Share

Chapter 1

Penulis: Ilaria
last update Tanggal publikasi: 2026-06-17 00:27:04

Masakit ang ulo ko nang magising ako. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking nakakuha ng pagkababae ko! Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo niya! Ang naalala ko lang, nasa bar ako! Tapos 'yon na!

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Sigurado akong may nangyari sa amin dahil nagising akong walang suot. Buti nga at nakawala pa ako sa lalaki dahil sa higpit ng yakap niya sa akin!

Patay ako kina Mama at Lola nito. Ano'ng gagawin ko? Parang nakakatakot pa naman 'tong lalaking ito! Kahit tulog, nakasimangot! Halatang suplado.

"Paano na—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko at dali-dali ko itong kinuha. Nang mapansing nagigising na ang lalaking nakahiga sa kama, tatakbo na akong lumabas ng condo niya. Bahala na! Hindi ko rin naman siya sisisihin sa nangyari sa amin.

Nang makalabas ako ng condo niya ay tsaka ko lang sinagot ang tawag. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo nang makitang si Mama ang tumatawag sa akin. Lagot ako!

"Hello, Ma?" sagot ko agad at nagmamadaling sumakay ng elevator. "Bakit po?"

"Nasaan ka? Hindi ka raw bumalik sa hotel room mo kagabi," seryosong sabi ni Mama. "Saan ka natulog, hmm?"

"Ah, may nakilala po kasi ako…" pagsisinungaling ko. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. "Babae po, sa condo niya po ako natulog. Mabait siya, Mama."

"Ganoon ba?" kalmado niyang sabi. "Oh, siya. Mag-ingat ka... Mag-text ka, anak, kapag nakabalik ka na sa hotel room mo," bilin ni Mama.

Hindi ko agad nagawang magsalita nang bumukas ang pintuan ng elevator. Mabilis akong lumabas mula roon.

"Mahal na mahal ka ni Mama, anak... Mag-ingat ka."

"Opo, Ma. Kayo din po ni Lola... Uuwi rin po ako agad diyan," sabi ko at dali-daling naglakad papunta sa nakita kong mga sakayan.

Medyo ika pa akong maglakad dahil sa sakit ng gitna ko. First time ko 'yun at hindi handa ang katawan ko, kaya masakit pa rin talaga. Hindi ko tuloy alam kung paano magpapaliwanag kina Mama.

"Sige na po, tawag na lang po ako mamaya, may gagawin lang po ako," paalam ko, tsaka pinatay ang tawag.

Tumigil ako sa paglalakad at malalim na napabuntong-hininga. Napahilamos din ako sa sarili kong mukha. Nababaliw na yata ako. Paano na ako ngayon? Nagpunta ako dito na may boyfriend at virgin, tapos uuwi akong wala pareho?!

Napaangat ako ng tingin nang biglang tumigil ang itim na sasakyan sa harapan ko. Itim na van 'yun. Mas kumunot pa ang noo ko nang makitang bumukas ang pintuan noon at bumaba ang isang magandang matanda. Puti na ang buhok nito at makinis ang kutis. Hindi rin halatang may edad na ito kung pagmamasdan nang maayos dahil ang lakas pa rin nitong tingnan. Nang magtama ang mata naming dalawa ay malaki agad siyang ngumiti sa akin.

"You are Monica, right?" nakangiti niyang tanong sa akin. Kahit nagtataka, tumango ako. "Monica Celestine Alcantara?"

Huh? Paano niyang nalaman ang pangalan ko? Sino siya? Paanong kilala niya ako? Tsaka halatang mayaman siya at halatang sinadyang tumigil sa harapan ko... Sigurado akong ako talaga ang hinahanap niya, pero bakit?

"Po? A-Ano po ang kailangan niyo sa akin?" utal ko pang tanong. "Sino po sila? Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko pa dahil wala talaga akong ideya kung sino siya.

Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Niloko, nasaktan, nawalan ng virginity, tapos ngayon may matandang nakakakilala sa akin?!

"Hindi ba ako naipakilala sa 'yo ni Monett, hija?" nakangising tanong ng matanda. Marahan akong umiling bilang sagot. Paanong kilala niya si Lola?! "I am Felicia Zapanta... Matalik kong kaibigan ang lola mo… Hinabilin ka nila sa akin dito sa Manila… Pasensya ka na kung ngayon lang kita napuntahan dahil nasa kasalan ako kahapon," paliwanag pa nito.

Ano raw?

"Ano pong kailangan niyo sa akin?" tanong ko. Imposible naman kasing wala siyang kailangan sa akin.

"Well, we need to talk about so many things, hija," sagot ni Lola Felicia. "Gaya na lamang ng pinangako sa akin ng lola mo noon."

"Tulad ng ano po?" curious kong tanong.

"Sa mansion tayo mag-usap," malaking ngiti niyang sabi. "May ipapakilala rin ako sa 'yo," dagdag niya pa.

Dahil mukha namang mapagkakatiwalaan si Lola Felicia ay sumama agad ako sa kanya. Mukha naman siyang harmless lalo na't halatang mayaman siya. Wala naman siyang makukuha sa akin kung kikidnapin niya ako.

Mabilis lang ang byahe papunta sa mansion na sinasabi ni Lola. Manghang-mangha ako nang makarating kami doon. Hindi pa ako makapaniwala noong una sa nakita ko. Maganda ang lugar. Malaki at sa isang mamahaling village nakatayo. Kung pagmamasdan mo ang paligid ng buong lugar ay halatang mararangyang mga tao lamang ang nakatira roon.

"You like it?" tanong ni Lola Felicia nang makapasok kami. Sunod-sunod akong tumango habang nakaupo sa malaking sofa. "Dito ka na rin titira, hija."

"Po?!" Gulat akong napaharap sa kanya. "Anong dito po ako titira?" gulong-gulo kong tanong.

Tumawa si Lola Felicia sabay palakpak. Anong ibig niyang sabihin?

"Talagang totoo ang sinabi ni Monett... You are too innocent, hija..." mahinahon niyang sabi habang tumatango-tango. "Hindi mo alam na ikakasal ka kaya ka pinapunta ng magulang mo dito?"

"Ho?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw ako. "Ikakasal?! Ako po?!"

Bakit ako? Tsaka kanino? Kung alam ko lang na magiging ganito kagulo ang buhay ko sa Manila, sana nanatili na lang ako sa probinsya! Nababaliw na ako dito! Gusto ko na lang umuwi.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Lola Felicia at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon at kinakabahang nag-angat ng tingin sa mga mata niya.

"Well, malaki ang utang ng lola mo sa akin... Kahit matalik ko siyang kaibigan ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang usapan naming dalawa... Kasal na ang isa kong apo at gusto kong maikasal na din ang isa ko pang apo habang buhay pa ako... Naalala ko ang usapan namin ni Monett... kung saan ikakasal ang anak ng anak niya sa apo ko," seryosong paliwanag ni Lola.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala siyang tinitigan. Kasal? Seryoso ba talaga 'to? Sobrang random na talaga ng mga nangyayari sa akin ngayon...

"Alam kong nabigla ka sa nalaman mo, hija, pero 'yun ang katotohanan... Nagpunta ka dito para ikasal, hindi para sa ibang bagay. Alam ng pamilya mo 'yun," kalmado niyang sabi. "I like you for my grandson. You are beautiful, innocent, kind, and gentle... For sure, magugustuhan mo rin ang apo ko," ngiting-ngiti niya pang sabi.

"Paano po kung ayokong magpakasal?" tanong ko dahil wala naman talaga akong balak. Kakatapos lang ng huling relasyon ko at nasaktan ako nang sobra dahil doon. "Hindi ko po alam ang sasabihin ko..."

"Kailangan bayaran ng lola mo ang inutang niya. Halos limang taon na ang pinalugi ko kay Monett at hindi ka na rin naman bata, you are old enough to get married, hija."

Babayaran? Ang tanda na ni Lola! Paano niya mababayaran si Lola Felicia... Tsaka five years? Kaya ba nabili ulit ni Tita ang bukid namin dahil sa pinahiram na pera ni Lola Felicia... Pero kasi... ano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko alam kung paano maging mabuting asawa!

Ayokong mapahiya si Lola at nahihiya din ako kay Lola Felicia. Halatang gusto niya lang mapanood na maikasal ang apo niya. Wala rin naman akong dahilan para hindi maikasal... Tapos na kami ni Yuan at nagpakasal siya sa iba, bakit hindi ko gawin ang ginawa niya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 29

    Antok na antok ako nang makababa ako ng pier. Malapit lang naman sa pier ang hotel na na-book ko kaya sumakay na lang ako ng tricycle papunta do'n. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinapansin 'yun dahil gusto ko pa ring magpahinga.Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumeretso sa lobby. Malaki ang ngiti sa akin ng babae."Good evening, Ma'am. May I have your name, please?""Monica Celestine... Zapanta," halos ibulong ko 'yun. "Nagpa-reserve ako kagabi.""Okay, Ma'am. I-check lang po namin," nakangiti niyang sabi. "Okay, Ma'am. Your room is on the 4th floor, room 407. Here's your keycard. Do you need help bringing your things, Ma'am?""Hindi na, salamat," sabi ko at kinuha na ang keycard.Sumakay na agad ako sa elevator. Gusto ko na lang magpahinga dahil antok na talaga ako.Agad ko namang nahanap ang kwarto ko. Binagsak ko lang ang dalawang handbag ko sa gilid ng kama at nahiga agad ako. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang pumikit ako ay mabilis a

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 28

    Birthday na ni Marcus. Antok na antok ako pero kailangan kong mag-ayos. Dalawang gabi rin akong walang tulog dahil pursigido talaga akong matapos ang tinatahi ko. Masaya naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Gumawa rin ako ng sulat dahil hindi ko personal na kayang magpaalam sa kanya. Uuwi na lang muna ako sa amin.Tatawag na lang ako kina Lola Felicia kapag nakauwi ako. Nakahanda na ang mga gamit ko, hindi naman marami 'yun dahil mga gamit ko lang ang iuuwi ko. Kakausapin ko rin muna sila Mama para sa divorce papers. Tsaka aalamin ko rin kung may kailangan pa rin kaming bayaran.Magtatrabaho ako, magbabayad ako sa kanila. Kahit halos anim na buwan na rin akong kasal kay Marcus, tingin ko hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun sa lahat."Huh? Hindi ka pupunta?!" gulat na gulat na tanong ni Hershey nang magpunta siya sa bahay. "Bakit?!""Masama ang lasa ko, 'wag mo na lang sabihin kina Lola... Baka hindi pa matuloy ang party... Sabihin mo na lang susunod ako," pakiusap ko. "Tsaka, pwe

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 27

    Ginabi na ako umuwi matapos kong mamili. Wala naman si Marcus sa bahay at alam kong busy pa rin siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-abalang umuwi nang maaga. Namili rin ako ng mga damit na ipapadala kina Mama at Lola lalo na't nakuha ko ang sahod ko.Malaki akong napangiti nang makita kong bukas ang kusina. Dali-dali akong nagpunta do'n, inaasahang si Marcus ang nando'n. Ngunit mabilis na bumagal ang lakad ko nang makita ko sina Hershey at Marcus. Gabi na... Anong ginagawa niya rito?"Marcus, you have a wife. Umayos ka nga," dinig kong sabi ni Hershey. "Maawa ka naman kay Monica.""Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? I feel guilty kapag tatabi ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko maling tumabi sa kanya, ayoko muna siyang makita o makasama," sabi ni Marcus.Mukha siyang galit at inis. Naitikom ko ang labi ko. Mas bumigat na naman ang nararamdaman ko.Nandidiri na ba siya sa akin kaya gano'n ang nararamdaman niya? Bakit? Dahil na-realize niya na hanggang as

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 26

    Gulat kong tiningnan si Marcus matapos niyang lumayo sa akin. Maski yata siya ay nagulat sa nasabi."Fuck..." mura niya pa.Sunod-sunod akong lumunok at nag-iwas ng tingin. Tama ba ang narinig ko? Nagsasabi kaya siya ng totoo? Sigurado kaya siya sa sinabi niya? Nagugustuhan niya na ako? Ibig sabihin ba no'n... mahal niya na rin ako?"Monica... Sorry.""Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kabado at takang tanong ko."I didn't mean it..." sabi niya.Hindi ko magawang magsalita."Sorry, nadala lang ng emosyon," dahilan niya pa at nag-iwas ng tingin.Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako? O baka tama naman siya... Paano niya naman ako magugustuhan at mamahalin? Kumpara sa dating babaeng nagustuhan niya no'n, sobrang layo ko. Kung may nakuha man o mapapala siya sa akin, katawan ko lang, pero... Ang sakit palang marinig 'yun sa kanya. Masaya na ako, eh, tapos biglang binawi?Peke akong tumawa at umiling-iling. Kita kong napalingon siya sa akin."O

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 25

    Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang magkasagutan kami ni Marcus. Hindi ko muna siya kinakausap o pinapansin. Sa mansiyon din ni Lola Felicia muna ako umuuwi lalo na't ayoko muna talaga siyang makasama. Ramdam ko naman, nagsisisi talaga siya. Kapag nasa trabaho ako sa cafeteria, nando'n siya. Pansin ko ang pagtataka ng mga empleyado. Idagdag pa na nakakailang lalo na't lahat ng kilos ko kahapon, sinusundan niya.Ramdam ko rin ang pagtataka at kagustuhan nila Lola na magtanong, maski sila Mommy at Hershey ay kinakamusta ako.Buti na lang at pinayagan ako magpahinga ngayong araw kaya hindi ko kailangan magtrabaho. Umuwi rin ako sa bahay namin ni Marcus dahil sigurado akong nasa trabaho siya. Natulog ako pag-uwi lalo na't pagod at inaantok ang pakiramdam ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang paggising ko, nakita ko si Marcus na nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko magawang gumalaw lalo na't aminado ako sa sarili kong miss na miss ko rin ang asawa ko."Marc

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 24

    Sobrang bilis ng lakad ko hanggang sa masundan ko si Marcus na makapasok sa hotel room naming dalawa. Sobrang sakit na ng paa at binti ko at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Kabadong-kabado ako sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong ramdam na ramdam ko ang galit ni Marcus dahil sa nakita niya kanina."Marcus..." 'Yun lang ang nasabi ko nang maabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya man lang ako nilingon, marahas niyang inalis ang suot na necktie at coat. Kabado akong lumapit sa kanya."Marcus, mali ang iniisip mo...""Ano bang iniisip ko sa tingin mo, Monica?! Anong dapat isipin ko?! You said you just went to the restroom!" galit niyang sigaw sa akin.Napaatras ako at mariing napapikit."I was fucking worried about you! Akala ko napaano ka na tapos makikita kita sa garden?! With my brother?! With your damn ex-boyfriend?! Ano?! Maghahalikan kayo?! May gagawin kayo—""Ano ba namang sinasabi mo?!" inis kong bulyaw sa kanya.Naiintindihan ko naman kung gal

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 4

    Hindi ko pa rin magawang maibalik sa matinong wisyo ang sarili ko kahit nasa harap na kami ng pagkainan. Masaya ang lahat tungkol sa kasal namin ni Marcus. Maraming bumati at nagregalo sa amin. Karamihan ay kamag-anak ni Marcus, at ang ilan ay malalapit nilang kaibigan at business partners.Pero wa

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 3

    Parang ang bilis ng mga pangyayari. Tatlong linggo lamang ang lumipas simula nang makilala ko si Marcus, malaman ko ang tungkol sa kasal, at makita kong ikasal si Yuan sa iba. Pakiramdam ko para lang akong nanaginip sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay naghahanda na kami para sa kasal na m

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Chapter 2

    Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Alam kong buhay ko na ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko ngayon. Ngayon ay alam ko na ang lahat, ang katotohanan. Ang pagtatago sa akin nina Lola tungkol sa bagay na ito ay malinaw na para sa mabilis kong pag-unawa."Pasensya ka na, apo..." umiiy

  • The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire    Prologue

    Malakas ang iyak ko habang lumalabas ng simbahan. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi ko matanggap! Bakit kung kailan nandito na ako, tsaka naman nagkaganito?! Kaya ba hindi niya ako pinupuntahan sa probinsya? Kaya ba ayaw niya akong makarating ng Manila dahil ikakasal pala siya sa iba?

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status