INICIAR SESIÓNMariin akong napapikit at huminga nang malalim. Alam kong buhay ko na ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko ngayon. Ngayon ay alam ko na ang lahat, ang katotohanan. Ang pagtatago sa akin nina Lola tungkol sa bagay na ito ay malinaw na para sa mabilis kong pag-unawa.
"Pasensya ka na, apo..." umiiyak na sabi ni Lola.
Nang manahimik ako kanina ay agad na tinawagan ni Lola Felicia si Lola Monett para kausapin ako.
"Mahalaga lang sa akin ang bukid dahil ito lang ang naiwan sa atin ng lolo mo... Desperada na ako ng mga oras na 'yun kaya pumayag na ako sa gusto ni Felicia... Alam ko ring magiging maganda ang buhay mo sa kanila," paliwanag pa ni Lola.
"Okay lang po, tumahan na po kayo," mahinahon kong sabi. Kanina pa siya iyak nang iyak. Matanda na si Lola at ayoko na siyang mahirapan pa. Nakapag-isip na din ako kanina. Ayoko nang pahirapan pa ang sitwasyon namin. Mukhang gustong-gusto din talaga ni Lola Felicia ang naging desisyon nila. "Huwag po kayong mag-alala sa akin, si Lola Felicia na po ang bahala," ani ko pa.
Wala namang masama kung magpapakasal ako. Nasaktan ako sa nangyari sa amin ni Yuan at tanggap ko 'yun. Wala na rin naman akong balak pang magmahal ng iba, at kung magiging asawa ako ng apo ni Lola Felicia, wala rin namang masama. Mas ayos na din iyon kaysa magmukmok ako at tumandang dalaga.
"Anak, galit ka pa rin ba?" tanong ni Mama.
Kahit naman magalit ako, ayokong makonsensya sila. Maraming sakripisyo nang nagawa sa akin si Mama at si Lola. Sila ang nagpalaki sa akin kaya maiintindihan ko ang lahat ng nagawa nila. Kung ito lang din ang pwedeng solusyon para makabawi sa kanila, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang bagay na 'to.
"Pumayag ako dahil... alam kong hindi ka papabayaan ng mga Zapanta... Mahalaga ka sa amin, anak, pero mas mahalaga para sa amin ang kinabukasan mo... Mababait sila at mayaman, sigurado kaming gaganda ang buhay mo sa kanila, anak," paliwanag pa ni Mama.
"Opo, wala pong problema, Mama... Hindi rin po ako galit, naiintindihan ko po kayo ni Lola," sagot ko at nilingon si Lola Felicia na kanina pa ako hinihintay matapos. "Salamat po sa lahat, Ma... Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako magiging sakit ng ulo dito..."
"Mahal na mahal ka namin, anak..." emosyonal na sabi ni Mama. "Magsabi ka lang kung ayaw mo talaga, gagawan natin ng paraan," bilin niya pa.
Napangiti ako. Kahit hirap na sila, alam kong kapakanan ko pa rin ang gusto nilang unahin.
"Mahal na mahal ko rin po kayo, kaya ko na po, Ma... Salamat po..." Huminga ako nang malalim. "Sige na po, kakausapin ko pa po si Lola Felicia tungkol sa kasal," dagdag ko pa tsaka pinatay ang tawag.
Agad akong bumalik sa tabi ni Lola Felicia at inabot sa kanya ang cellphone.
"Kamusta?" tanong ni Lola.
Ngumiti ako. "Okay lang po, medyo gulat lang po talaga ako at hirap makapaniwala... Ang dami lang po nangyari sa akin dito sa Manila," paliwanag ko. "Payag na po ako sa kasal... Basta po, huwag po natin papabayaan si Mama at si Lola," dagdag ko pa. "Sino po ba ang magiging asawa ko?" curious kong tanong dahil wala akong ideya.
"Papunta na siya rito, may trabaho lang," nakangiting sagot ni Lola. Nagulat pa ako nang hilahin niya ako bigla at niyakap. "Salamat, hija... You will be the angel who will tame my grandson..." malambing niyang sabi tsaka bumitaw sa pagkakayakap. "Magiging totoo ako... Hindi madaling pakisamahan ang apo ko, pero mabait siya at hindi mo kailangan mag-alala..."
"Wala naman po problema sa akin," sagot ko. "Lahat naman po ng tao may ugali, lahat tayo may kanya-kanyang paraan upang ipakita ang sarili natin," nakangiting paliwanag ko. "Bilang magiging asawa niya... Iintindihin ko po siya at aalagaan..." dagdag ko pa.
Alam kong hindi madali ang pag-aasawa, at obligasyon 'yun. Alam ko ang pinasok ko at handa ko itong panindigan.
"Salamat, hija. Sige na, tumaas ka na muna. I prepared your clothes and bath there, magpahinga ka muna sa guest room habang hinihintay natin ang apo ko," ngiting-ngiti niyang sabi.
Inutusan niya ang isa sa mga kasambahay para samahan at alalayan akong makarating sa kwarto ko.
Agad akong naligo at naglinis ng sarili. Doon ko lang naramdaman ang lagkit ng katawan ko. Nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi ay mabilis akong kinonsensya. May nangyari sa amin ng lalaking hindi ko kilala. Naibigay ko ang sarili ko sa taong hindi ko asawa. Hindi ba kasalanan 'yon? Nakakahiya para sa magiging asawa ko.
Matapos kong maligo ay nagbihis agad ako ng isang simpleng puting bestida na lampas tuhod. Manipis din ang strap noon kaya preskong suotin. Nilugay ko na lamang ang buhok kong natural ang pagiging kulot. Nang matapos ay nagpahinga ako agad. Dala ng pagod ay nakatulog ako.
Nagising lamang ako nang may kumatok sa kwarto ko. Kasambahay 'yun at agad akong hinatid nito sa library kung saan nandoon na raw ang magiging asawa ko tsaka si Lola Felicia. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko habang naglalakad papunta doon.
Nang marating ko ang library ay huminga muna ako nang malalim tsaka pinihit ang pintuan at pumasok. Agad kong nakita si Lola Felicia na malaki agad ang ngiti. Sa harap nito ay ang isang matipunong lalaki na nakatalikod sa gawi ko.
"There she is!" excited na sigaw ni Lola Felicia at itinuro ako.
Ngumiti ako nang malaki nang dahan-dahang humarap sa gawi ko ang lalaki. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko at napawi agad ang ngiti ko nang makita kung sino 'yun.
Malaki siyang ngumisi sa akin. "Nice to meet you, Monica..."
Bakit siya?! Talaga bang pinaglalaruan ako ng tadhana?! Seryoso ba 'to?!
"Hindi mo ba babatiin ang future husband mo?" nakangiting tanong niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa gawi ko. "Tumakas ka pero nakita muli kita. You think this is destiny?" tanong niya pa.
Bulong lamang 'yun na sapat na para kaming dalawa lamang ang makarinig. Seryoso ba siya?
"Monica, hija. This is Marcus... Ang apo ko," tuwang-tuwang pakilala ni Lola Felicia sa akin. "Siya ang magiging asawa mo..."
Grabe, sobrang laro talaga ng tadhana... Sinong makakaisip na ang lalaking nakauna sa akin ay siya pa palang papakasalan ko?!
Antok na antok ako nang makababa ako ng pier. Malapit lang naman sa pier ang hotel na na-book ko kaya sumakay na lang ako ng tricycle papunta do'n. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinapansin 'yun dahil gusto ko pa ring magpahinga.Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumeretso sa lobby. Malaki ang ngiti sa akin ng babae."Good evening, Ma'am. May I have your name, please?""Monica Celestine... Zapanta," halos ibulong ko 'yun. "Nagpa-reserve ako kagabi.""Okay, Ma'am. I-check lang po namin," nakangiti niyang sabi. "Okay, Ma'am. Your room is on the 4th floor, room 407. Here's your keycard. Do you need help bringing your things, Ma'am?""Hindi na, salamat," sabi ko at kinuha na ang keycard.Sumakay na agad ako sa elevator. Gusto ko na lang magpahinga dahil antok na talaga ako.Agad ko namang nahanap ang kwarto ko. Binagsak ko lang ang dalawang handbag ko sa gilid ng kama at nahiga agad ako. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang pumikit ako ay mabilis a
Birthday na ni Marcus. Antok na antok ako pero kailangan kong mag-ayos. Dalawang gabi rin akong walang tulog dahil pursigido talaga akong matapos ang tinatahi ko. Masaya naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Gumawa rin ako ng sulat dahil hindi ko personal na kayang magpaalam sa kanya. Uuwi na lang muna ako sa amin.Tatawag na lang ako kina Lola Felicia kapag nakauwi ako. Nakahanda na ang mga gamit ko, hindi naman marami 'yun dahil mga gamit ko lang ang iuuwi ko. Kakausapin ko rin muna sila Mama para sa divorce papers. Tsaka aalamin ko rin kung may kailangan pa rin kaming bayaran.Magtatrabaho ako, magbabayad ako sa kanila. Kahit halos anim na buwan na rin akong kasal kay Marcus, tingin ko hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun sa lahat."Huh? Hindi ka pupunta?!" gulat na gulat na tanong ni Hershey nang magpunta siya sa bahay. "Bakit?!""Masama ang lasa ko, 'wag mo na lang sabihin kina Lola... Baka hindi pa matuloy ang party... Sabihin mo na lang susunod ako," pakiusap ko. "Tsaka, pwe
Ginabi na ako umuwi matapos kong mamili. Wala naman si Marcus sa bahay at alam kong busy pa rin siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-abalang umuwi nang maaga. Namili rin ako ng mga damit na ipapadala kina Mama at Lola lalo na't nakuha ko ang sahod ko.Malaki akong napangiti nang makita kong bukas ang kusina. Dali-dali akong nagpunta do'n, inaasahang si Marcus ang nando'n. Ngunit mabilis na bumagal ang lakad ko nang makita ko sina Hershey at Marcus. Gabi na... Anong ginagawa niya rito?"Marcus, you have a wife. Umayos ka nga," dinig kong sabi ni Hershey. "Maawa ka naman kay Monica.""Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? I feel guilty kapag tatabi ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko maling tumabi sa kanya, ayoko muna siyang makita o makasama," sabi ni Marcus.Mukha siyang galit at inis. Naitikom ko ang labi ko. Mas bumigat na naman ang nararamdaman ko.Nandidiri na ba siya sa akin kaya gano'n ang nararamdaman niya? Bakit? Dahil na-realize niya na hanggang as
Gulat kong tiningnan si Marcus matapos niyang lumayo sa akin. Maski yata siya ay nagulat sa nasabi."Fuck..." mura niya pa.Sunod-sunod akong lumunok at nag-iwas ng tingin. Tama ba ang narinig ko? Nagsasabi kaya siya ng totoo? Sigurado kaya siya sa sinabi niya? Nagugustuhan niya na ako? Ibig sabihin ba no'n... mahal niya na rin ako?"Monica... Sorry.""Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kabado at takang tanong ko."I didn't mean it..." sabi niya.Hindi ko magawang magsalita."Sorry, nadala lang ng emosyon," dahilan niya pa at nag-iwas ng tingin.Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako? O baka tama naman siya... Paano niya naman ako magugustuhan at mamahalin? Kumpara sa dating babaeng nagustuhan niya no'n, sobrang layo ko. Kung may nakuha man o mapapala siya sa akin, katawan ko lang, pero... Ang sakit palang marinig 'yun sa kanya. Masaya na ako, eh, tapos biglang binawi?Peke akong tumawa at umiling-iling. Kita kong napalingon siya sa akin."O
Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang magkasagutan kami ni Marcus. Hindi ko muna siya kinakausap o pinapansin. Sa mansiyon din ni Lola Felicia muna ako umuuwi lalo na't ayoko muna talaga siyang makasama. Ramdam ko naman, nagsisisi talaga siya. Kapag nasa trabaho ako sa cafeteria, nando'n siya. Pansin ko ang pagtataka ng mga empleyado. Idagdag pa na nakakailang lalo na't lahat ng kilos ko kahapon, sinusundan niya.Ramdam ko rin ang pagtataka at kagustuhan nila Lola na magtanong, maski sila Mommy at Hershey ay kinakamusta ako.Buti na lang at pinayagan ako magpahinga ngayong araw kaya hindi ko kailangan magtrabaho. Umuwi rin ako sa bahay namin ni Marcus dahil sigurado akong nasa trabaho siya. Natulog ako pag-uwi lalo na't pagod at inaantok ang pakiramdam ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang paggising ko, nakita ko si Marcus na nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko magawang gumalaw lalo na't aminado ako sa sarili kong miss na miss ko rin ang asawa ko."Marc
Sobrang bilis ng lakad ko hanggang sa masundan ko si Marcus na makapasok sa hotel room naming dalawa. Sobrang sakit na ng paa at binti ko at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Kabadong-kabado ako sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong ramdam na ramdam ko ang galit ni Marcus dahil sa nakita niya kanina."Marcus..." 'Yun lang ang nasabi ko nang maabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya man lang ako nilingon, marahas niyang inalis ang suot na necktie at coat. Kabado akong lumapit sa kanya."Marcus, mali ang iniisip mo...""Ano bang iniisip ko sa tingin mo, Monica?! Anong dapat isipin ko?! You said you just went to the restroom!" galit niyang sigaw sa akin.Napaatras ako at mariing napapikit."I was fucking worried about you! Akala ko napaano ka na tapos makikita kita sa garden?! With my brother?! With your damn ex-boyfriend?! Ano?! Maghahalikan kayo?! May gagawin kayo—""Ano ba namang sinasabi mo?!" inis kong bulyaw sa kanya.Naiintindihan ko naman kung gal
Hindi ko pa rin magawang maibalik sa matinong wisyo ang sarili ko kahit nasa harap na kami ng pagkainan. Masaya ang lahat tungkol sa kasal namin ni Marcus. Maraming bumati at nagregalo sa amin. Karamihan ay kamag-anak ni Marcus, at ang ilan ay malalapit nilang kaibigan at business partners.Pero wa
Parang ang bilis ng mga pangyayari. Tatlong linggo lamang ang lumipas simula nang makilala ko si Marcus, malaman ko ang tungkol sa kasal, at makita kong ikasal si Yuan sa iba. Pakiramdam ko para lang akong nanaginip sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay naghahanda na kami para sa kasal na m
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking nakakuha ng pagkababae ko! Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo niya! Ang naalala ko lang, nasa bar ako! Tapos 'yon na!Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang
Malakas ang iyak ko habang lumalabas ng simbahan. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi ko matanggap! Bakit kung kailan nandito na ako, tsaka naman nagkaganito?! Kaya ba hindi niya ako pinupuntahan sa probinsya? Kaya ba ayaw niya akong makarating ng Manila dahil ikakasal pala siya sa iba?







