LOGINVianne Ledesma's POVNakaupo lang ako sa loob ng sasakyan, nakatitig lang sa gate ng mansyon ng mga Ledesma, ng aking pamilya. Nandito na ako muli. Ilang minuto na akong nakahinto sa tapat, pero parang hindi ko magawang bumaba at pumasok. Ito rin ‘yung gate na dinaanan ko dati—limang taon na ang nakalipas—noong umalis ako para sundan ‘yung lalaking pinili ko at pinaglaban, sa halip na pakinggan ang mga magulang ko at mga taong nagmamahal sa akin. Masyado akong nabulag ng pagmamahal.Dati, akala ko pagmamahal lang ang mahalaga. “Papatunayan ko na tama ang desisyon ko naipaglaban si Toby” naaalala ko ang salitang sinabi ko sa sarili ko habang naglalakad palayo ng mansyon. Pero ngayong bumabalik ako, dahan-dahan kong naiintindihan ang lahat, nagkamali ako. Hindi nila ako pinigilan dahil lamang galit sila kay Toby. Pinigilan nila ako dahil ayaw nila akong masaktan. Gusto lang nila akong protektahan mula sa sakit na nararanasan ko ngayon.Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Papa noon:
Vianne Ledesma's POVTumunog ang aking telepono. Tiningnan ko ang pangalan sa screen. Hindi si Toby.Kundi si Mama.Nanginginig ang aking kamay habang hawak ko ang tablet. Ang aking ina—na noong araw ay umiyak sa aking harap at sinabing, “Anak, handa kaming tanggapin ang lahat, ngunit huwag mong ipagpalit ang iyong sarili para sa isang lalaking hindi pa handang maging tapat.”Hindi ko sinagot. Hinayaan ko itong tumunog hanggang sa tumigil.Sandali pa lamang ang lumipas nang muling tumunog.Si Papa.Ang taong iginagalang ko higit sa lahat. Ang taong binalaan ako nang may pagmamahal at pag-aalala. Ang taong sinabing, “Kung kailangan mong piliin siya kaysa sa amin, anak… tandaan mo na balang araw ay ikaw lamang ang sasalo ng lahat ng hiya.”Hindi ko pa rin sinagot.Hindi dahil galit ako sa kanila. Hindi dahil natatakot akong pagalitan o saktan nila.Dahil hindi ko kayang harapin sila. Dahil sa bawat pagtunog ng kanilang pangalan sa aking screen, naririnig ko ang aking sarili limang taon
Vianne Ledesma's POVHindi ako nakatulog.Buong gabi akong nakahiga sa tabi ng kanyang pwesto sa kama, nakatitig sa kisame habang ang bawat paghinga ay tila mas mabigat kaysa sa nauna. Ilang beses kong idinilat ang mga mata, umaasang pagmulat ko ay wala na ang lahat—na ang balitang iyon ay panaginip lamang, na ang mga litrato ay gawa-gawa lamang, na ang lalaking pinili ko ay hindi kayang saktan ako nang ganito kalala. Ngunit sa bawat pagmulat ko, naroon pa rin ang katahimikan. Naroon pa rin ang katotohanang wala na siya sa aking tabi. Naroon pa rin ang pagkawasak na dala ng kanyang ginawa.Sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama, wala na ang litrato ng aming kasal. Kinuha ko iyon noong madaling-araw, nang hindi ko na kayang makita ang mga ngiti naming tila punong-puno ng pangako at pag-asa. Inilagay ko ito nang nakaharap sa ibaba, upang hindi ko na makita ang aking sarili na nakatingin sa kanya nang may pagmamahal na tila walang hanggan. Ang tanging naiwan sa ibabaw ng mesa ay ang singsing
Vianne Ledesma's POVAng tunog ng pagbubukas ng pinto sa labas—ito ang dating hinihintay ko gabi-gabi.Dati, kahit gaano ako kapagod, kahit gaano karami ang problema ko sa trabaho, gumagaan ang pakiramdam ko kapag naririnig ko ang yabag ni Toby papasok sa bahay. Dahil alam kong uuwi siya sa akin. Dahil alam kong sa kabila ng lahat ng nangyayari sa mundo, may isang lugar kung saan ako ang pinipili niya.Pero ngayong gabi… iba ang naramdaman ko.Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng mansyon, hindi ako gumalaw. Hindi ako tumakbo pababa. Hindi ko siya sinalubong. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon… hindi ko na alam kung ang taong papasok sa bahay na ito ay asawa ko pa ba. O isang estrangherong minsang minahal ko.Tahimik akong nakatayo sa loob ng aming silid habang nakatingin sa isang bagay na nasa harap ng pinto. Isang maleta. Isang maliit na maleta lamang. Hindi ko inilagay roon ang lahat ng gamit niya. Hindi ko kayang gawin iyon. Hindi dahil ayaw kong tanggapin ang nangy
Vianne Ledesma's POV“Hindi mo ba naiisip na baka balang araw pagsisihan mo ang pagpili sa kanya?”Hindi ko nakalimutan ‘yung tanong na ‘yun. Galing ‘yun sa taong buong buhay kong minahal at iginagalang—ang sarili kong ama. Limang taon na ang nakalipas noon, nakatayo ako sa harap ng hapag-kainan ng pamilya ko, ang pamilya Ledesma habang tahimik na pinagmamasdan nila ‘yung lalaking mahigpit kong hawak sa kamay. Si Toby Zamora. ‘Yung lalaking minahal ko. ‘Yung lalaking pinili ko. At sa araw na ‘yun, buong puso akong naniwalang tama ako.Sigurado ako na darating ‘yung araw na mapapatunayan ko sa kanilang lahat na nagkamali sila. Na hindi nila nakita ‘yung nakita ko kay Toby—‘yung lalaking kilala ko pa bago siya naging sikat sa mundo ng negosyo, ‘yung ilang beses bumangon matapos mabigo, ‘yung nagtrabaho nang mabuti, hindi lang para sa sarili kundi para sa pangarap naming dalawa. Ako ‘yung nakakita. Ako ‘yung naniwala. Ako ‘yung lumaban. Kaya noong sinabi ni Papa na baka pagsisihan ko ‘to







