Share

The Hales
The Hales
Author: Fella

PROLOGUE

Note to the readers:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not to be copied, published, transmitted, or distributed. Do not exploit the contents in any manner. Permission first.

This story contains typo errors and some grammatical errors.

PROLOGUE

Dahan-dahan akong naglalakad sa pasilyo ng palasyo dala-dala ang aking baril na may silencer.

“2 more minutes before reaching the target’s quarter,” bulong ko sa earpiece ko.

“Copy that,” reply ng nasa kabilang linya.

Dahan-dahan ng ginawa kong hakbang habang hawak ang aking baril. Napadikit ako sa pader ng biglang may dumaang gwardiya sa unahan. Wews! That was close! Buti nalang at di ito lumingon sa gawi ko.

“I’ve reached the target’s quarter.” Bulong ko uli sabay hawak sa earpiece ko sa tenga.

Ngunit walang sumagot.

“Tiger, do you copy? I have reached the target’s quarter,“ mahina ngunit may diin kong bulong. Pero wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.

That bastard is useless! I have to do this on my own now.

Biglang may gwardiyang lumiko papunta sa kinaroroonan ko. Fuck!

“Who are you? State the North Haleian’s password!” sabi nito ng kalmado ngunit naawtoridad habang nakatutok ang baril nito sakin.

Tinaas ko ang aking dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.

“Intruder Alert!” biglang sigaw ng nasa walkie-talkie ng gwardiyang nakatutok ang baril sakin sabay umilaw ang red na ilaw na paikot- ikot habang isang nakakabinging tunog ang kasabay nito.

Damn! Di dapat ako mahuli!

Bigla kong sinipa ang kamay ng lalaking gwardiya at tumilapon ang baril nito. Isang suntok sa mukha at sipa sa sikmura ang pinakawalan ko sabay putok ng aking baril sa kanyang noo.

“Secure the President’s Office!” rinig kong utos ng nasa walkie-talkie. Too late, idiots!

Tinype ko ang code ng pinto nang bumukas ito ay sinarado ko ito an nilock sabay palit ng passcode nito. Biglang nawala ang ilaw sa buong NH Palace na kinangisi ko.

I’m sure si Tiger ang may gawa nito. Ayos ah! Ganda ng entrance ni Tiger, sobrang saya na siguro yung gago tss.

“W-Who are you?!” the President asked in trembling voice.

“Scared? Why are you scared, Mr. President?” I asked him innocently.

“I know where you came from?! How did you get past my border?!” Hindi ko ito sinagot. Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya at tinutok sa kanya ang baril ko.

“No, Please! Please, don’t kill me! Kailangan ako ng bansang to! May pamilya ako! Pakiusap pag-usapan na'tin 'to ng maayos. Kelangan mo ba ng pera?? Magkano?? Name your price! Millions? Billions? Just name your price!" pagmamakaawa ng Presidente.

I grinned at him sabay putok ng baril sa kanya. Inubos ko ang bala nito sa katawan ng presidente at hindi pa ako nakuntento kinuha ko ang swiss knife ko sa bandang binti ko at sinaksak yun sa kanya ng paulit-ulit kasabay ng mga luha sa aking mga mata.

Hindi pa sana ako kuntento ngunit paparating na ang Security, Militar, Police at iba pang unit. Sinuot ko ang earpiece ko.

“Where is the fastest route palabas dito?” I asked him in a cold tone. Tiger became my guide palabas and I exit the Palace safely and drove away.

Hindi tumigil ang mga mata ko sa pag luha pagkat isa na namang buhay ang nawala mula sa'king mga kamay.

Lumabas sa’king isip ang mukha ng aking nakababatang kapatid.

Sorobi,

Lumilipad ang isip ko habang itinigil ko ang kotse sa dalampasigan. Walang imik akong nakatanaw sa karagatan na animo ay walang katapusan.

Pumikit ako at dinama ang himig ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Dinama ang samyo ng hangin na kasing lambot ng hininga ng sanggol na humahalik sa'king kapisngihan.

Kung ang mundo ay ganito ka payapa gaano kaya katahimik at kay sarap ang sanlibutan? Tumayo ako at sumakay sa kotse at pinaharurot ito ng takbo patungo sa hide out.

Pinahid ko ang huling butil ng luha sa'king mga mga at inayos ang aking postura. Inayos ko ang aking buhok at inalis ang emosyon saking mga mata pagka't ang tulad ko at di dapat makakitaan ng kahinaan pagkat isa sa’king mga kasamahaan ay maaari akong saksakin sa likuran ng hindi ko namamalayan.

Tahimik akong pumasok sa loob at walang pinansin ni isa sa kanila hindi, sila importante para pag alayan ko ng aking mga tingin. Bawat segundo ay mahalaga kase 'di mo alam kung sino ang may hawak ng patalim at sasaksak ano mang sandali. Agad akong nagbihis at sinunog ang damit na aking pinagbihisan. Kumuha ng libro at nagtimpla ng kape.

AUTHOR’s Note: Hi guys! This is my first story, I’m sorry for the typo’s and wrong grammars in my story but hope you guys like it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status