Mag-log in
Astrid’s POV
“Astrid. Sit down. Kailangan natin pag usapan ang kasal mo sa pamilyang Barzini.” -I raised my eyebrows out of curiosity.
Is this the father who raised me? Sa ilang taon na pag tutol niya sa love life ko, biglang gusto niya akong ipakasal at sa Barzini family pa, ang pinaka malakas na mafia family dito sa Pilipinas.
“Talk. I don’t have much time to waste on something so useless like this.” -Saad ko ng hindi siya tinitignan.
Kung may isang bagay man na kilala ako bilang si Astrid Gonzaga ay wala akong sasantuhin, kahit sarili kong pamilya, lalo kung alam kong ako ang agrabyado o talo sa usaping ito.
Matagal ko ng alam na ang pagmamahal na mayroon sila sakin ay hindi maikukumpara sa ampon nilang si Claire at natutunan ko ng mawalan ng pake sa kung ano man ang gusto nilang mangyari sa buhay ko.
“Astrid, please… just listen to dad. It’s for your best interest. Sino ba ang hindi gugustuhing maikasal sa Barzini?” -napatingin ako ng matalim kay Claire. S****p talaga.
“So bakit hindi ikaw ang ikasal sa Barzini tutal mukhang mas gusto mo?”
“Enough. How dare you talk like that in front of me? Wala ka na ba talagang respeto sa’kin bilang ama mo?” -I looked at my father with cold blank eyes, na para bang nag papahiwatig na huwag niya akong subukan.
Dahil matagal na akong ubos sa pamilyang ‘to. Matagal na akong nawalan ng respeto sakanila simula nung pinili nila si Claire habang nag aagaw buhay ako sa kamay ng sindikatong dumakip sakin.
“Astrid, you will marry Laurence Barzini. You will serve as our spy in the Barzini estate and you will report every weakness they have directly to me. Mahalaga ‘tong kasal na ‘to dahil ito ang mag didikta kung kaya ba nating pataubin ang mga Barzini.”
“Ah. Kaya pala ako at hindi ang pinaka mamahal niyong si Claire para kung mahuli akong spy at patayin ng mga Barzini ay okay lang, tama ba?” -napadilat ang mga mata ng aking ama sa mga salitang lumabas sa aking bibig.
Bakit? Hindi ba yun ang totoo?
“Ate, hindi yan toto-” -itinaas ko ang kamay ko senyales na pinapatigil ko na siya sa kanyang pagsasalita.
“Claire, ano bang tingin mo sakin? Pinangaak kahapon? Kung mali ako, ikaw ang mag paka spy sa Barzini. Otherwise, tama ako at gusto niyo ako lang ang babagsak kung sakaling hindi mag tagumpay itong pinaplano niyo.”
“Astrid, alam mo namang mahina ang katawawn ni Claire. Malaki ang utang na loob ng ama mo sa magulang niya at may tungkulin kami ng ama mong alagaan siya at masiguradong nasa ligtas siya.” -saad ng aking ina na kanina pa nananahimik.
Paano naman ako na sarili niyong anak? Wala ba kaong tungkulin sa akin? Wala ba kayong responsibilidad na siguraduhing nasa maayos ako?
“Okay. Mukhang matagal niyo na ‘tong napag usapan at wala naman talaga akong magagawa, tama ba, papa?” -sabay tingin ng blanko sa aking ama na halos puputok na ang ugat sa noo sa galit sa paraan ko ng pagsagot sakanila
“Sige. Papakasalan ko si Laurence Barzini pero sa tatlong kondisyon.”
“Ano?”
“Una, kailangan ko ng pera. 1 billion should be enough.” -tumango ang aking ama sa numerong binanggit ko. After all, barya lang ito sakanya.
“Pangalawa, you will publicly announce to everyone that Claire is not a Gonzaga by blood and that she is your adoptive daughter.”
“Astrid, sobra ka na!” -pagalit na sigaw ng aking ama. Ako pa talaga ang sobra ngayon? Napatawwa na lang ako ng mapait sa mga salita niya.
“Pangatlo, hindi na ako isang Gonzaga simula sa araw na to. Ang apelyidong dadalhin ko ay kay Lola, simula ngayon ako na si Astrid Santoro at wala na akong kahit anong connection sainyo. Do we have a deal, papa?”
“Anak, Gonzaga ka pa din! How can you just abandon your name that easily?!” -mangiyak ngiyak na sambit ng aking ina. Tanging ina.
“You abandoned me first.” -malamig kong sagot dahil kung ano mang pagmamahal ang natitira ko para sakanila, sa araw na ‘to parang kinayod lahat paalis sa katawan ko.
Matagal kong ninamnam ang katahimikang bumabalot sa kwartong ito habang tinitignan sila isa-isa na para lasapin ang huling araw na kikilalanin ko silang pamilya.
“Astrid, we can’t announce that Claire is not a Gonzaga by blood. Paano ang marriage prospects niya?”
“Talaga? Yan ang concern mo? If you’re so worried about her marriage prospects, then let her marry Barzini, papa. If you don’t want her to marry Laurence, agree to my terms. Otherwise, aalis ako at hindi niyo na makikita pa. Tignan natin kung may choice pa kayong mag back out sa kasal o mapilitan kayong si Claire ang gawing pahin.” -nag simulang humagulgol si Claire sa tabi ni mama sa mga salitang binitawan ko.
Ikaw pa talaga ang naiyak? Kapal ng mukha mong ampon ka.
“Ate, please. Alam kong galit ka sakin pero huwag mo namang sirain ang pamilya natin!”
“Mali, Claire. Hindi lang ako galit sayo. Galit ako sainyong lahat. Hindi ako ang sumira sa pamilyang to, kayo yun. Wala kang karapatang tawagin akong ate dahil hindi tayo magka dugo. Lahat ng sakin, kinuha mo. Wala kang tinira.”
“ENOUGH, ASTRID! SOBRA KA NA! KUNG YAN ANG GUSTO MONG MANGYARI SIGE. KAILANGAN MO NG PERA PARA LUMAYAS? IBIBIGAY KO, DODOBLEHIN KO PA! PERO SI CLAIRE AY MANANATILING GONZAGA.”
Napatingin ako kay Don Antonio, ang aking ama. Kaya naman pala niya mag paka tatay. Hindi lang sakin.
“Doble? No. Triplehin mo. I want 3 billion in exchange for Claire remaining as the heir of the Gonzagas. Kung ayaw mo, I can always publish articles about how she is not biologically related to us. Choose.”
“IKAW—”
“Tama na, Don Antonio. Nauubos na ang pasensya ko. Kayo ang may kailangan sakin. You agree or I leave. Choose.”
“Anak, please. Huwag kang ganyan pamilya mo pa din kami” -umiiyak na sambit ng aking ina habang inaabot ang kamay ko
“Huwag mo akong hawakan, Mrs. Gonzaga. You disgust me. Kahit ang hayop aalagaan at poprotektahan ang sariling anak pero ikaw? Pareho kayo ni Papa. Mas masahol pa kayo sa hayop.”
“ROBERT! KALADKARIN NIYO SI ASTRID PABABA SA DUNGEON. 20 LASHES HANGGANG AMININ NIYANG MALI SIYA” -sigaw ng aking ama dahilan para tumakbo papasok sa kwarto ang aming family butler.
“Sir, si… si.. Laurence Barzini po nasa labas.” -nagulat ang lahat sa sinabi ni Robert.
Astrid’s POV“Hindi pa tayo kasal at may anak ka na. Well done, Mr. Barzini. Balak mo bang gawin akong step-mother ng anak niyo?” -napatigil si Laurence sa paglalakad na umiigting ang panga sa galit saka ako hinila papasok sa kwarto“Ginag*go mo ba ako?”“Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Huwag mo akong gag*hin, Laurence. I can have that bit*h k*lled.”“Wag mong sabihin sakin na nag-seselos ka, Astrid. Kakakilala lang natin! Wala kang bilang sa buhay ko.” -sinampal ko siya ng malakas.“Wala akong pakialam kung kakakilala lang natin ngayon o magkakilala pa tayo ng sampong taon! Hindi mo ako gagawing katatawanan.”“Ano bang gusto mo?! Anakan din kita para tumahimik ka na?” -hinila niya ako at dinaganan sa kama habang hawak ang dalawa kong kamay.“Nakakadiri ka.” -sambit ko saka siya dinuruan sa mukha na naging dahilan para bitawan niya ako at punasan ang mukha niya.Hindi na ako nag aksaya ng isa pang segundo sa loob ng kwartong ito, naglakad na ako ng mabilis pabalik sa main door“
Laurence’s povUnang tingin pa lang, alam kong sya si Mark Falcone. Maraming beses na rin kaming nag kita sa mga party at gala pero ang mas malaking tanong dito ay sino si Astrid sakanya?Alam ko ang mga tingin na meron siya kay Astrid ay kakaiba. Sa tagal na nakakasalamuha at nakikita si Mark, ngayon ko lang siya nakitang tumingin sa paraan kung paano niya tignan si Astrid. Akin siya, Mark.Napa-igting ang panga ko sa gigil sa pag-iisip. Bakit ko nga ba ito iniisip? Baliw. Kakakilala ko lang kay Astrid. May girlfriend ako. Tama. Tama. May girlfriend ako.**ring, ring** nawala ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.“Lo, napatawag ka?”“Nasaan ka ngayon, Laurence?” -seryosong tunog ng aking lolo sa kabilang linya na parang may nangyaring masama.“Kasama ko si Astrid. May nangyari ba?”“Umuwi ka. Ngayon din at isama mo si Astrid.”“Understood.”Pinatay ko ang tawag at naglakad papunta sa kwarto kung saan pumasok si Mark at si Astrid. Kakatukin ko na sana ng biglang bumukas ang
Astrid’s POVSa wakas at nakarating na kami sa warehouse. Masyadong malakas ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang lapit ni Laurence. Pinagbuksan ako ni Jack ng pinto at pinayungan papasok sa warehouse kung saan lahat ng aming nakasalubong ay nagbigay respeto sa pamamagitan ng pag yuko..“Ikaw ang panganay na anak ng mga Gonzaga at magiging tagapagmana. Itong warehouse ba na ito ay isa sa mga pinapamahala sayo?” -Tanong ni Laurence habang nag mamasid sa paligid.“Santoro na ako, hindi na ako parte ng mga Gonzaga. Itong warehouse na ‘to ay sarili kong pagmamay ari.”Hanggang doon lang ang kaya kong sabihin kay Laurence. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba siya at iisa lang naman ang purpose ko sa kasal na ‘to. Maging espiya ng mga Gonzaga laban sa Barzini.“Ms. Astrid, ready na ho ang firing range.” -tumango ako at sumunod kay Jack pababa sa underground training center namin. Dito kinikilatis ang mga baril bago pa mabenta sa underworld.Pag pasok ko ng training grounds, pansin ko
Astrid’s POV“Akala mo ba mamahalin ka nila sa ganyang ginagawa mo, Astrid?” -Ah wala nga pala sila mama at papa kaya lumalabas na ang totoo niyang kulay.“Akala mo ba mahal ka din nila, Claire? Kung ano mang nararamdaman sayo ng magulang ko awa lang yun. Sino ka ba?” -Napatayo si Claire at agad naman akong sinugod“Kanina pa ako nag titimpi sayo!” -Sigaw niya sabay amba na sabunot sa akin.Sinalo ko ang kamay niya at inikot ito papunta sa likod niya sabay sabunot sa kanyang buhok “Move and I’ll break your hands. Don’t fucking test me, Claire.” -pagka sabi ko ay bigla na lamang siyang sumigaw ng napakalakas dahilan para tumakbo papasok ang aking mga magulang kasama si Laurence papasok uli dito sa kwarto“Astrid, behave yourself! Let go of your sister right now!” -gigil na banta sakin ng aking ama pero imbis na bitawan si Claire, sinipa ko siya palapit kay papa.“Alisin niyo sa paningin ko yan bago ko balian ng buto yang mahal niyong prinsesa.” -sabay punas ng kamay ko gamit ang panyo
Astrid’s POV“Astrid. Sit down. Kailangan natin pag usapan ang kasal mo sa pamilyang Barzini.” -I raised my eyebrows out of curiosity.Is this the father who raised me? Sa ilang taon na pag tutol niya sa love life ko, biglang gusto niya akong ipakasal at sa Barzini family pa, ang pinaka malakas na mafia family dito sa Pilipinas.“Talk. I don’t have much time to waste on something so useless like this.” -Saad ko ng hindi siya tinitignan. Kung may isang bagay man na kilala ako bilang si Astrid Gonzaga ay wala akong sasantuhin, kahit sarili kong pamilya, lalo kung alam kong ako ang agrabyado o talo sa usaping ito.Matagal ko ng alam na ang pagmamahal na mayroon sila sakin ay hindi maikukumpara sa ampon nilang si Claire at natutunan ko ng mawalan ng pake sa kung ano man ang gusto nilang mangyari sa buhay ko.“Astrid, please… just listen to dad. It’s for your best interest. Sino ba ang hindi gugustuhing maikasal sa Barzini?” -napatingin ako ng matalim kay Claire. Sipsip talaga.“So bakit







