تسجيل الدخول
Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.
Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sabay silang maghapunan ng asawa niya.
Pero gaya ng nakasanayan, wala na namang Adrian. Hindi na naman umuwi ng maaga ang asawa niya. At parang ang ending na naman nito ay kakainin niyang mag-isa ang hinanda niya. Sabagay, lumamig na eh.
Napabuntong-hininga siya habang sinusulyapan ang oras sa wall clock. Parang pati tunog ng orasan ay alam kung gaano kalamig ang nararamdaman niya.
10:07 PM.
Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi na niya mabilang.
Noong una, nag-aalala pa siya. Tawag nang tawag at text nang text pa siya non kay Adrian. Naghihintay hanggang madaling-araw para lang matiyak na ligtas itong nakauwi. Kasi syempre, asawa niya eh.
Pero kalaunan, napagod din siya.
Dahil sa tuwing mag-aalala siya, iisa lang ang isasagot ni Adrian sa kaniya.
"I'm busy."
"May meeting."
"Stop acting like a child, Sophia."
Unti-unting namatay ang bahagi ng puso niya sa tuwing maririnig niya iyon. Parang balewala lang dito ang pag-aalala niya. Balewala lang dito ang oras na ginugol niya.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagsimulang ligpitin ang pagkain. Malamig na rin naman. Wala nang saysay ang paghihintay niya.
Bigla niyang narinig ang pagbukas ng malaking pinto sa sala.
Napahinto siya. Dumating na rin sa wakas.
Narinig niya ang mabibigat na yabag ni Adrian papasok ng bahay. Dating-rati, tumatakbo pa siya para salubungin ito.
Pero ngayon? Nanatili lang siyang nakatayo. Wala nang excitement. Wala nang kilig siyang nararamdaman puro pagod na lang.
Makalipas ang ilang segundo ay lumitaw si Adrian sa dining area.
Naka-black suit pa rin ito. Bahagyang nakaluwag ang necktie at mukhang pagod galing trabaho. Pero kahit ganon ay napakaguwapo pa rin.
Iyon ang masakit.
Kahit ilang beses siyang nasaktan nito, hindi pa rin niya maikakailang mahal na mahal niya ang lalaking ito o marahil ay mahal pa rin niya ang lalaking dati nitong pagkatao.
"You're still awake?" tanong ni Adrian habang inaalis ang relo sa pulsuhan.
Napangiti si Sophia. Pero hindi iyon masayang ngiti. May halong inis, halong pait, at halong galit na hindi niya maintindihan.
"Talaga?" mahinang tanong niya. "That's the first thing you're going to say?"
Napatingin sa kanya si Adrian at agad niyang napansin ang iritasyon sa mukha nito.
"Pagod ako, Sophia."
Napatawa siya nang mahina. "Of course."
Tahimik silang nagkatitigan. Minsan, sapat na ang tinginan nila para magkaintindihan.
Ngayon, para silang dalawang estrangherong pinilit lang magsama sa iisang bahay.
"Nag-dinner ka na?" tanong niya.
"Yeah."
Parang may humigpit sa dibdib niya. "Kasama siya?"
Parang lumamig ang hangin na dumampi sa balat niya. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ni Adrian.
"Sophia."
"It’s just a simple question."
Hindi ito agad sumagot. At sa katahimikang iyon ay nakuha na niya ang sagot.
Napailing siya. Masakit pa rin pala. Akala niya nasanay na siya pero hindi pa pala.
"Unbelievable," bulong niya.
"Sophia, ayoko ng away."
Napatingin siya rito. "Ayoko rin, sinabi ko bang gusto ko?"
At iyon ang totoo. Pagod na pagod na siyang makipag-away. Pagod na siyang umiyak. Pagod na siyang maghabol. Pagod na siyang maging asawa ng lalaking hindi na siya pinipili.
"Ano bang gusto mong mangyari?" tanong ni Adrian.
Napatawa siya. Hindi dahil nakakatawa. Kundi dahil nakakalungkot.
"Ako pa talaga ang tatanungin mo niyan?"
"Because nothing I do is ever enough for you."
Parang may sumabog sa loob ng dibdib niya. Hindi sapat? Talaga?
Pitong taon niyang inuna ang lalaking ito. Pitong taon niyang sinuportahan ang bawat pangarap nito. Pitong taon niyang minahal kahit paulit-ulit siyang nasasaktan. At siya pa ang hindi makuntento?
"Dahil hindi sapat?" mahinang ulit niya.
Tumahimik si Adrian at lumapit siya rito nang unti-unti. Dahan-dahan niyang hinakbang ang agwat nilang dalawa. Hanggang ilang hakbang na lang ang pagitan nila.
"Nong nagsimula ka bang magsinungaling sa akin, hindi sapat iyon?"
"Stop."
"Nong pinili mo siyang kasama sa halip na umuwi sa asawa mo, hindi sapat iyon?"
"Sophia."
"Nong paulit-ulit mong pinaramdam sa akin na wala na akong halaga sa buhay mo, hindi pa rin sapat?"
Humigpit ang panga ni Adrian. Kitang-kita niyang napipikon na ito. Pero sa pagkakataong ito, wala na siyang pakialam.
Matagal na siyang nanahimik. Matagal na siyang nagtiis. Ngayon, gusto niyang marinig ni Adrian ang sakit na matagal niyang kinikimkim.
"Ano bang gusto mo sa akin?" tanong niya.
Bumalot ang katahimikan sa kanila kasi pati si Adrian ay hindi sinagot ang tanong niya.
"Wala na akong maibigay, Adrian."
Parang unang pagkakataon niyang sinabi iyon nang malakas. At nang marinig niya mismo ang sarili niyang salita ay may kung anong nabasag sa loob niya.
Hindi galit. Hindi poot. Kundi pagod.
Matinding pagod.
Napahawak siya sa gilid ng mesa nang bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Hindi dahil sa away kundi dahil sa katotohanang matagal na niyang alam.
Tapos na sila. Matagal nang tapos kaso ayaw lang niyang tanggapin.
"Sophia..."
Ngunit umiling siya. "Wag na."
Napakunot-noo si Adrian. "Wag na ang ano?"
Napatingin siya rito nang matagal at hindi niya binuka ang bibig para magsalita. Parang sinusubukan niyang hanapin ang lalaking minahal niya noon. Ang lalaking nangakong hindi siya sasaktan.
Ang lalaking nagsabing siya lang ang mamahalin nito habambuhay. Pero wala na iyon. Matagal nang nawala.
"Nakakapagod ka nang mahalin."
Nanlaki ang mga mata ni Adrian. At sa unang pagkakataon sa loob ng maraming buwan ay nakita niya itong walang maisagot.
Tumulo ang isang luha sa pisngi niya at mabilis niya iyong pinunasan. Ayaw niyang makita nito. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan nito.
Hindi na. Hindi pagkatapos ng lahat.
"Dapat matagal ko nang sinabi iyon."
Tahimik pa rin si Adrian at marahil iyon ang pinakamasakit.
Wala itong sinabi, ni hindi niya makitaan ng kung anomang pagtutol. Ni hindi man lang nito magawang humingi ng tawad. Parang wala na talaga itong pakialam sa pagsasama nila.
At doon tuluyang namatay ang huling piraso ng pag-asa sa puso ni Sophia.
Tumalikod siya nang dahan-dahan. Pakiramdam niya ay may libo-libong karayom na tumutusok sa dibdib niya sa bawat hakbang.
Pero ipinagpatuloy niya dahil kung hihinto siya ngayon ay baka bumigay na naman siya. Baka patawarin na naman niya ito. Baka umasa na naman siya. At pagod na pagod na siyang umasa.
Pagdating sa hagdanan, huminto siya sandali pero uindi siya lumingon. Iyon ang bagay na hinding-hindi na niya gagawin.
Hindi na.
"Good night, Adrian." Aniya sa mahina at malamig na boses na parang nakikipag-usap lang siya sa isang estranghero.
At sa unang pagkakataon matapos ang pitong taong pagsasama nila ay wala siyang narinig na tugon mula sa asawa niya.
Sa loob ng tahimik na bahay na iyon, wala ni isa sa kanilang dalawa ang nakakaalam na ilang araw na lang ay magbabago ang lahat.
At ang paalam na matagal nang hinihintay ni Sophia ay hindi matutuloy sa paraang inaasahan niya.
Hindi na kayang maghintay ni Sophia. Tatlong araw na niyang dala-dala ang sulat. Tatlong araw na rin niyang tinititigan ang divorce papers na nasa loob ng drawer niya. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo niyang napagtatanto na wala nang dapat iligtas.Wala nang dapat pang pag-usapan. Wala nang dapat ipaglaban dahil matagal nang sumuko si Adrian. Sinayang lang nito ang mga taon na pinagsamahan nila. Ngayon, siya naman ang bibitaw.Nakatayo siya sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanilang kwarto habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad. Alas-nuwebe na ng gabi. At gaya ng nakasanayan ay wala pa rin si Adrian.Napangiti siya nang mapait. Dati, sa tuwing nahuhuli ito ng uwi, hindi siya mapakali.Ngayon? Wala na siyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam pa. Parang may bahagi ng puso niyang tuluyan nang namatay. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto sa ibaba. Kasunod noon ang mga yabag at alam niyang kay Adrian iyon.Huminga siya nang malalim. Ito na. Ito na tal
Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan ang sakit.Pero hindi pala ganoon. Dahil kahit gaano kasakit ang katotohanan ay mahal pa rin niya si Adrian. At iyon ang pinakamalaking problema. Hindi niya kailangang matutunang kalimutan ang asawa niya. Kailangan niyang matutunang bitawan ito habang mahal pa niya.Nakaupo siya ngayon sa kanyang maliit na library sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik ang paligid at naririnig lang niya ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas. Mas okay na nga rin yon para payapa ang utak niya.Sa harapan niya ay isang puting papel. At isang mamahaling fountain pen na minsang regalo sa kanya ni Adrian noong second anniversary nila.Napangiti siya nang mapait, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagawa y
Hindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang natitira niyang pag-asa."I don't know if I love you anymore."Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip niya na parang sirang plaka. Parang sumpang ayaw siyang pakawalan.Nakatitig siya kay Adrian. Sa lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay. Sa lalaking minsang nagsabing hinding-hindi siya sasaktan. Sa lalaking minsang itinuring siyang buong mundo nito.Nakakatawa.Dahil ngayon, para na lamang siyang estranghera sa mga mata nito.Napatawa siya nang mahina at napaismid siya. At doon bahagyang kumunot ang noo ni Adrian."Sophia—""Don't."Agad siyang natahimik.Unang beses yata sa buong buhay nilang mag-asawa na pinigilan niya itong magsalita. At marahil, hindi rin nito iyon inaasahan
Masakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit pa pero wala na siyang pakialam. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Tumigil ang mundo at tumigil ang lahat.Maliban sa sakit na patuloy na lumalamon sa kanya. Nasa tabi pa rin niya ang cellphone ni Adrian. Naka-on pa rin ang screen nito. At naroon pa rin ang mga mensaheng paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya."I miss you already.""Last night was perfect.""When are you telling your wife?"Asawa.Hindi Sophia. Hindi ang pangalan niya. Kundi asawa. Parang isa na lang siyang balakid sa buhay ng dalawa. Parang isang problemang kailangang alisin.Napapikit siya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang katotohanang niloko siya ni Adrian o
Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan ang paggising ni Sophia Gonzaga. Ngunit hindi dahil mahimbing ang tulog niya. Kabaligtaran mismo ang nararamdaman niya kasi halos hindi siya nakatulog buong gabi.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang binitawan niya kay Adrian."Nakakapagod ka nang mahalin."Iyon marahil ang pinakatotoong bagay na nasabi niya sa loob ng nakaraang taon. At masakit aminin na kahit totoo iyon, mahal pa rin niya ang asawa niya. Mahirap itong kalimutan at mahirap burahin ang nararamdaman niya.Mahal na mahal pa rin niya ito kahit sa gitna ng ginawa nito sa kaniya. Kaya nga mas masakit eh. Dahil hindi naman ganito nagsimula ang lahat.Noong una, si Adrian ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit sinong babae. Sweet kasi ito, maalaga, mapagmahal at laging inuuna ang asawa. Ngunit habang lumalaki ang kumpanya nito, unti-unti rin itong nagbago.Hanggang sa isang araw, nagising na lamang si Sophia na parang hindi na niya kilala ang lalaking katabi niya s
Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sabay silang maghapunan ng asawa niya.Pero gaya ng nakasanayan, wala na namang Adrian. Hindi na naman umuwi ng maaga ang asawa niya. At parang ang ending na naman nito ay kakainin niyang mag-isa ang hinanda niya. Sabagay, lumamig na eh.Napabuntong-hininga siya habang sinusulyapan ang oras sa wall clock. Parang pati tunog ng orasan ay alam kung gaano kalamig ang nararamdaman niya.10:07 PM.Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi na niya mabilang.Noong una, nag-aalala pa siya. Tawag nang tawag at text nang text pa siya non kay Adrian. Naghihintay hanggang madaling-araw para lang matiyak na ligtas itong nakauwi. Kasi syempre, asawa niya eh.Pero kalaunan, napagod din siya.Dahil sa tuwing mag







