Share

Chapter 61

Bagsak ang balikat ni Lorraine habang naglalakad palayo sa k’wadra. Narinig niya ang pag-uusap ni Marlon at Tita Marcela niya. Kinuyom niya ang mga palad at hindi napigilan ang pag-iyak. Masakit para sa kaniya na marinig mula kay Marlon na handa itong gawin ang lahat para sa pagmamahal nito kay Eiress, kahit pa gumawa ito ng bagay na maaaring ikapahamak ng iba.

“Ang s’werte mo, Eiress. May mga taong handang gawin ang lahat para sa pagmamahal nila sa ’yo. Si Lord Scion, alam kong ikaw ang dahilan kaya gusto niyang tumalikod sa kasal niya kay Caroline. Si Marlon naman handa niyang kalimutan ang pagiging tao at makipagtulungan sa bruha kong tiyahin para makuha ka lang. Paano naman ako? Ano na lang ang matitira sa inaasam kong pagmamahal ni Marlon?” Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya. Nagtungo siya sa garahe at kinuha ang kaniyang kotse. Lumabas siya ng hacienda Wilt habang nagluluksa ang kaniyang puso. Inubos niya ang oras sa pagmamaneho ng walang patutunguhan. Tumigil lang siya na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Nasa tabi mo lang ang kalaban Scion, talasan mo ang pakiramadam mo.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status