LOGINLabinlimang pahina ang kasunduan.
Binasa ko ito nang tatlong beses sa loob ng maliit na conferrence-room na inalok niya sa akin, habang siya mismo ay nasa kabilang silid.
Bawat pahina ay may bagong bagay na nagpapataas ng kaba ko.
Sahod: apat na beses ng inaasahan kong sahod.
Tirahan: libreng apartment unit sa gusaling pag-aari ng Verande Group.
Kundisyon Blg. 7: hindi maaaring magbitiw ang empleyado sa loob ng labindalawang buwan.
Ngunit ang pinakanakakabahala:
Kundisyon Blg. 12: hindi papayagang magtanong o mag-imbestiga ang empleyado tungkol sa personal na buhay, pamilya, o nakaraan ni Alessandro Verande.
Binasa ko ito nang paulit-ulit, parang aasa akong magbabago ang mga salita kapag mas matagal ko itong titingnan. Hindi ito karaniwang kasunduan sa trabaho. Ito’y parang isang pananggalang. Parang gustong protektahan ni Alessandro ang sarili niya mula sa kung sino man ako.
Bumukas ang p***o. Pumasok siya nang walang katok, tulad ng inaasahan ko sa isang taong sanay laging pinaghihintay.
"May tanong ka." Hindi tanong ito. Parang alam na niya.
"Kundisyon Blg. 12." Itinuro ko ang linya. "Bakit kailangan kong pumirma ng ganito?"
Umupo siya sa kabilang dulo ng mesa, hindi sa harap ko mismo na tila may distansyang sinasadya. "May mga taong interesadong gamitin ang impormasyon tungkol sa akin laban sa kumpanya. Karaniwang proteksyon lang ito."
"Pero bakit partikular akong--"
"Lahat ng empleyado sa antas mo ay may parehong kundisyon," mabilis niyang sinabi "Wala kang dapat ikabahala."
Hindi ko siya pinaniwalaan agad. Ngunit anong pagpipilian meron ako? Ang utang ni Tatay ay hindi maghihintay hanggang makahanap ako ng ibang trabaho.
"Kung pipirmahan ko ito," sabi ko, "gusto kong malaman kung ano talaga ang trabaho ko. Ano po ang inaasahan ninyo?"
Bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon… unang beses akong nakakita ng ganitong reaksyon mula sa kanya, halos natutuwa sa tanong ko.
"Maganda ang tanong mo. Karamihan sa mga taong umuupo sa upuang iyan ay tumatanggap na lang at basta pipirma."
Tumayo siya, naglakad papunta sa bintana.
"Kailangan ko ng taong maaasahan sa mga bagay na hindi ko maipagkakatiwala sa iba. Kung minsan, kailangan kong may kasamang tao sa mga pagtitipong hindi interesado sa aking pera."
"Paano po ninyo nalalaman na hindi ako interesado?"
Lumingon siya sa akin. "Hindi mo pa ako tinatanong kung magkano ang bonus. Hindi mo rin tinanong kung ano ang mangyayari kung sakaling magkaroon ka ng damdamin para sa amo mo. Ang una mong tanong ay tungkol sa Kundisyon Blg. 12." Bahagyang kumurba ang gilid ng kanyang labi. "Interesado ka sa akin, hindi sa pera ko."
Uminit ang mukha ko. "Hindi po ganoon--"
"Hindi ko naman sinasabing masama iyon."
Tumahimik kaming pareho, walang sigurado kung sino sa amin ang mas kabado.
"May isa pa akong tanong," sabi ko, sinusubukang ibalik ang usapan sa normal. "Bakit ako? Marami pong mas kwalipikadong aplikante sa listahan ng HR. Bakit ninyo po ako hinila palabas sa lobby bago pa man ako interview?"
Ang tanong na iyon ang nagpabago ng buong hangin sa silid.
Napansin ko ang paraan ng paghawak niya sa gilid ng mesa na masyadong mahigpit, halos mamuti ang kanyang mga buko. Ang taong kanina lang ay tila kontrolado sa bawat galaw ay biglang naging matigas na parang isang taong nagpipigil.
"Mayroon kang partikular na skills na kailangan ko," sabi niya sa wakas, pero mabilis, masyadong handa ang sagot, parang sinanay niya ito bago pa man niya sinabi.
Hindi ko na itinuloy ang pagtatanong. Ngunit hindi ko rin ito kinalimutan.
"Sige po," sabi ko, kinuha ang panulat na nasa mesa. "Pipirmahan ko na."
Bago ko pa nailapag ang panulat sa papel, biglang lumapit siya at hinawakan ang aking kamay --- hindi mahigpit, sapat lamang para pigilan akong lumagda.
"Sandali."
Napatingin ako sa kanya, gulat.
"Kung pipirmahan mo ito," sabi niya, ang boses niya'y mas mababa ngayon at mas seryoso,
"hindi ka na basta-basta makakaalis. Hindi lang dahil sa kasunduan."
Tumigil siya.
"Sigurado ka ba?"
May bagay sa paraan niya ng pagtatanong nito na hindi tulad ng ordinaryong babala mula sa isang amo. Parang gusto niya akong bigyan ng huling pagkakataong tumanggi bago pa man magsimula ang isang bagay na mas malaki kaysa sa alam ko.
Tumingin ako sa mata niya. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi ko na siya kinatatakutan, kundi kinakabahan ako para sa kanya.
"Sigurado po ako," sabi ko.
Bahagyang humugot siya ng hininga, bumitiw sa kamay ko. "Sige."
Pumirma ako.
At habang inilalagay niya ang kasunduan sa loob ng folder, napansin kong may nahulog na maliit na larawan at ito’y may kalumaan na. Bago ko pa ito nakita nang malinaw, mabilis niya itong isiningit pabalik sa kanyang suit.
Ngunit nakita ko na. Sapat na para malaman kong dalawang bata ang nasa larawan…isang lalaki at isang babae, humigit-kumulang anim o pitong taong gulang. May kwintas ang batang babae---parehong lumang kulay gintong kwintas na nakasabit pa rin sa aking leeg ngayon, regalo ng aking ina bago siya pumanaw.
"Alessandro." Napahinto ako, hindi alam kung dapat ko pa bang itanong. "Yung larawan na nahulog kanina---"
"Wala iyon." Mabilis siyang sumagot. "Lumang bagay lang."
"Hindi ninyo man lang po ako titingnan habang sinasabi ninyo iyan."
Tumigil siya. Napansin kong hinigpitan pa niya ang hawak sa folder, ang kanyang mga kuko’y unti-unting pumuputi.
"Miss. Mira," sabi niya , ang boses niya'y mas mababa ngayon, halos parang babala sa sarili niya kaysa sa akin.
"may mga bagay na mas ligtas na hindi mo pa alam. Hindi dahil ayaw kong sabihin sa'yo. Kundi dahil kung malaman mo ito ngayon, baka hindi mo pa lubusang maintindihan."
"Paano ko malalaman kung tama iyon kung hindi mo man lang ako bibigyan ng pagkakataong subukan?"
Tumingin siya sa akin nang matagal. Sa unang pagkakataon, hindi ko na alam kung galit ba ako, o gusto ko lang talagang maunawaan siya.
"Pumirma ka na sa kasunduan," sabi niya, hindi na tinutugunan ang tanong ko, ngunit ang boses niya'y hindi na kasing tigas ng dati.
"Pangako, darating din ang oras na sasabihin ko sa'yo ang lahat. Hindi lang ngayon."
Hindi ko naintindihan kung bakit, sa kabila ng lihim na tinatago niya, may bahagi sa akin na naniwala sa kanya, hindi dahil sa paraan niya ng pagtingin sa akin, hindi tulad ng isang among nagsasalita sa empleyado, kundi tulad ng isang taong nahihirapang piliin sa pagitan ng proteksyon at katapatan.
Kahit gustuhin kong malaman ang lahat ngayon din, mas gusto ko pang manatili sa tabi niya habang unti-unti niya itong binubuksan sa akin.
Isang buwan matapos ang hatol, sinamahan ko si Elena sa bilangguan.Noong gabi bago kami umalis, hindi ako makatulog. Nakahiga ako sa tabi ni Alessandro, nakatingin sa kisame, at maya maya, narinig ko siyang magsalita sa dilim."Iniisip mo si Elena.""Paano mo nalaman?" tanong ko."Dahil ganyan ka kapag may inaalala ka sa ibang tao," sabi niya, humarap sa akin. "Mas inuuna mo ang pakiramdam nila kaysa sa sarili mo.""Natatakot ako para sa kanya," aminado ko. "Hindi ko alam kung ano ang aasahan niya, o kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos.""Hindi mo hawak ang resulta," sabi niya, hinaplos ang aking buhok. "Ang kaya mo lang, samahan siya. Iyon na ang pinakamalaking tulong."Tumango ako, at sa wakas, pumikit.Maaga kaming umalis. Hindi gaanong nagsalita si Elena sa biyahe, nakatingin lang sa labas ng bintana, paminsan minsang humihinga nang malalim na parang may inaayos sa loob ng kanyang dibdib. Hawak niya sa kandungan ang isang maliit na sobre."Ano 'yan?" tanong ko, nang makalam
Ilang beses na ipinagpaliban ang pagdinig kay Camila, kaya akala namin, hindi na ito matutuloy sa taong iyon. Ngunit isang umaga, dumating ang tawag mula sa abogado ni Alessandro."Itinakda na po sa susunod na Lunes," sabi niya. "Pangwakas na pagdinig po ito, kasama ang pagbasa ng hatol."Tahimik naming pinakinggan ang balita sa hapag-kainan. Si Anna lang ang hindi nakakaintindi, abala sa paghahati ng kanyang tinapay sa maliliit na piraso."Pupunta ako," sabi ni Elena, bago pa man may makapagtanong.Napatingin kami sa kanya."Hindi para humingi ng awa para sa kanya," dagdag niya, nakatingin sa kanyang tasa. "At hindi rin para humingi ng mas mabigat na parusa. Gusto ko lang naroon ako. Gusto kong marinig ng hukom, mula sa akin, kung ano ang naging epekto ng lahat ng ito.""Sasamahan ka namin," sabi ko."Salamat," sabi niya, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang linggo, nakita kong bahagya siyang ngumiti. "Pero gusto ko sanang ako ang magsalita, kahit nanginginig ang tuhod ko."Lunes
Pagkalipas ng limang buwan, natapos din ang health center sa Batangas.Maliit lang ito, isang puting gusaling may dalawang silid pagamutan, isang maliit na botika, at ang bagong dagdag na silid para sa mga manganganak, ang silid na iminungkahi ng mga residente mismo. Sa harap, may karatulang gawa sa kahoy na pininturahan ng mga bata sa baryo: "BARANGAY HEALTH CENTER, PARA SA LAHAT."Maaga pa lang, puno na ang bakuran. May mga nagdala ng pagkain, may mga nagdala ng bulaklak, at may isang bandang gawa sa mga kapitbahay na tumutugtog ng sirang trumpeta at tamburin."Mama, ang saya po!" sigaw ni Anna, hawak ang isang maliit na watawat, tumatalon sa tabi ko."Oo, anak," sabi ko, natatawa. "Pero huwag kang lalayo, ha.""Opo!" sabi niya, at agad na tumakbo papunta sa mga batang naglalaro sa may puno ng akasya.Lumapit sa akin si Mang Tonyo, nakasuot ng barong na malinaw na ngayon lang niya inilabas mula sa aparador."Handa na po ba ang lahat?" tanong ko."Handa na," sabi niya, may bahid ng p
Hindi kami agad sumagot sa sulat ni Camila. Isang linggo naming pinag-usapan ito sa hapag-kainan, sa sala, at sa balkonahe, hanggang sa dumating ang gabing nagkasundo kaming lahat."Pupunta ako," sabi ni Isabela, hawak ang kanyang tasa ng tsaa, hindi inaalis ang tingin sa mesa. "Hindi dahil gusto ko siyang patawarin. Hindi ko pa alam kung kaya ko. Pupunta ako dahil ayokong dalhin habang buhay ang mga tanong ko.""Ako rin," sabi ni Alessandro. "Gusto kong marinig kung ano ang gusto niyang sabihin, at gusto kong sabihin sa kanya na hindi na niya kayang saktan ang pamilyang ito."Tumingin sila sa akin."Sasama ako," sabi ko. "Hindi para sa kanya. Para sa inyo."Si Elena ang huling nagsalita. Tahimik siyang nakaupo sa dulo ng sofa, hawak ang isang unan sa kanyang dibdib."Hindi muna ako sasama," sabi niya, mahina ang boses. "Pero kung may ipapasabi siya sa akin, gusto kong malaman. Hindi ko pa kayang makita siya ngayon.""Naiintindihan namin," sabi ko, hinawakan ang kanyang kamay. "Hindi
Tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Mang Tonyo, sinimulan na ang pagtatayo ng health center sa baryo sa Batangas, ang unang proyektong pinamunuan hindi lang ng pamilya namin, kundi ng mismong mga residente.Tuwing Sabado, sumasama ako kay Alessandro sa lugar, minsan kasama si Anna, minsan si Isabela at ang kanyang pamilya. Hindi namin trabaho ang magbuhat ng semento o magpako ng kahoy, ngunit gusto naming makita ang pag-usad ng proyekto, at higit sa lahat, gusto naming makilala ang mga taong magiging bahagi ng bagong komunidad na ito."Magandang umaga po, Doktora," bati ng isang batang lalaki kay Isabela, isang Sabado, nang dumating kami sa lugar."Hindi pa po ako doktora," natatawang sagot ni Isabela, kahit halatang kinikilig sa tawag. "Si Dr. Santos ang doktor. Ako ay isa lang pong nars na tumutulong.""Pareho lang po 'yon," sabi ng bata, kumindat. "Mukha po kayong doktora."Natawa kaming lahat, at lalo pang lumakas ang tawa nang lumapit si Dr. Santos, dala ang kanyang bag."Ano'
Dalawang linggo matapos ang pulong sa Batangas, dumating si Mang Tonyo sa Nueva Ecija, kasama ang limang residente mula sa kanilang baryo, dala ang mga katanungang matagal na nilang kinikimkim.Hinintay namin sila sa harap ng Rafael Villareal Memorial School, kasama sina Alessandro, Marco, at si Aling Rosa, na kusang loob na nag alok maging tagapagsalita para sa komunidad ng Nueva Ecija."Sila na ba 'yon?" tanong ni Anna, hawak ang aking kamay, nakatingin sa maliit na grupong bumababa mula sa isang lumang van."Oo, anak," sabi ko. "Maging magalang ka, ha.""Opo, Mama," sabi niya, itinuwid ang kanyang tindig, tila isang maliit na opisyal na handang tumanggap ng mga bisita.Lumapit si Mang Tonyo, matigas pa rin ang tingin, ngunit hindi na kasing talim ng sa unang pagkikita namin."Maganda ang gusali," sabi niya, tumingin sa paligid. "Hindi ko inaasahan.""Salamat po," sabi ni Alessandro, ngumiti. "Gusto po naming ipakita ang lahat. Kung may tanong po kayo, kahit ano, huwag po kayong mag







