로그인Happy reading
Chapter 285Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tiningnan ang telepono ko. Tulad ng inaasahan ko ay mayroong ipinadalang mensahe si Wayne dahil ilang beses tumunog ang telepono ko.Hindi ko lang agad iyon nabuksan kanina dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni John Loid.Wayne:'Love, dito muna ako mag-stay sa apartment ng tropa ko. Magkagroupmates kasi kami kaya mas mapapabilis yung gagawin naming project kung dito muna ako.''Huwag kang magpapagutom, okay? Kumain ka sa tamang oras. Alam kong may trabaho ka pang kailangan gawin sa hacienda kaya huwag mong pababayaan ang sarili mo.' huling sabi niya sa mensahe.Maghihinala na sana ako sa unang mensaheng ipinadala niya dahil minsan, kahit abala siya sa pag-aaral, ay umuuwi siya para makita ako.Pero matapos kong mabasa ang huling mensahe niya ay nabura lahat ng haka-haka ko na sinabi ni John Lloyd.Napailing na lang ako.Panigurado akong hindi naman magagawa sa akin ni Wayne ang bagay na iyon. At saka, sisiguraduhin ko muna na sarili
Chapter 284Matapos ang ilang araw ay dumating na ang oras ng pag-alis ng Senyor sa Pilipinas. Kaya naman naging abala kami bago ang pag-alis niya.Bumisita pa kasi ang ilang kapamilya nila para magpaalam kay Senyor. Ang ipinagtaka ko lang ay hindi dumalo ang mga pamilyar na mukha sa akin tulad nina Ate Agatha, Ate Navia, o kahit si Kuya Keefer. Ang mga bata lang ang pumunta dito na sina Ruby, Amara, Kheimer at Kian.Hindi rin dumating si Kio na ipinagpasalamat ko naman dahil halos buong araw akong nasa hacienda nagtatrabaho.Dahan-dahan kong ibinaba ang maleta sa sala. Ngayong araw na kasi ang alis ng Senyor at isa ako sa mga naatasan na ayusin ang gamit niya."I'll be fine, hija. You should enjoy your stay here, okay?" rinig kong sabi ni Senyor kay Riya nang maabutan ko sila sa labas ng mansiyon.Para naman siyang bata na ngumuso. "Okay, Grandpa. But don't forget to take pictures and send them to us, okay? Huwag mo kaming kalimutan," aniya pa."Of course not," patawang sabi ng Senyo
Chapter 283Tahimik kong pinanood si Riya habang binibigyan niya ng pagkain ang kabayo. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya dahil takot na takot siyang iabot ang damo sa kabayo pero nagpupumilit pa rin siya na gawin ang trabaho.Napailing na lang ako nang makita siyang tumatakbo sa gawi ko."Did you see that! He almost bit me!" sumbong niya sa akin na para bang may magagawa ako."Sabi ko naman sa'yo ay hindi mo kailangang gawin ang trabahong iyan," pigil-tawang sabi ko sa kanya."But I want to help you. Panigurado ako, mahirap ang trabaho na ito," aniya."Hindi ko naman trabaho ang magpakain ng kabayo. Nandito lang tayo dahil sabi mo ay gusto mong makakita ng kabayo," saad ko pa rito."Oh? Really? Kung ganoon, ano ang work mo dito?" muling tanong niya bago umupo sa tabi ko."Doon sa kusina o kaya sa labahan. Pero ngayon, nilipat nila ako sa pag-aalaga sa senyor," kwento ko sa kanya.Sa totoo lang ay parang siya ang inaalagaan ko dahil lagi niyang kinakausap ang senyor na hiramin
Chapter 282Kinabukasan, dahil Sabado at wala akong pasok, umaga pa lang ay nasa hacienda na ako para alagaan ang senyor. Buti na lang ay hindi pa umuuwi si Kio. Ang sabi ni Ate Didi ay nasa Manila pa rin daw siya hanggang ngayon.Habang naghahanda ng makakain ng senyor ay tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko iyon ay nakita kong nagpadala ng mensahe si Wayne.Wayne:'Sorry, love, kung hindi muna tayo makakapagkita, super dami naming group projects ngayon :(' malungkot na sabi niya sa mensahe.Napangiti na lang ako nang mabasa ang mensahe niya.Maria:'Ayos lang, pero kailangan mong bumawi sa akin pagkatapos ng projects niyo. Galingan mo, okay? ヽ(●´ε`●)ノ'Nang wala akong nakuhang sagot ay muli kong ibinalik ang cellphone sa bulsa.Naiintindihan ko naman kung abala si Wayne, lalo na at nasa kolehiyo na siya at kasisimula pa lang ng second semester nila."Maria, ayos na ba ang pagkain ng senyor?" tanong ni Ate Dainty sa akin."Ayos na po, Ate. Pupuntahan ko na lang po ang senyor sa ku
Chapter 281Kung matigas siya ay mas matigas ako. Kahit anong pilit na pagpapaharap niya sa akin ay hindi ko siya hinarap o nilingon."The heck is wrong with you?" inis niyang tanong, pero nanatili pa rin akong nakayuko at nakatalikod sa kanya."Babe!" rinig kong tili ng kung sino. "Where have you been? I've been looking for you," saad ng kung sino.Hindi ko makita ang itsura noon dahil nakatalikod ako sa gawi nila. Pero sigurado akong babae iyon."Can't you see? I'm in the kitchen," masungit na sabi ni Kio sa kanya."I know! But why didn't you tell me? Muntik na 'kong mawala! Ang laki-laki pala ng bahay niyo," saad niya pa."Didn't I tell you to stay in the car?" iritableng sabi ni Kio. Rinig ko naman ang singhal ng babae."I miss you! Kaya hindi na ako nakapaghintay!" parang batang sabi nito."Kung hindi ka marunong sumunod, mas magandang bumalik ka na lang ng Maynila," galit na sabi niya rito. Natahimik naman ang babae at hindi nakasagot."Sir Kio, ito na po ang envelope na pinapaku
Chapter 280"Miss? Didn't you hear me? I said I need cold water and a lemon," ulit nito. Ramdam ko ang pamamawis ng mukha ko nang muli kong marinig ang boses niya.Parang lalabas ang puso ko mula sa katawan ko nang marinig ko ang yapak niya papalapit sa gawi ko. Naipikit ko na lang ang mga mata ko para hintayin ang sunod na mangyayari."Sir!" rinig kong sigaw ni Hilda. Napahinto naman siya sa paglapit sa gawi ko."What?" iritang sabi nito."A-Ano... yung tubig po andoon na..." hinihingal na sabi niya rito."Tss," hasik niya bago siya naglakad papalayo. Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan siyang umalis."Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Hilda nang makalapit siya sa akin. Tahimik naman akong tumango."Umuwi na lang tayo, please," pilit ko sa kanya."Sige, kukunin ko lang ang gamit ko," dali-dali niyang paalam.Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina. Akala ko ay matapos ang ilang taon na nakalipas ay may lakas ng loob na akong harapin siya. Pero hin







