Share

Chapter 49

Wala pang biente-kuatro oras nang dumating sa Argenxican ang grupo ni Luciano para kunin ang katawan ni Cristein. Personal na pumunta si Luciano kahit nakaupo ito sa wheelchair dahil sa panghihina. Kasama nito ang ilang mga tauhan at asawa. Halata ang labis na pagluluksa sa itsura ng mga ito.

“N-Nasaan ang anak ko? Nasaan siya?” Umiiyak na sabi ng ginang na kasama ni Luciano.

Deretso lang naman ang tingin ni Luciano at tila wala sa sarili.

“Nasa morgue siya, ma’am. P’wede niyo na rin siyang ilabas ngayon,” saad ng isang tauhan ni Lord Scion na naiwan sa ospital, para sumalubong sa pagdating ng grupo ni Luciano.

Lumapit naman ang kanang kamay ni Luciano sa tauhan ni Lord Scion.

“Malaking dagok sa pamilya ng mga Villacostel ang nangyaring ito kay Ma’am Cristein. Maaaring magkaroon ng sigalot ang dalawang pamilya dahil sa loob ng teritoryo ni Lord Scion namatay ang anak ni Senior Luciano. Sigurado ba kayo na walang kinalaman si Lord Scion sa nangyari?” may pang-aakusa nitong sabi.

Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status