamitan daw ng clorox ng nilabhan niya iyon.
Bago ang damit pero hindi ako sanay na hindi iyon malabhan bago isuot. Ang nakakainis pa, wala na akong oras para bumili ulit.
“Eh kung ijobus ko kaya, Gov.?”
“Lintik yan, nag suggest ka pa talaga eh no? Sa tingin mo kagaya pa rin ng pagkabili ko ang kalalabasan non? Tsaka nag-iisip ka ba, paano kung kumupas yan kung sakaling bigla akong mabasa?”
“Bakit naman Gov. magkukupas, eh hindi naman swimming party ang pupuntahan mo? Ako ba ang hindi nag-iisip o kayo?”
“Georgina, pinapasakit mo ang ulo ko sa mga pagsagot sagot mo sa akin.”
“Ulo ho saan?” tanong niya pa na nagpalaki ng aking mga mata.
“Ulo ko Georgina, ito oh!” sabi ko sabay turo sa ulo ko. “Kahit na gaano ako kababaero ay hindi sasakit ang ulo ko sa baba ng dahil lang sayo!”
“Ang sakit niyo namang magsalita, Gov! Para niyo na ring sinabing ang pangit ko samantalang kakasabi niyo lang na kasing ganda ko ang pangalan ko!”
“At may nagsabi ba sayong maganda ka?” inis ko pa ring tanong kahit ba maganda naman talaga siya.
“Oo naman po! Yung mga bodyguard niyo, sabi ang ganda ko raw.”
“Pwes ibahin mo ako sa kanila. Iba ang definition ko ng maganda,” tugon ko.
“Sus parang kahit posteng suutan ng palda ay papatusin niyo naman…” sabi niya sa mahinang tinig ngunit dining na dining ko pa rin.
“Georgina!” inis kong sigaw.
“Eh kung ayaw niyo ng solusyon ko ano pa ho ang gusto niyong gawin ko? Kung bilhan ko kayo ng bago?”
“Hindi na, iwan mo na lang ako at ibang damit na ang susuotin ko!”
“Sige ho, lalabas na.” Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang lumakad palabas ng aking silid. Pero habang ginagawa iyon ay bumubulong bulong pa ito na sigurado akong sinasadya niyang marinig ko.
“Ang daming sinabi eh okay naman na pala…. Ang init nang ulo kapag hindi naibabaon ang kamote niya eh.”
Napailing na lang ako kasabay ang paghagod ng aking alon alon at hanggang balikat na buhok. Kumuha ako ng tuwalya at tsaka pumasok sa bathroom.
Nang makapaligo ay nagpunas lang ako ng katawan bago lumabas habang pinupunasan ang aking buhok. Dahil kwarto ko naman ay hindi na ako nag-abala pa na magtapis ng katawan.
“Ahhh!!! Manyak! Bastos!” tili ni Georgina. Agad ko namang itinakip ang tuwalyang hawak ko sa aking katawan dahil nanlalaki ang mga mata niya na titig na titig sa junior ko.
“Hoy! Dito ka sa mukha ko tumingin! Eyes here!” Itinuro ko pa ang aking mukha matapos kong iwagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya para lang kunin ang atensyon niya.
“Ano ba naman Gov.! Hindi man lang kayo magtapis!”
“Kwarto ko ito, Georgina! Tsaka bakit ka ba nandito na naman?” Tapos na akong takpan ang junior ko at nakapamaywang na akong humarap sa kanya.
“Eh sabi ho ng tatay niyo ay siguraduhin niyo raw na hindi kayo uuwing lasing dahil kailangan maaga tayong bumalik sa isla bukas. Naalala ko lang na sabihin sa inyo.”
“Ilang ulit mo ng sinabi sa akin yan, sa tingin mo hindi ko maaalala?”
“Paalala lang naman, Gov. Alam niyo naman na kahit na anong mangyari ay susundin ko ang tatay at nanay niyo.”
Napahawak ako sa aking sentido at tsaka minasahe iyon. Talagang sumasakit ang ulo ko kapag kinakausap ko ang babaeng ito.
“Naku Gov., akina at mamasahiin ko kayo, masakit ho ba?” sabi niya sabay lapit sa akin.
Inangat niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang aking ulo at mukhang may balak nga na masahiin ako kaya agad ko siyang pinigilan.
“Stop, stop, stop…” sunod sunod kong sabi. Ang nangyari ay nahawakan ko ang kanyang mga kamay at nagkatitigan pa kami.
Nakatingala siya sa akin habang nakayuko naman ako sa kanya. For a moment ay parang biglang super ganda niya sa paningin ko, huwag lang niyang ibubuka ang kanyang bibig.
“Aba Gov., kalmahan niyo lang.” Kakasabi ko lang eh, nagsalita na agad.
“Bakit?” tanong ko.
“Ang paraan ng pagkakatingin niyo sa akin ay parang ngayon lang kayo nakakita ng maganda aba!”
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang tatlo sa aking isip.
“Lumabas ka na, Georgina. Bago ko pa mapilipit ang leeg mo ay lumayo ka na sakin.”
“Sus, para jino-joke lang kayo eh.” Agad niyang hinila ang kanyang mga kamay na hindi ko namalayang hawak hawak ko pala.
Nakakainis, palingon-lingon pa siya sa akin habang naglalakad papunta sa pintuan. Napailing na lang ako ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko at maisara ang pinto.
FrancoI pressed my lips together, suppressing the urge to grab my phone again and message her first. Why should I be the one to reach out when she couldn't even spare a few seconds to ask how I was doing?The more I thought about it, the more ridiculous it seemed. I was the one who had spent two days away from the island to fetch her, and now I was the one wondering whether she had even noticed that I was gone.Napailing ako sa sarili ko.Get a grip, Franco.I was the governor, a grown man with a province to manage and more responsibilities than I could count. I shouldn't be sitting in the back of my car, sulking over the fact that my wife hadn't texted me.And yet, heto ako at ginagawa ang ayaw kong gawin.A few minutes later, the car finally entered the mansion's driveway. The familiar sight of the property came into view, and I immediately straightened in my seat as Mon slowed down in front of the main entrance."Here we are, sir," he announced."Thanks, Mon. You can go home after
FrancoPinilig ko ang ulo ko at marahang iminasahe ang sentido ko.I could already imagine another lengthy discussion with them, complete with raised eyebrows, disapproving looks, and arguments that would probably go around in circles until someone finally gave up.And honestly, I wasn't in the mood to deal with that right now.Kailangan ko munang isantabi ang tungkol kay Joanne at sa kumpanya dahil may mas importanteng bagay akong kailangang asikasuhin.Dalawang araw akong nawala sa isla para sunduin si Georgina sa Manila, at pagbalik ko ay para bang nagkaroon ng reunion ang lahat ng trabahong iniwan ko. My desk was practically buried under piles of documents, reports, and folders that needed my attention.It was as if every piece of paper in the office had conspired to make my life miserable the moment I stepped through the door."Seriously?" I muttered under my breath as I stared at the mountain of paperwork waiting for me.Napailing ako at hinila palapit ang unang folder. Wala nam
FrancoEverything seemed to be falling into place, at least for now. Although there were still a few problems that needed to be dealt with, I could finally say that things were starting to work out the way I wanted them to.Pansin ko naman na okay na kami ni Georgina, kahit pa pilit niyang itanggi iyon.Hindi man niya sabihin nang diretso, ramdam ko sa paraan ng pakikitungo niya sa akin na unti-unti na ring nagbabago ang sitwasyon sa pagitan namin.After what happened between us over the past two days and nights, it would be ridiculous for her to keep pretending that there was absolutely nothing going on between us.Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang mga nangyari sa amin. I knew there was an undeniable attraction between us, and I was pretty sure that she felt it, too.The way she reacted whenever I got close to her, the subtle changes in her expression, and even those little moments when she seemed to forget that she was supposed to be mad at me were enough to tell me tha
Third PersonNapatingin si Georgina sa kanilang magkahawak na mga kamay. Hindi niya namalayang bahagyang nanikip ang kanyang dibdib sa simpleng kilos na iyon.Sa kabila ng lahat ng nangyari, naroon pa rin ang init at pagmamahal na matagal niyang inakalang tuluyan nang nawala sa buhay niya.At sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung alin ang mas mahirap tanggapin—ang katotohanang nagkamali siya ng hinala tungkol sa mag-asawa o ang katotohanang sa kabila ng kanyang mga pagdududa ay hindi pala siya kailanman tuluyang tinalikuran ng mga ito.“Nangako ako sa mga magulang mo na aalagaan at poprotektahan ka namin,” malumanay na sabi ni Cataleya habang marahang hinahagod ang likod ng kamay niya. “Noong nawala sila, hindi namin alam kung paano ka tutulungan. Bata ka pa noon, at napakaraming bagay ang nangyari nang halos sabay-sabay. Ang alam lang namin, kailangan naming tuparin ang pangako namin sa kanila at siguraduhing may babalikan ka kapag handa ka nang bumalik.”Bahagyang nanginig ang
Third Person“Georgina, is everything okay?” Hindi na napigilan ni Kiko na magtanong matapos ang ilang minutong pagmamasid sa dalaga. Nagkatinginan ang mag-asawa, at sa isang saglit na pagtatagpo ng kanilang mga mata ay tila nagkaunawaan na sila. Hindi man nila alam kung ano mismo ang sasabihin ni Georgina, pareho nilang nararamdamang may isang katotohanang matagal nang kinikimkim ng dalaga.Gayunpaman, hindi nila ito pinilit na magsalita dahil gusto nilang manggaling mismo sa dalaga ang anumang pagtatapat na nais nitong gawin.“Tito, Tita,” mahinang panimula ni Georgina.Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at sinalubong ang mga mata ng mag-asawa. Sandali siyang natigilan nang makita ang paghihintay sa kanilang mga mukha, ngunit pinilit niyang huwag muling umiwas ng tingin.Huminga siya nang malalim, saka mariing pinagtagpo ang mga palad sa kanyang kandungan na para bang doon niya kinukuha ang lakas ng loob na kailangan niya.Hindi naging madali para sa kanya ang desisyong ito. Ilang
Third PersonMakalipas ang ilang sandali, dumating ang isang kasambahay upang ipaalam na handa na ang almusal. Agad na tumayo ang lahat at nagtungo sa dining area.Habang naglalakad, hindi pa rin inaalis ni Franco ang kamay sa likod ni Georgina, dahilan upang ilang beses siyang lingunin ng dalaga nang may nagbabantang ekspresyon.“Hindi ka ba marunong maglakad nang hindi ako hinahawakan?” mahina niyang tanong habang nakangiting humaharap sa ibang direksiyon, kunwari ay walang kakaibang nangyayari.“Marunong naman,” sagot ni Franco, hindi man lang natinag sa pagbabanta ng dalaga. “Pero mas gusto kong may kasama ka.”“Sus! Palusot.”“Bakit? Hindi ba puwedeng maging sweet ang fiancé mo?”“Fiance mo mukha mo!” bulong ni Georgina, saka bahagyang pinisil ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.Natawa si Franco ngunit hindi na siya sumagot. Sa halip, bahagya lamang siyang yumuko upang halikan ang tuktok ng ulo ng dalaga, na agad namang napahinto sa paglalakad at napatingin sa kaniya nang masam







