Home / Romance / The Husband Who Wakes Up Loving Me / Chapter 2: The Other Woman

Share

Chapter 2: The Other Woman

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-06-08 22:45:37

Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan ang paggising ni Sophia Gonzaga. Ngunit hindi dahil mahimbing ang tulog niya. Kabaligtaran mismo ang nararamdaman niya kasi halos hindi siya nakatulog buong gabi.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang binitawan niya kay Adrian.

"Nakakapagod ka nang mahalin."

Iyon marahil ang pinakatotoong bagay na nasabi niya sa loob ng nakaraang taon. At masakit aminin na kahit totoo iyon, mahal pa rin niya ang asawa niya. Mahirap itong kalimutan at mahirap burahin ang nararamdaman niya.

Mahal na mahal pa rin niya ito kahit sa gitna ng ginawa nito sa kaniya. Kaya nga mas masakit eh. Dahil hindi naman ganito nagsimula ang lahat.

Noong una, si Adrian ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit sinong babae. Sweet kasi ito, maalaga, mapagmahal at laging inuuna ang asawa. Ngunit habang lumalaki ang kumpanya nito, unti-unti rin itong nagbago.

Hanggang sa isang araw, nagising na lamang si Sophia na parang hindi na niya kilala ang lalaking katabi niya sa kama.

Napabuntong-hininga siya habang nagtitimpla ng kape. Masyadong tahimik ang bahay niya ngayon. Wala na naman si Adrian. Hindi na bago iyon. Madalas na itong umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

Ipinikit niya sandali ang mga mata. Dati, sinusundan pa niya ito. Tinatanong kung saan pupunta. Kung kailan ito uuwi. Pero ngayon? Wala na siyang lakas na magtanong pa dito.

Bigla niyang narinig ang tunog ng cellphone niya. Tumunog ang pangalan ng matalik niyang kaibigan.

Mia.

Agad niya itong sinagot.

"Hello?"

"Soph..."

Kaagad niyang napansin ang kakaibang tono sa boses ng kaibigan. Parang may gustong sabihin kaso parang nag-aalinlangan.

"Ano iyon?" tanong niya.

Tahimik muna sa kabilang linya.

"Nasaan ka?"

"Nasa bahay."

"Mag-isa?"

Napakunot-noo siya. "Oo. Bakit?"

Muling tumahimik si Mia. At doon nagsimulang kabahan si Sophia.

"Mia."

"Promise mo muna na kakalma ka ha?"

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit. Pero pakiramdam niya may mali. May napakalaking mali. At kung ano man yon, wala siyang idea.

"Mia, sabihin mo na."

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kaibigan.

"Soph, kasi ano… Nakita ko si Adrian kagabi."

Nanigas siya nang tuluyan. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya. Hindi naman bago iyon. Marami nang nakakita kay Adrian kung saan-saan.

Pero may kakaiba sa boses ni Mia. At alam niyang hindi lang iyon ang sasabihin nito.

"Saan?” Halos pabulong niyang tanong sa kaibigan.

"Sa Grand Meridian Hotel."

Napalunok siya. Isa iyon sa mga pinakasikat na luxury hotel sa siyudad nila. At ni minsan ay hindi pa siya dinala ng asawa niya doon.

"Ano'ng ginagawa niya don?"

Muling natahimik si Mia. At doon tuluyang lumubog ang sikmura niya. Dahil alam na niya ang sagot kaso ayaw lang niyang marinig.

"May kasama siya."

Parang may humigpit sa dibdib niya. Mahigpit na mahigpit. Masakit na masakit at nakakasakal.

Hindi agad siya nakapagsalita. Narinig niya ang sariling paghinga. Narinig niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. At narinig niya ang basag na bahagi ng puso niyang pilit pa ring umaasang mali ang lahat.

"Sino?" Halos hindi lumabas ang boses niya.

"Hindi ko kilala eh."

Napapikit siya kaso hindi sapat iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Kailangan niyang malaman. Kailangan niyang makita. Kailangan niyang masigurado. Dahil baka naman mali lang diba? Baka naman business meeting. Baka naman empleyado lang nito ang kasama nito.

Baka naman—

"Magkahawak sila ng kamay, Soph."

At sa isang iglap ay nawasak ang lahat ng dahilan na pilit niyang binubuo sa isip niya.

Tumulo ang luha sa pisngi niya, hindi na niya napigilan. Hanggang ang isang luha ay nadagdagan ng isa, at nadagdagan pa ng isa. Hanggang sa hindi na niya mabilang.

Basang-basa na ang pisngi niya nang hindi na niya namamalayan.

"Soph..."

Hindi siya sumagot. Hindi na niya kayang marinig ang kung ano pang sasabihin ni Mia. Pakiramdam niya ay diin na diin ang bawat salita nito sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay unti-unting gumuho ang mundo niya. Dahil kahit ilang beses niyang pinaghinalaan si Adrian ay iba pa rin kapag may ibang taong nagkumpirma nito.

Iba pa rin kapag totoo na.

"I'm sorry."

Ngunit wala nang saysay ang salitang iyon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.

Pagkatapos ng tawag, matagal na nakaupo si Sophia sa kusina. Tahimik lang siya at nakatulala. Walang emosyon na makikita sa mukha niya. Minsan kasi, kapag sobra na ang sakit, hindi ka na umiiyak. Nanginginig ka na lang at iyon ang nararamdaman niya ngayon.

Hanggang sa may isang bagay na naalala niya. Mabagal siyang tumayo at naglakad siya papunta sa home office ni Adrian.

Matagal na niyang iniiwasang pumasok doon. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang karapatan. Parang may mga bahagi na ng buhay ng asawa niya na hindi na para sa kanya.

Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Tahimik ang opisina pero malinis iyon at organized talaga. Kasing organized sa lalaking may-ari nito. Lumapit siya sa mesa at doon niya napansin ang cellphone na nakapatong doon. Hindi iyon ang regular na gamit ni Adrian. Isa iyong mas lumang model ng cellphone. At tila naiwan lamang ito doon.

Napakunot-noo siya. Mabagal niya iyong kinuha. At nang maopen niya ang screen ay manlaki ang mga mata niya. Hindi ito naka-lock at sa mismong screen ay may notification.

Isang message mula sa isang babaeng naka-save bilang:

Ava ❤️

Parang tumigil ang mundo niya at hindi na siya makahinga. Hindi na rin siya makagalaw. Nanginginig ang mga daliri niyang pinindot ang screen. At doon bumungad ang mga mensaheng hindi na sana niya kailanman nakita.

"I miss you already."

"Last night was perfect."

"When are you telling your wife?"

Pakiramdam ni Sophia ay may humawak sa puso niya at marahas itong piniga nang paulit-ulit. Hanggang sa wala nang natira.

Tumulo ang luha niya sa screen nang hindi niya namalayan. Hindi niya napigilan sa pagtulo ang luha niya.

Dahil sa wakas ay naroon na ang katotohanang matagal na niyang kinatatakutan. Hindi na ito hinala. Hindi na ito kutob. Hindi na ito tsismis, pawang katotohanan na.

May ibang babae ang asawa niya. At mas masakit pa roon ay mukhang matagal na itong nangyayari. Napahawak siya sa bibig upang pigilan ang hikbi pero nabigo siya. Tuluyan siyang napaupo sa sahig at niyakap ang sarili at doon siya umiyak.

Habang sa kabilang bahagi ng siyudad, walang kamalay-malay si Adrian na natuklasan na ng asawa niya ang lihim na matagal nitong itinago. At hindi rin nito alam na sa araw na iyon ay may isang pusong tuluyan nang nadurog dahil sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Special Chapter: Daddy Needs Help Too

    Kung may magsasabi kay Sophia noon na darating ang araw na si Adrian ang halos himatayin sa delivery room habang siya ang manganganak, hindi siya maniniwala.Pero heto sila ngayon at mukhang iyon mismo ang nangyayari. Parang mas stress pa ito sa kaniya."A-Adrian..."Napahawak si Sophia sa tiyan niya kasabay noon ay ang panibagong contraction. Napapikit siya sa sakit at napakapit sa countertop ng kusina at pilit na huminga.Nagawa na niyang magbilang ng hanggang sampu pero hindi talaga nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Mas lalo pa ngang naging masakit. Dios ko po, mahabagin! Sobrang sakit talaga at para na siyang hihimatayin.Mabilis siyang napamulat nang marinig ang kalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nahulog ang hawak na baso ni Adrian sa sahig. Nabasag iyon. At ang asawa niya?Mukhang mas maputla pa sa multo. Kahit sobrang sakit ng tiyan niya ay nagawa pa niyang sapuhin ang kaniyang noo. Nagawa pa talaga nitong mambasag ng baso. Lagot talaga sa kaniya ang lalaking yo

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Special Chapter: Our Little Miracle

    Minsan talaga...Dumadating ang kaligayahan sa oras na hindi mo na ito hinahabol. Dumarating ang kaligayahan sa mga oras na hindi mo iniisip at dumarating sa mga oras na hindi mo inaasahan. At aminin man niya o sa hindi, gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi iyon agad naintindihan ni Sophia noon.Sa loob ng maraming taon ay pakiramdam niya ay palagi siyang may ipinaglalaban. Pinaglalabas niya palagi ang pagmamahal, pagtitiwala, ang kasal nila, ang pamilya niya at higit sa lahat, si Adrian. Ilang beses niyang pinaglaban yon, hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na eh. Naka unli subscription yata ang asawa niya at hindi niya mapigilan na ipaglaban ito palagi.May mga panahong akala niya ay wala nang magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng sakit na pinagdaanam May mga gabing umiiyak siya habang iniisip kung magiging sapat ba siya. Kung darating ba ang araw na magiging masaya silang dalawa. Kung magkakaroon pa ba sila ng pagkakataong mabuo muli.Ngunit heto siya ngayon, t

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 44: Wedding

    Hindi alam ni Sophia kung gaano siya katagal na nakatayo roon at nakatingin kay Adrian. Nakatingin silang pareho sa divorce papers. Nakikinig sa mabilis na tibok ng sarili niyang puso. At kapag dumadapo ang paningin niya sa divorce paper ay umiinit ang ulo niya. Parang gusto na lang niyang sunugin iyon.Tuwing naiisip niya na Isang pirma na lang ay tuluyan nang magbabago ang lahat. Hindi niya kakayanin. Parang mababaliw siya kakaisip.Tahimik pa ring nakatayo si Adrian sa harapan niya at hindi ito nagsasalita. Dahan-dahan siyang napangiti.Hindi niya hahayaan na masira ang kasal nila dahil lang sa papel na yan.Dahan-dahan niyang kinuha ang papel at napapailing siya."Sophia..."Ngunit hindi na niya ito pinatapos. Nanginginig ang mga kamay niyang hinawakan ang unang pahina. Pagkatapos second page at ang last page non. At bago pa man maintindihan ni Adrian ang ginagawa niya ay pinunit niya ang papel.Nanlaki ang mga mata ni Adrian nang hindi siya tumigil. Hanggang sa tuluyan niyang ma

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 43: One Last Promise

    Hindi agad nakasagot si Sophia. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gitna ng sala. Nakahawak pa rin siya sa divorce papers na hindi niya alam kung dapat ba niyang punitin o hindi.Habang si Adrian ay nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kaniya at hindi rin ito nagsasalita pagkatapos nitong sabihin ang lahat ng hinanakit nito.Pareho silang tahimik ngunit ang katahimikan na iyon ay mas maingay pa sa anumang sigawan. Ito yong katahimikan na aayawan mong maranasan.Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Gusto niyang magmakaawa dito, gusto niyang sabihin na ipaglaban naman nila ang relasyon nila. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang pakawalan siya nito. Gusto niyang hawakan siya nito at hindi sagot ang divorce sa mga problema nila.Oo, nasaktan din siya noon at mali na hindi niya ito pinaglaban. Mali na kailangan pang may mangyari para mabalik ang pagmamahalan nila. Siguro ganon lang ang tadhana makipaglaro diba? Na hindi naman kailangan sa isang relasyon puro masaya lang. Ganon naman sigu

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 42: "...then sign them."

    Hindi agad nagsalita si Adrian. Nanatili lamang itong nakatayo malapit sa pintuan at ang tahimik pa rin nito. Parang takot na takot na baka isang maling salita lang ang sabihin nito ay tuluyan nang mabasag ang kung anumang natitira sa pagitan nilang dalawa.Samantalang si Sophia ay nanatiling nakaupo sa sofa. Ang divorce papers ay nakalatag pa rin sa kandungan niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. At kahit anong pilit niyang pakalmahin ang sarili ay hindi niya magawa. Dahil pakiramdam niya ay unti-unting dumudulas sa mga daliri niya ang buhay na nakasanayan niya.Sa wakas ay huminga nang malalim si Adrian at pagkatapos ay bahagyang tumango. Parang may pinipilit tanggapin at parang may pinipilit lunukin."Napirmahan mo na ba?" Walang buhay ang boses nitong tanong sa kaniya na hindi niya sinagot.Tiningnan niya lang ito at ni isang ngiti ay wala siyang nakita. Walang sigla ang mga mata nito ni walang emosyon. Pero iyon ang mas nakasakit dahil kilala niya si Adrian. At alam niyang

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 41: Petition

    Tanghali na nang araw na iyon at sobrang tahimik ang buong bahay. Nasa sala si Sophia at may hawak na pocketbook. Nakabukas ang pocketbook niya pero halos sampung minuto nang hindi siya nakakalipat ng pahina. Paulit-ulit lang siyang nakatitig sa parehong line ng pocketbook niya at hindi siya makapag-concentrate. Hindi mapakali ang buong utak niya dahil ang daming tumatakbo non at hindi na niya maintindihan!Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya at napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan sa tunog na yon. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita na message iyon galing sa secretary ni Adrian."Good afternoon, Ma'am Sophia. Sir Adrian asked me to personally deliver something to you."Kumunot ang noo niya. May ipapadala? Bakit hindi na lang ibinigay ni Adrian mismo?Bago pa siya makapag-reply ay tumunog ang doorbell. Bahagyang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero biglang may kung anong malamig na gumapang sa kaniyang batok.Unti

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 5: The Goodbye Letter

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan an

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 4: Choosing Herself

    Hindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang nati

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 3: Broken Promises

    Masakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit p

  • The Husband Who Wakes Up Loving Me   Chapter 1: The Last Straw

    Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status