Hindi nawala ang kaseryosohan sa itsura ni Scion lalo na sa klase ng paratang ng tiyahin niya.“Hindi iyon ang tinutukoy ko. Gusto ko lang masiguro sa katauhan ni Isabella bago natin siya ipakilala sa mga Nesselio. Ayoko lang mapahiya sa kanila.”Humalukipkip naman si Marcela habang nakangiti kay Scion. “Hindi tayo mapapahiya, Scion. Malaki ang posibilidad na si Isabella at si Caroline ay iisa. Ayon sa inupahan naming tao para mag-imbestiga, bata pa lang si Isabella nang mapulot siya ng ampunang kumupkop sa kaniya kung saan huli ring nakita si Caroline. Ultimong damit na suot ni Isabella ng araw na iyon ay parehong-pareho sa damit ni Caroline. May katibayan din na magtuturo na isa siyang Nesselio dahil sa golden crown na suot niya during her fifth birthday—ang araw na nawala rin si Caroline. Katangi-tangi ang koronang iyon dahil nag-iisa lang iyon sa mundo.”“Itigil mo na ang pagdududa sa katauhan ni Isabella, Scion, dahil mismong DNA test niya ang nagsabi na isa siyang Nesselio,” saa
Bagsak ang balikat ni Lorraine habang naglalakad palayo sa k’wadra. Narinig niya ang pag-uusap ni Marlon at Tita Marcela niya. Kinuyom niya ang mga palad at hindi napigilan ang pag-iyak. Masakit para sa kaniya na marinig mula kay Marlon na handa itong gawin ang lahat para sa pagmamahal nito kay Eiress, kahit pa gumawa ito ng bagay na maaaring ikapahamak ng iba.“Ang s’werte mo, Eiress. May mga taong handang gawin ang lahat para sa pagmamahal nila sa ’yo. Si Lord Scion, alam kong ikaw ang dahilan kaya gusto niyang tumalikod sa kasal niya kay Caroline. Si Marlon naman handa niyang kalimutan ang pagiging tao at makipagtulungan sa bruha kong tiyahin para makuha ka lang. Paano naman ako? Ano na lang ang matitira sa inaasam kong pagmamahal ni Marlon?” Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya. Nagtungo siya sa garahe at kinuha ang kaniyang kotse. Lumabas siya ng hacienda Wilt habang nagluluksa ang kaniyang puso. Inubos niya ang oras sa pagmamaneho ng walang patutunguhan. Tumigil lang siya na
Masaya ang buong Kunglaw nang muling bumalik sa Chipan sina Eiress. Hindi magkamayaw sa pag-iyak si Nana Saling habang yakap-yakap nito si Liam. Nakangiti naman si Nuno Karding at halata rin ang kagalakan sa mukha ng matanda. Naghanda pa ng maliit na piging ang buong tribo para salubungin ang pagdating nila.“Natutuwa ako at narito na uli kayo, Eiress. Alang-ala kami sa kalagayan niyo nang mawala kayo ni Liam. Mabuti naman at pareho kayong ligtas ng anak mo,” saad ni Nana Saling habang buhat nito si Liam.“Nagpapasalamat din po ako, Nana Saling, dahil ligtas kaming nakabalik dito sa Purok. Napakasaya ko at magkakasama na uli tayo.” Nakangiting sabi ni Eiress.“Hindi lahat ng tao rito ay masaya sa pagdating niyo!” nakasinghal na sabi ni Sarya.Mabilis naman itong pinalo sa braso ng nanay nito at sinaway. “Tumigil ka, Sarya. Ayusin mo ’yang ugali mo. Nakakahiya kay Eiress.”“Bakit kayo mahihiya sa kaniya? Dahil naman sa kaniya kaya nagugulo tayo rito. Dapat kasi hindi na siya bumalik di
Dumating ang araw kung kailan nakatakdang maganap ang imbitasyon ng Nesselio Empire sa mga Wilt. Magkakasamang nagtungo sina Lord Scion, Isabella, Henry at Marcela sa Polican. Ito ang pinaka-mayaman at makapangyarihang bayan na tumatalo sa mainland na Canixer.“Bakit wala pa sila? Kanina pa tayo naghihintay, pero hindi pa nagpapakita kahit anino ng mga Nesselio. Kahit kailan talaga paimportante ang Carolina’ng iyan!” galit at naiinip na saad ni Marcela.May isang oras na yata silang naghihintay sa lobby ng Nesselio Tower, pero hindi pa rin sila pinapaakyat sa opisina ng Nesselio. Pinaghihintay lang sila roon ng mga staff kaya nagagalit si Marcela.“Wala rito si Senyora Carolina, Marcela. Bakit dinadawit mo ang pangalan niya sa tagal ng paghihintay natin?” mahinahong tanong ni Henry.“Alam niyang darating ang anak niya ngayon, pero hindi man lang siya naglaan ng oras para salubungin si Isabella. Sana man lang binigyan niya ng importansiya si Isabella kahit wala siya rito. Parang balewa
Tumuloy sa isang hotel sa Polican ang mag-asawang Marcela at Henry, habang si Lord Scion naman ay mas piniling bumalik na lang sa Argenxican. Kahit isang buong araw ang haba ng biyahe, hindi iyon alintana ni Lord Scion. Mas gugustuhin niya iyon kaysa marindi siya sa boses ng tiyahin. Wala ng katapusan ang pagtatanong nito sa kaniya kung bakit hindi niya maalala ang kasunduan sa mga Nesselio. Sumasakit lang ang ulo niya kapag iniisip ang bagay na iyon, lalo na’t wala talaga siyang maalala.“D*mmit! Why did I forget about it? When did it happen?” paulit-ulit niyang tanong sa sarili.Itinigil niya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ginulo niya ang sariling buhok dahil sa frustration.“Ano ba ang pumasok sa isip ko noon at nasabi ko ang bagay na iyon? Imposibleng ma-obsessed ako sa isang tao kung napakabata ko pa. Baka dala lang iyon ng mura kong isipan. Ni hindi ko maalala na ginawa ko iyon.”Gulong-gulo na ang itsura ni Scion. Ngayon lang siya naguluhan ng ganoon. Buong buhay niya a
Madaling araw na nang dumating si Lord Scion sa hacienda Wilt. Tahimik siyang pumasok sa mansiyon. Sa halip na dumeretso sa silid niya para magpahinga, nagtungo muna siya sa kaniyang opisina. Mas gusto niyang mag-trabaho kaysa matulog. Marahan ang kaniyang paghakbang sa tahimik na pasilyo, ngunit napatigil siya pagtapat sa pintuan ng opisina niya. Nakiramdam si Lord Scion at dahan-dahang binuksan ang pinto. Hinala niya ay may tao sa loob.Tulad ng inaasahan ni Lord Scion, isang patalim ang agad niyang iniwasan pagpasok sa loob. Mabilis kumilos ang pigurang nasa loob ng opisina niya. Kaagad siya nitong sinugod pagkatapos maghagis ng patalim. Naiwasan ni Lord Scion ang atake nito, pero ginamit ng pigura ang pagkakataong iyon para makalabas sa pintuan.Prente namang lumabas ng opisina si Lord Scion. Sinundan niya ng tingin ang tumatakbong pigura. Hindi siya nag-abalang habulin ito. Masasayang lang ang pagod niya kung isang tawag lang niya ay mahuhuli na niya ito.Kinuha ni Lord Scion ang
“Lorraine? Bakit nariyan ka?” tanong ni Marlon sa dalaga.Tinakpan naman ni Lorraine ang mukha dahil sa hiya. Nahihiya siya dahil nabisto ni Marlon ang pagtatago niya sa likod ng sasakyan nito. Narinig niya ang usapan ng dalawang guwardiya na pinapaalis ni Lord Scion si Marlon ng Argenxican. Ayaw niyang mapalayo si Marlon sa kaniya, kaya sa takot na maiwan nito ay nagtago na lang siya sa likuran ng kotse. Hindi naman siya nito isasama pag-alis kapag nagpumilit siya. Hindi na rin siya nakapag-palit ng damit dahil sa pagmamadali. Suot pa rin niya ang sports bra at leggings na suot niya habang nag-e-exercise kanina nang makita niya si Marlon. Ni wala siyang dala kahit ano maliban sa sarili niya.“Tinatanong kita, Lorraine. Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit nagtatago ka sa likod ng kotse ko?” muling tanong ni Marlon.Mas lalo namang nagsumiksik si Lorraine sa mga gamit na naroon din sa likod ng kotse. Maliban sa nahihiya talaga siya na nahuli nito, nahihiya rin siya dahil sa ginawa niya noon
Sa opisina ni Scion, seryosong nag-uusap ang dalawa ni Mr. Chan. Nakikinig naman si Scion sa mga sinasabi ng tauhan habang hawak niya ang mga larawan at impormasyon na nagpapatunay sa mga sinasabi nito.“Sir, kumpirmadong si Red Notrice ang dahilan ng aksidente ni Sir William. Nahagip po siya ng camera sa boundary ng Argenxican at Canixer. Tinutumbok niya ng araw na iyon ang daan kung saan na-aksidente si Sir William. Nahagip din siya ng camera mula sa isang convenience store na kinukuha ang mga camera malapit sa nangyaring aksidente. Iyon ang nagsilbing ebidensiya para matukoy na siya ang salarin. Napag-alaman ko rin po na may kikitain si Sir William nang araw na iyon. Hinala ko po ay may nalalaman si Sir William na hindi dapat mabunyag kaya ginawa iyon ni Red sa kaniya,” saad ni Mr. Chan.Napaisip naman si Scion kung ano ang nalaman ni William kaya ito napahamak. Maliban sa paghahanap kay Caroline at Isabella, wala na siyang pinapagawa kay William. Hindi naman ito ang tipo ng tao na