LOGINHindi ko pa rin magawang maibalik sa matinong wisyo ang sarili ko kahit nasa harap na kami ng pagkainan. Masaya ang lahat tungkol sa kasal namin ni Marcus. Maraming bumati at nagregalo sa amin. Karamihan ay kamag-anak ni Marcus, at ang ilan ay malalapit nilang kaibigan at business partners.
Pero wala roon ang utak ko. Hindi ko matanggap. Bakit ba ang gulo ng buhay ko ngayon? Si Yuan ay kapatid ni Marcus sa ama? At wala man lang nakapagsabi sa akin tungkol sa bagay na 'yun?! "What's your problem?" Gulat akong napaharap kay Marcus nang bumulong siya bigla. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pa. "Huh? O-Oo naman," pilit akong ngumiti at umayos nang pagkakaupo. "Medyo pagod lang dahil sa naganap na kasal kanina... Kahit naman pribado iyon ay may mga bisita pa rin, idagdag pa na nakihalubilo pa ako ngayong gabi," paliwanag ko at ngumiti. "Ikaw ba? Ayos ka lang?" "I am fine," suplado niyang sagot at ibinalik ang atensyon sa kinakain. "Finish your food. Magpapaalam na tayo kina Lola pagkatapos, pagod din ako at may trabaho ako bukas," aniya. Tumango na lamang ako at tsaka nagsimulang kumain. Naiilang lang din ako dahil ramdam ko ang malagkit na tingin ni Yuan sa akin. Sa tabi nito ay ang asawa nitong si Hershey. Maganda at halatang anak-mayaman ang babae. Mabait ito at mas mahinhin sa akin. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Sobrang layo ko sa kanya. Mayaman at maganda siya, samantalang ako ay simple lang. Nang matapos kaming kumain ni Marcus ay agad kaming tumayo at nagpunta sa mga magulang at lola niya. "Uuna na po kami, maraming salamat po," nakangiting paalam ko. "Napagod po kasi kami talaga, magpapahinga na po muna kami," paliwanag ko pa. "Basta don't hesitate to call me, anak. Okay?" bilin pa sa akin ni Mommy Mariel. Nakangiti akong tumango. Ang bait-bait ng pamilya ni Marcus sa akin. Wala man lang taong hindi ko kasundo. "Anak, ingatan mo ang asawa mo. She is still new here in the city," dugtong pa ni Mommy Mariel kay Marcus. "Yes, Mom," walang gana na sagot ni Marcus. Duda na agad ako kung hindi niya nga ba talaga ako papabayaan. Sa sagutan pa lang niya, parang alam ko na agad ang mangyayari. "Uuna na kami," sabi ni Marcus. "Mag-ingat kayo. Hija, bukas igagala kita, okay?!" ngiting-ngiti na sabi ni Lola Felicia. Ngumiti na lamang ako at sumama kay Marcus nang hilahin niya na ako palabas ng mansion. Ngunit bago pa kami tuluyang makalabas ay nakita ko ang naghahabol na tingin ni Yuan sa akin. Umiwas agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Dapat ko na siyang kalimutan. Kasal na ako at dapat maging maayos at mabait na asawa ako kay Marcus. I am his wife. Wala na akong pakialam kay Yuan. Kasal na din siya kaya dapat wala na akong kakaibang nararamdaman sa kanya. "Magkahiwalay ba tayo ng kwarto?" tanong ko kay Marcus nang makarating kami sa bahay. Hindi ko kasi alam kung paano ang magiging set-up naming dalawa. "Iisa ang kwarto sa bahay, Monica," sagot niya. Ngumuso ako. Tama nga naman. May isa siyang opisina, library, walk-in closet, at stock room area. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng bahay pero iisa lang ang kwarto. Malaki naman iyon at kasya nga yata kahit apat na tao, may sarili na rin itong bathroom. "Of course, sa isang kwarto tayo tutulog," dagdag niya. "Kung hindi mo kasi gusto, okay lang ako sa living room o kahit sa walk-in closet—" "Why would I allow you?" kunot-noong tanong niya. Napaiwas ako ng tingin at marahang naupo sa sofa. "We are married. I am your husband and you are my wife, but I want to set a limit between us..." seryoso niyang sabi. Tumango ako bilang tugon. "Alam mong ikinasal lang tayo dahil gusto ni Lola, hindi dahil gusto ko." Napangiwi ako. "Alam ko..." "So, let's set up the rules... Una, kasal tayo pero sa papel lang, so no need to be a couple everywhere. Kapag nandiyan ang pamilya ko, pwede, pero kung walang mata sa paligid, magkanya-kanya tayo," sabi niya. Parang ayoko ng ganoon. Totoo naman ang kasal namin, bakit kailangan pa naming magpanggap? Tsaka handa naman akong maging mabuting asawa para sa kanya. "Ayoko," tutol ko at ngumuso. Kitang-kita ko kung paano siya natigilan. Kasi naman, bakit ba kailangang magpanggap? "Gawin mo ang gusto mo, hindi kita pakikialaman pero... Ayokong magpanggap. Magiging mabuti at maayos na asawa ako para sa 'yo, hindi ako magiging pasaway para hindi ako makaabala... Malaya kang gawin ang gusto mo basta huwag ka lang mangbababae," mariin kong bilin. "Ayoko nang maloko ulit," dagdag ko pa. Hindi siya sumagot. Kitang-kita kong natigilan siya nang husto. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at nahihiyang nagbaba ng tingin. "Sorry... Pero kasi ayoko ng ganon. Naiintindihan ko naman kung ganyan ka, pero hayaan mo naman ako sa gusto ko rin. Tayo lang din naman ang makakaalam ng lahat kaya hindi mo na kailangan magpanggap pa... Hindi rin naman kailangang sa lahat ng oras ay sweet tayo sa isa't isa," dagdag kong sabi. Dinig na dinig ko ang malalim na buntonghininga ni Marcus kaya kinabahan ako bigla. "Fine," aniya. Nag-angat agad ako ng tingin dahil sa sagot niya. "Let's settle with that. Basta don't expect too much from me," dagdag niya pa. Sunod-sunod akong tumango at malaki ang ngiting tumayo mula sa pagkakaupo. "Makakaasa ka! Gusto ko rin namang i-enjoy ang buhay ko rito!" sabi ko. "Thank you, Marcus!" tuwang-tuwa ko pang pasasalamat. "We are okay. Sige na, magpahinga ka na. Mauna ka na sa kwarto, may gagawin lang ako sa opisina," utos niya sa akin. Tumango ako at naglakad palapit sa kanya. Kumunot ang noo niya ngunit hindi ko na pinansin iyon. Agad kong inilapit ang mukha ko sa kanya at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi. Ganoon daw kasi kapag mag-asawa, kailangan ng kiss bago matulog. Normal lang naman siguro 'yun para sa amin lalo na't mag-asawa kaming dalawa. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin si Marcus. Natigilan din ako bigla. Hala, baka pangit ako humalik? Pero nakakahiya na, bahala na! Aaralin ko na lang! "Good night, Marcus," nahihiya akong ngumiti tsaka mabilis na umakyat papasok sa kwarto namin. Hanggang sa pagtulog ay damang-dama ko pa rin ang hiya. Pero kailangan ko na itong panindigan dahil asawa na namin ang isa't isa.Antok na antok ako nang makababa ako ng pier. Malapit lang naman sa pier ang hotel na na-book ko kaya sumakay na lang ako ng tricycle papunta do'n. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinapansin 'yun dahil gusto ko pa ring magpahinga.Nang makarating ako sa hotel ay agad akong dumeretso sa lobby. Malaki ang ngiti sa akin ng babae."Good evening, Ma'am. May I have your name, please?""Monica Celestine... Zapanta," halos ibulong ko 'yun. "Nagpa-reserve ako kagabi.""Okay, Ma'am. I-check lang po namin," nakangiti niyang sabi. "Okay, Ma'am. Your room is on the 4th floor, room 407. Here's your keycard. Do you need help bringing your things, Ma'am?""Hindi na, salamat," sabi ko at kinuha na ang keycard.Sumakay na agad ako sa elevator. Gusto ko na lang magpahinga dahil antok na talaga ako.Agad ko namang nahanap ang kwarto ko. Binagsak ko lang ang dalawang handbag ko sa gilid ng kama at nahiga agad ako. Ilang minuto pa lang ang lumipas simula nang pumikit ako ay mabilis a
Birthday na ni Marcus. Antok na antok ako pero kailangan kong mag-ayos. Dalawang gabi rin akong walang tulog dahil pursigido talaga akong matapos ang tinatahi ko. Masaya naman ako dahil maganda ang kinalabasan. Gumawa rin ako ng sulat dahil hindi ko personal na kayang magpaalam sa kanya. Uuwi na lang muna ako sa amin.Tatawag na lang ako kina Lola Felicia kapag nakauwi ako. Nakahanda na ang mga gamit ko, hindi naman marami 'yun dahil mga gamit ko lang ang iuuwi ko. Kakausapin ko rin muna sila Mama para sa divorce papers. Tsaka aalamin ko rin kung may kailangan pa rin kaming bayaran.Magtatrabaho ako, magbabayad ako sa kanila. Kahit halos anim na buwan na rin akong kasal kay Marcus, tingin ko hindi pa rin sapat na kabayaran 'yun sa lahat."Huh? Hindi ka pupunta?!" gulat na gulat na tanong ni Hershey nang magpunta siya sa bahay. "Bakit?!""Masama ang lasa ko, 'wag mo na lang sabihin kina Lola... Baka hindi pa matuloy ang party... Sabihin mo na lang susunod ako," pakiusap ko. "Tsaka, pwe
Ginabi na ako umuwi matapos kong mamili. Wala naman si Marcus sa bahay at alam kong busy pa rin siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-abalang umuwi nang maaga. Namili rin ako ng mga damit na ipapadala kina Mama at Lola lalo na't nakuha ko ang sahod ko.Malaki akong napangiti nang makita kong bukas ang kusina. Dali-dali akong nagpunta do'n, inaasahang si Marcus ang nando'n. Ngunit mabilis na bumagal ang lakad ko nang makita ko sina Hershey at Marcus. Gabi na... Anong ginagawa niya rito?"Marcus, you have a wife. Umayos ka nga," dinig kong sabi ni Hershey. "Maawa ka naman kay Monica.""Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? I feel guilty kapag tatabi ako sa kanya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko maling tumabi sa kanya, ayoko muna siyang makita o makasama," sabi ni Marcus.Mukha siyang galit at inis. Naitikom ko ang labi ko. Mas bumigat na naman ang nararamdaman ko.Nandidiri na ba siya sa akin kaya gano'n ang nararamdaman niya? Bakit? Dahil na-realize niya na hanggang as
Gulat kong tiningnan si Marcus matapos niyang lumayo sa akin. Maski yata siya ay nagulat sa nasabi."Fuck..." mura niya pa.Sunod-sunod akong lumunok at nag-iwas ng tingin. Tama ba ang narinig ko? Nagsasabi kaya siya ng totoo? Sigurado kaya siya sa sinabi niya? Nagugustuhan niya na ako? Ibig sabihin ba no'n... mahal niya na rin ako?"Monica... Sorry.""Huh? Bakit ka nagso-sorry?" kabado at takang tanong ko."I didn't mean it..." sabi niya.Hindi ko magawang magsalita."Sorry, nadala lang ng emosyon," dahilan niya pa at nag-iwas ng tingin.Bigla akong nanigas sa kinatatayuan. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako? O baka tama naman siya... Paano niya naman ako magugustuhan at mamahalin? Kumpara sa dating babaeng nagustuhan niya no'n, sobrang layo ko. Kung may nakuha man o mapapala siya sa akin, katawan ko lang, pero... Ang sakit palang marinig 'yun sa kanya. Masaya na ako, eh, tapos biglang binawi?Peke akong tumawa at umiling-iling. Kita kong napalingon siya sa akin."O
Dalawang araw na rin ang lumipas simula nang magkasagutan kami ni Marcus. Hindi ko muna siya kinakausap o pinapansin. Sa mansiyon din ni Lola Felicia muna ako umuuwi lalo na't ayoko muna talaga siyang makasama. Ramdam ko naman, nagsisisi talaga siya. Kapag nasa trabaho ako sa cafeteria, nando'n siya. Pansin ko ang pagtataka ng mga empleyado. Idagdag pa na nakakailang lalo na't lahat ng kilos ko kahapon, sinusundan niya.Ramdam ko rin ang pagtataka at kagustuhan nila Lola na magtanong, maski sila Mommy at Hershey ay kinakamusta ako.Buti na lang at pinayagan ako magpahinga ngayong araw kaya hindi ko kailangan magtrabaho. Umuwi rin ako sa bahay namin ni Marcus dahil sigurado akong nasa trabaho siya. Natulog ako pag-uwi lalo na't pagod at inaantok ang pakiramdam ko. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang paggising ko, nakita ko si Marcus na nakahiga sa tabi ko at nakayakap sa baywang ko. Hindi ko magawang gumalaw lalo na't aminado ako sa sarili kong miss na miss ko rin ang asawa ko."Marc
Sobrang bilis ng lakad ko hanggang sa masundan ko si Marcus na makapasok sa hotel room naming dalawa. Sobrang sakit na ng paa at binti ko at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Kabadong-kabado ako sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong ramdam na ramdam ko ang galit ni Marcus dahil sa nakita niya kanina."Marcus..." 'Yun lang ang nasabi ko nang maabutan ko siya na nakaupo sa gilid ng kama.Hindi niya man lang ako nilingon, marahas niyang inalis ang suot na necktie at coat. Kabado akong lumapit sa kanya."Marcus, mali ang iniisip mo...""Ano bang iniisip ko sa tingin mo, Monica?! Anong dapat isipin ko?! You said you just went to the restroom!" galit niyang sigaw sa akin.Napaatras ako at mariing napapikit."I was fucking worried about you! Akala ko napaano ka na tapos makikita kita sa garden?! With my brother?! With your damn ex-boyfriend?! Ano?! Maghahalikan kayo?! May gagawin kayo—""Ano ba namang sinasabi mo?!" inis kong bulyaw sa kanya.Naiintindihan ko naman kung gal
Parang ang bilis ng mga pangyayari. Tatlong linggo lamang ang lumipas simula nang makilala ko si Marcus, malaman ko ang tungkol sa kasal, at makita kong ikasal si Yuan sa iba. Pakiramdam ko para lang akong nanaginip sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ngayon ay naghahanda na kami para sa kasal na m
Mariin akong napapikit at huminga nang malalim. Alam kong buhay ko na ang nakasalalay sa desisyong gagawin ko ngayon. Ngayon ay alam ko na ang lahat, ang katotohanan. Ang pagtatago sa akin nina Lola tungkol sa bagay na ito ay malinaw na para sa mabilis kong pag-unawa."Pasensya ka na, apo..." umiiy
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking nakakuha ng pagkababae ko! Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo niya! Ang naalala ko lang, nasa bar ako! Tapos 'yon na!Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ang
Malakas ang iyak ko habang lumalabas ng simbahan. Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba. Hindi ko matanggap! Bakit kung kailan nandito na ako, tsaka naman nagkaganito?! Kaya ba hindi niya ako pinupuntahan sa probinsya? Kaya ba ayaw niya akong makarating ng Manila dahil ikakasal pala siya sa iba?







