تسجيل الدخولTatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan ang sakit.
Pero hindi pala ganoon. Dahil kahit gaano kasakit ang katotohanan ay mahal pa rin niya si Adrian. At iyon ang pinakamalaking problema. Hindi niya kailangang matutunang kalimutan ang asawa niya. Kailangan niyang matutunang bitawan ito habang mahal pa niya.
Nakaupo siya ngayon sa kanyang maliit na library sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik ang paligid at naririnig lang niya ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas. Mas okay na nga rin yon para payapa ang utak niya.
Sa harapan niya ay isang puting papel. At isang mamahaling fountain pen na minsang regalo sa kanya ni Adrian noong second anniversary nila.
Napangiti siya nang mapait, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagawa yon ng asawa niya. Noon, kabisado pa ni Adrian ang lahat tungkol sa kanya. As in lahat, mapakulay man yan, pati nga favorite niyang libro ay alam nito. At pati kape na gustong-gusto niya ay alam nito. Pero ngayon?
Hindi na siguro nito alam kung ano ang paborito niyang pagkain. Minsan nakakapanghinayang. Pero ano pa bang dapat niyang gawin? Minsan kasi hindi lang sapat ang pagmamahal para ipagpatuloy ang isang relasyon.
Marahan siyang huminga. Pagkatapos ay sinimulan niyang magsulat.
—
Adrian,
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Siguro dahil hindi ko rin inakalang darating tayo sa puntong kailangan kitang sulatan para magpaalam.
Noong pinakasalan kita, naniwala akong ikaw na ang makakasama ko habambuhay. Naniwala akong kahit gaano kahirap ang buhay, kakayanin natin basta magkasama tayo.
Mali pala ako. Hindi dahil hindi kita minahal. Kundi dahil ako lang pala ang patuloy na lumalaban.
—
Huminto si Sophia sa pagsusulat dahil unti-unting lumabo ang kanyang paningin. Hindi dahil hindi niya alam ang susunod na isusulat kundi dahil bawat salitang inilalagay niya sa papel ay parang kutsilyong dahan-dahang tumatama sa kanyang dibdib.
Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya.
—
Hindi ko alam kung kailan mo ako tinigilang mahalin. Hindi ko alam kung kailan ako naging kulang para sa'yo. Alam mo, matagal kong sinisisi ang sarili ko.
Inisip kong baka kung naging mas maganda ako, mas mabait, at mas understanding sayo. O baka mas perpektong asawa, baka ako pa rin yong piliin mo.
Pero ngayon, naiintindihan ko na. Alam kong hindi ko kayang i-control ang mga desisyon mo. Hindi ko kasalanan na pinili mong sirain ang mga pangakong ginawa natin.
—
Tumulo ang isang luha niya sa papel at mabilis niya iyong pinunasan. Ayaw niyang mabura ang mga salita sa utak niya at ayaw niyang may maiwang hindi nasabi. Dahil ito na marahil ang huling pagkakataon na ilalabas niya ang lahat ng nararamdaman niya.
—
Pagod na ako, Adrian. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong umasa. Pagod na akong mahalin ang isang taong matagal nang hindi ako pinipili.
At sa wakas, natutunan ko nang piliin ang sarili ko. Hindi dahil tumigil akong mahalin ka. Kundi dahil kung patuloy kitang mamahalin sa ganitong paraan, tuluyan ko nang mawawala ang sarili ko.
Sana maging masaya ka. Sana matagpuan mo ang hinahanap mo.
At sana balang araw, maintindihan mo kung gaano kita kamahal.
Paalam.
— Sophia
—
Matagal siyang nakatitig sa sulat niya. Tahimik lang niyang tinitingnan iyon at halos di siya gumagalaw. Pakiramdam niya parang may bahagi ng sarili niyang namatay habang sinusulat iyon.
Dahan-dahan niyang itinupi ang papel at inilagay sa puting sobre. Pagkatapos ay isinulat ang pangalan ng asawa niya sa harapan.
Adrian Gonzaga.
—
Nang gabing yon, mag-isa na naman siyang naghahapunan. Hindi pa rin nakauwi si Adrian, syempre hindi na siya nagtaka. Hindi na rin siya nasaktan. O marahil, sinasanay na lang niya ang sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone niya.
Chat galing kay Mia. Panigurado man nag-aalala ito sa kaniya ngayon. Mula nang tumawag ito ay hindi na niya ito na-replyan pa.
Mia: How are you?
Napangiti siya nang bahagya. Buti pa tong kaibigan niya, concern na concern sa kaniya.
Sophia: Still breathing.
Ilang segundo lamang ay nag-reply agad ang kaibigan.
Mia: And Adrian?
Matagal siyang nakatitig sa mensahe. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang nag-type.
Sophia: I'm letting him go.
Hindi na siya nagdagdag pa. Hindi na kailangan.
Alam ni Mia ang ibig sabihin noon.
—
Bandang alas-onse ng gabi nang marinig niya ang pagdating ni Adrian. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hanggang sa makapasok si Adrian sa bahay nila ay dinig na dinig niya ang bawat yabag nito. Nakakasakit mang aminin pero kilalang-kilala niya pati ang paglalakad nito. Ang tanong na lang talaga ay kung paano niya makakalimutan ang lahat kung pati paglalakad ng asawa niya ay alam na alam niya.
Narinig niyang nilapag na ni Adrian ang susi nito sa mesa. Alam mo yong pati pag-uwi nito sa bahay nila ay parang walang nagbago. Kung paano ito umuwi dati nong hindi pa niya ito nahuhuli, ay ganon na gnaon pa rin. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa kasi baka sign ito na magiging maayos pa ang lahat. Pero ayaw na niya.
Ayaw na niya talaga. Handa na siya eh. Handa na niyang kalimutan lahat.
Dahil may nakahanda nang sobre sa loob ng kanyang drawer. At sa loob ng sobreng iyon ay ang opisyal na pagtatapos ng lahat. Nasa ilalim din nito ang mga divorce papers na ipinadala ng abogado. Kulang na lang ang pirma ni Adrian.
Isang signature na lang at tuluyan nang matatapos ang pitong taon nilang pagsasama.
Total ganon na rin naman eh. Mas pinili nitong sayangin ang pitong taon. Parang wala lang dito ang taon ng pagsasama nila. Eh kung ganon lang din naman, bakit pa siya kakapit? For what? Para mas diinan pa nito ang sakit?
Napapikit na lang siya at nagdasal. Humihingi siya ng lakas sa panginoon na sana kayanin niya. Dahil alam niyang sobrang lapit na niya para makalaya.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Adrian. Hindi niya alam kung magagalit ito o kung matatawa. O kung wala talaga itong mararamdaman.
Ngunit isang bagay ang sigurado. Sa loob ng susunod na mga araw, ibibigay niya rito ang liham. Kasama ang divorce papers.
At pagkatapos non ay wala ng balikan. Wala ng second chance. Tatapusin na niya ang lahat.
Hindi na kayang maghintay ni Sophia. Tatlong araw na niyang dala-dala ang sulat. Tatlong araw na rin niyang tinititigan ang divorce papers na nasa loob ng drawer niya. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo niyang napagtatanto na wala nang dapat iligtas.Wala nang dapat pang pag-usapan. Wala nang dapat ipaglaban dahil matagal nang sumuko si Adrian. Sinayang lang nito ang mga taon na pinagsamahan nila. Ngayon, siya naman ang bibitaw.Nakatayo siya sa harap ng malaking floor-to-ceiling window ng kanilang kwarto habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad. Alas-nuwebe na ng gabi. At gaya ng nakasanayan ay wala pa rin si Adrian.Napangiti siya nang mapait. Dati, sa tuwing nahuhuli ito ng uwi, hindi siya mapakali.Ngayon? Wala na siyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam pa. Parang may bahagi ng puso niyang tuluyan nang namatay. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto sa ibaba. Kasunod noon ang mga yabag at alam niyang kay Adrian iyon.Huminga siya nang malalim. Ito na. Ito na tal
Tatlong araw na ang lumipas mula nang magdesisyon si Sophia na wakasan ang kanyang kasal. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang naramdamang ginhawa. Akala niya kapag nakapagdesisyon na siya, magiging madali na ang lahat. Akala niya kapag tinanggap na niyang tapos na sila, mababawasan ang sakit.Pero hindi pala ganoon. Dahil kahit gaano kasakit ang katotohanan ay mahal pa rin niya si Adrian. At iyon ang pinakamalaking problema. Hindi niya kailangang matutunang kalimutan ang asawa niya. Kailangan niyang matutunang bitawan ito habang mahal pa niya.Nakaupo siya ngayon sa kanyang maliit na library sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik ang paligid at naririnig lang niya ang mahinang tunog ng hangin mula sa labas. Mas okay na nga rin yon para payapa ang utak niya.Sa harapan niya ay isang puting papel. At isang mamahaling fountain pen na minsang regalo sa kanya ni Adrian noong second anniversary nila.Napangiti siya nang mapait, hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nagawa y
Hindi umalis si Sophia matapos marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagtapon ng gamit. Hindi siya nanampal at hindi siya gumawa ng eksenang madalas niyang nakikita sa mga pelikula.Sa halip, tahimik lamang siyang nakatayo habang unti-unting nilalamon ng katotohanan ang natitira niyang pag-asa."I don't know if I love you anymore."Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip niya na parang sirang plaka. Parang sumpang ayaw siyang pakawalan.Nakatitig siya kay Adrian. Sa lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay. Sa lalaking minsang nagsabing hinding-hindi siya sasaktan. Sa lalaking minsang itinuring siyang buong mundo nito.Nakakatawa.Dahil ngayon, para na lamang siyang estranghera sa mga mata nito.Napatawa siya nang mahina at napaismid siya. At doon bahagyang kumunot ang noo ni Adrian."Sophia—""Don't."Agad siyang natahimik.Unang beses yata sa buong buhay nilang mag-asawa na pinigilan niya itong magsalita. At marahil, hindi rin nito iyon inaasahan
Masakit pala talaga kapag ang kinatatakutan mo sa loob ng mahabang panahon ay tuluyan nang naging katotohanan.Iyon ang natutunan ni Sophia habang nakaupo sa sahig ng home office ni Adrian. Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak. Siguro ilang minuto o siguro isang oras. O baka higit pa pero wala na siyang pakialam. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Tumigil ang mundo at tumigil ang lahat.Maliban sa sakit na patuloy na lumalamon sa kanya. Nasa tabi pa rin niya ang cellphone ni Adrian. Naka-on pa rin ang screen nito. At naroon pa rin ang mga mensaheng paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya."I miss you already.""Last night was perfect.""When are you telling your wife?"Asawa.Hindi Sophia. Hindi ang pangalan niya. Kundi asawa. Parang isa na lang siyang balakid sa buhay ng dalawa. Parang isang problemang kailangang alisin.Napapikit siya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang katotohanang niloko siya ni Adrian o
Kinabukasan, mas maaga kaysa karaniwan ang paggising ni Sophia Gonzaga. Ngunit hindi dahil mahimbing ang tulog niya. Kabaligtaran mismo ang nararamdaman niya kasi halos hindi siya nakatulog buong gabi.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga salitang binitawan niya kay Adrian."Nakakapagod ka nang mahalin."Iyon marahil ang pinakatotoong bagay na nasabi niya sa loob ng nakaraang taon. At masakit aminin na kahit totoo iyon, mahal pa rin niya ang asawa niya. Mahirap itong kalimutan at mahirap burahin ang nararamdaman niya.Mahal na mahal pa rin niya ito kahit sa gitna ng ginawa nito sa kaniya. Kaya nga mas masakit eh. Dahil hindi naman ganito nagsimula ang lahat.Noong una, si Adrian ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit sinong babae. Sweet kasi ito, maalaga, mapagmahal at laging inuuna ang asawa. Ngunit habang lumalaki ang kumpanya nito, unti-unti rin itong nagbago.Hanggang sa isang araw, nagising na lamang si Sophia na parang hindi na niya kilala ang lalaking katabi niya s
Tahimik ang buong bahay. Masyadong tahimik para sa isang tahanang minsang napuno ng tawanan, lambingan, at mga pangarap.Nakaupo si Sophia Gonzaga sa mahabang dining table, nakatitig sa malamig nang pagkain sa harapan niya. Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na ang nakalipas mula nang dapat ay sabay silang maghapunan ng asawa niya.Pero gaya ng nakasanayan, wala na namang Adrian. Hindi na naman umuwi ng maaga ang asawa niya. At parang ang ending na naman nito ay kakainin niyang mag-isa ang hinanda niya. Sabagay, lumamig na eh.Napabuntong-hininga siya habang sinusulyapan ang oras sa wall clock. Parang pati tunog ng orasan ay alam kung gaano kalamig ang nararamdaman niya.10:07 PM.Ilang beses na ba itong nangyari? Hindi na niya mabilang.Noong una, nag-aalala pa siya. Tawag nang tawag at text nang text pa siya non kay Adrian. Naghihintay hanggang madaling-araw para lang matiyak na ligtas itong nakauwi. Kasi syempre, asawa niya eh.Pero kalaunan, napagod din siya.Dahil sa tuwing mag







