تسجيل الدخولMasakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.
Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit pa pero wala na siyang pakialam. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Tumigil ang mundo at tumigil ang lahat.
Maliban sa sakit na patuloy na lumalamon sa kanya. Nasa tabi pa rin niya ang cellphone ni Adrian. Naka-on pa rin ang screen nito. At naroon pa rin ang mga mensaheng paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya.
"I miss you already."
"Last night was perfect."
"When are you telling your wife?"
Asawa.
Hindi Sophia. Hindi ang pangalan niya. Kundi asawa. Parang isa na lang siyang balakid sa buhay ng dalawa. Parang isang problemang kailangang alisin.
Napapikit siya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang katotohanang niloko siya ni Adrian o ang katotohanang matagal na pala itong nangyayari. Dahil hindi isang gabing pagkakamali ang nababasa niya. Hindi isang aksidenteng desisyon. Hindi isang impulsive na pagkakamali.
Mabagal niyang inilapag ang cellphone sa mesa. Ayaw na niyang magbasa pa. Ayaw na niyang makakita ng mas marami pang detalye. Dahil sapat na ang nakita niya para wasakin ang lahat.
Tumayo siya at habang nakatingin sa opisina ng asawa niya, biglang bumalik sa kanya ang mga alaala.
Mga alaalang dati ay nagpapangiti sa kanya. Ngayon, nagpapaiyak na lang.
—
Pitong taon na ang nakalipas. Bagong kasal pa lamang sila noon. Nakatira pa sa maliit na condominium unit.
Wala pang mansyon. Wala pang luxury cars. Wala pang milyon-milyong kontrata.
Pero masaya sila. Sobrang saya.
Naalala niya kung paano siya niyayakap ni Adrian habang nagluluto siya. Kung paano ito nagpapanggap na hindi marunong para lang mapatawa siya. Kung paano ito nagsasabing hindi kumpleto ang araw nito kapag hindi siya nakikita.
Noong panahong iyon, si Sophia ang sentro ng mundo ni Adrian. At si Adrian naman ang buong mundo niya. Ngunit nagbago ang lahat nang magsimulang lumaki ang kumpanya nito.
Noong una, naiintindihan niya. Mas maraming meetings. Mas maraming business trips. Mas maraming responsibilidad. Normal iyon. Sinusuportahan niya ito. Ipinagmamalaki pa nga niya eh. Ngunit habang tumataas ang tagumpay ni Adrian ay unti-unti rin itong lumalayo.
Nabawasan ang mga date nights nila, nabawasan ang mga tawag at nabawasan ang mga yakap. Hanggang sa isang araw ay parang wala na talaga. Hindi niya napansin kung kailan eksaktong nangyari.
Dahan-dahan kasing nawala at paunti-unti. Parang kandilang unti-unting nauubos ang apoy. Hanggang sa magising na lamang siya isang araw at maramdamang mag-isa na siya sa sarili niyang marriage.
Napamulat si Sophia. Mas masakit pala kapag binalikan mo ang masasayang alaala. Dahil mas lalo mong naiisip kung gaano kalaki ang nawala. Biglang may tumunog na makina sa driveway. Pamilyar na tunog iyon sa kaniyang tainga. Kotse ni Adrian ang dumating kaya agad siyang natigilan. Napatitig siya sa pinto. Bumalik na ang asawa niya.
At sa unang pagkakataon matapos niyang malaman ang katotohanan ay hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hindi niya alam kung kaya niyang magpanggap.
Hindi niya alam kung kaya niyang tumingin sa mukha nito nang hindi naiisip ang ibang babae. Narinig niya ang pagbukas ng front door. Kasunod noon ang mga yabag papalapit.
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi. Ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Ayaw niyang ibigay ang kasiyahang iyon.
Makalipas ang ilang segundo ay lumitaw si Adrian sa pinto ng opisina.
Agad itong natigilan nang makita siya.
"Soph?"
Napatingin ito sa kanya. Pagkatapos ay sa cellphone sa mesa. At doon bahagyang nagbago ang kulay ng mukha nito. Para itong nanlamig, nanigas at agad itong natahimik. At sa katahimikang iyon ay nakuha na ni Sophia ang kumpirmasyong kailangan niya. Alam ni Adrian. Alam nitong nahuli na siya.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya dito. Mahina lang ang pagkasabi niya pero puno ng sakit ang bawat salita.
Hindi agad sumagot si Adrian.
"Sophia..."
Napatawa siya nang mapait.
"'Sophia' lang?"
Humigpit ang panga ng lalaki. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya at mas lalo iyong masakit dahil ang isang inosenteng tao ay lumalaban. Ang inosenteng tao ay nagpapaliwanag at ipagtatanggol ang sarili.
Pero si Adrian ay tumahimik at halata talagang guilty.
"How long?" tanong niya.
Nanatiling tahimik ang lalaki.
"How long, Adrian?"
Muling bumuntong-hininga ito. At doon tuluyang nadurog ang puso niya. Dahil alam niyang hindi na nito maitatanggi.
Hindi na.
"A few months."
Pakiramdam ni Sophia ay may sumampal sa kanya. Ilang buwan? Ilang buwan siyang ginawang tanga? Ilang buwan siyang pinagmukhang walang alam? Ilang buwan siyang umuwing mag-isa habang may ibang babaeng naghihintay sa asawa niya?
"You're lying." Mahina ang boses niya ngunit matalim ang bawat bitaw ng salita.
Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Adrian.
"I know you, Adrian."
At muli na namang bumalot ang katahimikan.
"That wasn't a few months."
Pero hindi pa rin ito nagsalita at doon niya nakuha ang sagot.
Ang buong akala niya ay matagal pa siya bago makahanap ng evidence. Pero hindi pala. Mas mabuti na rin siguro to diba?
Tumulo muli ang luha niya. Ngunit hindi na niya ito pinunasan. Bahala na. Hayaan na niyang makita nito ang sakit. Deserve nitong makita.
"Why?"
Iyon lamang ang tanong niya. Hindi pasigaw ang tanong niya, hindi pagalit, at hiindi siya nag-hysterical. Simpleng tanong lang.
Bakit? Bakit hindi siya naging sapat? Bakit kinailangan pang humanap ng iba? Bakit sinira ang pitong taong pagsasama?
Ngunit ang sagot ni Adrian ang tuluyang nagpaguho sa natitirang bahagi ng puso niya.
Napabuntong-hininga ito. Pagkatapos ay tumingin sa kanya ng direkta. Malamig ang tingin nito na parang sinasabi nitong pagod na ito. Ni hindi man lang ito nagpakita ng emotion.
"I don't know if I love you anymore."
Parang tumigil ang mundo niya nang tuluyan. Wala nang tunog siyang naririnig. Parang pati hangin ay iniwan siya, parang pati liwanag hindi na niya makita. Ang narinig lamang ni Sophia ay ang tunog ng sariling puso niyang tuluyang nabasag.
Dahil minsan ay mas masakit pa ang katotohanan kaysa sa kasinungalingan. At sa sandaling iyon, napagtanto niya ang isang bagay.
Hindi ang affair ang sumira sa kanya. Hindi ang ibang babae. Hindi ang pagtataksil. Kundi ang katotohanang matagal nang tumigil si Adrian Gonzaga sa pagmamahal sa kanya. At siya na lamang ang hindi nakakaalam.
Sa unang pagkakataon matapos ang pitong taong pagsasama ay naramdaman ni Sophia na parang wala na siyang asawa. At marahil ay matagal na pala talaga.
Hindi na kayang maghintay ni Sophia. Tatlong araw na niyang dala-dala ang sulat. Tatlong araw na rin niyang tinititigan ang divorce papers na nasa loob ng drawer niya. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo niyang napagtatanto na wala nang dapat iligtas.Wala nang dapat pang pag-usapan. Wala nang dapat ipaglaban dahil matagal nang sumuko si Adrian. Sinayang lang nito ang mga taon na pinagsamahan nila. Ngayon, siya naman ang bibitaw.Nakatayo siya sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanilang kwarto habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad. Alas-nuwebe na ng gabi. At gaya ng nakasanayan ay wala pa rin si Adrian.Napangiti siya nang mapait. Dati, sa tuwing nahuhuli ito ng uwi, hindi siya mapakali.Ngayon? Wala na siyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam pa. Parang may bahagi ng puso niyang tuluyan nang namatay. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto sa ibaba. Kasunod noon ang mga yabag at alam niyang kay Adrian iyon.Huminga siya nang malalim. Ito na. Ito na tal
Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan ang sakit.Pero hindi pala ganoon. Dahil kahit gaano kasakit ang katotohanan ay mahal pa rin niya si Adrian. At iyon ang pinakamalaking problema. Hindi niya kailangang matutunang kalimutan ang asawa niya. Kailangan niyang matutunang bitawan ito habang mahal pa niya.Nakaupo siya ngayon sa kanyang maliit na library sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik ang paligid at naririnig lang niya ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas. Mas okay na nga rin yon para payapa ang utak niya.Sa harapan niya ay isang puting papel. At isang mamahaling fountain pen na minsang regalo sa kanya ni Adrian noong second anniversary nila.Napangiti siya nang mapait, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagawa y
Hindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang natitira niyang pag-asa."I don't know if I love you anymore."Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip niya na parang sirang plaka. Parang sumpang ayaw siyang pakawalan.Nakatitig siya kay Adrian. Sa lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay. Sa lalaking minsang nagsabing hinding-hindi siya sasaktan. Sa lalaking minsang itinuring siyang buong mundo nito.Nakakatawa.Dahil ngayon, para na lamang siyang estranghera sa mga mata nito.Napatawa siya nang mahina at napaismid siya. At doon bahagyang kumunot ang noo ni Adrian."Sophia—""Don't."Agad siyang natahimik.Unang beses yata sa buong buhay nilang mag-asawa na pinigilan niya itong magsalita. At marahil, hindi rin nito iyon inaasahan
Masakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit pa pero wala na siyang pakialam. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Tumigil ang mundo at tumigil ang lahat.Maliban sa sakit na patuloy na lumalamon sa kanya. Nasa tabi pa rin niya ang cellphone ni Adrian. Naka-on pa rin ang screen nito. At naroon pa rin ang mga mensaheng paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya."I miss you already.""Last night was perfect.""When are you telling your wife?"Asawa.Hindi Sophia. Hindi ang pangalan niya. Kundi asawa. Parang isa na lang siyang balakid sa buhay ng dalawa. Parang isang problemang kailangang alisin.Napapikit siya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang katotohanang niloko siya ni Adrian o
Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan ang paggising ni Sophia Gonzaga. Ngunit hindi dahil mahimbing ang tulog niya. Kabaligtaran mismo ang nararamdaman niya kasi halos hindi siya nakatulog buong gabi.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang binitawan niya kay Adrian."Nakakapagod ka nang mahalin."Iyon marahil ang pinakatotoong bagay na nasabi niya sa loob ng nakaraang taon. At masakit aminin na kahit totoo iyon, mahal pa rin niya ang asawa niya. Mahirap itong kalimutan at mahirap burahin ang nararamdaman niya.Mahal na mahal pa rin niya ito kahit sa gitna ng ginawa nito sa kaniya. Kaya nga mas masakit eh. Dahil hindi naman ganito nagsimula ang lahat.Noong una, si Adrian ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit sinong babae. Sweet kasi ito, maalaga, mapagmahal at laging inuuna ang asawa. Ngunit habang lumalaki ang kumpanya nito, unti-unti rin itong nagbago.Hanggang sa isang araw, nagising na lamang si Sophia na parang hindi na niya kilala ang lalaking katabi niya s
Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sabay silang maghapunan ng asawa niya.Pero gaya ng nakasanayan, wala na namang Adrian. Hindi na naman umuwi ng maaga ang asawa niya. At parang ang ending na naman nito ay kakainin niyang mag-isa ang hinanda niya. Sabagay, lumamig na eh.Napabuntong-hininga siya habang sinusulyapan ang oras sa wall clock. Parang pati tunog ng orasan ay alam kung gaano kalamig ang nararamdaman niya.10:07 PM.Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi na niya mabilang.Noong una, nag-aalala pa siya. Tawag nang tawag at text nang text pa siya non kay Adrian. Naghihintay hanggang madaling-araw para lang matiyak na ligtas itong nakauwi. Kasi syempre, asawa niya eh.Pero kalaunan, napagod din siya.Dahil sa tuwing mag







