เข้าสู่ระบบParang ang bilis ng mga pangyayari. Tatlong linggo lamang ang lumipas simula nang makilala ko si Marcus, malaman ko ang tungkol sa kasal, at makita kong ikasal si Yuan sa iba. Pakiramdam ko para lang akong nanaginip sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay naghahanda na kami para sa kasal na magaganap sa susunod na linggo. Pakiramdam ko ay masyadong mabilis ang lahat, ngunit sabi ni Lola Felicia ayos lamang 'yon dahil wala rin talaga siyang balak na patagalin ang kasalan sa paggitang namin ni Marcus.
Noong una ay hirap pa rin akong makapaniwala. Nakakagulat naman kasi na si Marcus talaga ang papakasalan ko. Nalaman ko pa na sikat na CEO, billionaire, at engineer siya. Mayaman talaga siya kahit wala siya sa puder ng lola niya. Sikat pa siya dahil maraming successful projects ang mayroon si Marcus. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako dahil noong nakaraang linggo ay naalala ko na ang lahat ng nangyari sa amin sa bar. "Ayaw mo ng pagkain?" Napaangat ako ng tingin kay Marcus nang magtanong siya bigla. Lunch time ngayon at kakatapos lang naming sukatan ng gown at suit na susuotin namin. The wedding will be private kumpara sa naging kasal ng isa pang apo ni Lola Felicia. Bilang din ang pupunta lalo na't hiling din ni Marcus 'yun. Pabor din naman sa akin kaya hindi na ako nagreklamo. "May gusto ka bang kainin?" tanong niya uli. "Wala bang gulay?" tanong ko. Ilang araw na yata kaming naka-steak. Kung hindi steak, puro laman o hindi kaya kung ano-anong karne. Nauumay na ako dahil sa probinsya, kahit ginisang gulay ay ayos na ayos na para sa akin. "What do you want? I can cook for you—" "Ah, hindi na," nahiya ako bigla. Magluluto pa siya? Huwag na lang. "Masarap naman ang steak—" "I can cook for you, Monica. Anong gusto mo?" mariin niyang tanong sa akin. Suplado na naman. "Ginataang kalabasa lang na may talong..." sagot ko na lamang dahil wala naman kasi akong laban sa kanya kung makikipagtalo ako. Hindi siya sumagot. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ko at nagtungo sa kusina. Dinig ko ang pagluluto nila mula sa upuan ko. Hiyang-hiya ako ngunit hindi naman papatalo si Marcus sa akin. Sa ilang linggo naming nagkakasama sa mansion ay pansin ko ang pagiging suplado niya, ngunit halatang may pakialam pa rin naman sa akin kaya kahit papaano ay natutuwa pa rin ako. Halos wala pang kalahating oras ay nakabalik agad si Marcus. Napangiti ako nang makita at maamoy ang niluto niya. Gaya ng hiningi ko ay sinunod niya talaga 'yun! "Wow..." mangha kong sabi. "Thank you!" Tuwang-tuwa ako at tsaka mas ginanahan kumain. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanya tsaka nagsimula na akong kumain. Halos maubos ko ang niluto niya ngunit wala naman siyang reklamo. Tuloy hanggang sa matapos ang araw na 'yun ay ngiting-ngiti ako. Kaya ganoon na lamang ang kaba ko nang dumating ang araw na pinakahihintay ng karamihan. Sa isang pribadong simbahan naganap ang kasal namin. Wearing a white silk mermaid tube wedding dress, nakapusod lang ang natural kong buhok at naka-light makeup habang black suit naman ang kay Marcus, ay sabay kaming nanumpa sa Diyos para alagaan at samahan ang isa't isa sa hirap at ginhawa. "Monica Celestine Alcantara, isuot mo ang singsing na ito bilang patunay ng aking pagmamahal, pagiging tapat, at ng aking walang hanggang pangako na ikaw lamang ang iibigin ko sa bawat bukas na darating. Sa hirap man o sa ginhawa, sakop ng liwanag o ng dilim, hinding-hindi ko bibitawan ang iyong mga kamay," determinadong sabi ni Marcus. Dahan-dahan niyang isinuot ang singsing sa daliri ko. "Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, ipinapahayag ko kayo bilang mag-asawa. Ang pinagbuklod ng Diyos ay huwag papakialaman o paghihiwalayin ng tao," tumingin si Father kay Marcus. "You may now kiss the bride." Dahan-dahang itinaas ni Marcus ang suot kong belo at walang kahirap-hirap na hinawakan ang magkabilang pisngi ko tsaka ako hinalikan sa labi. Napapikit ako at dinama ang labi niya. Ngayong kasal na kaming dalawa, siguradong wala na akong kawala sa kanya. Anuman ang mangyari ay gagawin ko ang lahat upang maging mabuting asawa kay Marcus. Matapos ng kasal namin sa simbahan ay dumeretso kami sa bahay na ibinigay sa amin ni Lola Felicia. Malaki iyon para sa dalawang tao—malawak at dalawang palapag. Tahimik ito at kung pagkakatitigan ay medyo nakakatakot para sa akin. Huwag mong sabihing madalas ako maiiwan mag-isa dito? "Okay ka na?" tanong ni Marcus sa akin. Bihis na siya. Simpleng black polo shirt at khaki pants ang suot niya kasabay ng brown leather shoes. May relo sa pulsuhan na inaayos niya ngayon. "May dinner tayo sa mansion. Sinabi ko kay Lola na ayaw natin ng celebration kaya nagpahanda na lamang siya ng dinner," aniya. "Oo, nakapagpalit na ako," sagot ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Simpleng puff sleeve strawberry white dress ang suot ko na lampas sa tuhod at nagsuot na lang din ako ng wedge heels. Naka-half-down and half-up naman ang buhok ko para kita pa rin ang kulot doon. Tumango si Marcus at naunang naglakad sa akin palabas ng kwarto. Nakanguso akong sumunod sa kanya. Suplado. Akala mo naman hindi niya ako asawa. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa mansion. Gusto ko mang makipag-usap ngunit wala na rin akong enerhiya dahil pagod din ako galing sa kasal. Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming sinalubong ng iilan niyang mga kamag-anak. Nangunguna si Lola Felicia pati ang ama at ina ni Marcus. "You are so pretty, hija!" malaki ang ngiti na puri sa akin ni Mommy Mariel, ang Mama ni Marcus. Sa tabi nito ay si Daddy Marco. "I am so happy na ikaw ang naging asawa ng anak ko!" "Hija, come here. Ipapakilala kita sa isa ko pang apo!" tawag sa akin ni Lola Felicia kaya agad akong nagpunta doon. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Marcus kaya hindi na ako nagreklamo. Malaki ang ngiti ko sa labi nang makalapit ako kay Lola ngunit agad napawi iyon nang makita ko ang mukha ng apong tinutukoy niya, na ngayon ay gulat ding nakatingin sa akin. "Monica, apo. This is Yuan Zapanta, my other grandson. Half-brother siya ni Marcus sa ama," malaki ang ngiti na pakilala ni Lola Felicia. Hindi ko magawang gumalaw. Gulat na gulat ako sa nalaman. Kapatid ni Marcus si Yuan? Kapatid ng asawa ko ang lalaking nanloko sa akin?!Antok na antok ako nang makababa ako ng pier. Malapit lang naman sa pier ang hotel na na-book ko kaya sumakay na lang ako ng tricycle papunta do'n. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinapansin 'yun dahil gusto ko pa ring magpahinga.Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumeretso sa lobby. Malaki ang ngiti sa akin ng babae."Good evening, Ma'am. May I have your name, please?""Monica Celestine... Zapanta," halos ibulong ko 'yun. "Nagpa-reserve ako kagabi.""Okay, Ma'am. I-check lang po namin," nakangiti niyang sabi. "Okay, Ma'am. Your room is on the 4th floor, room 407. Here's your keycard. Do you need help bringing your things, Ma'am?""Hindi na, salamat," sabi ko at kinuha na ang keycard.Sumakay na agad ako sa elevator. Gusto ko na lang magpahinga dahil antok na talaga ako.Agad ko namang nahanap ang kwarto ko. Binagsak ko lang ang dalawang handbag ko sa gilid ng kama at nahiga agad ako. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang pumikit ako ay mabilis a
Birthday na ni Marcus. Antok na antok ako pero kailangan kong mag-ayos. Dalawang gabi rin akong walang tulog dahil pursigido talaga akong matapos ang tinatahi ko. Masaya naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Gumawa rin ako ng sulat dahil hindi ko personal na kayang magpaalam sa kanya. Uuwi na lang muna ako sa amin.Tatawag na lang ako kina Lola Felicia kapag nakauwi ako. Nakahanda na ang mga gamit ko, hindi naman marami 'yun dahil mga gamit ko lang ang iuuwi ko. Kakausapin ko rin muna sila Mama para sa divorce papers. Tsaka aalamin ko rin kung may kailangan pa rin kaming bayaran.Magtatrabaho ako, magbabayad ako sa kanila. Kahit halos anim na buwan na rin akong kasal kay Marcus, tingin ko hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun sa lahat."Huh? Hindi ka pupunta?!" gulat na gulat na tanong ni Hershey nang magpunta siya sa bahay. "Bakit?!""Masama ang lasa ko, 'wag mo na lang sabihin kina Lola... Baka hindi pa matuloy ang party... Sabihin mo na lang susunod ako," pakiusap ko. "Tsaka, pwe
Ginabi na ako umuwi matapos kong mamili. Wala naman si Marcus sa bahay at alam kong busy pa rin siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-abalang umuwi nang maaga. Namili rin ako ng mga damit na ipapadala kina Mama at Lola lalo na't nakuha ko ang sahod ko.Malaki akong napangiti nang makita kong bukas ang kusina. Dali-dali akong nagpunta do'n, inaasahang si Marcus ang nando'n. Ngunit mabilis na bumagal ang lakad ko nang makita ko sina Hershey at Marcus. Gabi na... Anong ginagawa niya rito?"Marcus, you have a wife. Umayos ka nga," dinig kong sabi ni Hershey. "Maawa ka naman kay Monica.""Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? I feel guilty kapag tatabi ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko maling tumabi sa kanya, ayoko muna siyang makita o makasama," sabi ni Marcus.Mukha siyang galit at inis. Naitikom ko ang labi ko. Mas bumigat na naman ang nararamdaman ko.Nandidiri na ba siya sa akin kaya gano'n ang nararamdaman niya? Bakit? Dahil na-realize niya na hanggang as
Gulat kong tiningnan si Marcus matapos niyang lumayo sa akin. Maski yata siya ay nagulat sa nasabi."Fuck..." mura niya pa.Sunod-sunod akong lumunok at nag-iwas ng tingin. Tama ba ang narinig ko? Nagsasabi kaya siya ng totoo? Sigurado kaya siya sa sinabi niya? Nagugustuhan niya na ako? Ibig sabihin ba no'n... mahal niya na rin ako?"Monica... Sorry.""Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kabado at takang tanong ko."I didn't mean it..." sabi niya.Hindi ko magawang magsalita."Sorry, nadala lang ng emosyon," dahilan niya pa at nag-iwas ng tingin.Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako? O baka tama naman siya... Paano niya naman ako magugustuhan at mamahalin? Kumpara sa dating babaeng nagustuhan niya no'n, sobrang layo ko. Kung may nakuha man o mapapala siya sa akin, katawan ko lang, pero... Ang sakit palang marinig 'yun sa kanya. Masaya na ako, eh, tapos biglang binawi?Peke akong tumawa at umiling-iling. Kita kong napalingon siya sa akin."O
Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang magkasagutan kami ni Marcus. Hindi ko muna siya kinakausap o pinapansin. Sa mansiyon din ni Lola Felicia muna ako umuuwi lalo na't ayoko muna talaga siyang makasama. Ramdam ko naman, nagsisisi talaga siya. Kapag nasa trabaho ako sa cafeteria, nando'n siya. Pansin ko ang pagtataka ng mga empleyado. Idagdag pa na nakakailang lalo na't lahat ng kilos ko kahapon, sinusundan niya.Ramdam ko rin ang pagtataka at kagustuhan nila Lola na magtanong, maski sila Mommy at Hershey ay kinakamusta ako.Buti na lang at pinayagan ako magpahinga ngayong araw kaya hindi ko kailangan magtrabaho. Umuwi rin ako sa bahay namin ni Marcus dahil sigurado akong nasa trabaho siya. Natulog ako pag-uwi lalo na't pagod at inaantok ang pakiramdam ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang paggising ko, nakita ko si Marcus na nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko magawang gumalaw lalo na't aminado ako sa sarili kong miss na miss ko rin ang asawa ko."Marc
Sobrang bilis ng lakad ko hanggang sa masundan ko si Marcus na makapasok sa hotel room naming dalawa. Sobrang sakit na ng paa at binti ko at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Kabadong-kabado ako sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong ramdam na ramdam ko ang galit ni Marcus dahil sa nakita niya kanina."Marcus..." 'Yun lang ang nasabi ko nang maabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya man lang ako nilingon, marahas niyang inalis ang suot na necktie at coat. Kabado akong lumapit sa kanya."Marcus, mali ang iniisip mo...""Ano bang iniisip ko sa tingin mo, Monica?! Anong dapat isipin ko?! You said you just went to the restroom!" galit niyang sigaw sa akin.Napaatras ako at mariing napapikit."I was fucking worried about you! Akala ko napaano ka na tapos makikita kita sa garden?! With my brother?! With your damn ex-boyfriend?! Ano?! Maghahalikan kayo?! May gagawin kayo—""Ano ba namang sinasabi mo?!" inis kong bulyaw sa kanya.Naiintindihan ko naman kung gal
Malakas ang iyak ko habang lumalabas ng simbahan. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi ko matanggap! Bakit kung kailan nandito na ako, tsaka naman nagkaganito?! Kaya ba hindi niya ako pinupuntahan sa probinsya? Kaya ba ayaw niya akong makarating ng Manila dahil ikakasal pala siya sa iba?
Hindi ko pa rin magawang maibalik sa matinong wisyo ang sarili ko kahit nasa harap na kami ng pagkainan. Masaya ang lahat tungkol sa kasal namin ni Marcus. Maraming bumati at nagregalo sa amin. Karamihan ay kamag-anak ni Marcus, at ang ilan ay malalapit nilang kaibigan at business partners.Pero wa
Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Alam kong buhay ko na ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko ngayon. Ngayon ay alam ko na ang lahat, ang katotohanan. Ang pagtatago sa akin nina Lola tungkol sa bagay na ito ay malinaw na para sa mabilis kong pag-unawa."Pasensya ka na, apo..." umiiy
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking nakakuha ng pagkababae ko! Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo niya! Ang naalala ko lang, nasa bar ako! Tapos 'yon na!Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang







