CAMURI SENAI
Location: Cato City, South Hales Time: 10:45 AM Takbo ako ng takbo habang hinahabol ako ng mga tauhan ni Baldimir. Hingal na hingal na ako, nanunuyo ang lalamunan ko, pero hindi nila ako dapat maabutan! Kailangan pa ako ng kapatid ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa dead end ng eskinita. Pakshet! Nakita ko ang mga kalaban sa likuran ko, nakangising aso habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. May malaking punit ang gilid ng damit ko dahil sa pagkakahablot nila kanina. Tsk! Asa ka, unggoy! Mamamatay muna ako bago niyo ako makuha! Tangina niyo!** Nandidiri ako sa kanila. Gusto ko silang katayin at ipakain sa mga aso, pero ang dami nila! P*****a! “Ineng, wala ka nang matatakbuhan pa. Sumama ka na lang sa amin, hindi ka masasaktan—masasarapan ka pa. Tama ba, mga pare?” Sabi ng matandang mukhang unggoy, at napuno ng nakakadiring tawa ang eskinita. Hawak na nila ang mga lubid, handa nang umatake. Hindi ako nagpatinag. Dumura ako sa gilid, tanda ng pagkasuklam ko sa kanila. Ilang kababaihan na kaya ang dumaan sa mga kamay nila? Tangina! Mga hayop! Ilang babae kaya ang umiiyak dahil sa kababuyan ng mga demonyong 'to? “Manigas ka, Tanda! Mukha mo! Anong hindi masasaktan? Mukha mo pa lang, masakit na sa mata, eh!” sabi ko. Napatawa silang lahat, tinutukso pa ang kasama nilang matanda. Napatingin ito sa akin, halatang naiinis. “Lumalaban ka talaga, bata! Kaya ka gusto ni boss Bald,” sabi ng isang lalaki na naka-cap, gutay-gutay ang pantalon. Bald? As in kalbo? Pfft. “Psh! Anong tawag niyo sa boss niyo? Bald? Pftt.” Tumawa ako nang malakas, nagulat sila. “Anong nakakatawa? Eh ano naman ngayon?!” Inis na tanong ni Sota, lider ng grupo, biglang lumitaw mula sa likuran. Naks, pa-entrance si Manoy! Tss! Halatang walang pinag-aralan, hindi na gets joke ko, amp. Ay! Sorry po, racist lang. I drive cars. “Tss! Wala naman, bawal tumawa? Tumatawa nga kayo, eh. Tss, ang bobo,” sabi ko. “Tama na 'yang satsat! Hulihin niyo na 'yan! Ang tatanga! Baka makatakas ulit 'yan!” inis na sigaw ni Sota, sabay batok sa mga kasama niya. As if kaya niyo akong hulihin, ulol! Tumingin ako sa paligid. May malaking basurahang bakal, at may bakal na pahiga na konektado sa isang terrace. Bingo! Sumugod ang mga unggoy sa akin. Ang unang nakaabot, binigyan ko ng right hook at side kick. Sinubukan akong hablutin ng nakacap, pero binigyan ko siya ng uppercut at sinipa ang ari niya. Nahawakan ako ni Sota, iniipit ang mga kamay ko sa likod. Akmang hahawakan na ako ng isa pa nilang kasama para itali, pero nasipa ko ito at ginamit ang katawan niya para tumama ang ulo ko sa panga ni Sota. Nabitawan ako ni Sota, dumugo ang labi niya. Patakbo silang papunta sa akin, pero nauna akong tumakbo papunta sa basurahan at ginamit iyon para talunin ang bakal sa taas, sabay lambitin papunta sa terrace ng isang bahay. Gulat na gulat ang nakatira sa loob ng bahay sa pagpasok ko. Biglaan akong pumasok, walang pasabi. “Sorry po, makikiraan lang po,” sabi ko, habang muntanga yung dalawa na nakatingin sa akin. Nakapatong yung babae sa lalaki, gumagawa ng milagro nang pumasok ako. Tulala silang nakatingin, at ako naman ay may kinuha sa bulsa, sabay abot sa lalaki. “C-Condom?” tulala niyang tanong. “Yeah, boi! Cum responsibly,” sabi ko, tapik sa balikat. “Continue na kayo, nakakahiya nakaantala ako.” Nakakita ako ng mahabang bakal na makinis, konektado sa bintana ng kabilang building. Pero bago yun, kailangan ko munang tumalon sa bintana papunta sa bubong ng kabilang bahay. Nakita ko rin ang isang maong na pantalon sa sahig. “Boi, ‘peram nito, ah?” ngising tanong ko, sabay dampot sa sinturon ng pantalon. Tumango lang siya, tila wala sa sarili. Nakakatawa mukha niya. Ano boy? Sarap ba? Tumalon ako papunta sa kabilang bubong, ginamit ang sinturon bilang zipline sa pole papunta sa kabila. Nang makapasok ako sa bintana ng building na iyon, natuklasan kong walang tao rito. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang grupo ni Sota na palinga-linga, hinahanap pa rin ako. Nagtago ako sa loob ng kwarto ng apartment. Nakiramdam muna bago muling dumungaw sa bintana. Wala na ang grupo ni Sota. Buti naman. Walang masyadong matataas na building sa Cato, kaya tanaw ko ang paligid. Apat na palapag pala itong gusali, at nasa ika-apat na palapag ako. Tahimik ang buong siyudad, parang walang krimen, walang karahasan. Pero para sa akin, nandito na lahat ng kasamaang puwedeng maisip. Naranasan ko na halos lahat ng hirap. Kumain sa basurahan, duraan ng mayayabang na tao, tapak-tapakan ang pagkatao. Dito sa South? Lahat mararanasan mo. Wala na ang mga magulang ko. Sa edad na onse, nakita ko kung paano sila pinatay dahil lang sa pagtatago sa akin at sa kapatid ko. Gusto lang naman nila kaming itakas sa mundong ito, mundong puno ng kawalang hiyaan. Gusto nila kaming dalhin sa Norte, pero hindi sila nagtagumpay. Kung iisipin, hindi lang sa Cato nagaganap ang mga krimen at karahasan, kundi sa buong South Hales. Puro kasakiman at kasamaan ang naghahari. Wala kang mahihingan ng tulong. Ibang bansa? Bulag at bingi sila. Walang nakikialam at walang nais mangialam. Wala kang takas. Para itong hawla, at isa ako sa mga nakakulong. Isa ako sa mga naghirap at lumuluha, isa ako sa mga naging mahina. This world is so cruel. Ang mga kababaihan, tinuturing lang na parausan, lalo na yung mga naghihirap at walang antas sa lipunan. Ginagahasa at binababoy. Isa ang kapatid kong si Sorobi sa nakaranas ng pangbababoy nila, at wala man lang akong nagawa. Tahimik ang lugar. ‘Di mo aakalain na may ganoong pangyayari. Walang mga batang naglalaro sa labas dahil nasa paaralang militar na ito sa edad na sampu. Militar, pero iba ang kalakaran. Yes, military agad ang pinag-aaralan namin kahit wala pa sa tamang edad. Pagtungtong ng sampu, sapilitan itong kinukuha sa mga magulang at ipapasok sa paaralang militar ng South Hales, ang tawag sa kanila ay Level 1. Tinuturuan paano maging sundalo, kapaki-pakinabang sa bansa pagdating ng panahon. Pagkagraduate sa Level 1, you’ll proceed to Level 2 until Level 20. Militar lamang ang eskwelahan rito. Sa murang edad, baril ang hawak ng kabataan, hindi lapis at papel. Inaaral ang digmaan, hindi paglalaro at pakikipagkaibigan. Hindi naranasan ng kabataan ang sarap ng pagiging bata. Bata pa lamang, sumasabak na ito sa gyera—gyera ng buhay sa loob at sa kamay ng militar. Sa loob ng eskwelahan, maaari silang masaktan, masugatan, at mamatay. Hindi nila naranasang magkulay sa papel, magdrawing ng hugis, at maglaro sa labas. Bawal lumabas ang batang nasa siyam pababa. Batas kasi yun dito sa South—ang SH Law No. 12990175, o mas kilalang No Children Outside Policy. May batas rin dito na One Child Policy, batas na nag-uutos na isa lang ang pwedeng maging anak ng isang mag-asawa. Naisabatas ito bago mamatay ang mga magulang namin. Si Sorobi, pinalabas na pinsan ko kase kamatayan ang kaparusahan sa lalabag. "Napaka-weird ng sitwasyon. Mukhang tanga ang gobyerno ng bansang ito—kontrolado nila ang lahat, pati personal na buhay ng bawat mamamayan. Bakit sila gumagawa ng ganoong mga batas? Hindi naman naiintindihan ng mga kabataan ang mga ito—laro at kasiyahan lang ang nasa isip nila. Matagal ko nang hindi nakikita ang kapatid ko mula noong nagtapos ako sa eskwelahan at nagkahiwalay kami. Oo, tapos na ang pag-aaral ko, pero hindi ko matatawag na pag-aaral 'yon—para bang impyerno ang loob ng academy. Namimiss ko na siya. Gusto ko nang umuwi... Gutom na ako! Takte naman 'yang si Baldimir, ha! Hay, naku, ano bang trip ng lalaking 'yon? Pinuntahan ako ni Sota sa bahay, sabi niya may gustong kumausap sa akin. Sinabihan ko siya na ayoko sumama, pero bigla na lang pumasok ang isang lalaki sa loob. “Still looking good, Camuri. Remember me?” Si Baldimir. Nakangising aso habang nakatitig sa akin. “Oh, ikaw pala, Baldimir. Anong meron?” tanong ko habang hikab ng hikab. Inaantok pa ako, aga-aga nilang nanggugulo. Anong akala nila sa'kin, early bird? Kaklase ko si Baldimir dati sa eskwela. Ilang beses ko na siyang nasapak at nabangasan dahil sa kabastusan niya sa mga babae. “I told you, Camuri. Sinabi ko na sa'yo na pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin noon sa school,” nakangisi pa rin ito. “Ha? Alin doon? Yung pagsapak ko sa'yo? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Drama mo, hindi makaget-over?” sinadya kong painosente. “You’re really something, Camuri.” Nakakatakot ang ngiti niya, pero mas nakakatakot ako. Sinikmuraan ko siya ng malakas, dahilan para sumirit ang dugo mula sa bibig niya. Galit na galit ako sa mga taong puro walang kwentang salita ang binibitiwan. “So, you want some revenge, huh? Come and get me, Baldimir.” I challenged him. He groaned in pain, napaluhod sa sahig ng bahay. “W-Wait for my revenge, young lady. I-I’ll make sure y-you’ll pay for this.” Pilit niyang sinasabi kahit hirap na hirap na siya. “Ano bang kabayaran ang sinasabi mo?” tanong ko, inis na inis. “By marrying me, baby,” nakangisi pa rin siya kahit halos wala nang lakas. “Luhhh! Gago ka ba?!” sinipa ko ulit siya sa sikmura. Nagsisigaw siya sa sakit, napaluhod sa sahig. Nagbabaga ako sa galit. “Kasal? Naririnig mo ba ang sarili mo? Matapos mong subukang gahasain ako at ipabugbog, ngayon binabalikan mo pa ako? Pati 'tong maliit kong bahay pinasok mo nang walang paalam?" Sigaw ko, halos hindi na makontrol ang galit. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, Baldimir, layuan mo na lang ako," asik ko. "I like you, Camuri, and I'll do everything to make you mine. SA'KIN KA LANG!" Parang baliw siyang nagsasalita. Aba, lakas pa ng loob magsalita, tanggalan ko kaya ng dila ‘tong hayop na 'to? "Sinabi ko na 'to, at uulit-ulitin ko hanggang pumasok sa kokote mong kasing-liit ng butas ng karayom—hindi kita gusto, Baldimir," malamig kong sabi. Bigla niya akong hinablot at hinawakan ang mga kamay ko sa likod. "Ano ba, Sota?! Bitawan mo ako!" pumiglas ako, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Tumayo si Baldimir at lumapit sa akin. Hinipo niya ang dibdib ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Don't touch me!" sigaw ko, puno ng galit. "I don't want to," sagot niya, nakangisi. "Pagkatapos kitang angkinin ngayon, itatapon kita na parang basahan." Hinawakan niya ang leeg ko at sinakal ako. Sinipa ko ang ari niya nang malakas, tinulak ko siya gamit ang paa ko para matumba kami ni Sota. Nabitiwan niya ako, at tumama ang ulo niya sa mesa. Nawalan siya ng malay. Tumakas ako habang si Baldimir ay nakaluhod pa rin sa sakit. "Hindi muna kita papatayin, Baldimir, kahit kaya ko. Magagamit pa kita, pati ang papa mo," bulong ko sa sarili ko. Ilang beses mo na akong sinubukang babuyin, pero maghintay ka lang—mapapatay rin kita ng tuluyan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng hirap na dinanas ko dahil sa'yo at sa mga magulang mo. Napaka-weird ng sitwasyon. Mukhang tanga ang gobyerno ng bansang ito. Kontrolado nila ang lahat, pati personal na buhay ng bawat mamamayan. Bakit sila gumagawa ng ganoong mga batas? Hindi naman naiintindihan ng mga kabataan ang mga ito—laro at kasiyahan lang ang nasa isip nila. Matagal ko nang hindi nakikita ang kapatid ko mula noong nagtapos ako sa eskwelahan at nagkahiwalay kami. Oo, tapos na ang pag-aaral ko, pero hindi ko matatawag na pag-aaral 'yon—para bang impyerno ang loob ng academy. Namimiss ko na siya. Gusto ko nang umuwi... Gutom na ako! Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang marinig ko ang tunog ng mga yabag mula sa labas. Bumilis ang tibok ng puso ko—mga ilang buwan na rin akong nasa laylow, pero ngayon, tila hindi na ito magtatagal. Bago pa man ako makagalaw, isang pamilyar na boses ang narinig ko. "Galit na galit ka yata, Camuri?" Isang pamilyar na boses ng babae ang bumungad mula sa likuran ko. Nilingon ko ito. "Myer..." Si Myer, ang babaeng ipinadala para sundan ako—para siguruhing ginagawa ko ang bawat iniutos sa akin. “Galit na galit, parang pusa na inaabot na ng sagad na galit,” patuloy na pang-aasar niya habang humakbang siya papalapit. Dama ko ang pagkutya sa kanyang tinig. "Anong ginagawa mo dito, Myer? Akala ko nasa Norte ka pa?" Tanong ko, pilit na binabalanse ang tono ko sa pagitan ng pagkagulat at pagkamuhi. Si Myer ay kilalang isa sa pinakamalupit na alagad ng gobyerno—at dati kong kakampi. “Narito ako dahil hindi ka sumunod sa plano,” malamig niyang tugon. “Nagiging pabaya ka na, Camuri. Hindi tayo puwedeng magkamali.” Lumapit siya, at ang bigat ng kanyang presensya ay parang nagbabadyang unos. Alam kong hindi niya ako susuyuin ng mga salita. Dama ko ang poot sa kanyang tinig. “Sinira mo ang lahat, Camuri. At ngayon, kailangan mong panagutan ang mga aksyon mo,” tumigil si Myer, ang malamig niyang mga mata nakatitig sa akin. “Alam mo naman kung anong gagawin, hindi ba?” Ang paborito kong kutsilyo ay nasa bulsa ng aking jacket—nandoon lang, naghihintay. Napakapit ako sa hawakan nito, at nagpakawala ng isang malalim na hinga. Alam kong ang bawat galaw ko ay binabantayan niya, at sa pagkakataong ito, kailangan kong maging mabilis, matalino. “Camuri...” Tumigil si Myer, naramdaman ko ang bigat ng kanyang tingin, ang galit at pagkawalang-awa na sumisingaw sa bawat salita. “Binigyan kita ng pagkakataon, pero mukhang sayang. Wala ka nang ibang pagpipilian...” Nag-aabang ako sa kanyang susunod na kilos, pero bago ko pa man magawa ang unang hakbang, isang putok ng baril ang bumulaga sa akin—isang matinis na ingay na bumiyak sa katahimikan ng gabi. Napatigil ako, nanlaki ang mga mata, at pakiramdam ko ay nagbagal ang oras. Sino ang nagpaputok? At sino ang tinamaan? Si Myer ba? O ako mismo? Mabigat ang bawat tibok ng puso ko habang unti-unting bumabalik ang tunog sa paligid. Dahan-dahan akong tumingin sa paligid, pero wala akong nakitang bumagsak. Nakatayo pa rin si Myer, nakangisi. Bago ko pa maproseso ang nangyari, isa pang putok ng baril ang tumambad sa akin, mas malapit, mas matalim. At sa pagkakataong iyon, ang malamig na haplos ng takot ay nagpaigting sa aking bawat galaw. Sinong baril iyon? At sino ang susunod na papatayin?CAMURI SENAIMaingat na pag akyat sa at mahinhin ngunit maliksing hakbang ang aking ginawa sa pag akyat ko ng terrace mula sa ibabang unit hanggang makarating ako sa terrace. Sinubukan kong itulak ito ng bahagya ngunit nakalocked into. Agad akong kumuha ng alambre at hairpin at kinalikot ito hanggang mabuksan. Hinanda ko ang baril ko na may silencer at dahan-dahang pumasok sa loob. Nakasuot ako ng night vision googles kaya kahit madilim sa loob ay di ako nahihirapan makakita. Dumikit ako sa dingding at nakiramdam sa paligid.Tahimik lang ang paligid at na tila inosente ito sa mangyayari ngayong gabi. I blend myself in the dark and walked silently but quick movements. I gracefully walked with my gun pointed in front. Pumunta ako sa kwarto ngunit walang tao nang biglang may narinig akong ingay sa banyo.'Bingo! He's there,' I said in my mind and I smirked.I heard a clap and umilaw na ang paligid kaya dali dali akong nagtago sa ilalim ng kama. High-tech ang unit kaya halos lahat ng gamit
CAMURI SENAINaglilinis ako ng baril ko dahil maraming dugo ang bumabalot dito dahil sa engkwentro kanina. Kumuha ako ng alcohol at binuhos ko ito sa kamay ko na may panyo at binuhusan ko rin ang aking braso na may tama ng bala. Nagpipigil ako ng ungol dala ng sakit sa braso at tagiliran na parehong may tama. Napapamura ako pagkat sa bawat galaw ay lalo itong kumikirot at hindi ko mapigilan sumigaw.Tiningnan ko uli ang aking katawan sa harap ng malaking salamin. Pinagmasdan ko ang mga pilat sa aking katawan. May karamihan ito, mula sa aking leeg hanggang sa aking binti. Mga sugat noon na nagturo sa'kin maging matatag at maging matibay. Kumuha ako ng scalpel at alcohol. Kumuha ako ng damit, nirolyo ito at nilagay sa bibig ko upang magsilbing pantiis-sakit. Hiniwa ko ang sugat ko para kunin ang bala gamit ang kamay ko ganun din sa tagiliran ko.Para akong mababaliw sa sakit pero w
Sa ulap ay napasulyap ako ng marahan at huminga ng malumanay kasabay nang ihip ng hangin at sikat ng araw. Hindi mainit ang araw, katamtaman lamang ang init nito at hindi mahapdi sa balat.Napatingin ako sa langit at napabuntong-hininga.Nandito ako sa lugar na di ko alam kung ano ang tawag. Ang masasabi ko ay isa itong masayang lugar.Makulay ang paligid, maingay, maraming tao, may musika at marami pa. May nakikita akong pamilya na masayang naglalakad. Magkasintahan na naglalambingan tangina ang sasarap isako at pagbabarilin! Maharot!May magbabarkada rin na masayang nagkukwentuhan at nag-aasaran.Hindi ko alam pero napa-iyak ulit ako ngunit pinigil ko ang luha sa aking mga mata at umiyak nalang sa loob ng puso ko.Ang sarap siguro magkaroon ng buong pamilya habang masayang namamasyal sa ganitong lugar.
SONORE ASANOIt's been 2 weeks since nangyari ang assassination sa North Hales Palace.Pinulot ko ang diyaryo sa mesa at binasa ang nasa headline.Hindi parin nawawala sa diyaryo ang pagkamatay ng presidente.Madugo ng pagpatay rito at wala man lang fingerprint naiwan sa crime scene.The murder weapon was found but walang fingerprint, but it has a design sa dulo that looks like a snowflakes.Sigurado akong sila ang may gawa nun! I'm certainly sure about it!Wala ng buong barkada pagkat nabusy ang mga ito.Bukod kase sa pagiging agent ay may mga business rin kami.Tinanggal na samin ang misyon noon nakaraan dahil wala raw kami nagawa.Rodney has a restaurant, Derrick has a club and meanwhile, Michael owns a company and Me? Well, I own this whole condominium, this whole building I'm staying in.We don't need money, we want to save lives kaya namin ginagawa tong ginagawa namin bilang agen
CAMURI SENAINapatingin ako sa ulap at napabuntong hininga.Paulit-ulit akong napabuntong hininga at pinipigilan ang pagluha ko.Nasa labas ako ng hide out ngayon at nagmumuni-muni kasama si Tiger.Napapahawak ako ng mahigpit sa baril ko at nanggigigil ako sa galit.Nag-aapoy ang aking dibdib sa na parang sa sobrang init ay natunaw nito ang awa sa puso ko at umitim ang paligid.Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko lahat ng nalaman ko.Paulit-ulit akong napapabuntong-hininga at pilit kinakalma ang sarili ko.Bakit siya pa?! Bakit sa lahat ng taong pwedeng gumawa nun bakit siya pa?!Bakit Astrion?! Bakit mo nagawa yun?!Napahigpit ang kapit ko sa baril na hawak ko."C-Camuri? Ayos ka lang ba? " Tanong ni Tiger na kanina pa pala nakatingin sakin at tila tatakbo sa takot ang m
ASTRION MONNACENapahawak ako sa monitor ng Laptop ko.Napatitig ako sa mga mensaheng naroon.Kinakalikot ko ito habang ang mga luha ko ay umaagos sa aking mga mata.Napatingin ako sa bintana at lulan roon at may ibong lumipad at dumapo sa sanga ng kahoy.Bumalik na ang alaala ko at naaalala ko na lahat.Lahat ng ginawa ko bago ang aksidenteng yun.Naaalala ko na ang lahat...ang krimeng yon.Asan na kaya yung batang ngayon? Ano na kayang nangyari sa kanya? Tangina ayoko na! Isa akong halimaw!Napasabunot ako sa buhok ko at kinain ng konsensya ang buong pagkatao ko.Hindi ako makapag isip ng maayos at ang boses at pagmamakaawa ng bata ay parang nasa paligid lang.Pagkatapos ng misyon magpapakamatay na ako.Kelangan kong tuparin muna ang misyon para sa republika ng South.Di dapat nabubuhay ang taong tulad ko na halang ang kaluluwa! Wala akong karapatang mabuhay