로그인Mabigat pa rin ang hangin sa apat na sulok ng department kahit ilang oras na ang lumipas pagkatapos bumisita ni Don Vincenzo. Ang mga mukha ng bawat isa ay 'di maipinta, ngunit nabawasan ang bigat sa dibdib dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naging maayos ang daloy ng araw. Subalit si Reina ay 'di pa rin maka-move on sa mga naging ganap kanina. Napahawak siya sa kaniyang pisngi dahil sa muli na naman itong namula. Gano'n ang nangyayari kapag na-aalala niya pa rin. Para siyang na-stock at 'di makausad. Nang sumapit ang ala-syete ng gabi, unti-unti ng nagsitayuan ang mga empleyado. Isa-isa na ring nawawala ang ilaw ng mga monitor. Si Karen na kadalasan huli na lumabas ay nauna na ring umalis dahil mayro'n itong dinner date na pupuntahan. Subalit bago pa man makalabas, lumingon ito kay Reina nang may mapanuring tingin. Gusto niya itong lapitan at tanungin subalit mas pinili niyang umalis na lang, iniisip na mayro'n pa namang bukas. Tanging ang natitirang naka-open na monitor ay kay R
Binalot ng katahimikan ang buong silid pagkatapos magsalita ni Enzo. Marahil nagulat ang mga nakarinig sa sinabi ng lalaki. Habang sa ilalim ng lamesa ng lamesa ay tagumpay na napangiti si Reina. "Ganyan nga, Alvendo. Ipakita mo kung sino ka," sa loob-loob niya. Kahit hindi siya kita rito ngunit alam niyang bakas sa mukha niya ngayon ang paghanga sa pagiging matatag nito dahilan kung bakit kahit na masungit at halimaw ito kung tawagin ng mga empleyado, ngunit malaki pa rin ang respeto nila. Habang patuloy ang pag-uusap nila. Dahil sa hindi komportable ang posisyon ni Reina ay hindi sinasadyang naitulak niya ang tuhod sa mga binti ni Enzo, kung kaya't biglang gumalaw ang paa nito. Napatigil ito ng ilang segundo sa pagsalita at ramdam niya ang paninigas ng mga laman nito. Tila bumalik at dumoble ang lahat ng kabang naramdaman ni Reina. Si Don Vincenzo naman ay nagtataka kung bakit tumigil ito ng ilang sandali. Upang 'di mapukaw ang interes nito ay pinigilan ni Reina na gumalaw at lumi
"Papunta na si Don Vincenzo! Sumasakay na ng elevator paakyat dito!" pabulong na sigaw ngunit namamaos na anunsyo ni Karen mula sa bukana ng departamento, na tila isang hatol na bigla na lang ipinataw sa kanila. Sa isang iglap, ang magulo, nagbubulungang mga empleyado, siksikan, at makalat na paligid ay biglang luminis at tila magic na naging maaliwas sa loob lang ng ilang minuto.Nagmamadaling nag-make up ang mga babae habang nagsusuklay. Samantalang inayos naman ng mga lalaki ang kanilang kurbata at basta na lang sinuklay ng kamay ang magulong buhok. Ang abalang mga empleyado kanina sa pagku-kuwentuhan ay bigla na lang nataranta. Sa isipan nila, kailangan nilang magpa-impress dahil siguradong magiging halimaw ang kanilang department manager kung mayro'ng mapuna ang may-ari ng building.Si Reina nag-aayos ng mga folder sa tabi ng lamesa ni enzo ay biglang napatigas. Namawis ang noo niya sa kaba, habang nakatingin sa bukana ng opisina. Hinihintay kung papasok nga ba talaga ang lolo ni
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Matthew mula sa kabilang linya. Malalim itong napaisip. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?""Tingin mo nagsisinungaling ako? At this state? Really, Matthew?""Hindi ako ang nagsabi niyan," mapaglarong tumawa nito. Nagawa pa ring magbiro sa kabila ng pagiging seryoso ni Natasha. Hindi niya pinansin ang pasaring nito. "Mayro'n pa pala. Kagabi, narinig kong hinatid ni Enzo 'yong intern. May kakaiba sa babaeng 'yon. Alam mo 'yong instinct ko, hindi pa ako nagkamali ng duda ko."Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Narinig niyang may tina-type ito sa laptop. "Kung gano'n... Anong dahilan niya ba't dito siya pumasok?" Maraming pumasok na senaryo sa isip niya. Pero natigil 'yon ng muling magsalita si Matthew. "Siguradong espeya siya mula sa kalabang kompanya. At pinadala rito para nakawin ang mga blueprint."Tila nagliwanag ang mukha ni Natasha ng sabihin 'yon ni Matthew. Sa tingin niya, mas maganda nga kung paratangan itong espiya na
Naitapon ni Natasha ang hawak na folder habang nakatingin sa kaniyang personal na laptop. Hindi pa siya na-trigger ng ganito mula ng nagtrabaho siya. She always maintains her professional dignity here, but Reina Olaso makes her lose her temper easily. Hindi niya matanggap na madali lang nito nakuha ang loob ni Enzo, kaysa sa kaniyang matagal ng kakilala.Mas lalong nadagdagan ang kaniyang inis ng ma-realize na nasayang ang kaniyang buong araw, dahil inuna niya pang tumutok sa laptop niya na may mga information tungkol sa bagong intern. "Napaka-imposible," bulong ni Natasha, habang ang kaniyang mga daliri ay 'di mapakali sa pag-top sa kaniyang table. Hindi pinapansin kung kanina pa pasilip-silip ang kaniyang secretary. Masyado siya nalulunod sa iniisip para pansinin at pagalitan ito. Muli niyang binalikan ang mga log. Ngunit kahit anong hanap niya ng mali ay wala siyang makita. Kahit sinong mga matatagal na sa ganitong industriya ay mapapahanga sa ginawa nitong pagbabago sa ilang fin
'Di makapaniwala si Reina sa kaniyang mga narinig. Gusto niyang tukuyin kung talaga bang pinagbabantaan siya nito. Ngunit bago pa makasagot si Reina upang ipagtanggol ang sarili, narinig niyang bumukas ang glass door ng opisina.Nakita niyang pumasok si Enzo. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod at puyat. Ngunit kahit na gano'n, malinis at pormal pa rin ang tindig nito dahil sa suot na kulay asul na polo shirt. May bitbit din ito sa kanang kamay ang laptop bag, habang sa kaliwa naman ay may hawak na puting folder."Alvendo, good morning!" masiglang bati ni Natasha sa lalaki bago pa man ito tuluyang makapasok sa opisina. Ang kaninang matalim at nakasimangot na ekspresyon ay bigla na lang napalitan ng isang malambing ngunit professional na ngiti, habang humahakbang ito papalapit sa pwesto ni Enzo."Good morning, Valderama. Anong ginagawa mo rito?" rinig niyang tanong ni Enzo sa babae."I just wanted to see how your new intern is doing. Sinisiguro ko lang kung ginagawa niya ba ng maay
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang it
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Ka
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan







