Home / Romance / The Hidden Inheritance / Chapter 3: The Necklace

Share

Chapter 3: The Necklace

Author: C.J. RAINFORD
last update publish date: 2026-09-11 20:16:21

(Makalipas ang tatlong linggo)

Hindi ko na pilit  tinanong ang tungkol sa larawan.

Tatlong linggo na akong nagtatrabaho bilang personal secretary ni Alessandro Verande, at sa tatlong linggong iyon, natutunan kong mayroon siyang paraan ng pag-iwas sa mga tanong na hindi siya komportableng pag-usapan, at babaguhin lang niya ang paksa nang napaka-natural, halos hindi mo mapapansin hangga't hindi mo na-realize na wala ka pa ring sagot.

Ngunit hindi ko ito kinalimutan. Lalo na tuwing hahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg, pakiramdam ko'y may mata siyang laging naka masid rito.

"Villareal." Boses niya mula sa likod ko, sa loob ng aklatan ng bahay niya sa Forbes Park --- kakaunti lang ang alam kong empleyado ang pumapasok dito. "Naibigay mo na ba 'yung quarterly report ng Cebu branch?"

"Opo. Nasa mesa n'yo na." Itinigil ko ang pagsasaayos ng mga dokumento at lumingon.Pero may napansin akong kakaiba sa mga numero.” Yung inilaan para sa pondo sa community relations na  halos triple ng dati, ngunit walang detalyadong paliwanag kung saan ito napunta."

Tumigil siya sa paglakad. "Anong ibig mong sabihin, kakaiba?"

"Kung ako po ang auditor ninyo, ito ang unang bagay na tatanungin ko. Alam kong hindi ko trabaho ito, ngunit---"

"Ipakita mo sa akin."

Sinundan niya ako papunta sa mesa, at habang itinuturo ko ang mga numero, napansin kong nagbago ang kanyang pananaw sa akin --- hindi na ang tingin ng isang lalaking may sinusubukang tuklasin, kundi ang tingin ng isang taong hindi inaasahang magiging kapaki-pakinabang.

"Sino ang nagturo sa'yo nito?" tanong niya, nakatingin pa rin sa mga numero.

"Si Tatay po. Auditor po bago---" Napahinto ako.

"Bago ano?"

Hindi ko sinagot agad. Naramdaman kong ito na ang pagkakataong makakuha ng impormasyon mula sa kanya kapalit ng sarili kong sikreto. "Bago siya mawalan ng trabaho. Anim na taon na kaming nahihirapan simula noon."

Tumingin siya sa akin nang matagal, na parang may kalkulasyong nagaganap sa likod ng kanyang mga mata. "Ano ang nangyari?"

"Sinisante siya nang walang malinaw na paliwanag. Sinabi lang na 'pagbabago ng istruktura.' Ngunit hindi na siya nakahanap ng ibang trabaho pagkatapos , na tila parang may nagbabantay sa kanya sa buong industriya. Hindi namin naunawaan kung bakit."

Muntik ko nang makita ang reaksyon niya ,  isang bahagyang pagtigas ng panga, isang biglaang paglayo ng tingin ---- bago niya ito maitago sa likod ng dating kalmadong ekspresyon.

"Kailan ito nangyari?" tanong niya, ang boses niya'y bahagyang naiiba.

"Labing-anim na taon na ang nakalipas. Anim na taong gulang pa lang ako noon."

Ang bilang na iyon ay tila nagpabago ng ekspresyon ng kanyang mukha . Nakita kong lumipat ang tingin niya papunta sa direksyon ng drawer ng kanyang mesa… ang parehong drawer, naaalala ko, kung saan niya inilagay ang lumang larawan noong isang araw.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Oo." Masyadong mabilis ang sagot. "Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral sa mga numero. Sabihan mo ako kung may makita ka pang kakaiba."

Umalis siya nang wala pang paalam, iniwan akong nakatayo sa gitna ng aklatan na puno ngayon ng mas maraming tanong kaysa sagot.

Kinagabihan, may kumatok sa p***o ng maliit kong apartment unit. Nagulat akong makita si Alessandro, hawak ang isang bag ng pagkain mula sa isang paboritong karinderya ko malapit sa aming lumang bahay sa probinsya at hindi ito karaniwang matatagpuan sa Maynila.

"Paano ninyo po nalaman ito?" tanong ko, hindi maitago ang gulat.

"Nabanggit mo noon nang hindi mo sinasadya." Hindi niya ako tinitingnan nang diretso, na parang hindi niya rin sigurado kung bakit niya ito ginawa. "Naisip kong baka gusto mo."

Pinatawad ko na siya sa katotohanang hindi ko naaalalang binanggit ko talaga ito.

"Hindi ninyo naman kailangang---"

"Alessandro na lang. Sa labas ng opisina."

Kumirot ang dibdib ko sa paraan niya ng pagsasabi nito , na tilla  parang humihingi ng permiso at hindi utos. Iba ito sa lalaking kilala ko sa opisina.

"Sige... Alessandro."

Ngumiti siya --- totoong ngiti, hindi ang bahagyang pagkurba ng labi na madalas ko nang nakikita. "Gusto mo bang kumain? May sobra akong dala."

Umupo kami sa maliit kong balkonahe, kumakain ng pagkaing bata pa lang ako'y paborito ko na. May kakaibang katahimikan sa pagitan namin. Ito’y hindi ang uri ng katahimikang nakakailang sa  dalawang taong hindi magkakilala, kundi ang uri ng katahimikang komportable dahil hindi na kailangan pang punuin ng salita.

"Bakit parang may kinatatakutan ka sa akin?" tanong ko sa wakas.

Tumigil siya sa pagkain. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kanina, sa aklatan. Nang binanggit ko ang tungkol kay Tatay. Nagbago ang mukha mo."

Matagal siyang hindi sumagot, nakatingin lang sa malayo, sa mga ilaw ng lungsod na kumikislap sa gabi.

"May mga bagay akong hindi pa puwedeng sabihin sa'yo, Mira," sabi niya sa wakas--unang beses niya akong tinawag sa pangalan nang hindi nakadugtong ang salitang  "Miss."

"Hindi dahil ayaw kong sabihin. Kundi dahil kung sasabihin ko na ngayon, baka hindi mo maunawaan nang tama."

"Paano ko malalaman kung tama o mali kung hindi mo man lang sasabihin?"

"Kailangan mo munang tiwalaan ako."

"Paano ako magtitiwala sa isang taong may kundisyon sa kasunduan na hindi ako puwedeng magtanong tungkol sa kanya?"

Ito ang unang beses naming nagkaroon ng tunay na alitan --- hindi ito malaking away, ngunit sapat para maramdaman ko ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya ang totoong nasa isip ko, kahit siya ang amo ko.

At sa halip na magalit, tumingin siya sa akin nang matagal --- at may bagay sa mga mata niyang parang paghanga.

"Tama ka," sabi niya. "Hindi patas iyon."

Dumukot  siya sa bulsa niya at kinuha ang kanyang telepono. At sa loob ng ilang segundo, tila nag-aalinlangan siya kung ipapakita ba niya sa akin ang nasa screen ng kanyang telepono --- bago ibinaling ito sa akin.

Isang larawan ng isang lumang bahay sa probinsya, halatang matagal nang abandonado, may nakasulat na pangalan sa lumang karatula sa harap: VILLAREAL ACCOUNTING SERVICES.

"Ito ba ang bahay ng pamilya mo noon?" tanong niya, ang boses niya'y bahagyang nanginginig.

Kumirot ang puso ko sa pagkakita sa lumang larawan. "Oo. Bago pa kami umalis. Bakit ito nasa telepono mo?"

Hindi niya agad sinagot. Sa halip, tumingin siya sa akin nang matagal, na parang gustong sabihin ang lahat ngunit hindi pa niya kaya.

"Kasi, Mira," sabi niya. "matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa building ko."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Hidden Inheritance   Chapter 44: Elena and Her Mother

    Isang buwan matapos ang hatol, sinamahan ko si Elena sa bilangguan.Noong gabi bago kami umalis, hindi ako makatulog. Nakahiga ako sa tabi ni Alessandro, nakatingin sa kisame, at maya maya, narinig ko siyang magsalita sa dilim."Iniisip mo si Elena.""Paano mo nalaman?" tanong ko."Dahil ganyan ka kapag may inaalala ka sa ibang tao," sabi niya, humarap sa akin. "Mas inuuna mo ang pakiramdam nila kaysa sa sarili mo.""Natatakot ako para sa kanya," aminado ko. "Hindi ko alam kung ano ang aasahan niya, o kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos.""Hindi mo hawak ang resulta," sabi niya, hinaplos ang aking buhok. "Ang kaya mo lang, samahan siya. Iyon na ang pinakamalaking tulong."Tumango ako, at sa wakas, pumikit.Maaga kaming umalis. Hindi gaanong nagsalita si Elena sa biyahe, nakatingin lang sa labas ng bintana, paminsan minsang humihinga nang malalim na parang may inaayos sa loob ng kanyang dibdib. Hawak niya sa kandungan ang isang maliit na sobre."Ano 'yan?" tanong ko, nang makalam

  • The Hidden Inheritance   Chapter 43: The Hearing

    Ilang beses na ipinagpaliban ang pagdinig kay Camila, kaya akala namin, hindi na ito matutuloy sa taong iyon. Ngunit isang umaga, dumating ang tawag mula sa abogado ni Alessandro."Itinakda na po sa susunod na Lunes," sabi niya. "Pangwakas na pagdinig po ito, kasama ang pagbasa ng hatol."Tahimik naming pinakinggan ang balita sa hapag-kainan. Si Anna lang ang hindi nakakaintindi, abala sa paghahati ng kanyang tinapay sa maliliit na piraso."Pupunta ako," sabi ni Elena, bago pa man may makapagtanong.Napatingin kami sa kanya."Hindi para humingi ng awa para sa kanya," dagdag niya, nakatingin sa kanyang tasa. "At hindi rin para humingi ng mas mabigat na parusa. Gusto ko lang naroon ako. Gusto kong marinig ng hukom, mula sa akin, kung ano ang naging epekto ng lahat ng ito.""Sasamahan ka namin," sabi ko."Salamat," sabi niya, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo, nakita kong bahagya siyang ngumiti. "Pero gusto ko sanang ako ang magsalita, kahit nanginginig ang tuhod ko."Lunes

  • The Hidden Inheritance   Chapter 42: The First Delivery

    Pagkalipas ng limang buwan, natapos din ang health center sa Batangas.Maliit lang ito, isang puting gusaling may dalawang silid pagamutan, isang maliit na botika, at ang bagong dagdag na silid para sa mga manganganak, ang silid na iminungkahi ng mga residente mismo. Sa harap, may karatulang gawa sa kahoy na pininturahan ng mga bata sa baryo: "BARANGAY HEALTH CENTER, PARA SA LAHAT."Maaga pa lang, puno na ang bakuran. May mga nagdala ng pagkain, may mga nagdala ng bulaklak, at may isang bandang gawa sa mga kapitbahay na tumutugtog ng sirang trumpeta at tamburin."Mama, ang saya po!" sigaw ni Anna, hawak ang isang maliit na watawat, tumatalon sa tabi ko."Oo, anak," sabi ko, natatawa. "Pero huwag kang lalayo, ha.""Opo!" sabi niya, at agad na tumakbo papunta sa mga batang naglalaro sa may puno ng akasya.Lumapit sa akin si Mang Tonyo, nakasuot ng barong na malinaw na ngayon lang niya inilabas mula sa aparador."Handa na po ba ang lahat?" tanong ko."Handa na," sabi niya, may bahid ng p

  • The Hidden Inheritance   Chapter 41: The Woman Behind the Glass

    Hindi kami agad sumagot sa sulat ni Camila. Isang linggo naming pinag-usapan ito sa hapag-kainan, sa sala, at sa balkonahe, hanggang sa dumating ang gabing nagkasundo kaming lahat."Pupunta ako," sabi ni Isabela, hawak ang kanyang tasa ng tsaa, hindi inaalis ang tingin sa mesa. "Hindi dahil gusto ko siyang patawarin. Hindi ko pa alam kung kaya ko. Pupunta ako dahil ayokong dalhin habang buhay ang mga tanong ko.""Ako rin," sabi ni Alessandro. "Gusto kong marinig kung ano ang gusto niyang sabihin, at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kayang saktan ang pamilyang ito."Tumingin sila sa akin."Sasama ako," sabi ko. "Hindi para sa kanya. Para sa inyo."Si Elena ang huling nagsalita. Tahimik siyang nakaupo sa dulo ng sofa, hawak ang isang unan sa kanyang dibdib."Hindi muna ako sasama," sabi niya, mahina ang boses. "Pero kung may ipapasabi siya sa akin, gusto kong malaman. Hindi ko pa kayang makita siya ngayon.""Naiintindihan namin," sabi ko, hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi

  • The Hidden Inheritance   Chapter 40: The Health Center

    Tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Mang Tonyo, sinimulan na ang pagtatayo ng health center sa baryo sa Batangas, ang unang proyektong pinamunuan hindi lang ng pamilya namin, kundi ng mismong mga residente.Tuwing Sabado, sumasama ako kay Alessandro sa lugar, minsan kasama si Anna, minsan si Isabela at ang kanyang pamilya. Hindi namin trabaho ang magbuhat ng semento o magpako ng kahoy, ngunit gusto naming makita ang pag-usad ng proyekto, at higit sa lahat, gusto naming makilala ang mga taong magiging bahagi ng bagong komunidad na ito."Magandang umaga po, Doktora," bati ng isang batang lalaki kay Isabela, isang Sabado, nang dumating kami sa lugar."Hindi pa po ako doktora," natatawang sagot ni Isabela, kahit halatang kinikilig sa tawag. "Si Dr. Santos ang doktor. Ako ay isa lang pong nars na tumutulong.""Pareho lang po 'yon," sabi ng bata, kumindat. "Mukha po kayong doktora."Natawa kaming lahat, at lalo pang lumakas ang tawa nang lumapit si Dr. Santos, dala ang kanyang bag."Ano'

  • The Hidden Inheritance   Chapter 39: The Visit

    Dalawang linggo matapos ang pulong sa Batangas, dumating si Mang Tonyo sa Nueva Ecija, kasama ang limang residente mula sa kanilang baryo, dala ang mga katanungang matagal na nilang kinikimkim.Hinintay namin sila sa harap ng Rafael Villareal Memorial School, kasama sina Alessandro, Marco, at si Aling Rosa, na kusang loob na nag alok maging tagapagsalita para sa komunidad ng Nueva Ecija."Sila na ba 'yon?" tanong ni Anna, hawak ang aking kamay, nakatingin sa maliit na grupong bumababa mula sa isang lumang van."Oo, anak," sabi ko. "Maging magalang ka, ha.""Opo, Mama," sabi niya, itinuwid ang kanyang tindig, tila isang maliit na opisyal na handang tumanggap ng mga bisita.Lumapit si Mang Tonyo, matigas pa rin ang tingin, ngunit hindi na kasing talim ng sa unang pagkikita namin."Maganda ang gusali," sabi niya, tumingin sa paligid. "Hindi ko inaasahan.""Salamat po," sabi ni Alessandro, ngumiti. "Gusto po naming ipakita ang lahat. Kung may tanong po kayo, kahit ano, huwag po kayong mag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status