Biglang nagising si Eiress nang marinig ang malakas na tunog. Bahagya siyang pumikit nang masilaw sa liwanag."Sorry, did I wake you up?" Hinanap ni Eiress kung nasaan si Lord Scion. Nakita niya ito sa unahan ng sasakyan. May bahid ng uling sa kamay nito at hawak ang isang screwdriver. Mukhang may inaayos ito sa sasakyan at hood niyon ang narinig niyang bumagsak."Anong ginagawa mo riyan?" tanong niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Nakaramdam siya ng ginaw dahil doon.Bumaba ang tingin ni Lord Scion sa katawan niya. Kakaibang ngisi ang sumilay sa labi nito. Napansin pa niya ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa...Sinundan ni Eiress ang tinitingnan ni Lord Scion. Kaagad niyang niyakap ang sarili nang makitang wala siyang saplot."Sh't! Nasaan ang damit ko?" Nag-init ang mukha niya. Nilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan. Tanging damit ni Lord Scion ang nakita niya sa kandungan.Napaigtad si Eiress ng bumukas ang pintuan sa gilid niya. Nakangiting mukha ni Lord
Isang malawak na kalsada ang bumungad kay Eiress at Lord Scion paglabas sa gubat."I have a strange feelings towards that old man," komento ni Lord Scion. Kanina pa itong tahimik simula nang umalis sila sa bahay ni Tatang Joaquin."I think he's not ordinary. I don't know why but despite his strange personality, I feel he can be trusted.""I think he knows you."Tumingin si Eiress kay Lord Scion. Seryoso ito at malalim ang iniisip. Nag-aalala siya na baka bumalik na ito sa normal."Lord Scion," Kunot-noo itong tumingin sa kanya. "I told you, it's Eivan." Nakanguso nitong sabi.Ngumiti si Eiress. Lihim siyang nagpasalamat na hindi pa ito bumabalik sa dati. Ewan ba niya pero may pangamba sa kanyang dibdib kapag iniisip na babalik na ito sa normal."May sasakyan oh. Magpahatid tayo sa bayan," sambit na lang niya habang itinuturo ang paparating na sasakyan.Sinubukan niya itong patigilin. Tumigil naman ang sasakyan. Dalawang may edad na babae at lalaki ang sakay noon. Mabait na ngumiti sa
Location: Argenxican CityDalawang linggo na simula nang makabalik sa Hacienda Wilt si Lord Scion pero hanggang ngayon hindi pa rin ito makausap ng matino ni Trigger."Scion!" naiinis na sigaw ni Trigger. Hindi ito ang oras para mawalan ito ng focus. Malaki ang kinakaharap nilang problema ngayon. Natagpuan ng kanilang mga tauhan si William-- duguan at nag-aagaw buhay. Hanggang ngayon comatose pa rin ito sa ospital.Hindi siya pinansin ni Lord Scion. Ilang araw na itong tila wala sa sarili.Lumapit si Trigger kay Lord Scion. Hinawakan niya ito sa kwelyo."Ano bang nangyayari sa'yo? Na sa ospital ang kapatid natin pero ikaw ganito, tulala at wala sa sarili." Wala pa rin itong reaksyon. Inalog niya ito. "Scion, gumising ka! Kailangan ka namin ngayon!""Trig,"Natigilan si Trigger sa walang buhay nitong boses. Binitawan niya ito at hinintay ang sasabihin."I lost her,"Huminga nang malalim si Trigger. "Tungkol ba ito kay Eiress?" hula niya sa tinutukoy nito.Napag-alaman niya mula sa kasa
Location: Canixer CityLulan ng sasakyan, kunot-noo si Liam habang nakatingin sa daan."Totoo po bang makikita ko si Mama sa pupuntahan natin?" inosente nitong tanong sa kasama."Of course! Behave ka lang ha," nakangiting sagot ni Cristein. Umirap sa hangin ang babae nang hindi nakatingin ang bata sa kanya. Inutusan siya ng kanyang Ama na dalhin dito ang anak ni Eiress. She hates kids kaya ganoon na lang ang pagtanggi niya. Pinagbantaan naman siya nito na iuurong ang kasal kay Lord Scion. Kaya niyang tiisin makasama ang anak ng kinamumuhian niyang babae pero hindi niya kayang mabuhay kung mawawala si Lord Scion sa kanya. Ginawa niya ang lahat mapapayag lang ang Ama sa gusto niya. She's the only daughter pero nahihirapan siyang kunin ang pagpayag nito. Kung hindi siya lihim na nag-eespiya sa mansyon ng mga Wilt, hindi ito papayag na ipagkasundo sila. Though, hindi pa naman pumapayag si Lord Scion. Pasasaan ba't papayag rin ito kapag nahulog sa pang-aakit niya."Ano pong ginagawa ni Ma
“Ayos ka lang ba?” masuyong tanong ni Lord Scion kay Liam.Binuhat niya si Liam at inilayo sa pinangyarihan ng gulo. Alam niyang nabigla ang bata sa nakita. Sa harapan nito binaril si Cristein. Nakita nito kung paano bumagsak ang katawan ng babae at kumalat ang dugo nito sa semento. Bilang ama, hindi niya gustong makita ni Liam ang ganoong pangyayari, pero wala siyang pagpipilian dahil nangyari na ang lahat. Gusto niyang ilayo ito sa gulo, pero mismong gulo na ang lumalapit sa anak niya. Napakabata pa nito para maranasan ang lahat ng iyon.“A-Ang mga lalaki, hindi po dapat umiiyak sa takot. D-Dapat daw po matapang kami. Iyon ang sabi ni Mama,” sagot ni Liam na halata ang kaba sa boses. Pilit pa nitong tinatago ang takot, pero halata pa rin iyon sa mga mata ng bata.Ngumiti si Lord Scion. Niyakap niya si Liam. Napanatag ang loob niya habang yakap ang anak. Hindi niya mawari ang labis na kabang naramdaman kanina nang sabihin ni Trigger na nawawala si Liam. Para siyang kinakapos ng paghi
Wala pang biente-kuatro oras nang dumating sa Argenxican ang grupo ni Luciano para kunin ang katawan ni Cristein. Personal na pumunta si Luciano kahit nakaupo ito sa wheelchair dahil sa panghihina. Kasama nito ang ilang mga tauhan at asawa. Halata ang labis na pagluluksa sa itsura ng mga ito.“N-Nasaan ang anak ko? Nasaan siya?” Umiiyak na sabi ng ginang na kasama ni Luciano.Deretso lang naman ang tingin ni Luciano at tila wala sa sarili.“Nasa morgue siya, ma’am. P’wede niyo na rin siyang ilabas ngayon,” saad ng isang tauhan ni Lord Scion na naiwan sa ospital, para sumalubong sa pagdating ng grupo ni Luciano.Lumapit naman ang kanang kamay ni Luciano sa tauhan ni Lord Scion.“Malaking dagok sa pamilya ng mga Villacostel ang nangyaring ito kay Ma’am Cristein. Maaaring magkaroon ng sigalot ang dalawang pamilya dahil sa loob ng teritoryo ni Lord Scion namatay ang anak ni Senior Luciano. Sigurado ba kayo na walang kinalaman si Lord Scion sa nangyari?” may pang-aakusa nitong sabi.Hindi
Hapong-hapo na si Eiress habang naglalakad kasama ang grupo ni Britany at Luke. Hindi niya alam kung anong bayan sila naroon ngayon. Simula nang umalis sila sa Janduran kaninang umaga, hindi pa sila nagpapahinga. Ilang boundaries na ang nilagpasan nila kaya halos hindi na niya maramdaman ang sariling mga paa sa sobrang pagod. Nanunuyo na rin ang labi niya dahil sa init ng panahon. Naglalakad lang siya habang nasa sasakyan ang mga ito. May pagkakataon na sumasakay siya sa kotse kapag hindi matao ang dinadaanan nila. Tila binabandera ni Britany ang kaawa-awa niyang kalagayan sa mga tao. May kadena ang mga kamay at paa niya na may isang metro ang haba. Mayroon pang karatula na nakadikit sa dibdib at likod niya. Nakasulat sa karatula na isa siyang kriminal. Magmumukha na talaga siyang kriminal dahil sa dungis niya at natuyuan na rin ng dugo ang katawan niya. Ginawang laruan ni Britany ang katawan niya at pinag-p’yestahan ng latay ng latigo habang nakakulong sa basement ng mansiyon ni Runo
Unang salang pa lamang ni Eiress sa death fight ay labis ng nabugbog ang katawan niya. Para siyang ginawang punching bag ng babaeng kalaban niya. Makikita ang malalaki nitong muscles sa katawan. Mabagsik din ang itsura nito at halatang hindi papahuli ng buhay.“Boring! Tapusin mo na ’yan, Hulka!” sigaw ng mga manonood. Mukhang naiinip na ang mga ito sa nangyayaring laban.Paulit-ulit ang sinisigaw ng mga manonood at iyon ay tapusin siya.Naramdaman ni Eiress ang mahigpit na hawak ng kalaban sa buhok niya. Napangiwi siya nang hilahin nito iyon para umangat siya mula sa pagkabagsak. Ngumisi ito sa kaniya bago nagpakawala ng malakas na suntok. Tumama ang suntok nito sa tiyan niya. Namilipit siya sa sakit at nakabaluktot na bumagsak sa sahig nang bitiwan siya ng babae. Parang namanhid ang katawan ni Eiress sa atakeng iyon. Muling umatake ang kalaban niya at sinuntok siya sa panga. Nahilong bumagsak si Eiress, ngunit hindi pa natatapos ang laban hanggat may malay ang isa sa kanila.Nahahap