MasukHindi ako nakatulog nang gabing iyon.
"Matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa buildini ko."
Umikot ang mga salitang iyon sa isip ko nang paulit-ulit, kasabay ng larawan ng lumang bahay namin sa kanyang telepono. Bago ko pa masagot, may tumawag sa kanya tungkol sa isang proyekto sa Batangas, at kailangan niyang umalis, iniwan akong may mas maraming tanong kaysa dati.
Kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko: hinanap ko ang katotohanan mismo.
Naghanap ako gamit ang aking telepono ng lumang balita tungkol sa proyekto ng Verande Group malapit sa aming dating tirahan sa Nueva Ecija. Halos hatinggabi na nang makita ko ang unang resulta … isang lumang talaan mula sa isang lokal na peryodiko, may petsang labing-anim na taon na ang nakalipas.
"TULAY SA BRGY. VILLAREAL, GUMUHO. TATLO ANG NASAWI."
Nanlamig ang buong katawan ko sa pagbasa ng pangalan ng barangay na may ilang minutong lakad lamang mula sa dating bahay namin.
Binasa ko ang buong artikulo: sub-standard materials, biglang naibasurang kaso, walang nahatulan. At sa isang bahagi nito, isang detalye ang tumambad sa akin ---isang auditor na sumubok ilantad ang katiwalian, bago biglang nawala ang kaso sa hukuman.
Hindi nakalagay ang buong pangalan. Ngunit alam ko na, sa aking puso, kung sino ito.
Kinabukasan, pumunta ako sa opisina niya nang mas maaga kaysa karaniwan kong pag pasok, hawak ang kopya ng artikulo.
"Alessandro." Tinawag ko siya sa kanyang pangalan sa unang pagkakataon. "Kailangan nating mag-usap."
Tumingin siya sa akin, at sa paraan niya ng pagtayo, alam kong alam na niya ang dala ko bago ko pa ito ipakita.
Inilapag ko ang papel sa kanyang mesa. "Ang tulay sa Nueva Ecija. Ang auditor na sinubukang ilantad ang katiwalian." Hindi ko na kayang itago ang panginginig sa aking boses. "Si Tatay iyon, hindi ba?"
Hindi siya agad sumagot. Naglakad siya papunta sa bintana, tumalikod sa akin, ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng frame.
"Oo," sabi niya "Si Rafael Villareal, ang tatay mo, ang tumuklas sa katiwalian."
"At ang kumpanya ninyo --- ang tatay mo —ang responsable sa pagsira ng buhay namin?"
Lumingon siya sa akin, at sa kanyang mukha, hindi ko nakita ang pagtanggi na inaasahan ko. "Iyan ang gusto kong ipaliwanag sa'yo, ngunit hindi pa oras."
"Hindi pa oras?" Halos hindi ko na mapigilan ang aking galit, pinaghalo ng sakit at pagkalito. "Alessandro, buong buhay namin sinira nito. Anim na taong gulang lang ako nang mawalan ng trabaho si Tatay. Anim na taon kaming nahirapan, hindi namin alam kung bakit. At ngayon, matatanggap ko lang na 'hindi pa oras'?"
Lumapit siya sa aking nang dahan-dahan, na parang natatakot na tatakbo ako kung masyado siyang magmadali. "Mira, hindi si Papa ang gumawa ng masama."
"Kung gayon, sino?"
Tumigil siya, ang kanyang mga mata'y puno ng isang bagay na parang matagal na niyang binubuhat nang mag-isa.
"May ibang tao. Malapit sa pamilya namin. Kung sasabihin ko sa'yo ngayon kung sino, malalagay ka sa panganib."
"Mas nasa panganib ako ngayon dahil hindi ko alam ang panganib na maaring makapahamak sa akin sa hinaharap" Hinawakan ko ang kanyang braso, pinilit siyang tumingin sa akin nang deretso. "Ilang beses mo pa ba akong pananatilihing bulag, dahil lang sa akala mong pinoprotektahan mo ako?"
Tumigil siya, at sa unang pagkakataon, nakita kong bumigay ang kontrol niya --- hindi sa galit, kundi sa isang bagay na mas malapit sa lungkot.
"Hindi ako sanay dito," bulong niya. "Sa pakikipag-usap. Sa pagsasabi ng totoo sa isang taong may kapangyarihang saktan ako pabalik."
Kumirot ang dibdib ko sa katapatan ng pag-amin niya. Sa unang pagkakataon, hindi ko na siya nakita bilang ang malamig na CEOna kilala ng buong Ortigas -- nakita ko ang isang lalaking, tulad ko ay natatakot din pala.
"Kapatid ni Papa," at sa wakas ay nasabi nya. "Si Tito Renato. Siya ang nagtago sa katiwalian, at siya rin, sa palagay ko, ang dahilan kung bakit namatay si Papa isang buwan bago pa niya maitama ang lahat."
Napahinga ako nang malalim, ang lahat ng piraso ng impormasyon ay unti-unting nag dudugtong patungo sa mas malaking larawan ng katotohanan.
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" tanong ko, lumapit ako sa kanya, at ang aming mga mukha'y ilang pulgada na lang ang layo.
"Kasi natatakot akong, kapag nalaman mo ang lahat, iiwan mo na ako." Ang boses niya'y halos bulong na lamang, ang tingin niya'y bumababa sa aking labi bago bumalik sa aking mga mata. "At hindi ko alam kung bakit, ngunit mas natatakot ako doon kaysa sa kahit anong banta ni Tito Renato."
Bago ko pa maisip ang isasagot, tumunog ang kanyang telepono. Tumingin siya sa numerong lumitaw sa screen ng kanyang telepono, at sa isang iglap, nagbago ang buong hangin sa paligid namin.
Hindi niya ito sinagot sa harap ko. Lumayo siya nang ilang hakbang, tumalikod, at sumagot nang mahina --- hindi ko na marinig kung ano ang sinasabi sa kabilang linya, tanging ang boses lamang niya ang naririnig ko, unti-unting nagiging matigas, hanggang sa tuluyan niya itong ibinaba nang walang paalam.
Nang bumalik siya sa akin, iba na ang kanyang mukha --- mula sa lalaking natatakot na maging tapat sa kanyang sarili, patungo sa lalaking sinisikap pigilan ang panginginig ng sariling mga kamay.
"Sino iyon?" tanong ko, hindi ko na kayang itago ang aking kaba.
"Wala," mabilis ang kanyang pagkakasabi. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na pinilit humingi ng katotohanan. Nakita ko na sa kanyang mukha ang lahat ng kailangan kong malaman: alam na ni Tito Renato na hinahanap na ni Alessandro ang mga sagot.
"Alessandro." Lumapit ako sa kanya, hinawakan ang kanyang kamay na malamig at nanginginig. "Ano man iyan, huwag mo akong itakwil ngayon. Hindi na ako ang batang babaeng kailangan mong protektahan sa bawat bagay."
"Kung mapatunayang totoo ang sinasabi ko sa'yo," sabi niya "mas maraming tao amg may kinalaman dito kaysa akala natin. At kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, gusto kong malaman mong hindi ka nag-iisa sa lahat ng ito."
May bagay sa paraan niya ng pagsasabi nito …. hindi utos ng isang amo, kundi pangako ng isang taong nagmamahal na nagpalambot sa aking kalooban kahit patuloy akong nanginginig.
"Kahit ano pa ang mangyari," sabi ko, "kasama mo ako rito."
Tumango siya, bahagyang ngumiti sa gitna ng kaba. "Hindi ito ang lugar para ipagpatuloy ang usapang ito," sabi niya, habang sinusulyapan ang mga dingding ng opisina, tulad ng isang taong hindi na sigurado kung sino pang nakikinig.
"Pwede ba akong pumunta sa apartment mo mamayang gabi? Doon na lang natin pag-usapan ang lahat."
Tumango ako. "Sige. Hihintayin kita."
Sandali niyang idiniin ang kanyang noo sa akin --- mabilis, banayad, tulad ng isang pangako na hindi pa niya kayang bigkasin nang malakas.
At sa unang pagkakataon, alam kong hindi lang tungkol sa nakaraan ang darating na banta , kundi tungkol na rin sa kung ano ang mangyayari sa amin, ngayong nasa gitna na kami ng isang bagay na mas malaki kaysa sa aming dalawa.
Tatlong oras na akong naghihintay sa lobby ng Verande Tower nang biglang huminto ang lahat sa kanilang mga ginagawa.Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino ang pumasok. Naramdaman ko na ito sa paraan ng pagbabago ng hangin sa buong silid… na parang ang bawat tao ay kahit hindi tumitingin, ay bigla na lang nakaramdam ng presensyang hindi puwedeng balewalain.Pero tumingin pa rin ako.Mataas siya, mas mataas pa sa palagay ko batay sa mga larawan niya sa Forbes na nakita ko noong nag-research ako bago pumunta rito. Nakasuot ng itim na suit, na parang ginawa mismo para sa kanya -- eksakto, walang sobra, walang kulang, tulad ng buong pagkatao niya. Hindi siya nagmamadali kahit alam kong may pupuntahan siyang meeting. Naglalakad siyang parang oras mismo ang naghihintay sa kanya.Si Alessandro Verande.Hindi ko dapat siya tinitigan nang ganito katagal. Pero may kakaiba sa paraan niya ng paglalakad na tila parang may hinahanap. At bago ko pa maiwasan, tumigil ang kanyang mga
Labinlimang pahina ang kasunduan.Binasa ko ito nang tatlong beses sa loob ng maliit na conferrence-room na inalok niya sa akin, habang siya mismo ay nasa kabilang silid.Bawat pahina ay may bagong bagay na nagpapataas ng kaba ko.Sahod: apat na beses ng inaasahan kong sahod.Tirahan: libreng apartment unit sa gusaling pag-aari ng Verande Group. Kundisyon Blg. 7: hindi maaaring magbitiw ang empleyado sa loob ng labindalawang buwan.Ngunit ang pinakanakakabahala:Kundisyon Blg. 12: hindi papayagang magtanong o mag-imbestiga ang empleyado tungkol sa personal na buhay, pamilya, o nakaraan ni Alessandro Verande.Binasa ko ito nang paulit-ulit, parang aasa akong magbabago ang mga salita kapag mas matagal ko itong titingnan. Hindi ito karaniwang kasunduan sa trabaho. Ito’y parang isang pananggalang. Parang gustong protektahan ni Alessandro ang sarili niya mula sa kung sino man ako.Bumukas ang pinto. Pumasok siya nang walang katok, tulad ng inaasahan ko sa isang taong sanay laging pinaghih
(Makalipas ang tatlong linggo)Hindi ko na pilit tinanong ang tungkol sa larawan.Tatlong linggo na akong nagtatrabaho bilang personal secretary ni Alessandro Verande, at sa tatlong linggong iyon, natutunan kong mayroon siyang paraan ng pag-iwas sa mga tanong na hindi siya komportableng pag-usapan, at babaguhin lang niya ang paksa nang napaka-natural, halos hindi mo mapapansin hangga't hindi mo na-realize na wala ka pa ring sagot.Ngunit hindi ko ito kinalimutan. Lalo na tuwing hahawakan ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg, pakiramdam ko'y may mata siyang laging naka masid rito."Villareal." Boses niya mula sa likod ko, sa loob ng aklatan ng bahay niya sa Forbes Park --- kakaunti lang ang alam kong empleyado ang pumapasok dito. "Naibigay mo na ba 'yung quarterly report ng Cebu branch?""Opo. Nasa mesa n'yo na." Itinigil ko ang pagsasaayos ng mga dokumento at lumingon.Pero may napansin akong kakaiba sa mga numero.” Yung inilaan para sa pondo sa community relations na halos trip
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon."Matagal ko nang alam kung sino ka bago ka pa man pumasok sa buildini ko."Umikot ang mga salitang iyon sa isip ko nang paulit-ulit, kasabay ng larawan ng lumang bahay namin sa kanyang telepono. Bago ko pa masagot, may tumawag sa kanya tungkol sa isang proyekto sa Batangas, at kailangan niyang umalis, iniwan akong may mas maraming tanong kaysa dati.Kaya ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko: hinanap ko ang katotohanan mismo.Naghanap ako gamit ang aking telepono ng lumang balita tungkol sa proyekto ng Verande Group malapit sa aming dating tirahan sa Nueva Ecija. Halos hatinggabi na nang makita ko ang unang resulta … isang lumang talaan mula sa isang lokal na peryodiko, may petsang labing-anim na taon na ang nakalipas."TULAY SA BRGY. VILLAREAL, GUMUHO. TATLO ANG NASAWI."Nanlamig ang buong katawan ko sa pagbasa ng pangalan ng barangay na may ilang minutong lakad lamang mula sa dating bahay namin.Binasa ko ang buong artikulo: sub-standard mat
Sa Paupahan ni Mira — Gabi ng Parehong ArawDumating siya sandaling matapos lumubog ang araw na tulad ng ipinangako niya.Hindi kami nakatulog nang gabing iyon.Nanatili kami sa maliit kong balkonahe. Habang ang lungsod sa ibaba'y unti-unting natutulog, kami naman ay parehong gising, magkahawak-kamay, hinihintay kung ano pa ang susunod na problema at katotohanan ang darating na makakapag-pabagabag sa amin.""Sabihin mo na sa akin ang lahat, Alessandro," sabi ko sa gitna ng aming katahimikan, hindi na kaya ng aking mga tuhod ang patuloy na katahimikan."Ngayon na. Wala nang lihim."Umupo siya nang mas malapit sa akin, kasunod ay paghinga ng malalim, tulad ng isang taong sa wakas ay pinapalaya ang isang bigat na matagal na niyang binubuhat."Namatay si Lolo Emilio dalawang taon lang ang nakalipas,""Bago siya pumanaw, ipinatawag niya ako at ibinunyag ang lahat --- ang tungkol sa tulay, sa pagtatago ni Tito Renato, sa kamatayan ni Papa na hindi talaga aksidente."Tumigil siya, mahirap h







