Share

CHAPTER 53

     ALAS-DIYES ng gabi. Binabagtas na nina Monica at Milagros ang kadiliman ng daan papunta sa parke kung saan nila kakatagpuin si Ambrose upang kunin ang perang hiniram niya rito.

Aminado si Monica na may kaba sa kaniyang dibdib ng sandaling iyon at may mga negatibong bagay pa rin ang tumatakbo sa utak niya kagaya ng baka may kasamang mga pulis si Ambrose. Ngunit pinanghahawakan na lang niya ang pagmamahal ng nobyo niya sa kaniya na hindi nito hahayaan na mapahamak siya. Isa pa, wala na rin siyang pagpipilian pa dahil tanging si Ambrose na lamang ang taong maaari niyang hingian ng perang kailangan nila ni Milagros upang makapagpatuloy sila sa pagtatago.

Ayaw naman niya na nagtatago na nga sila ay gutom pa ang kanilang aabutin. Nais niya na kumportable pa rin sila habang nagtatago sa batas at hanggang sa maging okay na ang lahat.

Ang totoo ay wala pa rin siyang konkretong plano hanggang sa sandaling iyon at ang ta

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status